Skip to content

Ang pikon, talo

Ngayon may maipuri na rin ako kay Gloria Arroyo.

Ang galing pa lang niyang sales manager. Ngayon ang dami nang nagu-order na T-shirt na itim na may tatak na “Patalsikin Na. Now na” sa Black and White Movement.

Ito ang T-shirt na suot nina Dinky Soliman at Enteng Romano nang sila ay hinuli noong Biyernes habang naglalakad sila sa Baywalk kasama ng mga 20 nilang kaibigan na gustong ipakita ang pagkakainis kay Gloria Arroyo.

Salamat GMA, ha.Sa susunod mas marami na ang magsusuot ng T-Shirt na “Patalsikin Na. Now na.”

Siyempre defend-to-death naman ang mga aliporesni GMA. Sabi ni Gabby Claudio, presidential adviser for political advisers, nananadya raw sina Dinky, na dating social services secretary.

O, ano ngayon kung nananadya? Mabuti nga nagsuot lang sila ng T-Shirt at naglakad. Wala naman silang dalang T-shirt. Hindi sila sumigaw na “Gloria Magnanakaw!” O “Gloria Mandaraya!” O “Gloria Singungaling!”

Ang paghuli kina Dinky at Enteng ay nagpapakita na pikon na pikon na sina Arroyo.. Ang pikon, talo.

Dahil sa ginawa kina Dinky at Enteng, marami lalo ang nagalit kay Arroyo at gusto nang sumali sa rally. Kaya ang galing talaga itong si Arroyo mag-recruit ng miyembre para sa oposisyon.

Palakpakan si GMA!
* * *
Ito ang ilang kumento sa aking blog:

Sabi ni Ferdinand: “Bakit ikukulong ang laban sa isang huwad na gobyerno?
Ang unang dapat ikulong ay ang nagnakaw ng pinakamataas na position ng pamahalaan at iyan at ay si Arroyo. Isunod na ang kanyang mga bayarang alipores at gamitang heneral.”

Talaga. Ganoong rin ang pinagtataka ni Vonjovi sa paghahanting ng pamahalaan kay dating Sen. Gregorio Honasan na sinususpetsahan nilang pasimuno raw ng Okawood mutiny ang ang krisis ngayon.

Sabi niVonjovi: “Bilib na talaga ako sa mga kawalanghiyaan nitong mga Arrovo. Bakit kamo si Honasan ay may patong ng P5 milyon at bakit hindi nila nagawa kina Garcillano at Joc-joc Bolante ito?

“Kung ikaw pala ay marangal, ay uusigin ka ng gobyerno.At kung ikaw naman ay isang magnanakaw at nagpapahirap sa bayan ay maganda ang makakamit mo. May bantay ka pa mga sundalo para hindi ka malapitan.”

Ibang klase talaga itong si Arroyo.

Published inWeb Links

268 Comments

  1. ystakei ystakei

    Alam mo Ellen, isa ako doon sa mga hindi sumang-ayon sa pagpapatalsik kay Erap dahil kung Gloria lang naman ay di hamak na mas may malasakit sa mga mahihirap iyong palikerong ibinoto ng mga pilipino kaysa sa usli ang ngusong ito na nagparetoke yata ng mukha dahil ang pagkakatanda ko ay ubod ng pangit iyan si Gloria noong kabataan niya gawa nga ng may pagmamanahan ng kapangitan maging ng budhi!

    At saka alam kong walang masyadong utang ang Pilipinas noong panahon ni Erap gawa ng walang gustong magpautang sa kaniya dahil ayaw naman niyang isubo ang mga pilipino sa utang! Alam ko ito dahil alam ko ang ginagawang pagmamakaawa sa pamahalaan namin na kumbidahin si Erap sa Japan para sa makautang! Ang nangyari ay kukumbidahin sana si Erap noon Nov. 2000 kaya lang ay hindi na natuloy gawa ng impeachment na pinayagan ni Erap na isagawa dahil kumbinsido siyang wala siyang ginagawang masama at lalabas din ang totoo.

    Ngayon alam na natin kung sino ang talagang ulupong!

    Sa isang banda ay naniniwala akong para na rin siguro sa pagbubuklod ng mga pilipino na pinabayaan sila ng Panginoon na kanilang iupo ang isang ulupong para matoto sila ng husto. Sa nangyayari ngayon ay nakikita pa nga natin ang mga matatapang at may natitira pang prinsipyo sa kanila na maaaring ipalit sa kriminal na dapat nang natanggal noon pang umamin siyang tumawag siya kay Garci kahit na pagandahin pa niya na “lapse of judgment” iyon! Isa na siguro si Dinky Soliman na nagsawa rin ng kapapayong kay Pandak.

    Hindi ko kilala si Dinky noon kaya nang makita ko siyang nagpapayong kay Pandak nang pumunta sila para makipagkita doon sa mga pilipinong na-stranded sa Borneo at ang marami sa kanila ay nag-suffer pa ng dehydration sa kahihintay ng matagal sa pagdating ni Pandak. Iyon ang image ni Dinky na natira sa isip ko. Ngayon napalitan iyon ng image ni Dinky na palaban at hinihinila ng mga sipsip na pulis ng Maynila na dapat ay naglilingkod sa taumbayan, hindi sa isang kriminal.

    Mabuhay si Dinky at Enteng. May pambayad na sila sa mga abogado nila. Sa totoo lang ay isa ako sa mag-o-order ng T-shirt nila para ipamudmod dito sa Japan!

    Mabuhay ka rin Ellen! Ingat!

  2. ystakei ystakei

    P. S. Ibang-iba si Dinky doon sa Labor Secretary na tawag namin dito ay bugaw dahil sa pagbubugaw ng mga pilipina na ipinapadala ng DoLE para mag-entertain ng mga malilibog na hapon at iba pang mga dayuhan dito sa Hapon. Kahit na bawal ay patuloy pa rin ang paglabag nila ng batas ng Hapon sa pagbubugaw nila ng mga tinatawag na Japayuki sa Japan.

    At least, dito maikli lang ang kanilang mga damit. Balita ko doon sa Korea ay halos hubo’t huband ang mga pilipinang binubugaw doon!

    Kaya para kay Dinky, Mabuhay ka! Sumaiyo ang biyaya ng Panginoon! Lahat ng mangtatangkang manakit sa kaniya ay ipinagdarasal kong pahintuin ng Diyos sa lalong madaling panahon.

  3. goldenlion goldenlion

    Pakisabi ke gloria…….BAWAL ANG PIKON!!! Ano kaya ang pakiramdam ng isang pandak, sinungaling, magnanakaw, mandaraya at pikon??? Sagot ba naman ng kaibigan ko “e,di feeling president!!!”. Alam mo Ellen, sa nangyayari ngayon, kabi-kabila ang pag-aresto, pananakot ng mga gangster sa malacanang, medyo masaya ako. Kasi iyong mga guilty sa pagtataksil ke Erap ay nakakarma na. Me ginawa silang kasalanan sa bayan noong 2001, dapat lang nilang pagbayaran. At ito naman ginagawa ni gloria ngayon ay pagbabayaran din niya sampu ng kaniyang mga aso at tuta. Mahirap kasi dun sa elitista at civil society (kuno) ayaw pa rin mag-sorry ke Erap kaya patuloy silang nakakarma. aminin na ang kasalanan para mapabilis ang parusa at maisunod na agad si pandak.

  4. Anino Anino

    “Norway is closely monitoring the human rights situation in the Philippines and looks with great concern at the latest developments of disputed arrests and threats to freedom of expression,” Gahr said in his letter of reply to Norwegian Parliament member Anette Trettebergstuen posted by The Umauas Post, a Filipino community on-line news in Norway.” – Tribune

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20060321hed4.html

  5. jinxies jinxies

    21 March 2006

    Madama Ellen,

    Now it can be told, that back in 2000, gloria and the so called batasan 5 admitted yesterday that they conspired to oust then sitting president erap and stall her to presidency. Question is why only now that these so called batasan 5 revealed the truth behind the ouster of erap??? Is it because they are now being charged by rebellion by the same person they helped grabbed the presidency??? why only now that they are sounding the alrm bell, is it because they were promised of something that they cannot refuse.

    Anyhow, madam ellen, when then cong mike defensor and now alaminos mayor braganza (on separate occassion) visited Thailand in 2000, I was told by these two clowns that a plan to unseat then sitting president erap was in the making, defensor even said that they are planning to file an impeachment case / oust erap in november of 2000, and the rest is history.

    I was then working in bangkok from 1994 to 2001, there I met defensor and braganza (DAR secretary then).

    ANother thing, I have to remind you madam ellen, in your previous topic in your blog, I mentioned that then OPAPP head ermita told the members of the diplomatic corps that gloria won the election in the last week of may 2004. All these are true, I have the document regarding the statement of ermita to the diplo corps to prove that he said it infront of the diplo corp. Isn’t a violation of the election code pre-empting the COMELEC and the national board of canvassers in declaring who won the election.

    Its your call madam ellen, if you want the copy of the paper given to the diplo corps in may of 2004.

    jinx

  6. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Public curiosity about Black and White Movement’s “Patalsikin Na. Now na” T-shirt why it is forbidden by bogus President Gloria Arroyo makes it sellable like a hot cake. Bakit kaya kapag bawal iyon ang hinahanap o dili kaya mas masarap iyong bawal? heheheheh
    Is this a human nature?

  7. Anino Anino

    HYPOCRISY: GMA conspired with left, military for Erap ouster

    “Six years after the fact, the truth of the conspiracy to oust then sitting President Joseph Estrada, the duly-elected and duly-constituted Chief Executive, has finally surfaced, with the leftist elements in Congress now admitting they had conspired with then Vice President Gloria Arroyo as early as 2000, to topple Estrada, who is now accused and detained on plunder charges…

    Casiño stressed that in these meetings that were mentioned by his colleague, Mrs. Arroyo was “very receptive” in the matter of the ouster plot against Estrada and posed no objection to this plot.

    Casino, who was then in the forefront of the Bayan protests, stressed it was Mrs. Arroyo, not the leftist groups, that discussed this plot with the military.” – Tribune

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20060321hed1.html

  8. Anino Anino

    “Norway is closely monitoring the human rights situation in the Philippines and looks with great concern at the latest developments of disputed arrests and threats to freedom of expression,” Gahr said in his letter of reply to Norwegian Parliament member Anette Trettebergstuen posted by The Umauas Post, a Filipino community on-line news in Norway.” – Tribune

    http://www.tribune.net.ph/

  9. Anino Anino

    “Norway is closely monitoring the human rights situation in the Philippines and looks with great concern at the latest developments of disputed arrests and threats to freedom of expression,” Gahr said in his letter of reply to Norwegian Parliament member Anette Trettebergstuen posted by The Umauas Post, a Filipino community on-line news in Norway. – Tribune

    http://www.tribune.net.ph/headlines/20060321hed4.html

  10. ystakei ystakei

    Anino:

    Kahit naman hindi magsalita ang 5 partylist congressmen ay alam na alam naman nating kasama sila sa pagpapabagsak kay Erap. Kilala ko kasi si Liza Masa dahil noong mga 1989 or later, na-meet ko siya kasama ng isang miyembro ng KMU nang hinilingan akong mga-interpret sa kanila at nakita ko siyang katabi ni Pandak sa mga rally nila laban kay Erap. Isa pang kasabwat ni Pandak iyong mga Aboitiz na may-ari ng mga bapor papuntang Cebu na balita ko ay sadyang pinalubog ang bapor nila para makakuha ng insurance. Bagay balita lang ito na hindi mapatunayan dahil nga ayaw namang galawin ng maykapangyarihan dahil nga galamay ni Pandak.

    Kawawa naman ang mga taumbayan ng Pilipinas na hindi ginagalang ng mga pulis, et al na pinalalamon nila ng kanilang mga taxpayers’ money.

  11. Anino Anino

    WG&A in Cebu means “William Gui-ilad ni Aboitiz” implying William of the former Gothong Lines was being swindled to a merger by Aboitiz. “Superferry” was the name of the former Aboitiz’s carriers. Nilamon ang dalawang shipping lines, that’s what i’ve heard from the locals.

    While Aboitiz was the President of the National Power Corp. under Aquino Regime, his company was into importation of Generating Sets. Later on, there was a Power Crisis and he was making big bucks of course. Conflict of Interest. And a little later, 100? Pajeros were issued to his subordinates in same office.

    He is a very skilled businessman, able to play whoever sits in the government.
    ——–

    I think what the Batasan 5 want to emphasize is that if they are doing a rebellion today, GMA and Reyes must have done a rebellion 6 years ago which the High Court then conformed with.

    Anyway, I haven’t heard about Reyes lately except his alleged involvement in the failed “mock terrorism” attempt by government soldiers. Of which he has to answer yet.

  12. Anino Anino

    Should have read:

    “WG&A in Cebu means “William Gui-ilad ni Aboitiz” implying William Lines and the former Gothong Lines were being swindled to a merger by Aboitiz.”

  13. Para sa Kanto Mama Para sa Kanto Mama

    Yan ang produkto ng mga galamay na takot at bobo. Lahat ng resources ng gobyerno ibabato sa kahit sinong nagpoprotesta. Sa sobrang takot, akalain mong konting usok pa lang ang nagagawa ng BWM, binalak agad patayin. Sa sobrang bobo naman, sa halip na buhusan ng tubig, pinaypayan ng pinaypayan. Tamo, umapoy tuloy.

    Ewan. Patong patong na kalbaryo natin: galit na nga tayo dahil sa pandarambong nila, napapatungan pa ng inis dahil sa kabobohan nila.

    Sana dumating na yung panahon na sila-sila na yung magpatayan dahil sa kasakiman sa mga nakulimbat nila sa bayan.

  14. myrna myrna

    Sinasabi na nga ba, walang sekreto sa mundo eh! O tingnan natin ang headlines sa mga diyaryo ngayon tungkol sa pakikipagsabwatan ni Gloria para patalsikin si Erap. Tapos ngayong siya ang pinapaalis, malaking krimen na. Talaga nga naman, ang motto ni Gloria ay: “do what i say, and not what i do”. DOUBLE STANDARD!

    Ellen, matanong ko, sino ba si Samuel Lee, at sino ang asawa niya? May kaibigan kasi akong galing lang diyan na nagkwento tungkol doon sa raid sa 168. involved ba si Pidal dito?

  15. ystakei ystakei

    One of the things that Filipinos should learn to do is insist on their rights as guaranteed by their Constitution. Problem is they have been so brainwashed to think apparently that lawyers, policemen, etc. are the only ones who can have rights under the law and even above the law as the case is in the Philippines now.

    I am into an advocacy in Japan helping Filipino women in distress but I cannot help feeling irritated whenever they get into a jam because of such reasoning as “hindi ko kasi po alam” even when it comes to things that they ought to know in order to have a good and secured life. As they say in Tagalog, ang daming palusot. Kaya nawiwili iyong kriminal na ayaw bumaba because of the money and the prestige that she, her husband and her kin coveted.

  16. goldenlion goldenlion

    Muntik ko nang sampalin itong isang student ng (school who supports gloria). Tanong ba naman sa akin, “bakit ka nagagalit ke gloria ?” , sagot ko, “eh bakit naman hindi?” tanong ulit sa akin “bakit tumutulong ka ba sa kanya (gloria)?”. Sinagot ko ulit “bakit ko siya tutulungan?”, sagot ng student “dahil siya ang president natin”, aba!! sagot ko ulit, “paano naging presidente iyon ay hindi naman ibinoto ng mga tao?”. Bigla akong tinalikuran ng bading na studyante sabay sabi, “e di mandaya ka rin para magkaroon ka ng posisyon sa gobyerno!!”..GANUN??? totoo pala ang tsismis..ha, ha, ha, ha.

  17. May kilala rin akong ganyan. I feel sad of what has become of our values system.To think na may ginawa pa si Gloria Arroyo na Commission on Values.

  18. anna de brux anna de brux

    I believe not all Filipino cops are aware of the Universal Declaration of Human Rights.

    A copy of the declaration SHOULD BE POSTED (and translated if
    necessary in the local dialect) MANDATORILY in every police station and precinct, in each classroom and in every public building in the whole archipelago for the Filipino population to read and realize that they have RIGHTS.

    In the same manner that a copy of the ARTICLES OF WAR should be posted in every military building and every Philippine Navy ship for all military officers and men to know their duties and responsibilities. (A good practice in the UK and in France)

  19. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    Re: “To think na may ginawa pa si Gloria Arroyo na Commission on Values.”

    Talaga? Hindi na nahiya.

    Pero OK iyon kung ang Commission will draft or prescribe set of values based on Gloria’s poor and illegitimate governance like a list of DOs and DONTs…

  20. Mike Mike

    Commission On Values like; the value of their properties in sanfo, the values of all their wealth amassed from the coffers of the nation which belongs to the filipino people

  21. aleXXX aleXXX

    Mga kapatid.
    Isa lamang ang ibig sabihin ng nangyaring ito kina Dinky Soliman. Martial Law na! Sa mga nagsasabing pagod na sila sa peoples power, pwes wag kayong magreklamo! lunukin nyo ang resulta ng inyong pagbibingi-bingihan. Hayaan nyo ang mga elitista ang magdikta kung paano nyo patatakbuhin ang inyong buhay. Kung di kayo kikilos para umalis si gloria sino pa? ang mga sundalong bayaran? Ang mga ito ay busog sa mga tiratira ni glo at mga kasabwat nya. pra silang aso na nanginginain sa mga nahuhulog sa pingan ni gloria.kaya lahat ng lumapit kay gloria kay kakagatin nila. Gaya ng komento ko isang kolum tungkol sa sinabi ni gloria na kagustuhan ng Diyos kung bakit sya nandyan. MArahil ay tama sya. kung susuriin ang biblia, pinahihintulutan ng Diyos ang giyera, sakuna at iba pa para supilin ang mga bansang tumataliwas sa tama. Di kaya nagiging ganito na ang pilipinas? Pakanya-kanya na…. di na sinasaalang-alang ang kabutihan ng lahat. kaya kung ayaw nyo sumama sa pagkilos, itikom ang bibig at magmukmok na lang sa isang tabi….dahil isa ka sa dahilan kungbakit nandyan si gloria. Para naman sa Batasan 5, mga hunyango kayo. Sumasalamin sa ginawa nyong yan ang tunay na mithiin ng inyong grupo. Kung talagang malinis ang hangarin nyo na iligtas ang bayan dapat noon nyo pa ginawa yang pagbubunyag na yan…. mga duwag! halatang gusto nyo lang iligtas ang inyong sarili sa kaso. Ang mga gaya nyo ay di dapat pinauupo dyan sa kongreso. Ngayon mabango kayo dahil nasa oposiyon kayo pero pag alis ni gloria kahit sino pa ang maupo siguradong nasa kalye na naman kayo at putak ng putak. Mga pilipino mag-isip kayo! Isa lang ang pilipinas….ang pilipinas ay para sa pilipino…masang pilipino…di lang sa iilan. Kayo ang magmamando kung saan pupunta ang bansang ito.

Leave a Reply