Delikado na itong kalagayan ni Gloria Arroyo. Desperada na siya . Para siyang boksingerong hilo na kung saan-saan na lang ang suntok.
Sa gitna ng naglalabasang bagong pruweba sa pandaraya na kanyang ginawa noong 2004 elections, ang sagot niya ay ipapatuloy niya ang paguusig ng mga lumalaban sa kanya. At ito raw ay gagawin niya sa isang malawakang at tuloy-tuloy na pagwalis ng mga kalaban. “One comprehensive continuing sweep.”
Sige. Hulihin mo ang lahat na ayaw sa iyo. Hulihin mo ang 80 porsiyento ng Pilipino. Milyun-milyon yun. Sa survey kasi ng SWS, walo sa sampung Pilipino ay ayaw kay Arroyo.
Ang inuusig ngayon ni Arroyo ay ang mga tao na gusto siyang patalsikin. Bakit nga ba gusto siyang patalsikin? Dahil siya ay nandaya ng election noong 2004. Hindi siya nanalo. Siya ay nagsinungaling. Siya ay nagnakaw hindi lamang ng pera kungdi ng tiwala taumbayan sa eleksyon at sa mga institusyon na sandigan nd demokrasya.
Paparusahan raw ng mabigat mga sundalo na nagtangkag patalsikin siya. Wala raw amnesty para hidi na raw umulit. Sabi naman ni Army Chief Hermogenes Esperon, ilalahad niya ang buong kuwento ng naudlot raw na coup sa mga susunod na araw.
Sinimulan na kasi ni Esperon ikinuwento kung paano kinusap nina Brig. Gen. Danny Lim ang ibang service commanders katulad nina Air Force Chief Jose Reyes at Flag-officer-in-command Mateo Mayuga.
O, ano ngayon kung gusto nina Gen. Lim at Col. Ariel Querubin patalsikin si Gloria. Dapat lang dahil nang-agaw lang naman siya ng kapangyarihan. Ano ba ang ginagawa sa power grabber? Di ba pinatalsik? Malaking serbisyo sa bayan ang ginagawa nia Lim, Querubin at ang mga sundalo na gustong mag withdraw ng suporta kay Arroyo.
Ang dapat ilahad ni Esperon sa taumbayan ay paano niya itnulungan si Arroyo at ang kanyang mga election operators sa pangunguna ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na mandaya at magpalit ng resulta para palaasin na nanalo si Arroyo kahit na ang tutuong nanalo ay si Fernando Poe, Jr.
Praning na praning na si Arroyo dahil sa dami niyang binayaran at tinatakot, mayroon pa ring Pilipino na may konsyenya at ngayon ay lumalakas na loob na maglabas ng pruweba sa kanyang pandaraya.
Inilabas ng Malaya, Newsbreak at Philippine Center for Investigative Journalism ang litrato ng operasyon nina dating regional elections director Roque Bello para palitan ang election returns sa ballot boxes na nakatago sa Batasan. Susunod lalabas ang video nang dinala nila yung mga ballot boxes na may lamang pekeng ER.
Itong mga litrao ay kuha ng isang miyembro ng operasyon na ngayon ay kinukunsyensa.
Makikita itong mga litrato sa aking blog:www.ellentordesillas.com.
BAKIT HINDI MUNA NILA ILABAS ANG REPORT NI MAYUGA. SIGURO AY HINDI PA NILA NABABAGO OR NAPAPAYAG SI MAYUGA NA IBAHIN ANG NASA REPORT. KUNG LALABAS NAMAN IYAN AY WALA NA SIGURONG MANINIWALA DAHIL KUNG WALA SILANG KASALANAN AY NOON PA NILA NILABAS ANG REPORT NI MAYUGA. DECEMBER PA TAPOS AY HANGGANG NGAYON AY HINDI NILA MAILABAS. ESPERON AT SENGA IPALIWANAG MUNA NINYO ANG SIDE NINYO KUNG MAGKANO ANG BINAYAD AT NALAGYAN KAYO NG STAR SA BALIKAT. BINABOY NINYO ANG MORAL NG AFP. MAS MAY GANA PA KAYONG MANAKOT SA MGA MARARANGAL NA KAWAL. NAKAKA HIYA KAYO. GAGAWA KAYO NG BAGONG KULUNGAN AT KAYO ANG UNANG IPAPASOK NG BAYAN DIYAN AT SAMA SAMA KAYO SA LOOB KASAMA ANG AMO NINYONG KUMANDER CHEAT-A THIEF. NAKAKAHIYA ANG PAMILYA NINYO….. MGA DOROBO..
Hindi lang hilo si gloria, praning na!!! Mandaya ba naman siya, tapos magnakaw at magsinungaling, talagang papanawan na siya ng bait! At kahit anong pananakot ang gawin niya sa mga kalaban niya,na huhulihin, at ikukulong, hindi titigil ang taongbayan hangga’t hindi niya inaamin ang lahat ng kanyang kasalanan na pilit niyang itinatago. Lalabas at lalabas ang totoo. Bago dumating ang anihan, dapat magdasal na siya sa mga lords niya: drug lord, jueteng lord, gambling lord, business lord at lahat ng lords of the jungle sapagkat siya kasama si jose pidal ay ikukulong sa Tanay kung saan plano niya dalhin ang mga sundalo ng Magdalo. Kaya sa mga alipores niya, handa na ba kayo?
Ano kaya kung magvolunteer kayang magpahuli lahat ng mararangal na junior officers, sa dami nila baka hindi na magkasya sa mga kulungan at hindi na kailangan ipurge yung mga lider, baka hindi malaman ni siraul gonzales kung paano kakasuhan at tutukuyin ang mga tunay na mga lider at nang malaman ng civilian kung gaano kayo karaming mga sawang-sawa na sa gobyerno ni gloria. Di na kailangan ang coup ipakita lang ang pagwithdraw ng support kay aling gloria tulad ng ginawa na ni General Danilo Lim.
Diyos ko day!!!..Sa mga evidences na ito dapat himatayin na si gloria sa kahihiyan. Pero kasi nga makapal na ang apog, singkapal na ng pader kaya hindi na sila nahihiya. Itong si Mike Defensor, bata pa nalason na ang isip. Sayang ang pinag-aralan (meron nga ba) niya kung gagamitin lang sa pagsisinugaling. Tama ang sabi dun sa isang message, ang ikamamatay ni gloria ay alin sa tatlo: atake tulad ni wycoco, mag-suicide kaya ( may tendency, dahil nabubuhay siya sa isang pantasya, makausap ba naman daw ang Diyos, at sabihin niyang siya “ang best person to lead the country), or atakihin siya sa pag-iisip hanggang sa tuluyang mabaliw. Pero pakiramdam ko baliw na talaga siya, kasi baliw na rin sina Bunyeta, Raul gonsalez, Defensor at Ermita..”monkeys of the same brains bark together”. Ay mali!!! Tingnan nyo, nakakahawa talaga ang virus ni gloria. Alisin na iyan sa malacanang bago pa maging pusali ang palasyo.
Ellen,
Kung gusto talagang parusahan si Lim at si Querubin, ang kanilang kasalanan ay simple: clear cut ang military law, hindi pareho ng civilian law.
BGen Lim: Insubordination (hindi puwedeng mutiny dahil hindi siya lumabas ng headquarters) – kung hindi siya humingi na patawad sa kanyang commander in chief, puwede siyang ikulong at pagkatapos ay forfeited ang kanyang pay at pension with dishonorable discharge.
Hind puwedeng mag MUTINY ang isang tao lang – kailangan ay minimum na tatlo at may threat pa na kasama.
Col. Querubin: medyo mas delicado ito – ngunit dahil hindi siya pumunta sa Edsa kasama ng mga sundalo para mag withdraw ng support, at dahil bumalik sila sa barracks, ang kanyang kasalanan ay inciting other officers and men to commit mutiny. Pero kung talagang serious ang AFP na magparusa ng mga erring officers, puwede nilang charge si Querubin ng MUTINY.
Sa military law, ang mutiny ay may DEATH Penalty.
Kung talagang seryoso si Gloria, kailangan mag-parusa sila ng DEATH.
Ang problema ngayon ay si Angie Reyes noong mag-mutiny siya at ang ibang mga major service commanders ng NAVY, AIR FORCE (itong si Benjie Defensor ay puwedeng maka-alpas ng mutiny dahil may circumstances), ARMY, SOLCOM, NOLCOM, WESCOM, VISCOM, SOCOM commanding generals – lahat sila ay dapat bigyan din ng DEATH PENALTY.
Paano magigging seryoso si Gloria ngayon?
Kung magsersryoso tayo sa Pilipinas ng punishment for the erring military officers e hindi lang ang mga officers na nag-mutiny ang puwedeng maparusahan! Siy Gloria at ang kanyang asawa na si Mike ay passable ng coup d’état at ito ay kailangan din parusahan ng DEATH penalty dahil may armed military component silang ginamit (si MajGeneral Espinoza at threat of armed violence against the Constitutional government.
Ellen,
In response to the creeping fascism in the Philippines:
RESPECT HUMAN RIGHTS AND CIVIL LIBERTIES, FREE REP. CRISPIN “KA BELTRAN”!
Statement of the Hong Kong Campaign for the Advancement of Human Rights and Peace in the Philippines (HKCAHRPP)
The Hong Kong Campaign for the Advancement of Human Rights and Peace in the Philippines, a coalition of composed of grassroots organizations of workers, women, students, human rights advocates, civil libertarians, church people, NGOs, journalists and migrant workers in Hong Kong, vehemently condemn the continued detention of Rep. Crispin Beltran of Anakpawis (Toiling Masses) Party.
His illegal arrest and detention since February 24 by elements of the Criminal Investigation and Detection Groups (CIDG) of the national police gravely violates his fundamental human and political rights. His continued detention despite his critical health condition exposes the government‚s lack of respect for human rights specially those who are critical of the government‚s policies.
Moreso, other members of the Parliament belonging to progressive partylists like Reps. Satur Ocampo, Joel Virador and Teodoro Casino of Bayan Muna (People First) Party; Rep. Rafael Mariano of Anakpawis Party and Rep. Liza Maza of Gabriela Women‚s Party are under the threat of warrant-less arrest.
On Feb. 28, the entire House of Representatives, recognizing that probable cause has yet to be established in their case, unanimously approved House Resolution 1169, a bipartisan resolution that reaffirmed the right of Rep. Beltran and the rest of the progressive parliamentarians to due process and gave them „protective custody‰ absent any judicially issued warrant of arrest resulting from a preliminary investigation or indictment.
However, despite the Lower House‚s protective custody, the Arroyo government, specifically its National Police, has disregarded this very basic right and insists that once they get out of their offices, they will be arrested even without warrant in clear violation of their rights under the Constitution and various laws.
Even after the so-called lifting of the “State of National Emergency”, the government continues to threaten political opponents, activists and progressive legislators with warrantless arrest. Peaceful protest actions and assemblies are met with violent dispersals by the police while strict government monitoring in the media is still in place.
Meanwhile, political killings in the provinces targeting leaders of peasants and workers organizations, human rights advocates, church people, lawyers, journalists and progressive local government officials are escalating. Since 2001, more than 80 party members of Bayan Muna, at least 24 mebers of Anakpawis and Gabriela were killed by suspected military operatives. Santiago Teodoro, chair of the Bagong Alyansang Makabayan (New Patriotic Alliance or BAYAN) in Bulacan province, was gunned down as he was driving in Barihan town on March 9. He was the 20th militant leader killed in the province since 2005 and the 47th in Central Luzon.
These and the President’s consistent announcement of government and military crackdown on “enemies of the state”, or should we say enemies of the President, only show that the Philippines is again under martial rule.
We join the Filipino people in their quest for genuine democracy, social justice and respect for human rights. As we pledge our continuous solidarity, we urgently demand the following:
1. Immediate and unconditional release of Rep. Crispin Beltran and other political detainees;
2. Stop political intimidation and police harassment to progressive parliamentarians;
3. Respect freedom of speech, peaceful assembly and of the press; and
4. Uphold and respect the civil, political and basic human rights of the Filipino people;
12 March 2006
Hong Kong Campaign for the Advancement of
Human Rights and Peace in the Philippines
c/o ASA, No. 2 Jordan Road, Kowloon, Hong Kong SAR
Tel. (852) 98105070, 97409406 Fax. (852) 25262894
E-mail: hkcahrpp@gmail.com
Ellen,
An Inquirer front page pic shows Gloria Macapagal-Arroyo, the inveterate and pathological liar and creeping fascist handing over a 1-million peso check (as “balato” or alms) to Army chief Esperon, one of the Gloria generals involved in the 2004 election campaign for Gloria, for a housing project in Fort Magsaysay.
Nothing wrong with making “balato” but it is all morally wrong to make a “balato” as a form of charity or alms to Army troops as if they were mere beggars and scavengers.
Although we all know that the ordinary troops are impoverished, Gloria’s act is despicable – she treats Army soldiers as mere beggars to be given “balato” and alms. That’s how the Liberian president would treat his Army.
A nation’s army must be treated with respect – Esperon’s Army doesn’t want a “balato”. What the Army wants and needs is for the law to provide for automatic troop housing and health care.
Gloria is all wrong for the country; she continues to bring the level of governance to the level of the despicable.
Alam mo Ana:
Parang kumuha ng malaking batong pamukpok sa ulo ang mga pilipino sa pagpapaupo kay Tiyanak na ubod ang hangin sa ulo pati na iyong asawang sakim at kahit na iyong anak na hinuhubog sa kawalanghiyaan. Sayang, pero saan pa ba magmamana ang anak kundi sa magulang gaya ni Tiyanak na kapareho rin pala ni FPJ na hindi mga kasal ang mga magulang nang ipinanganak gawa naman na walang diborsyo o annulment ng mga kasal noong panahong iyon. Buti pa nga si FPJ at ang mga magulang ay mga walang mga pananagutan sa buhay bagama’t hindi pa muna nagpakasal.
Anyway, itong ginagawa ni Tiyanak ay talagang trabaho ng mga CRIMINAL. I can spot one when I see one because I worked as interpreter cum investigator for the Japanese police at sa national prison dito sa Hapon. Dito iyan matagal na sigurong nailagay ang ungas na iyan sa urn gawa ng kung talagang may dangal ang taong iyan at ayaw mayurakan ang karangalan ng kaniyang lahi at angkan ay tatalon na lang sa mataas na gusali o magbibigti sa isang hotel gaya ng ginagawa ng mga politiko dito na nabisto ang mga kawalanghiyaan na hindi pa nga kasing grabe ng ginagawa ni Pandak kung ayaw nilang ma-ostracize for life (pati kasi pamilya kasi karamay sa paghuhusga ng lipunan) kesa makulong at ituring mga yagit!
Sayang at walang kulturang ganyan ang mga pilipino. Kundi tapos na sana ang paghihirap ng mga pilipino. Kaya ang solusyon na lang diyan ay mag-aklas na ang mga taumbayan at huwag padadala sa gimmick ni Pandak na hindi siya ang CRIMINAL kundi ang mga nagpapaalis sa kaniyang mga niloko niyang sambayanan!
Dasal ang kailangan na sana ay matuluyan siyang katulad ni Wycoco at iba pa at nang matapos na ang paghihirap ng mga pilipino. Sa isang banda naman ay parang blessing in disguise naman ang nangyayari at nakikilala na ng mga pilipino kung sino-sino ang mga kaaway ng bansa at sambayanang pilipino, at mga dapat nang hindi paupuin kapag nagkaroon ulit ng eleksyon. Iyong mga hindi bumoto sa impeachment halimbawa ay dapat nang paalisin lahat at wala nang bibigyan pa ng pagkakataong makabalik sa puwesto.
Kailangan nang tanggalin ang mga bugaw, magnanakaw, sinungaling, burot, sakim, etc. sa pamahalaan. Hindi sistema ang problema. Ang nagpapairal ng batas at binabago ang sistema ayon sa sariling kapritso tulad ng ginagawa ni Pandak, et al ang dapat na patalsikin ngayon din!
Nakikiramay sa inyong lahat!
quoting abs-cbnnews.com:
During the oral arguments, Benipayo admitted to the high court justices that there were some wrong actions in the implementation of PP 1017.
Benipayo, however, was quick to clear Mrs. Arroyo from any liability, saying the police and the military should be faulted for certain acts.
Upon the declaration of PP1017, the President ordered the police and the military to do all it can to thwart the remaining coup plot against the government.
—> that was before he (Benipayo) resigned. Siguro pagod na siya sa kababasa ng Malacanang-made script. Imagine, his mission was to clear gma (daw) from any liability and instead throw the blame on the military? Eh, who declared PP1017? Naku! Querol, Lomibao HALA BE CAREFUL! Kayo lang pa la ang planong papanagutin. Naku itong si Glue-ria, mischievous talaga!!!
P.S: Glue-ria, your administration smells like rotten potatoes.
Gosh, ano ito? Sabi ng mga pulis, utos ni Siraulo para sa reyna niya, na may bago silang witness laban sa 5 partylist Congressmen na tumalo kay Gonzales noong halalan na isang bakla na tumatae daw nang makita niya sa bukid sina Satur Ocampo, et al na kinakausap si Lawerence San Juan!
Susmaryosep! Ganoon pa rin ba kaprimitibo ang mga pilipino at sa bukid tumatae kahit ngayon? Dito mayroon pa kaming washlet sa bahay namin na may water massager pa, goobye tabo na!
If this is not insulting the intelligence of Filipinos by presenting a gay witness, who claims he saw the 5 Congressmen with the Magdalo soldier while defecating, what is? Grabe nang panggagago ito!
I wonder if the gay witness is one of those inmates at Muntinlupa, etc. who wants to get released earlier and has agreed to be used as a witness and lie under oath.
Ellen,
Kailangang bantayan niyo ang mga Buwayang General na sina Senga, Esperon, Habacon, Lumibao, Tolentino, Palparan. Mukhang may ini-isip na hindi maganda. Mukhang sila ang gagawa ng kudeta. Mayroon na silang grupo na kunyari magtatanggol kung sakali’t may magkudeta na hindi nila kapanalig. Nagpagawa na rin sila ng KULUNGAN para doon nila itatapon ang mga lalaban sa kanila at kasama na rin ang mga Buwayang mga Tong-ressman, Sena-Tong kasama na mga oposisyon at mga kolumnista. Yan ang mga uupo sa Junta. Kung si Unano naman, alam na naman natin na kahit anong gawin niya hindi na maalis sa isipan ng tao na siya ay isang MANDARAYA, MAGNANAKAW (sama Pamilya) AT KUNG ANO ANO PA. Alam niyang SIRA na siya at para makabawi siya sa mga sumira sa kanya at sa kanyang basbas binigyan na niya ang go signal ng mga General na yan. Naging General lang naman ang mga yan dahil sa kanilang prinsipiyong PERA muna bago ang lahat.Hindi na sila nahiya, sabagay kahit tignan mo ang mga mukha nila hindi mo mapagkatiwalaan.Ni hindi nga sila kagalang-galang.
Hi Ellen!akala ko hindi lalabas dito yong cheating pictures ng pekeng pres. dyan kase it took few seconds bago lumabas dito. But The Daily Tribune wala talaga today.
Hayop talaga yang bansot na yan.
Ingat ka lang lagi dyan.
Thanks!
Sabi ni Mike Defensor kaya daw nakatakip ng T-shirt iyong witness nila kasi siyempre daw may karapatan iyong tao na protektahan ang kanyang kapakanan dahil hindi daw basta-basta ang mga taong idinadawit niya. Sus!! naman Mike!! ginagawa mo kaming gago. ano ka hilo? Bakit sina Sandra Cam, humarap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa jueteng pero hindi nakatakip ang mukha at ang inaakusahan nila ay ang first(kuno)family ??? Hindi ba mas delikado ang buhay nina Sandra? ang sabihin mo…nagsisinungaling iyang witness nyo!!! Nahihiya siya sa kanyang ginagawa. Tamaan sana ng kidlat ang nagsisinungaling !!! Putukan sana kayo ng bulkan, lindulin kayo ng intensity 7 para bagsakan kayo ng mga haligi ng malacanang!!!!
The verses from Holy Bible “Nothing in all creation can hide from Him. Everything is uncovered and exposed before his eyes.This is the God to who we must explain all that we have done” (Hebrews 4:13) The pictures show on how to manipulative the ER by the master operator and the truth came out that Gloria really cheated the election and stole the presidency.
” For the word of God is full of living power. it is sharper than the sharpest knife, cutting deep into innermost thoughts and desires.It exposes us for what we really are” (Hebrews 4:12) so one of the participant of team who manipulative the ER could no longer conscience and no peace of mind he release the photos. Lahat ng baho ng rehimo ni Gloria ay lalabas.
wHO ARE YOU TO JUDGE PEOPLE WHO HATH NO SIN CAST THE FIRST STONE. dONT QOUTE BIBLE VERSES WHILE YOU ARE JUDGING PEOPLE TOO.
Ang bulok ay sumisingaw.