Nakakatakot pala kapag pinu-protektuhan ka ni Metro Manila Police Chief Vidal Querol.
Tingnan nyo ang nangyari kay Akbayan Rep. Rissa Hontiveros-Baraquel na kanilang inaresto habang nagma-martsa para sa selebrasyon ng International Women’s Day noong Miyerkoles.
Sa salaysay ni Rissa, siya at dinamot at pinilit isinakay sa sasakyan at nila sa Camp Karingal kasama si Joshua Mata, secretary general of the Alliance of Progressive Labor.
Nakita natin sa TV ang karahasan ng mga alagad ni Arroyo habang sumisigaw si Rissa, “Huwag nyo akong hawakan. Huwag niyo silang saktan.”
Dahil sa kumbinasyon ng katangahan at walang respeto sa batas, hindi inisip ng mga alagad ni Arroyo na si Rissa ay miyembro ng mababang kapulungan at hidi maa-aring arestuhin kung ang parusa sa kasalanan ay mababa sa anim na taon.
Ngayon ang palusot ni Querol, inalis raw nila si Rissa sa kapahamakan.
Ginagawa tayong tanga ni Querol.
Iyan ang mapanganib sa nangyayari ngayon sa pamumuno ni Arroyo na siyang mismong walang pangundangan nambabastos ng batas at ng taumbyan para lamang mapagtakpan ang kanyang ginawang krimen na pandaraya, pagsinungaling, at pagnanakaw.
Kung ang kinikilala nilang presidente ay walang paggalang sa batas, ganun din ang gawin nila.
* * *
Maganda ang talakayan sa aking blog (www.ellentordesillas.com) tungkol sa sinabi ni Gloria Arroyo na nasa plano ng Panginoon na manatili siya sa Malacañang.
Tugma ang pahayag ni Archbishop Oscar Cruz sa sinabi ng aking kaibigan na may topak itong si Arroyo. Ikinuwento ko ito sa aking kolum noong Huwebes. Sabi ni Archbishop Cruz: “With all due respect to the President and I say this with emphasis, a good number of mentally deranged people also claim that they are God-sent. To verify this, you can just go to mental institutions or psychiatric ward of hospital.”
Ngunit hindi sang-ayon si B.F. Ronquillo:“Walang topak si Gloria Macapagal-Arroyo. Ang taong me topak ay hindi alam ang kaniyang ginagawa kung kaya’t walang pananagutan sa kaniyang mga asalanan. ka nga e “not guilty by reason of insanity.”
Sabi pa ni BF, “Si GMA ay alam at planadong lahat ang ginagawa. Pagdurusahan niyang lahat ang kaniyang mga pagkakasala. No insanity plea for her.”
Ganoon rin ang sinabi ni Jay Cynikho at ni Peacer051. Pinaala-alahan din ni Jay si Arroyo sa unang kautusan ng Diyos na “Thou shalt not take the name of the Lord in vain.” Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos sa iyong pagka-banidosa.
Iyan din ang buod ng pahayag ni Bro. Eddie Villanueva, ang lider ng Jesus is Lord Movement. “Walang sino man maaring maghamak sa Panginoon,” sabi ni Bro. Eddie. Kasi para rin naman talagang nanghahamak si Arroyo sa Diyos sa kanyang pagyayabang sa gitna ng maraming niyang katiwalian na nabulgar simula sa kanyang pandaraya noong 2004 na eleksyon at sa paggamit ng pera ng taumbayan para sa kanyang pansariling interes.
Kumuha rin si Bro. Eddie na isang pahayag sa Bibliya bilang warning kay Arroyo:”Pride goeth before the fall.(Ang pagyayabang ay sinusundan ng pagbagsak)”
Alam mo Ellen, nakakatakot iyang si Querol ng PNP. Pilit niyang IKINAKASYA ang gusto niyang gawin at gustong niyang mangyari sa tinatawag niyang rule of law. Delikado iyan, kasi sa isip niya walang hindi siya maaaring gawin. Kambal-tuko niya sina Gonzales, Defensor, at Bunye. Sunud-sunuran sila kay GMA.
Ang BARKADANG ito ay NAGBULAG-BULAGAN sa isang katotohanan: Ang hanay ng mga sumisigaw na bumaba si Gloria ay ang buong BAHAGHARI ng LIPUNANG PILIPINO. Ang lahat ng KULAY ay naruon. Ngayon lang nangyari ito. 100 porsiyento na ang sumisigaw. Umiiyak. Umaangal. Umaangil. Umaatungal.
Aakalain mo ba na ang isang kabilang sa elite na si Dean Jorge Bocobo at ang isang aminadong kabilang sa masa na si Bernardo F. Ronquillo ay magpapanagpo ng isipan? Biruin mong nagawa ni Gloria na pag-isahin ang lahat ng kulay ng lipunan natin upang maging iisang bahaghari – laban sa kaniya.
A citizen recently sued the Toronto Police Services for over 2 million for stopping and questioning him because the police said he looks like one of the suspects. The plaintiff complaint that he was stopped because he was black and driving an expensive car. That event was immediately after a shootout by groups of young blacks and if you take it into the context of what has just occured you might say that the cops may had done the right thing. But it also happpened that the plaintiff is a lawyer and had nothing to do with the crime. My point is why not Akbayan Representative Baraquel sue the Metro police for Unlawful Arrest or Harassment?? You can not just arrest anybody without reason, no charges laid and don’t pay the consequence for such stupidity. Now, I’m not surprise the PNP was cited by the U.S. State Department as the Gross Violator of Human Rights. It is indeed sad when the Police Authorities, entrusted to protect the well being of the citizens are the ones abusing it..
Dating pulis ang aking ama at malaki ang galang ko sa mga pulis pero hindi ang pulis ng Pilipinas na kilalang-kilala kahit saan na mga kurakot kaya sila idinadaan sa suhol noong Kriminal na pinoprotektahan nila.
Ayaw nilang magbigay ng pahintulot para makapag-rally ng mapayapa ang mga tao tapos babastusin nila kahit na mga opisyal ng pamahalaan na kaya nga sumasama sa mga nagmamamartsa ay para hindi bastosin ng mga pulis na dapat ay hindi nasusuhulan.
Pero talagang grabe ang sistemang lalong kino-corrupt nitong si Tiyanak na sino ba iyong istupidong overseas Filipino daw pero anak lang yata ni Pandak ang gumawa ng isang sulat para kay Cory, etc. na pinuri ang sariling ina at kiniliti ang amor propio ng mga hibang na nagpapakahirap sa ibang bansa at ibinubuwis ang mga buhay para makaahon sa hirap.
Nakakaawa ang mga pilipino na ginagawang mga tanga at inutil noong Tiyanak na Kriminal na dapat ay siyang kinakaloboso nitong mga inutil na pulis ng Pilipinas. Iyan ang hirap ng ginagawang mga hepe ng pulis ang mga sundalo na iba sa mga pulis. Ang sabi nga ng isang sundalong Amerikano, ang mga sundalo ay para pumatay ng tao (kalaban), at ang mga pulis ay para protektahan ang tao sa kasamaan at ipairal ang kabutihan, hindi para protektahan ang isang kriminal tulad noong Tiyanak na nakaupo sa palasyong nasa tabi ng ilog na mabaho.
Sa isang banda, blessing in disguise ang nangyayari sa mga katulad ni Rissa. Nabibigyan ng publicity sa ibang bansa ang mga kahayupang ginagawa ng mga tuta ng Tiyanak na Kriminal. Tignan ang gagawing pang-iipit ng mga magbabatikos sa Tiyanak sa darating na panahon. Unti-unting titirisin ang walanghiya gaya ng ginawa kay Marcos na di-hamak namang malaki ang ginawa kaysa kay Pandak.
At least, si Marcos hindi ginawang palabigasan ang mga OFW na ipinadala niya sa Middle East ang karamihan at legal ang mga trabaho nila doon. Itong si Pandak, pati puta pinakialam at ginawang palabigasan kaya kahit na bawal ay patuloy pa rin ang pagpapadala ng mga wannabe putatsing dito sa Japan.
Bilib ka na ang lakas ng loob na sabihing pinili siya ng Diyos kahit na ang ginagawa nilang deployment ng mga pilipina ay nagiging dahilan ng pagkawasak ng maraming mga pamilya at napapariwara sa ibang bansa na taliwas sa kagustuhan ng Diyos. Isang Iraqi ang nagsabi sa akin na nakilala ko sa isang kapulungan ng mga tumutulong sa mga naghahanap ng katarungan tungkol sa mga human rights violations ang nagsabi sa akin ng mga pilipinang nagpuputa sa Dubai dahil sa totoo lang ay wala naman silang magandang mapapasukan doon kundi magpa-alila at kung wala ay magbenta ng laman kahit na delikado iyon gawa ng mahigpit na palakad ayon sa Batas ng Islam.
Ano ba ang iginanda ng palakad ni Pandak na ginawang commodity ang mga pilipino na sinabi ni Congressman Egcel Lagman nang siya ay isinugo ni Pandak dito para lambutsingin ang mga opisyal na hapon na huwag isama ang mga pilipino sa bagong batas tungkol sa paglabas-pasok sa Hapon (Immigration Law) ay No. 1 industriya raw ang pagpapadala ng mga pilipino sa ibang bansa kahit na doon sa mga bansang sarado ang pintuan para sa kanila? Kung sabagay, masisisi ba natin ang mga taong desperadong gutom at gustong mabuhay kahit na sa masamang paraan?
Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa mga ikinakatwiran ng mga pilipinong wala na talagang mga takot sa Diyos at kanilang ikinakatwiran na walang magagawang gumawa ng masama dahil sa gutom, pero para sa akin ito ang dahilan kung bakit mahirap ang Pilipinas. Hindi sila mabasbasan ng Poong Maykapal dahil wala naman silang tiwala sa Kaniya at kanilang pinangungunahan Siya ng bait gaya ng sinasabi ngayon ng isang kriminal na siya ay pinili ng Diyos na umupo sa tronong nakaw.
Si Saul nga pinili pa ng Panginoon pero inalisan ng karapatan na ibinigay kay David nang siya ay naging palalo at nagpakita ng pagsuway sa mga kagustuhan ng Diyos. Sa pagbubuyo ng Pandak sa mga pilipino na magpunta sa ibang bansa at nagiging dahilan ng pagkawasak ng maraming mga pamilya ang isang dahilan kung bakit maraming salantang dumarating sa Pilipinas na siyang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na makaahon sa hirap ang Pilipinas, subalit bilib ka din sa pagkatalamak na sinungaling noong Pandak na ang lakas ng loob na sabihing “improved economy” at “strong peso” na nilulon naman ng mga katulad noon nagyayaya sa mga OFWs at Middle Class kuno na huwag sumama kay Cory Aquino, et al sa mga martsa nila.
Strong economy? Bakit lahat ng nakakulong na pilipino dito sa Hapon halimbawa ay sa kanila pa umaasa para sa ikabubuhay nila? Ang tanga ng mga pilipino na naniniwala sa strong peso daw!
Dito nga sa Hapon, improved economy kami talaga at walang gaanong nababakante sa trabaho maliban na lang doon sa talagang ayaw maghanap-buhay, pero ang aming Central Bank ay hindi ibinababa ang yen laban sa dolyar gawa ng mga exporter na Hapon na kailangan ang mas mataas na palit ng dolyar na ibinabayad sa kanila. Papaanong strong economy e iyong mga OFW lang naman ang inaasahan ni Pandak. Dapat nga ang gawin ng mga OFW ay sabihan ang mga pamilya nilang iyon munang mga naipon na nila ang gamitin at saka na lang sila magpadala ng pera kapag mataas na naman ang palit ng perang ipinapadala nila.
Sa palagay ko ang ginagawa ni Pandak ay bumibili na ng maraming dollar sa mababang palit para maitago na nila ang ninakaw nila sa kanilang mga account sa America, etc. O kaya ay binibigyan ng malaking concessions iyong mga importer na mga galamay nila na nagbabayad sa kanila ng tong buwan-buwan gaya ng pagkakaalam kong ginagawa noong mga jueteng lord na nagbibigay kay Pandak at asawa niya ng balatong na ayon sa nagsabi sa aking gambling lord ay kulang ang 5M piso kada hakot ng mga tagakolekta nila. Mabuti na raw iyon kaysa masarahan ng business.
Salamat sa mga journalist na matapang na tulad ni Ellen at Ninez, et al pero sa totoo lang naman ay kailangan lang naman ng mga pilipino na gamitin ang kanilang mga utak, mata at konsensiya para makita ang mga kasalbahihang ginagawa ni Pandak, ng asawa niya at mga tuta nila.
Lahat naman ng kasamaan ay may hanggahan, ika nga. Kay Rissa at iba pang matatapang na mga pilipino, karapatan ninyong batikosin ang kriminal na nakaupo sa puwesto at mga galamay niya. Ipagpatuloy ninyo ang inyong pakikibaka! Nasa likod ninyo ang milyong-milyong pilipino na nagdarasal na sana ay bilisan na ng Panginoon ang pagsipa sa kaniya.
Who knows bukas makalawa ay mabalitaan nating natumba na iyong Pandak katulad ng nangyari kay Wycoco, et al sapagkat ang sabi nga, “Crime does not pay.”
If the word “police” comes from the word “polite”, then they should be. If not, the New Government that will eventually topple the current must get rid all of them.
The Marines can do the job better.
Kung napanood ninyo si Gloria sa TV
Noong iproclaim siya ng Congress, Kitang-kita
Sa mukha niya ang kanyang tingin sa
Mga Congressman at Senador. Ang pagkasuklam
At pagkawala ng respeto sa lahat ng
Politico na kaya palang niyang duraan lahat
sa mukha(lahat talaga dahil yung kaiba,
naging pipi, bulag at bingi).
Yung ang simula ng walang humpay
Na pagwasak niya sa instutusyon ng
Lehislatura, ng korte suprema, ng
Kapulisan, ng mga sandatahan, ang mga
Obispo, mga pastor ng ibang secto at
ng Gobiernong lokal.
Ang mga mata ni gloria humahalakhak
Noon sa Congreso, Nabili niya ang
Ikatlong bahagi ng gobierno, nasa bulsa
Na niya ang korte suprema, ang Comelec,
ang Commmission on Audit, ang Civil
Service Commission.
Kaya nasabi ni Gloria yung walang ginawang
Pandaraya, pagsisinungaling, pagnanakaw
Sa bayan ay pumukol ng unang bato tulad
Ng sinabi ni Kristo sa mga taong bumabato
Sa isang puta.
Isinuko ng Congresso ang huling baraha
Ng bayan laban sa kasamaan. Nasubaybayan
Ng taong bayan sa TV sina Escudero, Biazon,
Pimentel, Joke Arroyo, Gordon, Drilon, Flavier
lahat sila sa House Of Thieves, at sa Senarado
ang ulo, este Senado. Kaya sabi ni Gloria,
piyak surot lang pala ang magagawa nila,
Kaya yun ang simula ng malagim na bahagi
Ng trahedya ng Pilipinas
Yung mga miembro ng Canvassing committee
Di kailangan banggitin ang mga pangalan
Alam ng bayan ang sa kanila ay gagawin
Magtago man sila sa kanilang pinangalingan.
REMINDER PO SA MGA HENERAL NI GLORIA
KUNG HINDI NINYO NABASA NOONG UNANG
SINULAT ITO, RECYCLE PO ITO PARA
SA ATING MGA KABABAYAN AT KASAMA NA
KAYO DOON.
====== ======= ======
WARNING LANG PO SA LAHAT NG PINOY
AT MGA DAYUHAN NANINIRAHAN DITO
SA ATIN NGAYON.
PANTAY-PANTAY PO TAYONG LAHAT NGAYON
BUNGA NG PROC1017, NA LALONG MATINDI
ANG PAG IRAL NGAYON INALIS NA. ITO PO
AY BUNGA NG MGA UTOS AT KILOS NI GLORIA.
WHEN THERE IS ANARCHY, ALL, EVERYBODY
IS EQUAL, ALL AND EVERYONE IS FAIR GAME TO
TO BAD ELEMENTS, TO ACCIDENTS OF ANGER, TO
EXERCISE OF POWER AND AUTHORITY AND THE
POSSESSION OF WEAPONS.
ALAM SA BUONG PILIPINAS NG PINOY
PAG MAY NANGYARI SA IYO, KANINO
KA TATAKBO. PAG MAY LUMAPIT SA
IYO HUMIHINGI NG TULONG ANONG
GAGAWIN MO?
MASKI HENERAL KA NG
PNP OR AFP, MASKI JUDGE KA,
MASKI MAHIRAP KA O MAYAMAN, FAIR
GAME KA. TIGNAN NINYO ANG
NANGYARI DOON SA BINANATAN NG
PULIS DAHIL SA KOTSE, UNA NAGKAMALI DAW.
DI BA MAY BINARIL NA KAPITAN NG
SARILING NIYANG SUNDALO?
INALIS SA ATIN NG PROC1017 ANG HUNOS-DILI.
YUNG MAY PAUTANG, BAKA MANINGIL
NA. YUNG MAY ATRASO KAILANGAN LUMAKAD NA
NG PATALIKOD.
Si Lumibao at si Querol baka barilin na
lang sila ng mga marangal na pulis,
si Esperon, si Mayuga, si Allaga
baka ma-armalite yan mga yan
ng sundalo nila.
Si Gloria at si Mike, lalong maraming
Sundalo at pulis sa Malacanang
Lalong delikado ang buhay nila.
GANYAN PO PAG MAYROON
ANARCHY SA ATING BANSA.
ANG BABAW PO NG SINABI KONG ITO.
MASKI NAGTUTULAK NG KARITON NG
GULAY ALAM ITO.
jay, walang pakundangang nasapol mo ang isyu, mabuhay ka. tama ka, lahat pantay pantay na. kaya ingat na sila sa malakanyang pati sa kinakain nila. pati sa mga taong nakapaligid sa kanila, di bale tayo, sanay na sanay na. sanay na sa pambobomba sa lrt at mrt at sa mga bus, sanay na tayo sa mga siksikan, sa mga katabing malilikot ang kamay. sa mga sekyu sa pagkapkap sa atin. sa madaling salita, ingat ingat na sila, ang motto sa military, dont trust anyone. bahag na buntot nila.
tyl
BAKIT KAMO GINAGAWA NI QUEROL ANG MGA PANANAKIT SA MGA RALISTA AY DAHIL GUSTO NIYA MAGING KAPALIT KAY LOMIBAO AT NAGPAPALAPAD NG PAPEL SA MGA ARROVO. HINDI KO MAISIP KUNG PAPAANO NILA MASISIKMURA ANG GANOON PALIWANAG NA INIMBITAHAN LANG SI REP. BARAQUEL EH KITA MO NAMAN SA TV NA HINIHILA NILA AT KUNG TUTUUSIN AY MAS LIGTAS SI BARAQUEL KASAMA ANG MGA NAG RA RALLY KESA KASAMA ANG MGA PULIS. IKA NGA KUNG ANO ANG UTAK NG AMO AY GANOON RIN ANG UTAK NG MGA GALAMAY… “UTAK ANAY”….
NGAYON NAG SALITA NA SI VP DE CASTRO SANA AY PANINDIGAN NIYA ANG MGA SINABI NIYA AT SABIHIN NG LIVE SA TV NA IYUN ANG KAILANGAN GAWIN NI ARROVO PIDAL NA IPALIWANAG SA BAYAN ANG GINAWANG PANDARAYA. SALAMAT KUNG NAGISING NA SI DE CASTRO SA TUNAY NA NANGYAYARI SA BAYAN. ANO KAYA ANG NAKAIN NI DE CASTRO AT NGAYON LANG NAG SALITA NG GANOON. BIBILIB AKO KUNG SASABIHIN NIYA ULIT ANG MGA SINABI NIYA AT PATUNAYAN NA PUWEDE SIYANG PUMALIT KAY ARROVO PIDAL.
SA MGA HENERAL NA NABILI ANG INYONG PAG KATAO AY DADATING RIN ANG ARAW NA MAS MALALA ANG MARARANASAN NINYO AT KUNG KAYO AY MAMATAY AY MARAMING TAO ANG MATUTUWA AT MAGSASAYA. KILALANIN KAYO NG BAYAN NA ISANG BAYARAN AT WALANGHIYANG TAO.
Just read on line today that Rissa filed criminal complaints and lawsuits against the PNP and all concerned regarding that illegal detentions and harassments during the Women’s Day Celebration March. In my previous comment above I noted that we have a lawsuit going on here in the city just for stopping and questioning a citizen for no reason. I believe if citizens know their rights and exercise them and teach these abusers everytime, they will learn to behave. We can not just remain passive. Fight back..
AKALA NI QUEROL TANGA TAYO…KASI SA SOBRANG KATANGAHAN NI QUEROL DI NIYA ALAM NA TANGA SIYA…….DI KO MAIWASAN MATAWA NUONG MAPANOOD KO SI MON TULFO (RE; raid sa pasig shabu talipapa)
Di nila sinabi kay Querol ang raid Kasi TANGA si QUEROL.
Ha! Ha! Ha!