Nakakabahala itong binulgar ni Sen. Rodolfo Biazon na impormasyon galing sa mga sundalong humingi ng tulong sa kanya dahil inutusan silang magdala ng mga bomba (C4) sa Metro Manila bago ang selebrasyon ng EDSA Uno noong nakaraang buwan.
Sabi ni Biazon ayon sa mga sundalong kausap niya, may nagbabalak magpasabog ng lagim. Ngunit hindi ang mga rebelde o mga komunista ang gagawa kungdi mukhang mga elemento na kampi ng pamahalaan.
Parang pelikulang James Bond ang kuwento ng mga sundalo kay Biazon. Inorderan raw sila ng mga opisyal na nakakataas sa kanila na dalhin ang mga bomba sa pier ay may tatanggap raw doon. Hindi nila alam kung sino ang mga taong makikipagkita sa kanila.
Nang dumating raw sila sa checkpoint, pinayuhan sila ng kapwa sundalo na magtago.
Napag-alaman din nilang mga 36 pala silang grupo na hindi nagkakakilala.
Hanggang ngayon ay nagtatago sila dahil takot sila na baka patatahimikin sila ng tuluyan dahil sa kanilang nalalaman.
May kumalat rin noong isang Linggo tungkol sa pambubomba ng mga cell sites at iba pang mga gusali. Operation “Gentle Storm” raw ang pangalan ng operasyon. May nagsasabing pamahalaan ang may utak. Sabi naman ng iba mga rebelde.
Siyempre itinanggi ni Col Tristan Kison, information chief ng Armed Forces of the Philippines, na may balak ang pamahalaan maghasik ng lagim. Sabi niya, “No government in its right mind will not do that. It will self-destruct. If our own government will carry this out, we will no longer be credible and we will lose the trust of the people. (Walang pamahalaan na matino ang gagawa noon dahil ito ay nakakasira. Kung gagawin ito ng ating pamahalaan, mawawala ang tiwala ng taumbayan at hindi na ito paniniwalaan.)
Bakit may naniniwala pa ba kay Arroyo at sa kanyang mga alagad? Sa panay-panay ba namang pagsisinungaling, sino pa ba ang nagtitiwala kay Arroyo?
Sino ba ang naniniwala sa documentary na kanilang pinalabas para ma-justify ang kanilang panggigipit sa mga hindi sumasang-ayon sa kanila lalo pa sa media.
Kahit pa naudlot ang pagbagsak ni Arroyo, hindi ibig sabihin noon, mahal na siya ng taumbayan at nawala na hangarin ng mga sundalo sa maayos na pamamalakad sa kanila, at hindi paggamit sa kanila sa kalokohan katulad ng pandaraya para manalo si Arroyo noong 2004 eleksyon.
Sa nakaraang krisis, nakita ng Malacañang na hindi lang mga junior officers ang galit sa nangyayari ngayon. Hanggang heneral.
Ang solusyon ni Arroyo ay lalong manggigipit at magsabog ng lagim. Ganyan talaga ang taong malaki ang kasalanan.
Ang sabi ni Col. Kison no government in its right mind will do the “bombings”. Bakit hindi ba alam ni Kison that this regime is no longer in the right mind? Baliw na si gloria..baliw pati lahat ng tauhan niya. At kaya niyang gawin ang sinasabi ng mga sundalo. Napaka-plastic naman ni Mr. Kison …..Namana pa niya ang kaplastikan ni gloria. To hell with them. Ang akala ba nila ay tapos na ang laban? Walang katahimikan habang andyan si gloria….ang isang sinungaling, magnanakaw at mandaraya ay walang gagawing mabuti, lahat lihis sa tama….lahat mali, please lang Mr. Kison, sana naman mabigyan nyo kami ng kaunting pag-asa, na sa rehimen ni gloria ay may natitira pang matino, hindi sinungaling.
Bukod sa matalik na kaibigan ng aking ama si Senator Biazon,ang aking ama ay isa sa kanyang mga adviser.
Ako ay nagsasalita para sa sarili ko na ang katulad ni Biazon at mga kasama nya sa senado.. ang pag asa natin..
Etong SC na maaring mag desisyon mamaya na moot and academic ang pp 1017 dahil na lift na..ay isa sa mga institution na unti unting nawawalan na din ako ng pag asa!
Yang mga bomblets na yan mapa pill box(ultra) o C4(sa pier)
ay pakana sana ng gobyerno para patunayan ang State of national emergency..me nakita pa daw sa pma ground nung homecomecoming????
buti na lang pillbox lang abg pinaputok nila sa ultra,
SUPOT!
7 MArch 2006
It is really hard to believe that the so called destablizers will bomb metro manila. I wonder how they slipped those bomb to manila since the military and police have checkpoints almost everywhere in the country. They were able to catch lt san juan with the checkpoints, how come these bombs were able to get into manila. Baka nga utos ng gobyerno ni gloria???
Col. kison, is saying another thing. He said that if the government will do that, then the military is no longer credible. Credibility, wow, this Col. kison doesn’t know it. As long as gloria is at the helm, the military is losing its credibility. Why were the generals in the “hello garci” tape promoted. Why were the generals and other junior officers, who want to tell the truth have to suffer?
What happend to the mayuga report? Before we know it baka nauga na rin ang report ni mayuga. And this Kison says that the milirary will lose its credibility? the hypocrite/s in the military. Col. Kison, the military lost it the moment the former AFP-CSAFP withdrew (angelo reyes and his cohorts in the military) support to the consitutionally mandated administration of erap. You lost your crediblity, the only thing that the military could gain the respect that they duly enjoy before, is let the truth to come out.
Talking about credibility, This is stupid!!!!!
jinx
but remember marcos, kison? he bombed his own people, then blamed the communists and opposition for it. and it worked! he lasted 20 years in power.
one other thing, what gov’t credibility are you talking about? you arroyo admin has none left. they only thing they can do is drag the credibility of the anti-GMA groups down with them, to even the playing field.
Military credibility?…..ha, ha, ha, ha, meron pa ba noon? Pero may ilan pa namang military personnel ang credible-some of the marines…other than that no more. It’s because gloria manipulated them, used them, raped them and made them the most corrupt military in the world. Angelo Reyes will pay for it…..and all the generals involved in the 2004 poll fraud. Mark my words!!!
Para na Col Tristan Kison. Tsk tsk tsk…..
“No government in its RIGHT MIND will not do that. It will self-destruct. If our own government will carry this out, we will no longer be credible and we will lose the trust of the people.”
My question for elTIKOL Triston Kison is,Do you think GLORIA MACAPAGAL AROYO is in the RIGHT MIND?
GMA is in survival mode. She will do anything and everything to stay in power. On that assumption, I will not be surprised if she will resort to a “bomb” me or a “coup” me scenario.
I thank you, Ms. Ellen for standing your ground amid government moves to intimidate the media. Continue to fight for what you believe in. Freedom-loving Filipinos must never allow tyranny to happen again!
Thanks. We, in the media, get our inspiration from the people. And we are happy that despite Gloria Arroyo’s resources, many (and the number is growing) continue to uphold truth and justice.
John Marzan,
Just to set the record straight. If you are referring to the Plaza Miranda bombing I think you will find that JoMa Sison’s NPA elements did the bombing. Victor Corpuz, erstwhile NPA tactical chief admitted that the NPA was behind it when he decided to surrender.
However, Sison has vehemently denied it.
I tend to believe that the NPA did it and not Marcos.
Colonel Kizon as AFP spokesman is simply repeating what has been reported to him. It’s his job. He has to repeat Command line and since his job does not entail examining or verifying the veracity of the reports that reach his desk, he can only repeat what he reads and what he’s beeen asked to say by his Command.
Whether he’s doing a good job is another matter.
Ellen,
Having said that I believe that the NPAs were behind the Plaza Miranda bombing, I hasten to add that I won’t put it past Gloria and warped Mike Defensor to plant those bomblets in Manila. Defensor is an eager beaver, someone who does not think of consequences.
Remember when Defensor idiotically issued that stupid statement “Fire for Fire?” (Who the hell did he think he was? Julius Caesar or George Patton? Idiotic in the extreme!)
I doubt that Ed Ermita would have approved the bomblet idea – too reckless and stupid an idea. Ermita is of the old military school. He knows that there is a Biazon, a Lacson, a Golez, etc. out there who will see through the ruse. Ed Ermita’s judgement concerning his accepting to serve Gloria may be flawed but his judgement is not quite that flawed when it comes to pseudo-military operations. Too risky.
Ellen, kanginang umaga ay napanood ko ang coverage ng GMA7 sa katokayo nilang si Gloria at tuwang-tuwang sila na sa kanila ibinigay ang special coverage at hindi sa ABS-CBN. Pinatutsadahan pa ni Gloria na malayong second daw ang Channel 2 sa Channel 7. Tuwang-tuwa naman si Mike Enriquez.
Lilipat muna ako sa ABS-CBN. Medyo masama ang lasa ko ngayon sa 7.
FOLKS…I’ve got really bad news about things…looks like Proclamation 1021 did not lift the military rule portions of 1017! Please check out our Legal Commentary tonight at Philippine Commentary…scary stuff from Alan Paguia.
Yep, Rizalist… this is a great challenge to the brave, to the physical and moral courage of Pinoys and Pinays. Gotta prepare for “war”.
SI VIS PACEM PARA BELLUM!
Ellen,
Gloria and her husband should be indicted for leading and committing a coup d’etat in 2001 to overthrow a constitutional government.
Although the 2001 coup d’etat may not be deemed bloody, it had all the elements that constitute a coup d’état:
mutiny
speed
violence
movement of troops in attack formation (with weapons, arms and ammunitions)
Angie Reyes and his major service commanders committed mutiny as well as being accessories to the coup d’état conspiracy.
MajGeneral Espinoza (Ret) is guilty of attempting to overthrow the Republic through a coup d’état.
Problem is who will indict these culprits? Philippine Courts are no longer independent; Philippine judiciary has become a lapdog judiciary.
Unless we tackle the events of 2001 head on and bring them to closure legally and constitutionally by punishing the guilty, the nation, its constitution and its military institution will always be subject to all forms of abuses by greedy politicians – the country will never achieve its ambition of being a democracy.
may suggestion sana ako na symbol na isasabit natin sa ating mga bahay o sa sasakyan. iaabosorb nito lahat ng kamalasan at kasalanan sa paligid nito. symbol ito ng galit natin sa rotten regime ni gloria. tipong pandora’s box. at tiyak na tiyak ko di niya pipigilin ang pagkalat nito. mura lang ito at pwedeng gawin lang. habambuhay itong simbolo na mananatili kahit lumipas ang maraming taon. ito ang GLORIA DOLL. maliit na manika, may nunal. di kailangan kamukha ni chucky doll. wag na nating gawing nakakatakot, cute lang dapat para di pigilan ni gloria, pero para sa atin, impakto ito na nagmukhang cute lang. wag na nating gawing hanapbuhay ito, pamigay na lang natin sa mahihirap. yung sila sen jinggoy, pwedeng mamili ng marami o magpagawa nito at ipamigay sa masa. lagyan lang ng nunal.
Kung totoong nanalo si gloria, bakit niya bobombahin ang mga bumoto sa kanya?, di talaga si nanalo kaya ganun. nakakatakot maglalabas ng bahay, katulad kong balut vendor lang, sapalaran na lang ang magtinda, ingat lang sa bomba sa paligid.
tyl
Juanito, baka ma-promote pa iyang si gloria if you make nice Gloria dolls.
Pero, it’s a FANTASTIC idea! Heheh! I think I will order some dolls here in Gloria’s image pero you know what I’m going to do?
I WILL ADD SUNGAYS and a BUNTOT! (I will make sure that the dolly face is exactly like her medyo ‘cute’ pero may sungay at buntot! heheheh!)
Lagyan mo ng sungay at buntot! Ok lang iyon sa mga bata iyon! They are used to playing with witch dolls naman eh! Tawagin natin na Gloria Impakta dolls!
Galing ng idea mo Juanito – propagate mo at once sa different blogsites (ako rin, i will) and to friends in the cyberworld at once!
i was referring pala to the fake ambush on enrile’s car, where he blamed the anti-marcos forces for doing it…
Ah ok! Yes… gloria ever the ultimate duplicitous punggok is imitating FM. heheh!
Juanito,
I already called my Chinese manufacturer here and made an appointment to see her for an order of 100 Gloria dolls – heheh (mura lang 100 Euros lang daw approximately!)! Then I will send them to Manila and have them replicated there.
pls upload and view all your funny sketches here,
http://groups.yahoo.com/group/Gloriadrawings/
click photos then upload.
thanx
a de brux, kahit small sizes lang mas maganda, at affordable pa dito. thanks.
ps: papangitan tayo ng gawa, ha? 🙂
Juanito, huwag pangit ang mukha naman coz kids might get so scared – pero as close to Gloria’s image as possible pero with two tiny, tiny horns (cute iyon!) and no fangs at all pero with a BUNTOT (MlQ3 thinks better only with a tiny buntot but without horns & fangs – see his site).
Siguro 8 to 10 inches para I can all squeeze them in a balikbayan box!
Alam mo Juanito, your idea is picking up speed. Go over to Ricky’s blog and you will see what Helga of Black&White Movement thinks of it. MLQ3 immediately e-maile her the idea! Helga’s got other suggestions too! hahahah!
Great going Juanito!
pati si mike defensor daw, nagpagawa na, isasabit sa paligid ng malacanang. naging fad na instantly. ano kaya ang hitsura ni gloria kapag may nagbigay sa kanya nun? may nakasabit na sa basket ko ngayon, pinagtitinginan nga dito sa internet cafe. maganda ring panregalo saka pwede na ring ipatinda sa mga sidewalk vendors. saka na yung mike arroyo doll. mahal yun kasi mataba.
tama ang hula ko, blogs ang magpapabagsak kay gloria, mabubusalan niya ang media pero ang internet, maisasarado ba niya? subukan niya. 24/7 yata kami.
bookmark natin yung mga ibang blogsites para kung maisarado man itong kay ellen, sa ibang sites tayo magkikita kita.
tyl
pls give me the link to ricky’s blog. thanks again
http://www.rickycarandang.com
gaya gaya sila!
sige nga, magpapagawa rin ako ng Mike Arroyo na tabaschoy may sungay at bunto din!
hahaha!
thank you, a de brux.
Pwedeng bang picture sa pins para mas madali i-display?
Juanito, I’m so low-tech, i went to the yahoo site you mentioned. Why didn’t i see any Gloria picture?
BF, I missed the GMA interview by Mike Enriquez. But many of my journalist friends said “kadiri” si Mike Enriquez. Imagine, addressing Arroyo as “mahal naming pangulo.” Ngeek!
Mike Enriquez may not realize it but arroyo’s praise of him is actually a kiss of death to his credibility.
mam ellen, im sorry pero kailangan po member kayo para makita ninyo. di ko pa po kaya gumawa ng site na pwede nating lahat idrawing o isketch ang mga sentiments natin kahit hindi member, parang editorial cartoon po.
goodnight
I’ve read most of the comments on your column it seems to me that most people who left feedback about this are prejudice or should I say anti-goverment! siguro dapat isa ka rin sa mga dapat arestuhin dahil ikaw mismo ang nagpapalaki ng sunog.
Norhelebermj,
You are a lousy coward! E di tumawag ka ng bombero kung may sunog!
If you have the balls, why don’t you give your exact name, location/address and we will send you a fireman to help you put out the fire if there is a sunog?
Otherwise, you’re just being another member of Luli Arroyo’s internet brigade for the account of Gloria Impakta…
Anyway, if you want to and if you CAN arrest someone, do it youself. Don’t count on others to do it for you.
Norhelebermj says, “I’ve read most of the comments on your column it seems to me that most people who left feedback about this are prejudice or should I say anti-goverment!”
-0-0-0-0-
Is “Anti-GMA” equals “anti-government?” Nagatanong lang po.
Atong
Huwag kang mag-alaala Ellen, sapagkat wala naman talagang sunog pa. Ang mayroon ay ang naglalatang na damdamin sa dibdib ng maraming Pilipino na halos matatawag ng marinding PUOT. SOBRA. Nagpupumiglas ang damdamin at mapanganib kung hindi makakatagpo ng paraan at lugar upang ibulalas. Ito ang serbisyo na ginagawa ng blog mo at ni Rizalist. Dapat nga ay magpasalamat pa si Gloria sa inyo sapagkat hindi naman ninyo pinanalaki ang sunog bagkus inaampat pa nga ninyo.
Ngayon, kung magtuloy pa rin ang sunog ay hindi na ninyo kasalanan ito.
sali ako diyan. Dapat may malaking pakpak din ang Gloria impakta doll, yung mukhang paniki…nasa state of ‘panic’ na kasi si Gloria.
Norhelebermj says, “siguro dapat isa ka rin sa mga dapat arestuhin dahil ikaw mismo ang nagpapalaki ng sunog.”
Tsk, Tsk Tsk! Sunog??? Hindi ba si Gloria ang sunog? Hindi na pwedeng lumaki si Gloria.
Tsk, Tsk, Tsk. Para na at bababa muna ako.
takot lang yan si Gloria na magbitiw dahil alam niyang arestado siya kapag wala na sa kapangyarihan. Ang dami na niyang human rights violations…at ngayon patong patong na. Managot ka rin. Abangan!
Masosorpresa ako kung tatagal pa siya hanggang katapusan ng 2006.
14 na buwan na lang ang nalalabi at muhuhusahan na ang kabalintunaan sa kasasayan.
saladin , ban kulin at dorobo tunay nga bang may saysay sa kasalukuyan?
maligayang bati Brčko District sa ika-ANIM, March 08,2006!
Copyright © pugak 2006
Today, the world celebrates INTERNATIONAL WOMEN’S DAY! But the celebration in the Philippines accdg to Sen. Recto “is the height of irony for the state to mark it by practicing in the open its version of domestic violence”. Sobra ka na Mrs Arroyo!
Filipinos should support Senator Biazon for his courage in revealing what he now knows about the truth on the destabilization boogey man being propagated by the CRIMINAL and her minions, especially that former NUSP President, who is willing to act stupid for his queen!
A friend, another columnist, is now being charged for sedition for calling the Tiyanak “Dorobo” and he warned me about getting myself into trouble calling the Tiyanak a lot of names like CRIMINAL, mabaho ang p—! I told him that I will be willing to challenge this crook to prove me wrong that she did not cheat in the last election because frankly, I have an original copies of her speech when she made that declaration of SOE and the Garci tapes. and I can have them analized by a more reliable voice expert over here. Yes, the same company that analized the Aquino tape long, long time ago. So, it is much, much more reliable than the Defensor boogey man. Pero ang siya puedeng makalusot when I tell her, OK prove to me that I am wrong about the P, which is no different from saying, “Prove to me that the Garci tapes are not true!”
Frankly, there is actually no difference between the bar girls being deployed and pimped by the Tiyanak and her labor secretary sans the Lactacyd, PH and Whip!
Over here, demanding for the truth against an erring politician especially one who can be disqualified for breaking a law is not a crime!
napabalitang parang nakonsiyensya na daw si SENGA, at napag-isip isip niyang ginagamit lang cya ni gma mandaraya. Sana totoo ito! Senga, pagpalain ka ng maykapal (kung totoo ito).
Truth will set us free!