Iba na talaga ang kasabwat.
Nang unang binanggit ang pangalan ni Brig. Gen. Nelson Allaga noong linggo bilang bagong Marines commander na ipinalit kay Maj. Gen. Renato Miranda, sabi ko parang pamilyar ang pangalan. Sinabi nga ng aking kaibigan na nabanggit ang pangalan niya ng mga election officials tungkol sa operasyon sa Sulu elections noong 2004.
Tiningnan ko ang mga lumang reports at nandoon nga . Nabanggit ni dating hepe ng Philippine National Police Ramon Montaño na si Gen. Gabriel Habacon, dating Task Force Comet chief at ngayon ay commander ng Southern Command Forces, ay namigay ng pera para sa mga opisyal ng Comelec, kay Gen. Allaga at kay Brig. Gen. Nehemias Pajarito na siyang 104th Brigade chief .
Colonel pa lang noon si Allaga na na-assign sa second district ng Sulu.
Sinabi ni Montano na ayon sa kuwento sa kanya ng mga sundalo rin pinayagan ni Allaga at Pajarito ang canvassing sa loob ng kampo at hindi pinayagan ang mga watchers ng oposisyon.
Maala-ala natin na doon sa Hello Garci tapes, sinumbong ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kay Gloria Arroyo na sa kanilang pagu-usap ng May 29, 2005, “Kasi sila Gen.Habacon ba, hindi masyadong marunong pa dyan, medyo sila ang umano nun.”
Sa paguusap ulit ni Arroyo at Garcillano noong June 2, 2004, sabi ni Garci: “Sa Basilan, alam nyo naman ang mga military dun eh hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh. Katulad ho dun sa Sulu, sa General Habacon. Pero hindi naman ho,kinausap ko na ‘yung Chairman ng Board sa Sulu. Ang akin patataguin ko
na muna yung EO ng Pangutaran na para hindi siya maka-testigo ho.”
Sina Allaga ang nandoon.
Itinuro din ng YOUng, ang grupo ng mga batang opisyal sa military na gusto ang reporma, si Allaga noon pa. Nag-imbestiga pa ang military. Si Gen. Mayuga na siyang Flag Officer in Command ngayon ng Philippine Navy ang nag-imbestiga. Hanggang ngayon hindi pa lumalabas ang report. Na –promote na ang lahat na nasangkot sa operasyon ni Arroyo noong 2004 elections. Hindi lang si Habacon. Si Gen. Hermogenes Esperon pa na siyang commander ng Philippine Army ngayon.
Si Allaga na nga ang Marine commandant pagkatapos ni-relieve si Miranda na ipinrutesta ng mga marines noong Linggo. Kaya lang pagkatapos ng anim na oras na tensyun ay nagkasundo na raw sila.
Ibang-ibang kuwento kung ano talaga ang dahilan bakit umalma si Col. Ariel Querubin noong Linggo sa pag-relieve kay Miranda. Sabi nila kasi pinu-protektahan raw ni Miranda si Querubin, na isa raw sa coup plotters noong isang linggo.Mayroon ring balita na kasali rin si Miranda sa mga coup plotters.
Ngunit sa kaguluhan na nangyari noong Linggo, isang insidente ang interesante ay iyon ay nanggaling kay Col Archie Segumalian, commanding officer ng second marine batallion. Sabi ni Segumalian, habang nagbibigay ng proteksyun kay Querubin, na talaga namang ginamit ang mga Marines sa Lanao noong election.
Kaya nakakatawa ang sinabi ni Allaga noong kainitan ng tensyun sa Fort Bonifacio noong Linggo. Sabi niya, “Hindi kami makiki-alam sa pulitika.”
Talaga? Ano ang ginawa niya sa Sulu noong 2004 election.
Mukhang may panibagong standoff na nagsisimula sa Kongreso, na kung saan tinatangkang arestuhin ng pulis ang apat na makakaliwang party list representatives. On early morning AM radio, I heard the Palace talking point on this as Col Pagbilao of the PNP told Neil Ocampo their reasoning for a warrantless arrest: since rebellion is a continuing crime they don’t need a warrant daw. Of course, it is absurd in the case for example of cris beltran, his crime has allegedly been continuing for 21 years. The police are waiting outside the Congress to arrest four more who are holed up in the Speaker’s Office, who’s probably trying to figure out how to turn them in. Stupid traitor!
Birds of a feather flock together. What do we expect from bogus President Gloria Arroyo? It’s payback time, Suwitik!
Ellen,
This is more serious than I thought.
It is high time the decent officers left in the military took a stand, high time they made a difficult decision and then should execute a move and enforce that decision.
The civilian component of a republic alone cannot do it when the top ranking officers of the military are in cahoots with a current government to perpetuate election fraud.
The whole senior hierarchy – and involving those who have just retired – is clearly involved in the manufacturing of the election counts to produce the incumbent.
hanggat hindi talaga naaalis yang mga general na nagpapagamit kay GMA ay talagang mananatili ito sa puwesto. hanggat hindi lumalaban ang ating mga junior officers walang mangyayari. gaya ng sbai ni adb payback time na lang palgai sa mga gamitang heneral. ang maganda niyan kung sila sila ay mag aambisyong maging AFP chief sino sa kanila ang pipilin ni GMA Esperon, Allaga Habacon? ilang milyones na naman ba ng taong bayan ang gagamitin nitong si GMA para patahimikin ang kapulisan…
Hindi ba niya naiintindihan kung bakit maraming ayaw at galit sa kanya? Sabi niya magaling siya at siya lang ang dapat na Pangulo sa transition na ewan ko kung ano yon. Kung yong Cha-Cha ang pinagdidildilan niya BAKIIIIT???? Wala namang problema ang kasalukuyang forma ng Gobyerno natin ang problema talaga ay SIYA yang ARROYO na yan. Kung Hindi siya NANDAYA noong eleksiyon wala naman sana nito. Kaya nakita lahat ang mga pinaggagawa nila sampu ang kanyang mga alagad sama na rin pamilya niya. MAHIRAP BANG INTINDIHIN ITO????????? KAILANGAN MO PA BANG INTERPRETER PARA LANG MAINTINDIHAN MO GLORYA ANG MGA NANGYAYARI. KAMING MGA POBRE’T MAHIHIRAP HINDI MAN KAMI NAKAPAG-ARAL SA AMERIKA PERO NAIINTINDIHAN NAMIN ANG MGA NANGYAYARI!!!!! BUWISITTTTTTTTTT!!!!! INISSSSSSSS!!!
KAkainis talaga tong nakikialam sa MARINES. Ang mga taong ito ay nakapagdesisyon na at wala tayong karapatan na pakikialaman sila.
Una, Yun ay kanilang kampo at tayo ay di dapat manghihimasok dun
Pangalawa, Yung kanyang sinabi una sa lahat ay talagang nararapat. Talagang di dapat makikialam ang kasundaluhan sa pamumulitika maliban lamang kung sila ay boboto. May mga pagkakataon din na sila ay gagamitin sa eleksyon kung sila ay deputized ng isang agenciang may karapatan tulad ng COMELEC. Halimbawa dito ay ang kaso sa Mindanao na gumanap silang election officers. Wala namang problema dun. Kung may pagkakamali sa kanilang ginawa may paraan para ayusin yun o lapitan para sa mga reklamo. Hinde sa kung saan lang at ipakalat. Walang kalaban laban yung tao sa mga ginagawa nyo na paghuhusga sa kanya na una sa lahat at di nyo naman kilala.
Pangatlo, May mga dahilan kung bakit sya napaupo dun at hinde din naman tayo pwede ilagay dun na nagpopost dito. Napalitan si Gen Miranda at yun ay katotohanan. At ang kanyang kinalalagyan ay di pwedeng pababayan na walang may hawak at magkakalat ang pamunuan. (Nakita na natin kung paano sila kumalat). Kung bakit nabakante yung posisyon wala na tayong pakialam at yan ay sa pananaw na ng pamunuan ng hukbong dagat at kanya iyon hinde atin. Sya ang tamang tao para magsabi kung dapat ba palitan tanggalin at kung ano man ang dapat gawin sa posisyon sa kadahilanang sya ng may tamang pwesto para gawin yunbase sa kanyang pananaw. Sya rin ang may panagutan sa desisyon na yun. kaya bilang pangalawang pinuno ng mga marino nararapat lang na Si GEN ALLAGA ang syang uupo. Alangan namang si Gregorio Rosal or roger (Diko sya tatawaging “Ka” at di ko sya kasama) at di naman sya marino simula pa. Wala naman dahilan na di ilukluk si GEN ALLAGA.
Pang apat, Hinde dapat dito pinatutunayan ang kanyang nagawa. Lahat ito ay hakahaka at di nyo sya mapapalitan na Commandant sa mga ganito. Wala syang pagkakataon na madepensa ang sarili dito at sya ay may katungkulang ginagampanan.
Panglima, Di nakakatulong ang mga ganito sa katiwasayan at kaunlaran ng bansa. bagkus ito ay nagdadagdag lamang sa mga maling kaalamanan ng mga tao. Paano kung mali pala ang ating akala. Kawawa naman yung tao.
Ano ba talaga ang gusto nyo gulo? Bakit ba pati mga ganitong bagay pinalalaki natin.
Ako sana ay nanahimik lamang at ang sagot ko dito ay kibit balikat pero nakakapikon na talaga.
Wala itong pinagiba sa mga kangaroo court ng mga pulang mandirigma.
Maibabalik pa ba natin ang mga bagay na hinusgahan natin na walang tamang proseso kundio tsismis. Ilang buhay ang bihis ng kampanyang AHOS. Ilan lang ang mga buhay ng aking mga kamaganak. Pababayaan ba natin na mga taong ito ang maghahari.
Yun lang po at nanggagalaiti na ako.
Malalim pala ang pinagsamahan.