Skip to content

Simula ng pagkakaisa

Kung ikumpara mo ang kasalanan ni Erap Estrada sa mga pinaggagawa ni Gloria Arroyo, baka pwede pang tanggapin sa kumbento si Erap.

Lumalabas na mas may respeto pa pala sa Constitution at sa batas ang isang taong hindi masyado marunong mag-English kaysa itong mataas ang pina-aralan ang nagyayabang na matalino siya.

Ngunit kahit pa anong sabihin natin, nandyan pa rin sa Malacañang si Arroyo walong buwan matapos siyang nabisto na nadaya noong 2004 eleksyon. Ito ay narinig natin sa Hello Garci tapes.

Walo sa sampung Pilipino ay ayaw kay Arroyo. Ngunit ayaw ng karamihan sumali sa mga rally dahil wala naman raw silang nakikitang matino na ipapalit sa mga lider ng oposisyon.

Kasalanan rin ng mga oposisyon dahil watak-watak sila. Hindi rin sila magkakasundo.Nandiyan ang grupo nina Estrada.Nandiyan ri ang grupo ni FPJ. Hindi pareho ang dalawang grupong yun kahit na magkakaibigan ang marami sa kanila. Nandiyan rin ang cvili society na nagpatalsik kay Estrada at kasama si Arroyo sa paghahamak kay FPJ. Nandiyan ang Liberal party na kasama ni Senate President Franklin Drilon. Mga LDP na katulad ni dating Sen. Titto Sotto at dating Sen. Tessie Oreta na hindi sumama kay Sen. Edgardo Angara na susuporta ngayon kay Arroyo. Nandiyan rin si dating Sen. Gringo Honasan na may koneksyon sa military. At ang mga sinasabing nating kaliwa na kinabibilangan rin ng iba’t-ibang grupo katulad ng Bayan at Akbayan.

Ang kahinaan ng oposisyon ay naging lakas ni Arroyo.

Noong Linggo nagkita sina dating Pangulong Cory Aquino at Erap Estrada. Dumalo sila sa isang misa para sa paggaling ni Erap at para sa mga namatay sa trahedya sa Ultra.

Sabi ni Luis Sison, dating tagapagsalita ni Bro. Eddie Villanueva at ngayon ay kasama sa Solidarity Movement na kinabibilangan rin ng iba’t-ibang personalidad sa oposisyon, na binalita raw sa kanya ng isand administration senator na ninerbyus ang Malacañang sa mga nakitang litrato ni Cory at Erap sa TV at mga diyaryo. Akala nila kasi hindi maaring magkasama ang dalawa.

Ang pagkikita ni Cory at Erap ay bunga ng mga ialng buwan ng pag-uusap ng dating magkaka-away na miyembro ng oposisyon. Sa programa “Strictly Politics” ni Pia Hontiveros sa ANC noong Martes, kinumpirma ng mga guests, sina Chito Gascon, Gerry Bulatao at Chiz Escudero ang paguusap ng iba’t-ibang grupo ng oposisyon.

Sabi ni Gascon, napagkasunduan nilang mag-focus sa pinaka-ugat ng krisis na walang iba kungdi ang pagka-illegititmate ng presidency ni Arroyo. Sang-ayon naman lahat na bago maisulong ang programa, kailangan, panibagong liderato.

Nagkasundo rin sila na ang i-presenta sa mamamayan ay programa. Bahala na ang mga taumbayan mamili kung sino ang gusto nilang lider sa isang eleksyon na maayos at malinis.

Inamin nila na may mga bagay pa silang hindi magkasundo ngunit, nagkasundo silang aayusin yun, step by step. Ang mahalaga, nagsimula ang proseso sa pagkakaisa.

Kaya naman lalong ninerbyus si Arroyo.

Published inWeb Links

57 Comments

  1. aaron aaron

    Dito sa gitnang silangan, alam na alam ng bawat mambabasa maging ito man ay maka Administrasyon o Kontra Administrasyon na kayong mga manunulat ng Abante ay matindi ang galit sa pangkasalukuyang Administrasyon partikular na sa kasalukuyang pangulo (Gloria Arroyo).

    Sa ganang akin, eh ano ba sa akin yon dahil hindi naman ako bumoto, hindi ako maka administrasyon o maka oposisyon. Subalit sa aking pangsariling obserbasyon, ang kolum mo ay masyadong mababaw. Ipagpaumanhin mo pero parang hindi artikulo ng batikang manunulat ang bawat sinasabi mo. Masyadong halata na umiiral ang emosyon mo sa galit mo sa pangulo.

    Hiling lang po namin, medyo laliman po ninyo ang inyong artikulo. Yung may laman na hindi parang nagsusumbong ka yo sa bawat mambabasa tungkol sa kung anoman ang galit ninyo sa pangulo. Para bang mas mainam pang magsulat yung mga bagitong manunulat dahil may puso at may laman ang kanilang artikulo.

    Ito naman po ay isang mungkahi lamang. Siguro maari niyong sabihin na may laya kayong magsulat sa anomang inyong naisin. Ganon din po kaming mambabasa, may laya din kaming pumuna kung ano ang may saysay at wala sa bawat binabasa namin.

  2. goldenlion goldenlion

    Nakaiinip na ang kabagalan ng oposisyon. Dapat noong pumutok ang Hello Garcia tape ay nagkaroon na agad sila ng pagkakasundo upang mapaalis na si gloria sa malacanang. Ang nakikita ko kasi ay nahihirapan silang kumbinsihinsi dating Pres. Cory Aquino sapagkat iba ang plano ng grupo ni Aquino at marahil iba din ang plano ng mga supporters ni FPJ. Subalit nakita natin, nagbubunye ang mga ganid sa malacanang. Sana na nga ang pagkikita nina Cory, Erap. Susan ay simula na ng wakas ng sinungaling, mandaraya at magnanakaw na babae sa palasyo. Kaming mga mamamayan ay sukang-suka na sa katakawan ni gloria sa kapangyarihan at galit na galit na kami sa mga nakawang nangyayari sa ating pamahalaan. Hinihiling lang namin kapag naalis sina gloria at pamilya niya, pati alipores ay tiyakin ng oposisyon na lahat ng may kasalanan sa bayan ay parurusahan. Si Erap nga na hindi pa napapatunayang nagnakaw ay ikinulong na, si gloria pa kaya. Walang paliligtasin, lahat ng kasangkot sa pandaraya, militar, media, survey firms, namfrel, comelec, dating supreme court justices, mga alagad na sina defensor, gonzales y gonsalez, joc joc, garci, de venecia, fvr. Note: hindi ko kinapital ang mga pangalan nila sapagkat they don’t deserve my respect. HANDA NA BA KAYO?? KILOS NA!!!

  3. Helena Helena

    Magandang balita ang sinasabing pagkakaisa ng mga oposisyon pati na nina Mrs. Aquino at Mr. Drilon.Pag-ibayuhin sana lalo ang pagkaka-isa ng lahat, kung hindi ay walang laban ang mamamayang Pilipino sa administrasyon ng tuso, mandaraya at makamandag na si Gloria Arroyo na patuloy na nagkukubli at gumagamit ng EO 464 para pagtakpan ang mga krimeng nagawa niya sa sambayanang Pilipino.

    I think your reporting is great, Ellen. Every writer writes about what they believe in, as long as they stick to the truth of whatever they are reporting which is exactly what you are doing. This admistration of Gloria always complain of media being bias, of newswriters reporting bad news of this administration, they said, why not report good news, like our peso being strong? etc.

    Mas maraming katiwalian sa gobyerno ang dapat malaman ng tao hindi lamang ang pagta-as ng peso or pagkapanalo ni Pacquiao (we are proud of him, yes!)Kung maganda ang nangyayari sa bansa, maganda rin ang balita, ngunit kung bulok ang patakbo at palakaran ng admistrasyon, bulok at masama din ang balita. Simple lang naman ‘yan. HIndi ang mga manunulat ang gumagawa ng balita, sila lamang ang naghahatid ng kung ano man ang kasalukuyang mga nangyayari.

    Sana ipagpatuloy mo Ellen ang iyong napakagandang trabaho.Kaming mga masugid mong tagasubaybay ay may malaking paniniwala sa iyo na ikaw ay nagsusulat lamang ng kung ano ang TUNAY na katotohanan.

  4. jinx jinx

    09 February 2006

    There are words to describe the scene with erap-cory frank & susan, the question rigght now is how to consolidate their forces. FYI, ever since the birth of the Philippine Republic, there is only one person who really won the election and was forcibly removed from office and that is ERAP.

    Now, if these four personalities could unite the opposition, then its good for them???another question that might arise is what will happen if GMA is remove from office, better yet, call for a snap election???who will be lead the opposition???

    It is but suprising to see the four, that is why people in malacanang are nervous, they will not accept it, but it is the truth.

  5. juanito dela cruz juanito dela cruz

    Napakaganda ng speech ni prof david. maraming salamat.totooo na sawa na tayong mga kabataan sa mga nangyayari, apektado na kasi tayo.isa lang ang tiyak na sagot ni Unana, over my dead body! di siya aalis sa pwesto ng buhay, 100%. may malakanyang pa siya sa cebu na pupuntahan. sa tingin ko, konserbatibo pa ang naisip na solusyon ni prof david, ayaw man niyang sabihin, pero para sa akin, makikita natin ang liwanag sa dulo ng kadiliman, ang tunay na pagbangon ng ating bayan, pagkatapos ng isang giyera sibil. iyon lang ang nakikita kong siguradong solusyon. kailangan maraming magsakrispisyo para isakripisyo ang isang katulad ni Unana. kagaya ng sakrispisyo sa ultra. maghanda handa na po tayo ng gas mask, tubig at pagkain. papalapit na ang unos, madilim na ang langit. thank you, Lord!

  6. Anino Anino

    TALAGANG ATAT NA ATAT NA KAYO HA?

    Anyway, i believe tapos na ang boksing.

    From this day on, i humbly suggest that we should start pooling resources for the Full Automation of the Next Election employing volunteers:

    Computer Programmers
    Systems Analysts
    Network Administrators
    Network Security Experts
    Network Technicians
    Encoders
    PC Owners

    Yes, PC Owners, because we will use every available resources for this endeavor. We shall not bleed this nation further by buying new equipments at this time.

    Thanks for the positive response. We only have one country. This will be OUR contribution.

    Mabuhay tayong lahat!

  7. juanito dela cruz juanito dela cruz

    hindi kaya naiisip ng nasa malakanyang na mga apo nila ang magbabayad ng mga ginawa nilang kabuktutan sa bayan? hindi kaya naiisip ni Unana na mga anak ni dato at ni luli ang gagantihan ng mga apo natin pagdating ng panahon? dahil ngayon pa lang ramdam na ramdam ng mga bata lalo na ang nasa mga batang lansangan kung sino ang dahilan ng gutom nila. wala na talaga si Unana sa matinong pagiisip niya, na corrupt na rin niya ang sariling utak niya. tsk tsk, ngayon pa niya maiisip na lahat ay pansamantala lang at may katapusan tulad ng paghihirap natin at pamamayagpag nila ngayon. balang araw, magkukubli na ang mga may apelyidong macapagal, arroyo, defensor, bunyi, ermita, garcillano, davide, pichay, de venecia, ramos atbp. habang buhay nilang dadalhin ang sumpa ng mga pilipino. hmp, makapagtinda na nga ng balot, matumal. goodnight.

  8. Luzviminda Luzviminda

    I as I said, Erap will be the most logical solution on who will lead the ‘transition government’. Hindi ko sya binoto nuon pero sya ang nanalo kaya dapat na galangin bilang presidente. Ano kaya kung sabihin ni Erap na tapos na ang ‘leave of absence nya, at babalik na sa sa kanyang opisina which is ‘the Office of the President’. Pihadong magkakagulo ang mga military kung sino ang susundin nila. Then, nasa atin na na mga mamamayan kung sino ang susuportahan. IT’S TIME TO CORRECT THE WRONGS THAT HAVE BEEN DONE TO OUR CONSTITUTION! IBALIK NA SI ERAP!

  9. a de brux a de brux

    Luzviminda,

    Yes, the Constitution was breached but it’s never too late to correct a moral and legal wrong committed by this band of criminals in Malacanang with the help of Davide and Angie Reyes.

    Hang Gloria and her family of thieves and her cronies who get fat, rich and greedier and more abusive by the minute!

    If people are opposed to hanging, then there’s always the guillotine to chop off the heads of Gloria and her cabal of thieves.

    We must stop these thieves because CORRUPTION is the single most destructive reason why the Philippines remains poor in spite of the 80,000 human lives and modern day slaves deployed and exported monthly by DoLe all over the world…

    Hang Gloria and her cabal of thieves!

  10. Ferdinand Ferdinand

    Dont Hang Arroyo and family.. I think the best alternative would be to liquidate them. How? Maybe from the PSG itself?
    It should be a simulataneous hangging/hitting/assasination of that family and and her cornies so that guys like Pichay would not have time to prepare.. Surprise attack…

  11. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Ferdinand: Ang sinasabi mo ba ay mistulang ending scenes ng Godfather, na coordinated yung pagtepok sa mga kalaban nila, kabilang na yung brother-in-law niya na nagkanulo kay Santino? Sino kaya ang katumbas ng Corleone family na magsasagawa nito?

  12. Badong Badong

    Basta ang sa akin, ang gusto ko ay oras na magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan, maging sa rebolusyon o sa snap election, huwag paliligtasin sa kamay ng batas ang mga umabuso sa sambayanang Pilipino sa pamumuno ng mga Arrovo family, Davide, Bunye, Defensor, at Ermita. Sayang at wala pa akong nakikitang maaaring ikabit na kaso ka ka-Noli maliban lang sa pagiging duwag at laging nakatago sa saya ng amo niya sa Malakanyang. Sa batas na militar, kung ang ang assistant commanding officer ay nakikita niyang hindi na epektib ang pagpapatakbo ng commanding officer, puwede niyang i-relieve sa puwesto. Iba itong si ka-Noli. Walang b****. Kawawang Pilipinas.

  13. bfronquillo bfronquillo

    First, let’s talk sense. Hanging or liquidating anyone will not solve anything but will only aggravate our already worst situation. If we, as a nation, are to UNITE, we must focus on one single thing that we can agree on. Something we must immediately do after Gloria – assuming that Prof. Randy David is right that we are already living in a “post-Gloria era” and that “Gloria is history” already.

    What we must focus on is TO GIVE THE PILIPINO PEOPLE THE CHANCE TO ELECT THEIR LEADER IN A FREE AND HONEST ELECTION SUPERVISED BY A NEW, FREE, AND HONEST COMELEC COMPOSED OF FILIPINOS OF KNOWN PROBITY AND HONESTY.

    Ang buong bansa ang dapat na pumili kung sino ang mamumuno at hindi ang anumang grupo o partido. Hindi sila ang magsasabi na ito o siya ang aming ipapalit ke Gloria. Ang tao ang maghahalal dito. Ang hinihiling na alternatibo ay hindi isang lider bagkus isang MALINIS NA HALALAN kung saan pipiliin ng tao kung sino ang gusto nila. Huwag ninyong ibigay sa amin ang isang TAO, ang ibigay ninyo sa amin ay ang KARAPATAN AT PAGKAKATAONG PUMILI. Sapagkat kung kami ang pumili ay tinitiyak kong sasamahan namin ang PANGULO NG BANSA kahit saan at hindi NAMIN iiwan sukdang magdildil ng asin BAGO MAGBUKANG-LIWAYWAY ANG BAGONG UMAGA SA BAYANG MAGILIW AT PERLAS NG SILANGAN!

  14. a de brux a de brux

    BFRonguillo,

    I’m all ears… how do you propose to hold a free and honest election with Gloria still at the helm?

    Do you think that will happen, i.e., free and honest election between now and 2007 or are you thinking of 2010?

    Please don’t think I’m being sarcastic – I am not.

    I just don’t know how Gloria as the current commander in chief, posing as the legitimate president and overall keeper of the most sombre and darkest secret of Philippine politics could allow that to happen. I really don’t!

  15. VON VON

    Hindi ako maka Marcos pero kung tutuusin ay mas maganda ang kabuhayan natin noon kesa sa mga nagdaan na presidente. Lalo na sa ngayon gobyerno na lahat ng naka puwesto ay puro GAGO at magagaling lang sa pagnanakaw. May nagawa bang kabutihan ang mag kabinete ni Glue-ria Makapal. Simula na lang kay sa asawa, s anak, Mike/Santiago Defensor,Ermita, bunye,Custodio,Reyes ,Gonzalez (2), sa mga Kotongress may nasabi ba silang pawang katotohanan. Mas nakaka hiya itong si Ret. Supreme Court Justice na si Davide. Isa pa la itong uto – uto at walang utak. Tignan ninyo kung ano ang nagawa nilang kabutihan sa bayan. Mas may masasabi pa kayo na nagawa nilang kasalanan sa bayan. Siguradong may masasabi kayo doon. Pero sa kabutihan ay ?????. Perang ninakaw noon ay hanggang ngayon ay ninanakaw pa rin. Kung maibabalik lang si MArcos ay hindi ako hahadlang. Mas maunlad tayo noon at kilalang magandang bansa kahit papaano. Ngayon ay kilala tayo bilang pinak corrupt na bansa at may pekeng presidente pa.

  16. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Sabi ko nuon in response kay G Amb na hindi ako for military coup. Pero tila nagbabago na ang isip ko dahil sa habang lumalaon ay lalong nawawalan ng pag-asang constitutional means ang maging paraan para matanggal si GMA. Hawak niya ang Congress, ang SC, at matataas na pinuno ng militar. Kahit na umaastang independent ang Senate, parang bungal na tigre ika nga dahil kahit na sa budget hearings ay iniisnab ng mga cabinet members. Ni hindi mahuli si Bolante kahit may malaking bounty. Palagay ko isang combined people power and military coup ng mga junior officers ang kakailanganin. Achaka lang siguro puedeng magkaroon ng malinis-linis na halalan, of course, pagkatapos lipulin ang Comelec officials at palitan ang sistema (assuming na hindi naman mag-aambisyon ang militar na magtagal sa puwesto ng kapangyarihan).

  17. bfronquillo bfronquillo

    MABABAW? Ako aminadong mababaw. Ibinoto ko si Erap kaya tinawag akong mangmang at kulang sa talino kundi man sa pag-aaral. MABABAW. Ibinoto ko si FPJ kaya muli akong tinaguriang mangmang at kulang sa talino. MABABAW. PERO KAHIT IBUNTON na ninyo ang lahat ng pintas sa akin ay maipagmamalaki kong marunong akong pumili ng tunay na tao!

    Nuong dalawang beses na ninakaw ni Gloria ang pagiging Pangulo ng Pilipinas ay tinulungan siya ng mga taong malalalim, matatalino, at mataas ang pinag-aralan. Ngayon ay aminado halos silang lahat na nagkamali sila ng pagpili sapagkat ang iniluklok nila sa Malacanang ay hindi tunay na tao.

    Hindi krimen ang pagiging mababaw. Ang masama ay ang magpanggap na malalim gayong mababaw. Ang magtali-talinuhan gayong may angking kagaguhan. Ang ipagmalaki ang napag-aralan nguni’t wala namang naipapakitang kabutihan. Ang umamin ng pagkakamali subali’t igiit pa ring sila ang sundan.

    Sa tutuo lang, dalawang tao lang ang nakikita kong may lalim at walang kayabangan. Si Erap na pinatalsik nila sa Malacanang at si Susan na ang mahal na FPJ ay dinaya sa halalan. Kaya nga lang si Erap ay hindi tatanggapin sa mataas na lipunan at si Susan naman ay ayaw lumusong sa lubluban ng kalabaw.

  18. bfronquillo bfronquillo

    Ms Anna de brux,

    Anna, I appreciate your comment and I don’t believe that you are being sarcastic. I’ve read your posts here, inDJB’s Philippine Commentary, at Daily Tribune, and Ducky’s column. They were intelligent and deep and I learned a lot from them.
    How do I see a free and honest election happening with Gloria still the commander-in-chief? Anna, perhaps I was not clear about it, but I was talking about post-Gloria. I was taking-off from where Prof. Randy said in his lecture that Gloria is history already and the time of the trapos is coming to an end.
    I am deathly afraid that when Gloria is taken-out, the people who will take center stage will choose the next President from among them and leave out the Pilipino people in making the choice. Please pardon me, but they made a MISTAKE TWICE and they WILL A MISTAKE THIS THIRD TIME.
    What we want is not for them to give us a leader but rather to give us the right and the process to our leader. We will follow this leader that we chose to the ends of the earth.
    By, the way, like you I did not swallow everything that Mr. David said. Gloria is not yet history and she is staring at the face of all her enemies as if daring them to do their worst. And I do not anybody brave enough to STARE HER DOWN. Until then, a free and honest elections will have to wait, if ever.

  19. bata pa ako tinuruan na akong tumangap ng aking pagkakamali pero ang pagkakamaling yan ay aral sa akin na hindi ko na uulitin pa. si gloria humingi sya ng tawad sa kanyang pakakamali at pagsisinungaling pero hangang ngayon patuloy sya sa kanyang mga kasinungalingan, naku naman sana hindi na patawarin ang taong ito ibaksak na na natin yan tapos ipakulong kasama ng mga alipores nya dun sa kulungan na sila sila lang ang andon

  20. Anino Anino

    bfronquillo,

    I subscribed to your opininion that we do need a fresh start. Erap had his chance to become the best president we could ever have. He won a very convincing mandate enough to effect the necessary reforms. Ngunit di siya nagiingat! And he suffered the consequence.

    M’ A de Brux’s concern is that we can’t hold a true and honest election while GMA is still holding on to her seat is right. But that is if we will work within the system.

    What if we established a parallel entity that will perform the functions of holding a free and honest elections? We could tap Volunteers to effect what you wish, as i have pointed out in my statement above.

    In so doing, we will be able to establish a virtual parallel government. Once this is done, we could:

    1. Do as Capt. Faeldon advocated which is “Civil Disobedience” against the fake and rotten government of GMA, and ;

    2. Avoid bloodshed if indeed GMA will fight it out, as Defensor hinted.

    A Virtual Parallel Government is what the Idealists in the Military is waiting. Once this is realized, all they need doing is to SHIFT LOYALTY.

  21. a de brux a de brux

    bfronquillo,

    Thank you for elucidating. I agree with what you said. I also agree with Ambassador Cruz’ proposition that we should hold a snap election.

    Everybody here agrees more or less on what should be done.

    I suppose we should all wrack our brains to find out the ways to achieve our aim.

    MLQ3 wrote in his blog that Mr Luis Teodoro of Business Mirror is ‘up in arms against me’ (my words) in his column today. In essence he thinks that Filipinos abroad should shut up and let the people with brains in the Philippines solve the mess. I clicked on the Business Mirror site and found that Teodoro has not only targeted me but all Filipinos abroad!
    http://businessmirror.com.ph/2006/0210/10%20oped%20vantagept.php

  22. To tell you the truth, I didn’t see Luis Teodoro’s point. The things that you, Anna, has been saying are also being said by people here in the Philippines. You don’t lose your right to criticize the country just because you live in another country.

  23. Wasn’t Luis Teodoro one of those idiots who declared na he will migrate to another country if FPJ won? What a loser.

  24. a de brux a de brux

    I didn’t know about Teodoro until MLQ3 blogged his name here. I am under no illusion that Teodoro knows how to shoot but only from his mouth – he frothed from the mouth too eagerly, his article reflects the belchings of a wretchedly dead brain.

    This morning, I e-mailed a journalist/columnist friend who is in Europe this week (and with whom I had lunch yesterday over talks on the Philippines, Gloria and the political mess, etc.) Teodoro was.

    This is what this journalist friend wrote back:

    “Luis Teodoro is a real communist. I think that up to now he still defends JoMa. I’ve met him a couple of times and even wrote a humor colum for him back when he was editor of a Catholic-church backed (???) news agency during martial law. Of course he can’t begin to know anything about you, but you can safely cut him some slack: he can be pretty acerbic, he has a sharp (though leninist) appreciation of politics, plus he hasn’t sold out all these years. Also he’s probably — like me — had his share meeting Filipino-Americans (in particular) who wring their hands piously and write condescendingly about the Philippines — you know the type I was referring to yesterday? Educated through Reader’s Digest, only idea of politics is red-neck Republican? As American as apple pie? Since he clearly knows nothing about you, you can either correct him, or just let his tirade pass you by. You both have other targets.”

  25. Louie Teodoro is a professor at the UP School of Mass Communications. He was formerly dean.

    He is a respected. But it doesn’t mean we agree on everything.

  26. edie gil edie gil

    all oppositions will be united by end of 2009, one year prior to PGMA’s departure. You can never tell but probably some opposition are not really opposiiton nanggugulo lang para magwatak-watak sila, 10-yr plan kumbaga to benefit PGMA. by the way, peso is getting stonger. That’s a little bad news for OFW like me. PGMA predict P50-$1 ratio sooner or later or maybe it would be lower than P50.

    http://news.inq7.net/breaking/index.php?index=1&story_id=65836

  27. a de brux a de brux

    Monti,

    Tama ka! “bata pa ako tinuruan na akong tumangap ng aking pagkakamali pero ang pagkakamaling yan ay aral sa akin na hindi ko na uulitin pa.”

    Akala ko ba convent-bred at religiosa iyang si Gloria Macapal eh bakit ganoon? Sinungaling madilim siya! Ano kaya ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya noong bata pa siya?

    Sa mga gawa niya, sa pagsisinungaling, sa pagnanakaw, ang isip ko ay hindi pareho ng itinuro ng mga magulang natin and itinuro sa kanya ng tatay at nanay niya!

  28. jinx jinx

    13 February 2006

    de brux,

    All of us, we’re thought by our parents, even in our schools to be honest, but as they say “we are only human prone to mistakes”, but GMA must be absent when these were thought in her school. tapos sya din siguro nagpauso ng salitang “PASAWAY” hehehehehehe….

  29. Luzviminda Luzviminda

    A de Brux, Monti & Jinx;

    Actually, kaya ganyan ‘kasama’ si Gloria-Macapal-Arroyo, at mukhang ‘walang kabutihan’ tayong makikita ay dahil siya ay ‘KAMPON NG DEMONYO’!!!!. Maski si Satanas ay insecure na sa kanya! Hehehe!

Leave a Reply