Skip to content

Ibalik ang kinurakot

Kung talagang nagdurugo ang puso ni Gloria Arroyo sa sinapit ng mga mahihirap na pumunta sa ULTRA, ang dapat niyang gawin ay ibalik ang mga kinurakot niya at ng kanyang mga alagad.

Maganda pakinggan ang salita ni Arroyo tungkol sa trahedya.Huwag daw natin kalimutan ang sitwasyon ng nagtulak sa mga biktima na pumunta doon sa Wowowee first anniversary celebration. Tayo raw ay magtulong-tulong para raw maalis ang kahirapan at mabigyan ng pag-asa ang mga mahihirap.

Pati ba naman itong trahedya ay gagamitin niya para makalimutan ang krimeng nagawa niya sa bayan. At sino ba ang nagpapahirap sa bayan? Sino ba ang nagwawaldas ng pera ng taumbayan para sa pansariling interes.

Kaya dinudumog ng mga tao ang Wowowee dahil namimigay ng mga premyong pera at iba-iba pang bagay na pangangailangan ng mahirap. Hindi ako masyadong sang-ayon sa ganitong pagtulong sa mahirap at alam ko naman na ginagamit lang ito ng mga may-ari ng TV station, unang-una para pumatok ang kanilang show. Siyempre mas malaki ang kanilang kinikita kasya ang kanilang pinamimigay. Mga negosyante yan eh.

Ngunit ang punto dito ay ang kumakagat sa mga ganitong pakulo ng mga TV stations ay ang mga mahihirap na talagang wala nng mapagkunan ng kakainin. Marami ang nagsasabi, “Bakit hindi sila magtrabaho?”. Wala nga silang makuhang trabaho. Karamihan sa nandoon ay mga babaeng matatanda na siguro wala namang masyadong mataas ang pinag-aralan. Sino naman ang mag-empleyo sa kanila?

Sa mga sumusubaybay ng mga imbestigasyon na ginagawa ng Senado (hayaan mo na ang House of Representatives at wala tayong maasahan na katotohanan sa kanila), nakita natin doon kung gaano kalaking pera ang kinurakot nina Arroyo noong 2004 para gastusin para sa kanyang eleksyon. Hindi niya pera o pera ni Mike Arroyo ang ginamit niyang pambili ng boto at pambayad sa mga nandaya para sa kanya. Pera ng taumbayan.

Lumalabas sa mga kuwento ng mga testigo sa fertilizer fund na ang P728 milyon na dapat ay pinamigay para tulong sa mga magsasaka pambili ng abono ay binulsa ng mga kongressman at iba pang opisyal. Ang mga magsasaka natin ay grupong mahihirap rin. Kaya ang ninakawan nina Arroyo ay ang mahihirap.

Pati P100 milyon na galing sa perang nabawi ng pamahalaan kina Marcos ay nawawala at ginamit rin raw sa kampanya ni Arroyo. Ito ay nakaw na pera nina Marcos na ginastusan ng pamahalaan para mabawi. Ngayon ninakaw ulit.

Sianbi nga ni Atty. Frank Chavez, sobra dalawang bilyon na piso na dapat ay para sa mahihirap na magsasaka ang ginamit nina Arroyo sa kanyang kampanya noong 2004.

Kung gusto ni Arroyo, mai -angat ang buhay ng mga mahihirap, ibalik niya ang kanilang kinurakot. Simulan natin sa fertilizer fund. Marami pa yan. At mag-resign na rin siya, para makasulong na ang bansa.

Published inWeb Links

105 Comments

  1. goldenlion goldenlion

    Maliwanag ang motibo ng mga tao sa pagpunta sa ULTRA, kumita ng pera, manalo ng mga bagay na kailangan nila sa araw-araw. Maliwanag na ito ay palatandaan ng matinding kahirapan. Kahirapan na lalo pang tumitindi dahil sa mga nakawang nangyayari sa ating gobyerno.

    Makapal na ang sikmura at mukha ng mga taong nakaupo(lalo na ang pekeng pangulo) sa ating gobyerno. Ang kaban ng bayan ay tuluyang nang nauubos ang laman. Patuloy din sa buhay karangyaan ang mga taga-suporta ng Pekeng Pangulong Sinungaling, Mandaraya at Magnanakaw. Ngayon ay naghahasik pa sila ng pananakot sa mga organizers ng naturang programa na kakasuhan.

    In fairness to Willie Revillame (hindi niya ako tagahanga) he is just a mere talent of the program. Paano natin siya sisihin? Pero ang ABS-CBN ay malaki ang responsibilidad gayundin ang PNP at higit sa lahat si Donya Gloria Sinungaling, Mandaraya at Magnanakaw. Sa loob ng 5 taon niyang pagkukunwari na siya ay pangulo, ano ba ang nagawa niya para hanguin sa kahirapan ang Pilipino? WALA!! Ang nagawa lang niya ay sumakay sa popularidad ni Pacman, makihati sa tagumpay ng ating kasalukuyang Miss World, magpa-picture kasama ng batang nagbalik ng halos kalahating milyong piso at ipa-disperse ang mga mamamayang nagra-rally laban sa kanya.

    Ano pa kaya ang hinihintay ng mga Obispo para tuluyan nilang ilaglag si Gloria? G L O R I A or G O L I A R is a curse. Wakasan na ang demonyong naghahari sa ating bansa. KILOS NA BAYAN!!!

  2. batong-buhay batong-buhay

    Akala siguro ni GMA, porke’t hawak na niya halos lahat ng institusyon sa Pilipinas ay makakaligtas na siya sa mga daliring nag-aakusa batay sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Alam ng lahat na kaya nangyari ang trahedya ay dahil sa kahirapan. Natunghayan din natin na karamihan sa nasawi ay mga matatanda. Dito sa bansang kinaroroonan ko ang ganyang mga matatanda ay itinitira na ng pamahalaan sa mga ‘retirement homes’ para magpasarap na lang hanggang sa kanilang pagpanaw. Sa bansa natin, nakakapanlumo dahil habang tumatanda ka lalong humihirap ang buhay. Hindi puwedeng maghugas kamay ka GMA na ala-Pilato at itapon kung kani-kanino ang sisi. Sa ngayon puwede mong salingin ang katawan ng tao, subali’t hind mo masasaling ang kanilang kaluluwa. Sa iyong kamatayan, diyan sa mga matatandang iyong inapi ka hihingi kahit konting patak ng tubig para maibsan ang paghihirap mo diyan sa dagat-dagatang apoy ng impyerno tulad sa parabulang inihayag ng Panginoong Hesus sa kanyang mga kapanalig.

  3. Makis Tuando Makis Tuando

    Araw-araw ang trahedya ng maralita ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa gitna ng pagkamatay ng tinatayang higit sa sitentang katao sa “Ultra stampede.”

    Ayon kay Carmen “Nanay Mameng” Deunida, Tagapangulo ng KADAMAY, “Araw-araw ay isang pagbabakasakaling malampasan ang matinding trahedya para sa aming mga maralita dahil araw-araw ay nahaharap kami sa trahedya ng kagutuman, kawalan ng trabaho at paninirahan.”

    Sa katunayan, sinabi pa ni Deunida, tuloy-tuloy ang malawakang demolisyon sa kainutilan ng programang pabahay ng gobyerno. Nito lamang ika-3 ng Pebrero ay dinemolis ang tirahan at 25 ektaryang sakahan ng 37 pamilya ng mga magsasaka sa pag-aari ng mga Revilla sa Silang, Cavite. Sunod-sunod rin ang demolisyon sa daang-bakal dahil sa Northrail at Southrail project kung saan libo-libo ring pamilya ang mawawalan ng tahanan.

    Sinabi pa ni Deunida na nagpapakita ang naganap sa Ultra nga matinding kahirapan ng mamamayang Pilipino na sa kabila ng sinasabi ni Mrs. Gloria Macapagal-Arroyo na tumaas ang halaga ng piso ay walang kaginhawaang nararamdaman.

    “Dapat si Gloria, siya ang sumagot at magbigay ng solusyon sa kahirapan. Kung siya ang ina ng bayan, dapat tinitingnan niya ang kapakanan ng anak, hindi ganitong hinahayaan niyang magutom dahil sa mga baluktot niyang polisiya tulad ng EVAT,” susog pa ni Deunida na kilalang kritiko ng pangulo.

    Sang-ayon sa KADAMAY, may 25.2 M sa kabuuang 80 M mamamayan ang walang mga tirahan. 4.8 M ang walang trabaho, 350 manggagawa ang nasisisante bawat araw, 16,348,000 na mga bata ang naghihikahos, 15.6 M ang batang malnoris o kulang sustansya ang mga katawan, 4 M kabataang mula sa edad 4-17 ang nagtatrabaho na at 2.4 M dito ay nasa marahas na kalagayan.

    Aabot sa 70,334 pamilya ang biniktima ng demolisyon ng kanilang mga tahanan. Aabot din sa 5,500 pamilya ang nawalan ng tirahan sanhi ng mga kaduda-dudang sunog na walang ipinag-iba sa panahon ng diktador na si Marcos. Mahigit sa 14,208 maliit na manininda sa Kalakhang Maynila ang dinemolis ni Bayani Fernando ng MMDA.

    Binatikos din ng KADAMAY ang ABS-CBN sa anila’y paggamit nito sa mga mahihirap para sa sariling kapakanan, “Madali nilang naipuhunan sa kanilang game show ang kahirapan ng mga maralita na madaling naengganyo sa mga papremyo’t regalong ipapamudmod nila.”

    Sa kasalukuyan, tinatayang 30 milyon na ang maralita sa buong bansa.

  4. Ellen Galace Ellen Galace

    One of my daughters called me that morning and told me about the news in San Diego Union tribune. She said, Mom, a lot of people died wanted to get in the show. She was crying.She felt so sorry for people who have to go hoping that they’d come home with a little money, especially old people.

    I asked her who did she think is to be blamed for and the first thing she said is, the government because if these people have jobs they wont have time to go to the show, and secondly the organizer of the show.

    Pero di ba ang manager ni Revillame is Noli de castro’s wife, who is connected sa ABS CBN?

    So ano na ang mangyayari sa investigation? Just asking.

  5. jinx jinx

    07 February 2006

    Madam Ellen,

    The tragedy last Saturday shows the real score on how most of our kababayans live. They have to grapple to find money to feed the hungry mouth in their family/ies. It is sad, to think that the government is rejoicing on how the peso is gaining strength. If the funds (stolen by marcos and again stolen) be given to the poor families in our society, it could make the difference. Sayang the opportunity to help alleviate the plight of our kababayans went for naught, the funds could have been used to help our kababayans.

    I think it is the time for our government to think of alleviating poverty first before they think of their political survival. Pulos kasi garapal at mga buywaya. Kasabihan nga “SAAN PA GAGAMITIN ANG DAMO KUNG PATAY NA ANG KALABAW”

    Let’s pray for the eternal repose of our kababayans who perished last Saturday.

    Sana magising na tayong lahat sa katotohanan, na marami tayong mga kapatid na nabubuhay ng gutom.

    jinx

  6. Urgie F. of  New York City Urgie F. of New York City

    It’s a time to wake up to the whole truth that poverty and hunger in our country much more severe under the regime of Gloria Arroyo. While Gloria and her alipores live in luxury on people’s money.

    As long as Satan Gloria is still alive and has the power to deceive, she will continue to deceive others. Ang demonyo ay magaling maglinlang at matatamis ang dila. Gloria said, let us not allow the tragedy to be happen again,. Wow!! You believe it? She is a hypocrite.

    Gloria and her alipores will pay the price. Kapag di na makatiis sa kahirapan,gutom at kawalang hustiya ang sambayanan Pilipino.kakapit sa patalim. revolution is inevitable.

  7. Alitaptap Alitaptap

    Miss Ellen, I hate to disappoint you, pero hindi na puwedeng ibalik and kinurakot. Nakahilera na sa tabing ilog pasig ang mga kalesa (chariots) at kasalukuyan ang loading for the trip to the heavens. Long term planning yang si Gloria, gaya ng mga pharaoh. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na kung saan dadalhin ang kanyang kinurakot.

  8. pugak pugak

    To Urgie F. of New York City:

    Pwede bang malaman dito kung anong klaseng revolution ang inaasahan mo?May alam ka bang idelohiya na gagamitin sa sinasabi mo na rebolusyon?
    Nasa “frontline” kaba kung sakali man na mag-umpisa na ang revolution na sinasabi mo?

  9. DJB DJB

    Gisado na nga tayo sa sariling langis, ngayon heto pa ang isang buwisit na buwis. P75 bilyones na pakwan hindi naman mahuhulog sa buwan. Alam mo Ellen, tama si Joker, kung hindi pumasa ng panibagong 2006 budget, hindi dapat kinukulekta ang EVAT.

  10. Jay Cynikho Jay Cynikho

    from the inquirer:

    “Corpus is set to submit the committee’s report to DoJ Secretary Raul Gonzalez Tuesday afternoon.

    Corpus said the Lopez-owned network made the thousands who were camped outside the arena for days “restless” by offering only a few raffle tickets.

    “They were exploited, manipulated, and treated like animals,” he said.

    “Offering so few tickets to so many people can be likened to throwing a small slice of meat to a pack of hungry wolves. This triggered the stampede,” he said.

    —————–

    THIS IS THE JEWEL STATEMENT OF THE REPORT.
    TO THE INVESTIGATOR, THE VICTIMS WERE NOT
    ONLY ANIMALS, THEY WERE WOLVES. KAWAWA WE
    TALAGA ANG MGA KABABAYAN NATIN. DI LANG
    ORDINARYONG HAYOP, MGA LOBO PA. YAN SEGURO
    ANG NAKAUKIT SA ISIPAN NG MGA ALIPORES NI
    GLORIA.

    WHATEVER, THOSE RESPONSIBLE MUST PAY NOT
    ONLY WITH THEIR MONEY, AND THEIR JOBS BUT ALSO
    WITH A LONG STINT IN JAIL.

  11. Tedanz Tedanz

    Ellen,
    Yan ang gusto kung banat mo sa SUROT na yan. Ibalik lahat ang mga ninakaw at inagaw sa mga taong bayan. Hindi lang ang mga pamilya ng Surot na yan pati na rin ang mga opisyales na inilukluk ng mga taong bayan na walang ginawa kundi ang magpayaman ng magpayaman. Ginawa na nilang isang pagkaka-kitaan ang pagiging opisyales ng Gobyerno. Kakapal ang mga mukha kasama na pati kanilang pamilya. Tamaan sana kayo ng Kidlat. Hindi ba kayo nakokonsensiya aba Gng. Gloria!!! Sana Ellen, huwag natin baguhin ang isyu, na ang Arroyo Gov’t ay mga magnanakaw at mandaraya. Talagang mas masahol pa sila kay Pangulong Marcos at kung ako ang masusunod ipapa-libing ko na siya sa Libingan ng mga Bayani at magpapagawa ako ng mga Libingan naman ng mga Mandaraya at Magnanakaw at pag sila ang binawian ng buhay doon sila ililibing.

  12. juanito dela cruz juanito dela cruz

    mam ellen, hi!. natatawa lang ako sa pagyayabang ni Unana na lumakas ang halaga ng piso kontra dolyar dahil sa kanya. naluluka na yata siya. sino kaya ang piangyayabangan niya? ang mga negosyanteng kakutsaba niya sa pagmanipula ng dollar? ang mga ofw? ang mga presidente sa ibang bansa? ang mga nasa naiwan ng mga yumao sa ultra? sino naman kaya ang inaakala niyang naniniwala pa sa kanya? nakita ko na naman siya kanina sa tv, teacher naman ang panggap niya, ha ha ha, ano kaya ang tinuturo niya sa mga bata? good manners and right conduct? pati ba naman mga bata akala niya naniniwala sa kanya? di ba child abuse yung ginagawa niya? paging bantay bata 163. palagay ko dapat na rin nating iboykot yung mga tv at radio na magpapakita sa kanya. pati yung mga negosyo ng mga sumusuporta pa sa kanya lalo na ang JC spice corp. pasalamat po tayo nakaraos na naman tayo sa kabuktututan ni Unana sa araw na ito, thank you , Lord!

  13. juanito dela cruz juanito dela cruz

    ps: pati po sana yung mga negosyanteng may ari ng mga produktong ibinebenta ng JC spice corp ni mike defensor.

  14. Tedanz Tedanz

    Inip na din ako … puro hinagpis lang ang nababasa ko. Lalo na nakita ko yong picture ni SUROT na kunyari titser ng mga bata … ay naku nakita ko na ang picture na yan … ginaya na naman ang ginawa ng pangulo dito sa Amerika. Wala na ba tayo talagang delikadesa …. puro gaya na lang. Wala ng ibinigay na maganda ang SUROT na yan …. nakakahiya talaga kahit dito sa ibang bansa. Mga kababayan ko plis lang gumising na kayo, huwag kayong magpa-uto sa SUROT na yan, marami ng kasalanan sa atin yan at ang kaniyang mga kampon. Wala namang ibang tatakbuhan yan kundi dito sa amerika … nandito na lahat ang mga pera natin … naa-yos na ni Pidal … may mga rantso na sila dito, mga condominium o baka may sarili ng Bangko. Tayo eto nagtatrabaho pa din para may pambili na maka-kain.

  15. Gloria Imp Gloria Imp

    Sang-ayon ako kay Juanito de la Cruz… Kayong mga estudyante sa Mandaluyong~ peke na presidente yung pinapakinggan ninyo, tuturuan lang kayo nyan na
    magsinungaling sa inyong mga magulang, magnakaw at mag-snatch ng cellphone. Turuan kayong huwag makinig at huwag intihin and sinasabi ng inyong titser. Si Gloria Macapagal Arroyo ay isa sa tentacles ni satanas. Sa susunod nyang niyang pupuntahang school~ payo ko sa inyo mga mag-aaral maghanda kayo ng tig-iisa kayong krus…ilagay sa bulsa at huwag ipakita kahit sinuman. Pagpasok ni Gloria sa inyong silid aralan saka nyo lang ilabas yung krus sa inyong bulsa at iharap nyo sa kanya at sabay sabay ninyong sabihing “LUMAYAS KA SATANAS”.

    PS.

    Mga mahal kung columnist~ pwede ho ba ninyong alisin ‘yung P sa GMA? Yung propotocol nyang presindente ay nakakakilabot basahin. Tino-tolerate nila ang kanyang kasinungalingan.

  16. Tedanz Tedanz

    Hey Gloria, isinusuka ka na ng mga taong bayan ano pa ang ginagawa mo diyan. Tuwang tuwa sila pag nakita ka nila in personal, kasi hindi pa sila nakakita ng SUROT na me nunal sa pisngi. Yon lang Gloria, huwag mo ng isipin pa na gusto ka nila. Hey Erap, ano ang ginagawa mo sa Tanay, para kang kalabaw na ipinastol ng mga kampon ng SUROT na yan. Gising na!!!!!!! Mas lamang ka kay Gloria na kahit nag-aral dito sa amerika ala siyang kuwenta. Biruin mo ang ini-idolo kung ERAP at FPJ inonse lang ng SUROT. Ano ba yan …. kakainis na. Nasan na ang bilis niyong sumuntok at bumunot ng baril? Hindi niyo siya talaga. Ano dapat ang gagawin niyo … e di tirisin.

  17. Tedanz Tedanz

    Balita ko hindi na daw takot ang Diyos na iwan ang upuan niya na baka agawin daw ni Pangulong Marcos. Ang ikinatatakot na daw niya ngayon ay pag si Surot ang umakyat baka daw siya na ang aagaw sa kanyang trono. Nakikiusap po siya na sana huwag niyo munang tirisin si SUROT.

  18. a de brux a de brux

    Hay naku Ellen, walang konsensiya iyang babaeng iyan.

    Hipokrita, sinungaling, magnanakaw, ganid … si Gloria! Ang daming defects ng punggok na ito! She has no right to call herself Christian!

    Maski gusto niyang ibalik ang ninakaw niya (duda ako na puwedeng mangyari ito) at kinurakot ng asawa at pamilya niya, hindi papayag naman si Fatman.

    Kailangan bitaying iyang mag-asawang Arroyo tapos, isa isahin ang mga cabinet members na magnanakaw na kagaya nila tapos pati si Davide at si Garci din bitayin na rin!

    Ganid na pamilya itong mga Arroyos na ito…

  19. Karl Karl

    me kommentaryo tungkol sa leader ng mga ibang bansa na pinarusahan tulad ng mga dating lider ng Korea

    wag na tayong lumayo pa this time near sightedness is not bad…
    sinubukan na gayahin yan ng mga alipores ni micro mini sa ibang salita mikrobyo …nang pakulong nya ang dating pangulo…

    sya kaya pag napatalsik mapakukulong din ?

  20. Karl Karl

    kapit tuko, dikit linta ano pa ba ang kulang
    tulad ng sinabi sa engkantadia at sinasabi ngayon sa etheria

    PASHNEYA!

  21. Hanggang kailan kaya kayo makapagtitiis mga kapatid???, kailan tayo magiging solido, kung kailangan umuwi kaming mga ofw para sumali kami sa mga rally oks lang. Sabay sabay nating pataubin si hinayupak glo, kami dito sa ibang bansa ay atat na atat na atat na atat ng sibakin yang mahal nyong pangulo.

  22. VON VON

    Naku, ano pa ba ang nalalaman ni Gloria sa pag tulong nag labas na ba sila ng pera para sa mga biktima???? puro lang sila salita. Sana napakinggan ninyo ang unang interview kay Gugong Noli De Castro. Nandoon siya sa Ultra at may nag tanong sa kanya na isang reporter. Sir! Ano po ba ang gagawin ninyong tulong at paaano ninyo mapapa uwi ang mga biktima? ang sagot niya ay ” DAPAT ANG ABSCBN ANG GUMASTOS NG MGA BAGAY NA IYAN???? ETO BA ANG TAMANG SAGOT.. OO ABSCBN nga ang may pakana ng programa pero dapat ba niya isagot iyun ” Dapat ang ABSCBN ang gumastos”. Kung ako ang nasa posisyon niya ay ang isasagot ko ay “GINAGAWA NA NG PAMAHALAAN ANG MGA KAILANGAN NA TULONG NG MGA BIKTIMA OR NAMATAY….Siguro ay ayaw lang niya mabawasan ang mga mananakaw nila sa gobyerno. Or nahahalatang hindi marunong talaga. Kaialang kaya kikilos ang mga Junior Officer para matapos na ang problema . Paki unahin ninyo si GMA as in G-GANID, M-MAGNANAKAW and A-Ako….

  23. VON VON

    Bilib rin ako at ang bilis nila mag labas ng resulta ng imbistigasyon (pero kapag sila ang na iibistigahan ay aabutin ng taon at wala pang resulta).Ang sasakit pa ng salita na binigay nila sa TV Station. Oo talagang may kasalanan ang ABSCBN pero hindi ko rin sila masisisi dahil negosyo iyun at kailangan nilang gawin iyun para hindi rin malugi. Kahit anong negosyo ay kailangan mo ng gimmik. Kung hindi nakikita ni ARROVO kung bakit nagkakaganoon ang mga tao na nag hahabol ng konting pagkakaperahan ay dapat na siyang magpa????
    Bilib ako sa mga kotongress na kumita sa fertilizer fund and Marcos money. Hindi ba kayo nahihiya sa buhay ninyo. Sana mauna kayong mamatay , mga ganid at suwapang.Nakakahiya ang pamilya ninyo sana hindi kayo tularan ng mga anak ninyo.

    Alam ninyo pati si SATANAS ay hindi na papasukin si Kutong Lupa dahil si SATANAS ay natatakot na madaya at maisahan ni GMA. Mas masahol pa kasi kayo kay SATANAS eh.

  24. VON VON

    Helen,

    Dito lang sa Pilipinas nangyayari ito na nakaw na pera ay ninakaw pa ulit. Dalawang beses na dinungisan ang pilipinas.

  25. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Von, ganyan din nga ang obserbasyon ko. Ang bilis ng report nila, kasi contra ABS-CBN na inaasinta yatang agawin kasama ng Meralco gaya ng ginawa ni Makoy nuon. Pero yung report sa wire-tapping hanggang ngayon hindi pa inilalabas.

    Sa akin lang, pag bumagsak na si GMA, pati buong pamilya dapat huwag tantanan at lipulin lahat para hindi pamarisan. Mag-anak ni Makoy ay nakaligtas na. Sana huwag nang maulit ang kamaliang yan (opinion ko lang).

  26. VON VON

    Tomas Tinio,
    Ang masakit ay ang tingin pala ng pamahalaan sa mga namatay ay mga hayop. Basahin mo ang nilabas na resulta nila. Ganoon pala ang tingin sa ating mahihirap na isang kahig at tuka na parang mga hayop. Masakit na halimbawa iyan lalo na may namatay. Iyan ang tingin ni Arrovo sa atin kaya kahit ayaw na ng masa sa kanya ay kapit tuko pa rin siya sa puwesto. Tinalo na niya si Marcos ah.. Kahit papaano ay maganda ang kinabukasan natin kay Marcos kung ikumpara sa ngayon. Kung mayroon para kay MArcos ay may para sa bayan. Pero ngayon ay Kung may para sa mga ARROVO ay wala para sa bayan dahil mga hayop ang tingin nila sa atin.

    Halimbawa mo lang ang anak ni kutong lupa na si Mike Jr. na kotongress. Last two year ang asset ay ₧3millions pesos kasama na ang lahat na ari arian. Ngayon ay more than ₧50 millions pesos na. Ang galing ano saan nakuha iyun… Saan pa sa pagnanakaw nilang pamilya diba.

  27. bfronquillo bfronquillo

    PINUNA ni Atty. Fortun ang pagkukulang ng mga pulis sa Trahedya sa ULTRA kung kaya’t galit na galit si Querol sa interview sa kaniya ni Arnold Clavio. Wala raw pananagutan ang mga pulis kahit pa ba abot-tanaw lang nila ang ULTRA at mas malayo dito ang ABS-CBN. Kasi nga ay ibinunton lahat ng Task Force ULTRA ang krimen sa ABS-CBN at inabsuwelto ang PULIS, DILG, at GLORIA.

    Sabihin na nating ang lahat ay nagmula sa paghahabulan sa “ratings” ng dalawang higanteng TV Stations at sa pagkakataong ito ang ABS-CBN ang tinamaan ng kidlat. Pero por dios por santo naman huwag nilang sabihing walang pananagutan ang DILG at pulis. No permit no rally, hindi ba? At ang pagtitipon ng higit sa dalawampung tao ay binubuwag na agad ng mga pulis. Kapag 50 tao ang nagtitipon ay tinatapatan agad ng 100 pulis, at libong-libong pulis kapag dumami pa ang mga tao lalu pa’t kung tatlong araw na silang nagtitipon.

    Hindi maaaring hindi mapupuna ng istasyon ng pulis na isang sigaw lang ang layo ang nagaganap. Ang sabi ni Querol hindi raw sila kinakausap ng ABS-CBN. Mga tinamaan kayo ng magaling, mas malapit sa inyo ang pagtitipon sa loob ng tatlong araw na umabot sa 50,000 tao. Sabado ang programa pero Lunes pa lang ay mahigit nang 100 ang tao sa gate of ULTRA. Wala silang permit para magtipon duon kaya dapat ay pinaalis agad sila, di ba? Bakit hindi ninyo pinairal ang Calibrated Preemptive Response. Why did you not apply preemptive actions to prevent any untoward incident and for the security of the people assembling you should have told them to disperse because they had right to assemble without permit.

    Pasig City should also have dispersed the early crowd since they themselves said that the people did not have permit to assemble there. They said ABS-CBN did not coordinate with them that crowds will be assembling at ULTRA. But they saw the crowd assembling since Monday. They should have castigated ABS-CBN then and should have told them to disperse the crowd and if they don’t they should have done the dispersing themselves.

    If CPR is a legal Executive Order, they should apply to all types of crowd assembling to PREEMPT any tragedy from happening. But then, CPR is a special law to be applied only to special people – ONLY FOR THOSE ASKING GMA TO STEP DOWN.

    The people knows better. They lay the blame for the tragedy upon the doorstep of ABS-CBN, the PNP, Pasig City, DILG, Media Hype, and yes ultimately Gloria Macapagal Arroyo because of the grinding poverty gripping our hapless land.

  28. Alitaptap Alitaptap

    Sabi ni A de Brux: “Kailangan bitaying iyang mag-asawang Arroyo tapos, isa isahin ang mga cabinet members na magnanakaw na kagaya nila tapos pati si Davide at si Garci din bitayin na rin!” Mahirap yatang panukala yan. Magkaroon ng anarchy dahil wala ng mangasiwa sa gobierno. Kailangan maiwanan si Garci upang sumagot sa tawag ni Gloria mula sa langit.

  29. goldenlion goldenlion

    Alitaptap hindi makakarating sa langit si Donya Sinungaling, Magnanakaw, at Mandaraya. Tinitiyak ko iyan sa iyo. Kasi kung mangyayari iyon kahit sa langit ay baka magkaroon ng protesta. Si Gloria ay nakalaan sa dagat-dagatang apoy kasama niyang tatangis duon si Big Mike, si Bunyeta, Ermitanyo, Defensor, Davide, Ramos (ay wala na pala ito, biglang naglaho!!)de Venecia, Abalos, Bolante, Gonzalez at Gonzales, mga demonyong generals, Lomibao. Itong si Garci ay tuluyang maglo-lowbatt at susunod kay Sinungaling..Ang tanong tanggapin kaya sila ni Satanas?? ha, ha, ha, ha,!! palagay ko magkakasubukan sila ni gloria, mag-aagawan sa trono. Hindi bale andun naman si davide eh, siya ang bahalang magpasiya kung sinong uupo. Paano natin maibabalik ang mga kinurakot nina gloria? simple lang mga kamasa, punta tayo Malakanyang, ilabas natin si mandaraya, kasama lahat ng alipores, samsamin lahat ng ari-arian nila (nasa bank man o nasa sariling vault) lahat ng kanilang lupain ay bawiin, huwag kalimutan ang kayamanan ni Pidal. Tapos ipamahagi agad sa mga mahihirap. O ano? ready na ba tayo??

  30. Ferdinand Ferdinand

    VON tama ka mabilis nga maglabas ng resulta ang DILG kasi oposisyon ang turing nila sa ABS CBN…

    bfronquillo maganda ang iyong punto regarding CPR ni GMA.. bakit nga ba hindi nila ginawa itong sinasabi nilang para sa kapakanan ng tao hindi lang laban sa oposisyon… Nangangahulugan lang talga na ang CPR na yan eh ginawa ONLY to be used against the oposition…

    ano na nga ba ang ginawa ng gobyerno sa pamilya ng mga nangamatay dati sa OZONE? Nakapaglabas ba sila ng ganito kabilis na imbestigasyon?
    Ano na nga ba ang nangyari sa mga pamilya ng mga Born Again Christian na namatay sa sunog sa isang Hotel dyan sa Pilipinas? nagkaroon na ba ng resulta sa imbestigasyon? May mga tao bang na nakulong na?

  31. lam mo ellen sobra na ang galit ko dyan kay arroyo, makapal talaga, hindi ko lang maibuhos sa kanya ang galit kong ito e pero kung maghihikayat ang mga sundalo sa mga sibilyan na sumama sa kanila para pabaksakin si pandak asahan mo kasama nila ako.matagal na ako sa gubierno pero ngayon ko lang naramdaman ang galit na ganito, biruin mo binawi nila ang kayamanan ni marcos kasi nakaw daw ngayon inubos na nga nila nagnakaw pa at hindi ata titigil hangat di natutuyot ang mahihirap. pag bigla ko syan makitang nagsalita sa tv pinapatay ko agad kasi ala naman sasabihin yang pabor sa atin e kung tutuo man yung kulam sa mga marunong sa kulam, pls. lang kulamin nyo na

  32. sa totoo lang natutuwa ang malacanang sa nangyaring trahedya sa ultra kasi mawawala ang pokus sa kanila kaya yang si pandak uutusan ang mga alipores para manggatung ng sa gayon malihis sa kanila ang usapan.

  33. Monti, we’re on the same mind in thinking that GMA has again been blessed by another distraction. The stampede tragedy has taken the attention away from issues concerning her.

  34. a de brux a de brux

    Alitaptap,

    Of course, the interim period between a true revolution and peace may bathe in anarchy.

    All European democracies and even the US after the Civil War had a short bout with anarchy. And today, they are fully democratic.

    We need to be audacious – either we want change, break from this cycle of corrupt leaders or we do it piecemeal and 100 years from today, the system will not have changed.

    The situation has been the same from the time of Rizal’s death (friars and all in control) – about time something drastic and radical is done to give real change a chance.

    Otherwise you will have Gloria, then the son and then the granddaughter in power for all eternity while the poor will not only become poorer, they will die on the wayside by the hundreds, thousands, etc. because of hunger, disease, malnutrition and over-crowdedness (runaway popolation!) while the Arroyos become fatter, crueller, more corrupt, more abusive, etc.

    Difficult times call for difficult decisions, difficult momemnts require difficult measures and to me, the fix must be surgical.

    The country is dying of cancer, either you go for the surgical fix and have a chance to survive or die without fighting.

    “De l’audace, de l’audace et encore de l’audace”…as Frederick the Great said which happened to be the guiding fighting motto of General Patton as well.

    Somewhere, someone will come out of the mess to lead, never doubt!

    To me it isn’t good enough to say, “But there’s no alternative!”; history has proven over and over again that in a time of armed crisis, someone whom we probably haven’t noticed today will come out from the ranks to emerge as the crisis and combat the Arroyos.

  35. a de brux a de brux

    BITAYIN NA ANG MAG-ASAWANG ARROYO!

  36. Pinay-abroad Pinay-abroad

    Gloria Macapal mukha mo! Alis na dyan!!!

  37. Buti pa nga ang ABS-CBN kahit papano nakakapagbigay sa taong bayan
    Maslalo na sa mga Dukha’t maralita at sa walang pag-asa ng kaginhawaan tulad ng mga Papremyo ng pera, Bahay, sasakyan, Gamit sa paaralin, Tulong sa mga Mahihirap, ang Bantay-Bata, pagbibigay tulong sa mga may mga malubhang sakit na kapus palad, Paglutas ng mga problema sa pamagitan ng Citizen-Patrol, ang pagbibigay ng Totoong Balita sa buong Panig ng Pilipinas, pagpapaanyaya sa lahat ng kanilang kaalaman at karunungan, Sama-samang pagpapasaya sa mga taong mahirap o mayaman pawang isang Pamilya di lamang sa Pilipinas pati na rin sa iba’t ibang bansa kung Nasaan may mga Kapamilyang Pilipino, mga hanapbuhay sa mga tao, ang Pagtitipon sa mga taong bayan para magsaya sa kanilang iba’t ibang tanghalan upang sila ay mapasaya at mapalayo sa mga gawaing masasama o kriminalidad, ang pag-gising sa AGOS ng damayan, kabutihan, kadalisayan at kabayanihan sa puso’t damdamin ng taong-bayan ….. ito ang SILAB ng AWA at Giningtuan Budhi Umaagos mula sa Kabayanihan ng mga naglilingkod an nagpapatakbo ng ABS-CBN….MABUHAY SILANG LAHAT.

    Ano naman ang sa mga PINUNO ng ATING PAMAHALAAN ng Pilipinas,
    Sila lahat ay mga BATAS ng Sanlipunan. BATAS ng kasamaan, Batas ng PANG-AAPI, Batas ng Magnanakaw at Korakot, Batas ng Mapagsamantala, Batas ng Manlulupig.

    Dahil sa kawalang-katarungan at kasamaan sa araw-araw nilang paghuhukom,
    sa kawalang-katarungang ginagawa upang makamkam ang kayamanan;
    sa panglilinglang sa sahod ng mga manggagawa;
    sa tusong paggamit ng kapangyarihan para sa kasiyahan at karangyaan;
    sa paghatol nila ng kamatayan sa mga taong walang-laban;
    sa lubos lubusang kasamaan lumalagablab sa ating buong kapaligiran.

    Binihag at ginapos ninyo ang Kabuhayan ng ating Bayan
    Sila ay bihag ng kahirapan, kasamaan at paghihikaos
    Dahil sa inyong katiwalian, pagbababaya at kalupitan.
    Ang kanilang kaunting pananamit ay inangkin pa ninyo.
    Ang kanilang kaunting pagkain ay inagaw pa ninyo.
    Ang kaunting kaunting karapatan nila ay inyong
    nilapastangan at tinapakan.
    Ang kanilang kaunting pangangailangan ay inyong pinagdadamutan.
    Dahil sa inyong katiwalian lahat sila ay naghihikahos.
    Ginawa ninyong pugad ng kasamaan at karahasan ang ating bansa.
    Naging pugad na rin ito ng kalaswaan at ng gutom na patutot.
    Naging pugad na rin ito ng mabagsik na krimen at kamatayan.
    Hanggang saan pa ninyo ito paabutin. Kailan ito matitigil.

    Ang pag-uulayaw ninyo sa mundong kayamanan
    At ang pagka-uhaw sa mga sariling karangyaan
    Ay umuudyok ng paghimagsik di lamang sa tao
    Kungdi pati na rin sa atin Panginoon Diyos
    Dahil wasak na wasak na ang mga kabuhayan
    sa walang-tigil na kasamaan at karahasan
    Pinangungunahan pa ninyo, mga watak-watak na Pinuno
    Pahiwatig na isang bulok at sawing pamahalaan.
    Kahit limpak limpak na salapi ang pumapasok sa Bayan
    Naghihikaos pa rin ang atin sanbayanan
    Dahil puno ito ng katiwalian at kasamaan
    Ang bulsa ng ating kasaganahan ay BUTAS
    And Banga ng ating katiwasayan ay may BASAG
    Ang bangka ng ating kaunlaran ay PALUBOG.

    Kaya ang tanong sa isang pangkaraniwang mamamayan,
    Sino ba ang NARARAPAT maging GABAY ng taong Bayan.???
    Ang TIWALING-PAMAHALAAN ng PILINAS na Pintatakbo ng mga taong
    may MAIITIM na Puso’t BUDHI O ang mga taong may mga Dalisay at Marikit at GINTUANG Puso’y Budhi tulad nga KALAKALAN ng ABS-CBN ?

    Kung ako ang tatanunigin ….. PIPILIIN ko na ang ABS-CBN dahil sa kanila talaga may PAG_ASA ang bawat isa sa ating at ang BUONG PILIPINAS….

    MABUHAY ang ABS-CBN…
    MABUHAY ang PILIPINAS…

    KAIROUS KAI KROUNOUS

  38. Nasaan ang batis na umaapaw ang tubig
    Para sugpuin ang mga init ng ating kasalanan.
    Nasaan ang mga punong masaganang may bunga ng katotohanan
    Na mag-aakit sa lahat ng kabuhayan.
    Nasaan ang mga pagkain na magbibigay buhay
    Para paslangin ang mga sakit at hinagpis.
    Nasaan ang mga tapat, magalang at tanyag
    Na pagbati at pagpapahalaga sa kapwa.
    Nasaan ang moog ng ating pangsampalataya sa Maykapal
    Ang sanggalan natin laban sa mga kasamaan.
    Nasaan ang mga dalisay at marangal na pinuno
    Na mabubuklod sa ating lahat sa katiwasayan.
    Nasaan ang kristyanong bayan na matatawag na Kahiraan ng Diyos
    Kung saan dumadaloy ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagmamarikit.

    Ito ba’y ang Pilipinas ??? Sila ba’y ang mga Pilipino ???

  39. david ho david ho

    Sa aking palagay ay may malaking pananagutan ang ABS CBN dahil sa kulang nilang pag-hahanda at preparasyon sa pag-tatanghal ng wowowee, ganun din sa panig ng gobyerno.

    Kaya dapat lang at tama ang ginawa ng ABS na sagutin ang lahat ng gastos at damages pati perwisyo sa naidulot ng sakuna. Sa part naman ng gobyerno, nakikita nila at nasasalamin ang kahirapan ng bawat Pilipino kahit nuon pa kung kayat maraming nag-aalisang Pilipino para mangibang bayan dahil sa kahirapan pero hanggang ngayon ay wala pa rin solusyon ginagawa ang pamahalaan.

    Gaano ba kayayaman ang nasa gobyerno? Ang Pangulo ng Pilipinas? Ang mga senador? Ang mga Konggressman, Gobernador? Mayor? At iba pang Opisyal na Pampubliko.

    Kung maayos nilang nagagampanan ang kanilang trabaho,bakit patuloy ang pag-hihirap ng mga Pilipino at bansang Pilipinas? Dahil sa kanilang kapabayaan at sa mga personal na interes lamang ang pinangangalagaan. Hindi ba dapat lahat ng Pinoy ay mag-kaisa para pasabugin ang Kongreso ng Pilipinas habang lahat ng buwaya at masisiba ay nasa loob at nagpupulong.

    Sila ang dahilan king bakit nag-hihirap ang Bansang Pilipinas. Ganun din ang mga heneral na mga magnanakaw, ilang heneral ang puro mayayaman na kung bubnusisiin mo ang sahod ay kulang pa pero nakatira sa mga nag-lalakihanng mansyon at bahay. Dapat sakanila pasabugin ang mga armas na ginagamit nila sa mga rebelde dahil walang mag-rerebelde kung maayos ang pamamalakad ng isang bansa. Dapat ding bitayin sa Rizal Park ang nakaupong mag-nanakaw, mandaraya sa Malacañang dahil sa tatlong taon na pag-kaupo ay walang asenso ang bawat Pilipino pero yumayaman ang mga galamay at alipores.

    Wala nang pag-babago ang Pilipinas dahil matitigas at makakapal ang mga mukha ng mga nakaupo sa pamahalaan, dapat ay mass revolution at mag-tatag ng pamahalaan na may takot sa Diyos, may konsinsya at integridad at kakayahang manungkulan.

  40. brigida brigida

    Mam Ellen, kaya kami sumulat sa iyo kaagad dahil masamang masama ang aming loob at nadiscourage kami sa narinig at napanood namin sa TV (TFC Channel) tungkol sa commento ni USec MARIUS CORPUS na “The people were exploited, manipulated and treated like animals” Ganoon ba kababa ang tingin ni MARIUS CORPUS sa mga tao lalo na sa mahihirap na Pilipino?

    Kabayan Corpus, tao ka rin at PILIPINO pa man din. Saan ang kunsensiya mo na husgaan ang mga tao. Masakit pakinggan Kabayan Corpus ang comento mong ito dahil kami rin mahirap. Kaya kami napadpad dito sa Middle East para din makipagsapalaran at humanap ng magandang kinabukasan. Masuwerte ka Cospus dahil mayroon ka, pero kung mahirap ka rin na kagaya ng mga pumila sa ULTRA ay siguro isa ka rin sa mga biktimang nakahandusay doon sa Stampede.

    At isa pa huwag naman sana nating isisi sa ABS-CBN ang mga nagyari sa ULTRA. Kung may kasalanan ang mga organisers (ABS-CBN) ay mayroon din kasalanan ang mga taong pumila dahil hindi sila nakikinig sa dapat pakinggan gaya ng mga security, mga pulis at mga iba pang dapat nilang sundin kagaya ng discipline sa pila.

    Mam Ellen, Saludo kami kay Mr. Eugenio Lopez III, Willie Revillame at lahat ng mga staff ng ABS-CBN because they are all trying their best to give support to those victimized in ULTRA Stampede especially those who lost thier life.

    MARIUS CORPUS manginig ka sa sinabi mo bawiin mo sana dahil marami kang nasagasaan. Pero magsori ka man ay nasabi mo na at narinig na ng buong bansa na ganyan na lang ang tingin mo sa mga mahihirap. Marius, hindi lahat ng araw ay nakatayo ka at maganda ang buhay mo. Think of the future, baka magiging isa karin sa mga sinabihan mo ng “Parang Hayop” Matakot ka sa “Karma” Marius Corpus.

    Lastly, mabuhay ang ABS-CBN lalo na kay Willie at Lopez’s.

    Concerned Filipinos – Abu Dhabi, UAE

  41. VON VON

    Brigida, Huwag ka ng mag taka sa mga tao ni ARROVo puro walang utak ang mga iyan, dahil kung ano ang sama ng amo nila ay ganoon din sila. Iyan ang tingin ni ARROVO sa atin mga mahihirap na isang hayop. Tignan mo kung gaano na ang yaman ni Undec Corpuz. Buti nga ang Lopez Family ay inamin na nila ang kasalanan at itong Arrovo na 100% na nandaya ay nag bubulagan pa rin. Mabilis ang resulta ng imbistigasyon dahil isisisi nila sa iba. Iyan ang nag papatunay na ang mga pinili ni Arrovo ay puro walang utak at ang laman lang ng utak nila ay kung papaano magnakaw para yumaman.
    Glu-ria Makapal bakit hindi mo ginamit ang C – P – R mo.

  42. Alitaptap Alitaptap

    a de brux Says:

    “De l’audace, de l’audace et encore de l’audace”…as Frederick the Great said which happened to be the guiding fighting motto of General Patton as well.
    Ikinalulungkot na sabihin mmselle debrux na hindi ako spokening francaise. Ganoon pa man I have an inkling of what you mean. Gloria is entrenched in power with the national treasury at her disposal and lapdogs in high places at her beck and call. It demands extreme sacrifice from pinoys to pry her out from malacanang. Kapit tuko si glue-ria at kailangan ang buldozer upang matanggal siya. Unless the nation is born again and baptised with fire, your fears will come true, i.e. Makapal children and grandchildren will roam the land.

    AWAY WITH GLUE-RIA

  43. a de brux a de brux

    My dearest Firefly,

    Englishcise the Fench words and you’ll see, you will be spokening francais in no time at all…

  44. pugak pugak

    Brux,

    my idea of “Francophone”

    in Tagalog:

    prangkang lalaking hapon na mahilig sa mga japayuki

  45. REY REY

    DAPAT SISIHIN DITO MGA PNP BAKIT PAG MAY RALLY KAHIT IILANG TAO LANG ANDUN AGAD SILA, AKALA KO BA BABANTAYAN NG PNP ANG MGA MATATAONG LUGAR DAHIL SA NANGYARI NOONG VALENTINE’S DAY BAKIT ANG DAMING TAO SA ULTRA DI MAN LANG SILA SUMILIP DUN, MAUTAK TALGA TONG SI GLORIA NA MAKAPAL ANG MUKHA NAGBIGAY AGAD NG 72 HRS SA MGA MAGIIMBESTIGA PARA MAILAYO AGAD ANG ISIP NG MGA TAO NA SILA ANG SISIHIN, ALIN PA BANG AHENSYA NG GOBYERNO ANG MATINO NGAYON, WALA NA DAHIL LAHAT NG KINUKUHA NI GLORIA YUNG MAAASAHAN NIYA SA KAWALANG HIYAAN TULAD NIYA MAG ISIP NA PO TAYO MGA KABABAYAN KUNG TATAGAL PA NG ISANG TAON SI GLORIA SA PWESTO SIGURADO BUONG PILIPAS MGA DEMONYO NA MAGPAPALAKAD NA TULAD NIYA…

  46. FLC FLC

    you depicted a very accurate, very real state of the nation in your article ULTRA Tragedy. what a sad, depressing, infuriating reality! damn GMA, her greedy husband, and their corrupt cronies! sila’y mga walang konsiyensiya at walang tunay na pagmamahal sa ating inang bayan at ating mga kababayan.

    enough is enough! we shouldn’t give her another day in malacanang because we are giving her peninsulares husband license to collect more money, be it from business deals, government funds, or government agencies (like pagcor?). they will continue to steal from every hard-working filipino. we deserve decent, morally upright leaders.
    GMA is a farce. she is a liar. she is a thief. her people harass those who opppose her. there is no genuine freedom. it’s a dictatorship all over again. akala ko ba, natuto na tayo? IT IS TIME to kick her and her people out of office. we have every right to do so. in union there is strength. MAKIBAKA! HUWAG MATAKOT!

  47. a de brux a de brux

    Pugak,

    Sounds alright to me – didn’t know that there’s an ‘alternative’ Tagalog dictionary sa Pinas. Tinuturo ba iyan sa Pinas under the auspices of the Department of Education ni Gloria Macapal?

    Sana hindi insulto sa mga Japayukis iyang translation mo. Kawawa naman iyong mga kababayan natin na mga babae na napilitan na magbenta ng sarili nila sa Japon para lang mapakain ang pamilya nila dahil sa hirap ng buhay nila sa Pinas.

  48. Urgie F. from New York City Urgie F. from New York City

    Sa palagay ba ibalik ni Glue Arroyo at kanyang alipores ang kinurakot sa kaban-yamang ng bansa…? I’m doubt they never return it.. until now they still stealing including the soul of Juan de la Cruz. Talo pa ni Gloria si Lucifer sa katusuhan.

  49. parpar22 parpar22

    Ang kapal talaga ng mga mukha ng mga pamilya arroyo, mga mandaraya, magnanakaw, sinungaling, pare pareho sila ng mga anak niya at asawa niyang baboy na palamunin na sana ay na matay na sa kanyang operasyon para naman mabawasan na ang mga demonyong namumuno d2 sa pilipinas. si trillanes na lang ang pag asa pa mapatalsik yang unano na yan sa kanyang kinauupuan.. pare pareho silang mga PATAY GUTOM!

  50. parpar22 parpar22

    akalain mo na benta pala ang taal volcano natin sa mga koreano? pwede pala yun? ang tigas ng mukha mo mayor! ang sarap mong hampasin ng diyaryo sa mukha mong tigasin!

  51. parpar22 parpar22

    si BF abusado makapal din ang mukha… mga MMDA kaway lang nang kaway parang artista tapos na ngongotong pa…

  52. parpar22 parpar22

    Hello garci?! isa rin sa mga alagad ni satanas.. kaya sya nag resign para hindi na siya mapiga sa reklamo ng “hello garci” tape na yan.. iba talaga si gloria mautak!

Leave a Reply