Skip to content

GMA-Davide partnership

Matagal na akong walang bilib kay dating Supreme Court Justice Hilario Davide. Lalo ako nawalan ng gana sa kanyang pagtanggap ng posisyon na presidential adviser for electoral reforms.

Hindi naman siguro kailangan ang mataas na pinag-aralan para malaman na si Gloria Arroyo ay nandaya noong 2004 elections. Hindi lamang sa papalit ng resulta ng mga botohan doon sa Lanao batay sa ating narinig sa Hello Garci tapes kungdi sa paggamit ng pera ng bayan (fertilizer fund at ang nabawi na pera mula sa Marcos ill-gotten wealth) para pambili ng boto at pambayad para sa mandaya para sa kanya.

Ngayon gusto ni Arroyo magkaroon daw ng reporma sa eleksyon. Magkakaroon ba ng reporma habang ang mandaraya ang namamahala? Paano magkaroon ng reporma sa Comelec habang si Benjamin Abalos, na hindi mo alam kung tanga o nagtatanga-tangahan lang, ang chairman. Para namang sinabi mong pwedeng lumipad ang elepante.

Magkakaroon ba ng reporma na hindi mapaparusahan si Arroyo? Kung hindi siya maparusahan, paano ngayon ang iba pang mandaraya? Ano, pipiliin mo lang ang paparusahan sa pandaraya?

Sa pagtanggap ni Davide ng posisyon bilang adviser ni Arroyo, ibig sabihin noon gusto niyang tulungan ang mandaraya. Ano ang tawag mo sa taong tumutulong sa mandaraya? Di, accomplice sa pandaraya.

Kung sabagay, hindi tayo dapat magtaka kay Davide. Masyado lang siya na build-up ng media at ng civil society. Dapat natin alalahanin na siya ang may kagagawan ng pananatili ni Arroyo sa Malacañang pgkatapos ito nang-agaw ng kapangyarihan sa isang presidente na hinalal ng taumbayan.

Si dating Pangulong Cory Aquino at sina dating Social Services Secretary Dinky Soliman ay nag-sorry na sa kanilang papel na paglagay kay Arroyo sa Malacañang kahit hindi siya hinalal ng tao at wala namang bakante sa pagka-presidente. Iyon ay paglabag sa Constitution.

Kung sabagay, mabuti na rin na lumabas ang katotohanan kay Davide. Noong ibinulgar ni dating Pangulong Estrada na ang negosyanteng si Lucio Tan ang kumausap sa kanya para si Davide and i-appoint ng Supreme Court justice, hindi natin pinansin kasi masyadong nating minamaliit si Estrada.

Ngunit totoo nga. Ngayon, kung ikaw ay maprinsipyo na tao, alam mo namang may malaking kasong naka-pending si Lucio Tan sa Supreme Court, bakit ka hihingi ng tulong sa kanya? Di magkaka-utang ka pa ng loob.

Ngayon, bilang adviser ni Arroyo, alam na natin na talagang bagay na bagay ang dalawa. Di ba may kasabihan, birds of the same feather, flock together.

Published inWeb Links

295 Comments

  1. Wow, di ka nga tanga as you claim miss ellen, at parang nagsisi ka na minaliit natin si erap. Mas tanga pa nga para sa yo sina b.abalos at davide, wonderfull.

    Have you attended the PET sessions?, have you seen the votes and the descipancies in the tallies para makapag conclude ka na ninakaw nga ni GLORIa ang pinapanalo niya? In all times, yung walang masyadong pinag aralan madali talagang mag judge.. kagaya ko ikaw kaya?..

    If i am not mistaken you are a reporter… as i have seen this past months, the media have even getting worsely pisimistic.. well i know naman na you live on that kind of life.. alam ko kasi na di mabili kung di masama ang balita.. most probably happy ka sa nangyayari sa pilipinas ngayon.. maingay, magulo, may banta… im sure tuwang tuwa ang mga laman laman niyo kasi marami kayong maibabalita.. poor woman..

    I am an ordinary man, but instead of talking negative on all things in this world, can you stop for a while and think of something positive?

  2. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    Lalo akong walang kagana-gana kay Hilarious Davide. Noong i-appoint siya ni Erap bilang SC justice ay hindi ko na talaga gusto. Reporma sa eleksyon? Sus!! talagang itong si GMA kumalas nang lahat ang turnilyo sa ulo. Kung anu-ano ang pinagsasabi. Hangga ngayon ba ay hindi niya alam na siya ang ugat ng lahat ng problema sa bansa. Siya ang nandaya, nagnakaw ng boto at nagsinungaling..binaboy niya ang election code natin, tapos ngayon gusto niya magkaroon ng reporma sa eleksyon? Ito naman si Hilarious, makapal na rin, pagkatapos niyang agawan ng silya si Erap at ibigay kay Gloria may lakas pa ng loob na tanggapin ang posisyon? ano ba?.. Nakakahawa ba ang kalagayang mental ni gloria? Ito lang po ang masasabi ko: GMA, Davide, FVR, JDV, El Jugador Chavit at Big Papa Mike, umalis kayo dyan sa Malacanang, at presto magsasaya ang buong bayan, wala ng problema ang Pilipino. Period.

  3. jinx jinx

    26 January 2006

    You people really dont get it, its a very bad habit, it just dont die, hehehehehehe, all of them are hypocrite, they are supposed to be retired, right??? Anyhow, kailangan kasi ni LEPRICORN magbayad ng utang na loob, after swearing in the lepricorn in 2001 in acting capacity, after sometime, sinabi nya na hind raw acting president kasi nagresign daw si PJEE. Kawawa naman si PJEE, people thought of him as inutile president, look at us now, we are the ones who look inutile, after those idiots put the LEPRICORN in the Palace, look what had happen to us, we should pity those people who forcefully removed PJEE from office. Makunsensya naman kayo. Davide, who is he??? the hilarious one, hehehe….old habit dont die, what do you think will he do as adviser on electoral reform, give wrong advices to the LEPRICORN, just like when he gave his opinion that PJEE has resigned. WRONG!!!

    MABUHAY ANG PILIPINAS

    JINX

  4. http://antipisimisticfilipino.blogsource.com/

    Ang mga tao talaga.. if im not mistaken you are the leftest people in the society that has never been positive in all their life… i never heared them favored any administration siguro nga ang gagaling ninyo, wala siguro kayong miski maliit na kapintasan.. if i know (MAS MASAHOL PA KAYO, ako aaminin ko may mga kamalian din ako but never that ill be talking in here as if wala kyong kapintasan.. ng gawin niyo mga sir maam.. tulungan niyo mga sarili nyo.. In that case, di na kayo mag fofocus sa mga kung sino-sino.. try niyo.. do something positive.., makakatulong pa kayo….

    Di pa nga nagsisimula ang reporma.. si satanas na yung nasa isip niyo.. Aber nga.. sino naman gusto niyo maging presidente? or maging adviser sa election reforms? si ERAP? si JOMA SISON? si ka roger kaya, o si Faeldon.. si abat kaya….. Tama.. ikaw nalang kaya.. Im sure magaling kayo…

  5. Spartan Spartan

    Anti Pisimestic(Pesimistik) Filipino,
    Taga Cebu ka ba Bay? I guess you’re one of the 20% that still believes that GMA is not as “what most of the journalists are portraying”…anyways, can you please share with us “the positive things” about “the world of Gloria”? We’re giving you the “chance” now…because ones we start telling you all the “negatives” you might “get drowned” with all of it. Kaya nagtatagumpay pa rin ang mga “manloloko” ay dahil sa “mga nagpapaloko”…are you one of the dumbs “Mr. Anti Pi-si-mis-tik”.

  6. jonas jonas

    Si Davide kung kailan nag-retire lalung naubos ang kredibilidad at tuluyang nagiba ang reputasyon. ‘langya, naging deodorant na lang ni Gloria ang bagsak. Ang problema dahil sa sobrang tapang ng amoy ng anghit ni Gloria hindi kayang takpan ng ‘deodorant’ ni Davide, LOL!

  7. fandong fandong

    what do you expect from davide? alam na naman natin lahat na siya ang naglagay kay gma sa palasyo, so paninindigan na na niya ito. pagamit na namn siya. wala naman credibilidadtalgaitong si davide, porma lang yan. yan ang nagwasak ng constition natin kasama niya si panangiban

  8. romeo romeo

    oo nga anti-pisimestik. share mo nga positive ni gloria, pagkakataon mo na.

    hwag kang magagalit. hak hak hak.. may napansin ako… nagtatanong lang. member ka ba ng pwederasyon? parang malantik ang mga daliri mo.

  9. Spartan Spartan

    actually “anti-pisimestik” wala naman problema na magkaroon ng “electoral reforms”…kailangan talaga yun, dahil “parang tinamaan na ng pinagsamang Hurricane Katrina at Pakistan Earthquake” yang COMELEC natin, wasak na wasak na ang “KREDIBILIDAD” nito…si Benjamin Abalos hindi mo maintindihan kung “nagtatanga-tangahan” na lang o “tayong lahat ang ginagawang tanga” sa mga sinasabi at kinikilos nya. kaya nga lamang “por delicadeza” (na siyang wala si GMA), kung ikaw yung “pinaparatangan na nagnakaw ng boto”, dapat hindi ikaw yung “pipili pa kuno” ng siyang “maglilinis” ng “mga dumi” sa COMELEC…pero mga kababayan, nasingil naman na ng “karma” ang ilan sa mga ito…patawarin ako pero hindi ba’t yung isa namatayan ng apo, yun isa naman nasunugan ng anak…kawawa nga lang ang mga “inosente” nilang mahal sa buhay, sila ang “nagbayad”…sa totoo lang…kaya “anti-pisimestik”, dahan-dahan sa panglalait sa mga journalists, baka “makarma” ka rin.

  10. VIVA QUEEN ELLEN VIVA QUEEN ELLEN

    no, gloria is not good nor you are… im not good either, im not saying that gloria did something positive (though i believe she had, only a blind ant could not see it)..

    What i am saying is that.. do yourself a favor and help yourselves… beat yourown self and not others, let them do their work…

    be positive mga tol.. kasi if puro negative nasa isip ninyo.. alang patutunuhan ang bayan natin…

  11. goldenlion goldenlion

    Mga kakosang spartan,at romeo, huwag nyong pansinin si anti-pisimestik (ano ba ito, bakit ganito spelling? kung ito ang ilalagay nating COMELEC commissioner malamang lahat ng boto ni FPJ mapunta kay Defensor)kasi baka iyan ay isa sa mga binayaran ni GMA para magbigay ng positive angle sa pekeng pangulo. Ay sa pangalan pa lang niya ay peke na rin ang dating!!

  12. goldenlion goldenlion

    Queen Ellen,
    Wala talagang patutunguhan bayan natin habang ang sinungaling, mandaraya, at magnanakaw na pangulo ay andyan sa palasyo, tapos kasama pa ang mga taong tulad mo, manhid ka ba?

  13. jinx jinx

    26 January 2006

    Anti-pisimestic, you know what, if there are positive things done by GMA of course we’ll appreciate it, but does it mean that we will just turn our back from what is happening now. Ask your president if she really won the elction, if she says yes, why is she afraid to call a snap election, that way if she win then I for one will support her. But unitl nothing is happening for the good of all the pinoys, I think you better put where your money is???I for one is for electoral reform, but for davide to become one, I dont think so, he did he’s share in ignoring the constitution, We did not say, era, joma or ka roger is the best man to reform the COMELEC???just ask yourself, is it worth it???to have a president who is accused of lying cheating and stealing??? the only way for us to move forward is tell your president to call for snap election, and then we move forward after that.

    Jinx

  14. Anti-pisimistic is a pro-Arroyo troll that should be banned, IMO.

    I don’t mind pro-Arroyo comments or anti-opposition remarks presented in a civil manner. But if Anti’s intention is to start flame wars and shit all over this blog with his insults, pambabastos and stupid comments just to promote his spanking new blog, then the guy should be banned permanently.

    look Anti, if you don’t like to read ellen, then don’t visit the blog.

    Me, I don’t trust (and is not impressed with) the contents of pro-arroyo blogger sassy lawyer either, so i don’t go to her site and troll. it’s a waste of time.

    and what you’re doing is a waste of time too, you will only make people hate your boss GMA more with shitty attitude.

  15. Ellen,
    Palagay ko malalim ang pagiisip sa appt. ni Davide bilang adviser sa Electoral Reform. Kailangan ngayon ng Palasyo ng matinik na CONSIGLIERE sa bakbakang nalalabi sa usaping Hello Garci. May dahilan silang magkita’t magtext. Alam na ng Palasyong hangga’t hindi nagkakaroon ng kapanipaniwalang eleksyon ay wasak ang Pinas, at kahit nakaluklok si GMA ay wala namang tulog sa walang tigil na mga kaaway at galit na mamamayan. Hating hati ang bayan sa mga galit at sa mga walang paki sa pangyayayri. Ngunit ang mga walang paki, magsasantabi’t kukubli rin ang mga ito — pagsapit ng bagyo.

  16. I know we have become a target of malacañang’s dirty tricks department.Before their operators were just monitoring newspapers, radio and TV talk shows. They write and call in. Then they added a text team. Now, it looks like they now have a blog team.

    The reason why I don’t censor it is because at least we know how they think. But never mind, kapag puno na ang salop, kakalisin.

  17. romeo romeo

    anong “let them do their work”? anong work ang ginawa nila? ikaw viva queen pisemistik (isang persona lang ba kayo?), gusto mo ba dinadaya ka ng asawa mo o naging asawa mo lang dahil pinikot ka? sabihin mo, di maaapektuhan ang pamilya mo? baka nga hindi o ok lang dahil wala kang pakialam… o .. tanga lang.

  18. as for the PET recount, it’s already too late, Anti… because the ballot boxes have already been tampered with.

    http://partners.inq7.net/newsbreak/cover/index.php?story_id=48366

    Switching ERs

    So starting September 2004, or three months after President Arroyo was proclaimed winner, a group hired by the administration reportedly started printing ERs that they intended to fill up and then switch with the genuine ERs that were in some of the ballot boxes being kept in the House of Representatives.

    The target of the operation was ERs from the Muslim Mindanao area and surrounding provinces, where the alleged vote padding was done only in the COCs. Apparently, the ER-switching was meant to fix the records to pass future scrutiny. The figures in the new ERs, when added up, would now be consistent with the totals in the COCs.

    The administration has repeatedly denied allegations of cheating.

    But this is the story that six operators who worked for President Arroyo told NEWSBREAK in recent interviews. We sought them out as we tried to complete the picture of what actually happened during the presidential elections. Most of them are long-time NEWSBREAK sources, and had provided information in our series of reports on poll fraud last year.

    They said that even if they revealed damaging information regarding the elections, they doubt if the opposition would really go out of its way to identify them and ask them to surface. “Some of them have utilized us in the past and they will be needing us in the future,” one of them said. For security reasons, however, these sources shall remain unidentified.

    One of the sources entered the room in the Batasan complex and participated in switching the fabricated ERs with the original ones in January and February this year. His participation was confirmed by two other sources, one of them a police officer who belonged to the group that planned this post-proclamation operation.

    The other sources were privy to this Batasan operation because they belong to the small circle of operators who carried out the padding of Ms. Arroyo’s votes before elections and after canvassing in various regions nationwide.

    The President, her close advisers, and officials of her party have maintained that she won in the elections fair and square. If the accounts of her own operators are to be believed, however, the administration not only planned to cheat way before the May 10, 2004, elections, but continued tampering with the presidential votes even after Poe had died in December 2004, and just before the Presidential Electoral Tribunal dismissed with finality his protest in March 2005.

    the recount should have been done noong june of 2004 pa, where the opposition has asked (and were denied) more than 200 times by the ruling admin majority (“NOTED, NOTED, NOTED”), because like garci said then… “hindi maayos ang pagpataas” ng militar at ni Gen. Habacon kay GMA, at mahuhuli ang mga discrepancies kapag nabuksan ang mga ERs sa Canvassing.

    But now, after more than 1 and a half year, I guess “maayos na” ang “pagpapataas” kay maam.

    read this too:

    http://partners.inq7.net/newsbreak/cover/index.php?story_id=57200

    http://partners.inq7.net/newsbreak/cover/index.php?story_id=57201

    http://partners.inq7.net/newsbreak/cover/index.php?story_id=57206

    http://partners.inq7.net/newsbreak/cover/index.php?story_id=57207

  19. Jhun Sagum Jhun Sagum

    Hoy Anti-PESTE-mystika at ViBA QUEEN GLUE-RIA !!!

    MAHIRAP GISINGIN ANG NAG TU TULOG TULOGAN !!!

    Nasa PAYROLL ba kayo ni MADAME ? o Sugo kayo ni

    DEFENSOR WAR FREAK ?

    Kasama ka ba ni EDDIE GOTO HELL ?

    Kung ang mga kababayan natin sa Overseas alam ang

    katotohanan kayo pa na narito mismo at nasasaksihan

    ang KARUMALDUMAL na PAGWASAK sa mga institusyon at

    MALA DEMONYONG PAMAMALAKAD ni NUNDAK !!! (DA FAKE)

    PWEH !!!

    SCAM AFTER SCAMS –

    – MECO- Taiwan/DFA
    – Smuggling involving FAT GUY
    – Marcos Ill-gotten wealth spent by GMA
    – Fertilizer Funds

    MOTHER OF ALL SCAM – The LEGITIMACY of GLORIA !!!

  20. Jhun Sagum Jhun Sagum

    Your right Ellen, pati sa mga DEBATE sa TV
    may TEXT Brigade, when you have “MONEY” – (People’s money)
    Anything or Everything is POSSIBLE …

    Pero ang TANSO kahit PAULIT ULIT mong KULAYAN ng GINTO

    lalabas at lalabas pa rin ang pagiging TANSO !!!

    si GLORIA – tanso na KALAWANGIN PA !!! PWEH !!!

  21. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Well, indeed, it’s business as usual. Gloria Arroyo and Hilario Davide partnership is the perpetuation of power and greed under this illegitimate regime. It’s like in the MAFIA underworld where oppression, arrogance, self-enrichment and monopoly are its unwritten rules. Crooks protect it.

  22. Badong Badong

    Bago lang ako dito sa blog ni Ms. Ellen at natutuwa ako kila Spartan, Goldenlion at iba pa na lantarang hinahayag ang pagkadismaya sa kasalukuyang squatter ng Malakanyang. Pero di nyo ba napapansin, isa isa o halos lahat ng loyal kay GMA ay binibigyan na ng trabaho diyan sa Malakanyang? Isa na diyan yung nagtatapang tapangan na M. Defensor. Sige lang, ilipat nyo na rin ang opisina ng House Speaker at Chief of Staff ng AFP sa Malakanyang. Isama nyo pa ang sa Supreme Court para talagang well guarded si GMA. Isali nyo din ang kay FVR. Nang sa ganon, pag bumagsak ang isan malaking kometa galing sa langit, sama sama na silang mababaon at madudurog na parang fertilizer. Eh di masaya na ang Pilipinas.
    PS
    Yung brenda ng Senate, sino ba yon, yung kamag anak ni little Mike, bigyan nyo rin ng opisina diyan. Napakalaking balimbing niyan. Yun lang po.

  23. Tedanz Tedanz

    Wa-es talaga si Ulikba, bakit ka nga naman maglagay sa puwesto na alam mong hindi naman tapat sa iyo. Kita niyo naman napapaligiran na siya ng mga “GARCI” Generals. Nandiyan pa ang mga Generals ni Ramos. Matibay na siya, ika nga may Firewall na siya. Papano mapapa-alis yan eh hanggang salita lang naman ang mga oposisyon at isa pa alam ni Ulikba na pera lang ang katapat nila. Pare-parehas lang sila. Ang nangyari kay Erap ay aral kay Ulikba, Kita niyo naman ang ginawa ni Davide at Angelo Reyes kay Erap, hinudas nila. Kaya lahat ang mga nakaupo ngayon sa Gobyerno maka-GMA o taga-oposisyon man ay takot pag ang mga batang military officers ay gumawa ng hakbang. Mawawalan na sila ng negosyo at palipasan. Isa-isa pa silang isasalang sa lethal-injection. Sabi nga ng mga Itsik “Paktay luki”.

  24. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Tutal isinama ni Anti ang address ng blog niya, pinuntahan ko. Eto ang natagpuan ko.
    Help the government; do not pull it down please.
    Wednesday, January 25, 2006 at 6:46 PM PST
    I am Juan de la Cruz, tired of hearing negative news that do not only make life of Filipinos bitter than helping them fell good so that they will be able to help themselves.
    I am tired of hearing the opposition, opposing anything this government is doing. Instead of making constructive criticism they do very destructive one. But people, have you seen who this people are? Yeah I am aware that the government is not doing well on some of aspects of governance… but have they help it perform better?
    In my college days, my adviser have thought me that I just need to be positive and do everything I can to help myself and not depend so much on the government. The Philippines is poor and the government according to him cannot help those who cannot help themselves, even the Lord says it also that He will help those who help themselves.
    Being too pessimistic instead of being positive will not help you or your family. This will hinder us from doing things using the best of our abilities. The negative energy coming from you will grow and will affect the people around you. Have you seen or have you experience the happy feeling when Manny Paquiao won his fight?… isn’t it too encouraging to do our best to achieve our goals in life? He did it for himself… but his triumph rippled and touches every one of us… Instead of focusing your attention on the government focus on your self… your success will produce positive energy.
    LET THAT POSITIVE ENERGY GROW… it will do wonders, believe me..
    Suggestion ko lang, Anti. Tagalugin mo na lang kaya. Either sinadya mong haluan ng mga wrong spelling at saka wrong grammar o talagang hanggang diyan lang ang kaya mo. Mga sample: negative news that do not only make life of Filipinos bitter than; helping them fell good; who this people are?; have they help it perform; my adviser have thought me; have you experience. Kung tatanggapin mo ang challenge ko, ipost mo nga dito kung ano ang mali at ano ang tamang gamit ng mga examples na ibinigay kong puro direct quotes sa blog mo. Kung magagawa mo yan within the next two days, ituturing kong deliberate ang mga wrong spellings at wrong grammar mo. Kung hindi mo kayang ma-identify at i-correct ang mga kamalian, ituturing kong hanggang diyan lang talaga ang kakayanan mo. Para bang si Simon sa American Idol na may pagka-bastos pero deretsahang sinasabi sa contestant something like “you have no hope of ever becoming a singer so give it up.” Hihintayin ko ang sagot mo sa post kong ito bago ako mag-conclude kung may pag-asa kang maging “journalist” or at least a credible blogger.
    Isa pang bagay, sabi mo: “even the Lord says it also that He will help those who help themselves.” Ipakita mo nga kung saan galing yang claim mo na sinabi ng Lord yan. Ang accepted na source ng mga salita ng Lord ay ang Biblia. Paki-post mo nga ang book, chapter, and verse kung saan yan.
    Isa pa uli, sabi mo rin: “Instead of focusing your attention on the government focus on your self… your success will produce positive energy.” Hindi ko sinasabing expert ako sa wikang Ingles, pero nakikita ko karamihan ng wrong spelling o wrong grammar. I would be first to admit na nagkakamali din ako, minsan dahil sa pagmamadali, misan dahil hindi ko pinu-proofread ang post ko bago ko pindutin ang Submit Comment button. Especially sa mga kagaya mong nangangarap na maging “journalist” of some kind na may sarili pang blog, siguro naman ay maiging sundin mo yung sariling mong advice mo na yan about “focus on your [sic] self.” Ang ibig kong sabihin ay gawin mo muna ang homework mo at pag-aralan mong mabuti ang rules ng English grammar and usage dahil yan ang language of choice mo sa yong blog. Isang magandang aklat ay Elements of Style.
    Napansin kong January 25 lang itong blog mo at mukhang maiden issue. Napansin ko rin na 0 comments pa. Isasama ko sa favorites ko itong blog mo at titingnan ko kung may papatol sa yo.
    I commend Ellen for not screening out posts like those of Anti. I beg to disagree with John Marzan who “suggested” that Anti should be banned [from this blog]. I believe everyone has a right to display his/her wisdom or stupidity here and I’m glad Ellen is strong enough to allow anybody to post, even me.

  25. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Eto ang good example ng kamalian ko dahil kulang ang proofreading ko: “misan” dahil hindi ko pinu-proofread ang post ko bago ko pindutin ang Submit Comment button.

  26. batong-buhay batong-buhay

    Kaibigang TT, kaya 0 comments ang blog ni anti pisi-mistake dahil siguro naghihintay pa siya ng comment na sasang-ayon sa kanya. iyong mga kontra ‘di niya pino-post.

  27. bfronquillo bfronquillo

    Kailangan ni Gloria si Davide. At kailangan din naman ni Davide si Gloria. Magtutulungan sila upang pigilin ang pagdating ng bukas. Sapagkat ang hatol ng sambayanan at ng bukas ay magiging MARAHAS laban sa kanila. Hindi na ito mababago. Mapaalis man agad o hindi si Gloria ay mayroon ng hatol ang sambayanang Pilipino.

    Ano ang mga hatol? GUILTY si Gloria, guilty si Garci, Guilty si Mike Arroyo at si Mikey, Guilty si Chavit Singson, Guilty si Nani Perez, Guilty ang buong majority ng House of Representatives, Guilty ang buong kabinite.

    Ang isasagot ng Blog brigade ng Malacanang ay iharap ninyo ang mga ebidensiya sa Korte kung papasinin kayo! Subali’t, datapwa’t, nguni’t, ang mga korte lamang ang nagpapatali sa teknikalidad at gusto ng appointing power. Ang Korte ng Bayan ay hindi makapaghihintay at hindi magpapatali sa teknikalidad bagkus sa katotohanan lamang. At ang kasinungalingan ay nababasa sa mata at mukha ng nagsasalita. Ang lahat ng “I am sorry” ay walang kabuluhan kung pipigilan naman ang paghahanap at paghahagilap ng bayan sa KATOTOHANAN.

    Ka Bunye at Kuya Mike Defensor, paumanhin po, pero halatang-halata po ng mga tao ang lahat ng inyong damage control at PR blitz to enhance the image of a FALLING & FAILING PRESIDENT. Malapit nang SUMUBI ang bayan. At kung hindi ninyo alam ang ibig sabihin ng subi ay hindi kayo Pilipino sapagkat hindi kayo marunong magsungka!

  28. Spartan Spartan

    Mga “kababayang” romeo, golden lion,TT,batong buhay, et all…na tulad ko ay “medyo napatindig ang balahibo” because of Mr. Anti-Pisimestik “erroneous and stupendous” comment, I guess that’s about it, we’ve given him/her (masalimuot din kasi kasarian nitong si Anti-Pisi) enough “attentions”…today is another day, another “episode” would unfold on the continuing “true-to-life” saga ni Reyna Gloria ng “Evil Empire”…so my friends, let’s start “focusing” on the “main character” of the “story”, not to a “bit player” like…like…who was that again?…oh I see, the name was “Anti-Pisimestik”. MABUHAY TAYONG LAHAT NA PILIPINO!!!

  29. Angelita Angelita

    I’ve said before that arroyo had helped davide when he was threatened with impeachment at the Supreme Court because of budget laundering and mismanagement. Now davide is paying back arroyo.{Take note-I didn’t capitalize their names because that’s how I see them-they do not deserve any respect at all with what they are doing now.)

    Also mike arroyo-all of her associates-bunye is worst.

    Our dear country needs better people .Angelita

  30. Lucio N Lucio N

    Reaksyon lang ito sa mga comento nyo sa pamagat “GMA-DAVIDE PARTNERSHIP” at sabi po ninyo
    na wala kayong bilib ni “Chief Justice Hilario Davide” karapatan din ninyo yan sang ayon sa inyong paniwala,
    pero kong sabihin hinyo na siya ang dahilan kaya naupo si Gloria Arroyo bilang presidente kapalit ni Estrada,
    ang masabi lang naming mga OFW’s aba ay natural, siya ang Bise presidente at siya lang ang unang may karapatan
    na halili sa presidente, kong itoy hindi na pueding manungkolan, at iyan ay nakasaad sa constitution, natural din
    lamang na ang “Chief justice ay siyang mag lead ng oath taking, ikaw naman oh….
    At sabi mo accomplice ni Gloria at si Davide ” the same feathers flock together” palagay namin ay ikaw ay mali, yes
    aminin namin si “Davide idolo namin yan, at malinis walang masamang record, at tungkol naman sa Presidente, ang
    lahat ng akosasyon ninyo wala namang proyba, meron ba? ilatag….. Kayo poro lang panira ang nasa ulo ninyo,
    kong positibo lang ang mga sinulat ninyo para sa bansa at sa ekonomiya ng pilipinas, siguro matutuwa pa kami.

    Wala kayong ginawang magandang halimbawa sa mga sulat ninyo para sa kabutihan ng lahat, dahil sa subrang
    demokrasya sa pilipinas kaya inaaboso ng iba, at ang mga yan ay hindi ginagawa ng ibang mga columnista sa
    ibang bansa lalo na kong itoy nakapagbigay ng negatibong resulta. ” Disiplina lang talaga ang kailangan-kamay
    nabakal kong maari”, at ang iyan ay sang-ayonan namin. OFW’s.

    SALAMAT…..

  31. Sa ating Constitution, ang bise president ay maaring magiging presidente kung ANG PRESIDENTE AY NAMATAY, KUNG NAGIGING BALDADO NG PERMANENTE, KUNG NA-IMPEACH, O NAG RESIGN.

    Si Estrada ay buhay na buhay, hinsi siya baldado ng permanente, hindi natapos ang impeachment, at hindi nag-resign.

    Hindi bakante ang posisyon ng presidente noong jan. 20, 2001.

  32. Spartan Spartan

    Kabayang Lucio N…OFW ka rin pala? Saang bansang DEMOKRATIKO yung sinasabi mo na HINDI nagbibigay ng mga NEGATIBONG KOMENTO ang mga “mamamahayag” sa mga MALING ginagawa ng mga NAMUMUNO sa pamahalaan? Pakisabi naman para “makumbinsi” mo ako kahit papano na may “kaunting katotohanan” sa ilusyon mo.

  33. goldenlion goldenlion

    Hoy!, Lucio, kung sino ka man, base sa iyong sulat, mukhang wala kang nalalaman sa mga nangyayari dito sa Pilipinas. Maliwanag sa kasaysayan, isa-isahin ko sa iyo: si erap ay hindi nag-resign, hindi namatay, hindi naging invalido at lalong hindi na-impeach. Naiintindihan mo ba? Ngayon si Gloria at ang asawa niya ay atat na atat nang makatira sa Palasyo, kaya ang ginawa nila ay pilit na pinaalis si Erap sa Malacanang sa pananakot na lulusubin siya ng mga tao. Ang mga taong iyon ay mga binayarang militar, mga hinakot na istudyante ng mga eskuwelahang pinamamahalaan ng mga pari at madre, mga businessmen na tanging pinoprotektahan ay ang kanilang mga negosyo (kasi noong panahong iyon Erap has started to empower the so-called masa, sana maunawaan mo ang sinasabi ko), kasama din si FVR dahil sa panahon ni Erap ay sinimulan ding paimbestigahan ang mga maanomalyang proyekto ni FVR na talaga namang isa sa mga naging dahilan ng ating paghihirap ngayon( alam mo ba iyon? iyan PPA, Expo, etc)kasama rin doon si Rossana Roces na malaki ang hinanakit ke Erap dahil hindi na nakuha ang Best Actress award, iba pang mga artista at singers na elitista, na ngayon ay sising-sisi sa kanilang ginawa. Noong panahon ding iyon ang Head ng PSG ay talagang loyal ke Erap at sinabing hindi nila iiwan si Erap kahit anong mangyari)Dahil ayaw ni Erap na magkagulo at dumanak ang dugo mas pinili niya ang mag leave of absence. Ito namang si big Mike hindi pa umaalis si Erap sa Palasyo ay iniannounced agad na nag-resigned na ang pangulo. Dumating ang iyong idolong si Hilarious Davide, kakutsaba si Artemio Panganiban (na ngayon ay SC justice) upang papanumpain si kasumpa-sumpang Gloria bilang pansamantalang pangulo……mula noon hindi na nila pinabalik si Erap, kinasuhan ng kung anu-ano, na hanggang ngayon naman ay walang napapatunayan kung totoo. Matanong ko nga ikaw Lucio, ilan ba ang mga kasama mong OFWs dyan?…Parang nag-iisa ka lang naman sa opinyon mo eh. Mabuti pa ay pagbutihin mo ang trabaho mo dyan, mag-remit ka ng maraming dolyar dito para lumakas ulit ang peso…tulong mo baga kay GMA. sorry ha, pero ang sinungaling, mandaraya at magnanakaw ay walang lugar sa mundo..ang lugar niya ay impyerno….kung saan andun si Luci(o)fer> Ngee!!!

  34. myrna myrna

    Hay naku Lucio, ibang-iba talaga ang pananaw mo. Tama si Goldenlion……pag-ibayuhin mo ang pagtrabaho para mas marami kang ma-remit na pera sa Pilipinas para sa pamilya mo at lalung-lalo na, matulungan mo ang ekonomiya na sabi ng idolo mo na si Gloria ay ready to take off. Take off saan???? kakatuwa ka rin.

    Tungkol naman kay Davide, ang masasabi ko lang, may freedom ka na idolohin siya. Kasi, excuse me sa ibang matamaan, mukhang Bisaya ka nga, katulad ni Davide 🙂

    Well, not me. Ako mismo, nagtrabaho sa Comelec nung kapanahunan ni Davide, and by golly…..sinong nagsasabi na malinis ang record niya? Aber nga? Tanungin pa yung mga emleyado ng Comelec, marami ring kabulastugan nangyari noong kapanahunan niya. Pagkatapos heto, at siya pang gagawing presidential assistant ba for electoral reforms! Kung nung nandoon siya, di niya nalinis ang Comelec, anong kasiguraduhan mo na may magagawa siya ngayon?

    Mga kaipokritahan ng mga taong ito!!! At ginagamit pa ang kanilang pagiging maka-Diyos (kuno!) Asus!

    Ang sabihin na lang natin, bayad-utang si GMA at lalo nilang isasakatuparan ang hayok nilang layunin na lalong gawing tanga ang mga mamamayan.

    kawawang Pilipino!

  35. Tomas Tinio Tomas Tinio

    O ano ba, Anti, Wednesday, January 25, 2006 at 6:46 PM PST ang time stamp ng original entry mo sa blog mo. Ngayong sinusulat ko ito ay Friday, January 27, 20006 at 10:00 AM PST na. Tiningnan ko ang blog mo. Bokya pa rin ang comments. Wala yatang appeal yung blog mo. Mabuti pa dito sa blog ni Ellen, may mga pumapatol sa iyo, gaya ko.

    Nag-issue ako ng challenge sa iyo. Wala ka pang sagot.

    Yung unang bungad mo dito sa blog na ito ay binanatan mo agad si Ellen. Ewan ko kung ano ang tingin ng iba dito sa post mo, pero para sa akin ay parang malaki ang bilib mo sa sarili mo. At parang minamaliit mo si Ellen. Mga kagaya mo ang gusto kong katunggali. Yung ang dating ay mukhang magaling sila kahit na hindi nila sinasabi ng deretsahan.

    I’ll address something you wrote in your blog. Sabi mo: “I am Juan de la Cruz, tired of hearing negative news . . .” Isa na ako sa sasang-ayon sa yo na “negative” itong blog na ito sa pagtingin sa GMA administration. Pero hindi “news” itong blog ni Ellen. Ang content nito ay “views.” Even then, kung pagod ka na sa kapapakinig or kababasa ng “negative,” wala namang pumipilit sa yo na basahin ang blog ni Ellen. At the same time, wala ring pumipigil sa yo na mag-post dito kahit na “negative” ang post mo kontra kay Ellen. So you see, the very thing na ayaw mo sa ginagawa namin dito sa blog na ito kontra sa GMA administration, siya mong ginawa kontra kay Ellen. Palagay ko marami sa atin, if not all, ay guilty ng ganito at one time or another.

    Sige, hihintayin ko ang sagot mo dito.

  36. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Mali na naman ako. Ang year ay 2006, hindi 20006 sa post ko before this one.

  37. Sa akin lang, ang katotohanan ay “positive”. Masakit man yun. Ang “negative” ay ang kasinungalingan, pandaraya, pagnanakaw at panloloko ng taumbayan.

Leave a Reply