Skip to content

Patuloy ang banta ng kudeta

Marami akong natanggap na text na galit na galit sa pagpa-papel ni Mike Arroyo sa laban ni Manny Paquiao lalo pa ng sabihin niya sa kanyang asawa, “Amor te quiero mucho”.

Sa mga katulad kong indio na nakalimutan na ang ilang units ng Spanish sa kolehiyo, ang sinabi ni Mike Arroyo kay Gloria Arroyo ay “I love you very much.”. Sabi ng isang text: “Amor, te quiro mucho, said the fat crook for the entire nation to hear. And he was at the stadium with his “QUERIDA SEGUNDA”.

Mabuti naman pala hindi ako nanood at hindi ako nasuka. Hindi kasi ako mahilig sa boksing.
Mas tinututukan ko ngayon ang mukhang may kumukulo sa loob ng military.

Noong Linggo, sinabi ni AFP Chief of staff Gen. Generoso Senga na siya ay nag-resign. Kumalat kasi sa text na nag-resign na siya at hindi raw masikmura ang pinaggagawa ni Arroyo sa military na nagdudulot ng demoralisasyon.

Kumalat ang text tungkol sa pag-resign ni Senga noong tumakas ang apat na Magdalo na sundalo. Nagtaka ang marami na si Army Chief Hermogenes Esperon lang ang nagsasalita.

Sa maraming haka-haka ngayon, hindi natin alam kung alin ang totoo at alin ang kunwari totoo lang. Katulad ng ibinulgar ni Justice Secretary Raul Gonzales na may coup raw noong Sabado. Wala naman.
Ngunit hindi nawawala ang balita ng lumalalim na sama ng loob ng mga opisyal sa military, lalo na ang mga bata. Ang sabi nga ng mga may kontak sa kanila, nakahanda na raw ang lahat, at kung may desisyon, kayang-kay nila i-activate ang plano sa loob ng 48 na oras.

Maraming rason kung bakit nagngi-ngitngit ang mga sundalo. Ipinahayag ito ng mga Oakwood mutineers noong July 2003 – corruption, pagpapabaya sa mga sundalo na na sumasabak sa laban at pagpasasa ng mga matataas na opisyal lalo pa ang dito sa headquarters sa Manila.

Marami sa mga opisyal ang nadismaya ng marinig sa Hello Garci tapes kung paano ginamit ni Arroyo ang military na kanyang operator sa pandaraya. Sabi nga ni dating Defense Secretary Renato de Villa, nadating AFP chief of staff rin, kahit noong panahon ni Marcos, hindi yun nangyari. Mga politikong warlords ang nandaya para sa kanya, hindi ang military na ang training ay masama ang mandaya.

Lalong nadismaya ang mga nakakabatang opisyal nang si Gen. Gabriel Habacon, na pinintasan pa ni Garcillano dahil hindi mapino ang pagpalit ng mga resulta ng boto sa sa Sulu noong 2004 na eleksyon, ay napromote kahit pang number 20 siya sa listahan.Ganoon rin si Rear Admiral Tirso Danga na siyang pinuno ng ISAFP na siyang nagsagawa ng pag-wiretap kay Garcillano sa sa mga nasa oposisyon noong 2004 na eleksyon.

Sabi ni De Villa ang pagtakas ng pagtakas ng limang junior army officers habang nililitis ang kinasangkutang Oakwood mutiny ay sintomas lang ng kabiguan ng pamahalaan na solusyunan ang mga problema at hinaing ng mga sundalo.

Habang nakikita ng mga may prinsipyo na sundalo at mga opisyal na ang pamahalaan ay corrupt at palpak, hindi mawawala ang banta ng kudeta, sabi pa ni De Villa.

Kaya tuloy praning sina Arroyo at ang kanyang mga kampon.

Published inWeb Links

48 Comments

  1. jinx jinx

    24 January 2006

    Ellen,

    Nostalgic!!! What I saw on TV was really nostalgic, we have to trace or go back to our history, in 1986 EDSA I and 2001 EDSA II, where the leadership of the AFP pledge their support to their Commander in Chief (THE LEPRICORN-IN RED, WITH HER POT OF GOLD). Sabi ko nga sa sarili ko, “PARANG NAPANOOD KO NA ITO NOON” With their generals showing support to their boss (Isn’t it ironic that they should show support to the constitution and not to the person???just a question)and later on withdrawing or leaving their boss alone (HEHEHEHEH….).

    As the saying goes, “once thief will always be a thief”. They created their own monster, that they are afraid off. Kawawa naman sila.

    Don’t you think, its also their own doing, AS Lt. S.G. Trillanes said on TV, its our choice-its either the LEPRICORN-in red OR FILIPINOS WANTS CHANGE??? For me its change. pls tell those advocates of Cha-Cha, its not the system, its the people who’s running it.

    More power to you

    Jinx

  2. Elizabeth Aco-Agbulos Elizabeth Aco-Agbulos

    Yes we are very happy for Pacquiao’s victory over El Terible Morales. It was really a great moment watching him being cheered by the world as champion. Imagine, a Filipino making it in the international limelight. But for God’s sake! El Chavit and Don Miguel killed the entire nation’s happiness. Seeing them hugging Pacquiao was a disgrace !! They do not deserve being part of it. Lito Lapid even said during the interview ” sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao sana magkaisa na ang mga Filipino, kalimutan na ang pulitika”. Hello? Do not use Pacquiao for all your self interest. He did not win the fight to save the face of this fake administration. My goodness!!! The boxing is over but the trouble the little occupant of Malacanang created to the country is far from over. The fight will continue. To Manny , please do not let yourself use by politicians. Mabuhay ka!!

  3. Anelle Y2K Anelle Y2K

    And as expected, GMA is now comparing herself to the guts of Manny Pacquiao! Like Manny, pababagsakin din daw niya ang mga destabilizers nya. Like Manny, iaalay nya sa sambayanang Pilipino ang panalo nya. Daig pa niya ang langaw na nakatungtong sa kalabaw! I just dont know kung paano manalangin ang Ale na ito at kaya pa niyang sikmurain ang pagsuka sa kanya ng tao!

  4. goldenlion goldenlion

    Totoo kaya iyong narinig ko sa isang kuwentuhan na kaya daw nakalabas ng bansa si Garci nuong isang ng hindi namamalayan ng mga taga NAIA at Immigration ay dahil nakasakay siya sa submarine ni El Chavit? Aba!! Teka!! magandang kantahin iyon ah. Para sa iyo ang awit na ito, GMA & allies: you are leaving in a yellow submarine, yellow submarine, yellow submarine.

  5. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    Medyo nalalanghap na nga ang amoy ng niluluto ng mga militar, tama nga sabi mo, kumukulo na!!!

  6. Spartan Spartan

    Ma’m Ellen…”como esta tu”…oooops, nahawa po yata ako kay “Kingpin”…well, apparently that’s the majority sentiments of our kababayans…”Kingpin” and his sidekick “El Jugador” spoiled the “Pacman’s” winning moment, if even for a “short while”…well, being Pinoys we are used to people like FG and his “gang”…mga “Knight Riders” ika nga…the funny thing was, when we were watching it in TFC…one American in our group asked who the “fat guy” was that went up and hugged Pacman on the ring…and we just told him…”that was our First Gentleman”…”oh, is that the guy?”…”what do you mean, hte guy?”…”the guy in the “Jose Pidal” controversy?”…and the other filipinos in the group “burst” in loud laughter. Anyways, going back to our kababayan Manny Pacquiao…he really deserves the praises and adoration of all the filipinos around the world…MABUHAY SI PACMAN!!! (wag alng siya sisigaw ng “mabuhay ang prisidinti!”..patay tayo dyan)

  7. Spartan Spartan

    Ma’m Ellen…I got nervous this morning when I can’t log on to your Blog Web Page…we thought your “page” got “shut down” by the “Evil Empire”…more power to you!!!

  8. myrna myrna

    hay sana naman, magkatotoo na para mailigtas na rin ang sambayanang pilipino na magtagal nang niloloko ni gloria at ng kanyang mga kampon!

    okey, nanalo si pacquiao….so what? dahil pride ng pilipinas? ha! sa tantiya ko, mas lalong pag-iibayuhin ng mag-asawang squatter ng malacanang ang pagsipsip kay pacquiao at baka nga ginagamit na. tarantado naman si pacquiao at nagpapagamit.

    well, siguro kung i-donate ni pacquiao ang pinanalunan niyang milyones sa mga kababayan niyang nagugutom at walang trabaho, bibilib pa ako. pagkatapos ng boksing, ano na ngayon?

    nakakasuka ang pagkabasa ko ng mga comments ng mga sipsip na ginawang dahilan ang pagkapanalo ni pacquiao para magkaisa ang mga pilipino. ito namang si pacquiao, di rin marunong mag-isip…nagiging instrumento pa ng kadiliman. well, what do you expect from a boxer like him.

    matanong ko nga……magkano kaya ang cut ni pacquiao sa napanalunan ni miguel arroyo, singson at nung mga politicians na nag junket pa para manood?

  9. June Famadico (kuliglig ng UAE) June Famadico (kuliglig ng UAE)

    MABUHAY KA PILIPINAS.. maganda ang pasok ng bagong taon sa atin kahit dito sa UAE ang laki ng larawan ni manny sa sports page GULF NEWS ” FILIPINO STOP MEXICAN in 10th round. world class talaga ang mga pinoy n-kinikilabutan ako sa tuwa habang binabasa ko ang bawat letra parang tumatagos saking puso at mapapaluha pa at least naiisip ko na hayyyy natakpan din ang kahihiyan ginagawa ng mga opisyales sa bayan dahil kahit anong isipin apektado ang lahat ng sports sa labang iyon ni manny don sila nakafocus lahat bawat tiktak ng relo ay inaabangan maraming mga pinoy ang di pumasok sa eskwela sa trabaho at sigurado ko ganun di ang ang nangyayari sa bansang mexico ng mga oras na un. AT ang resulta nagngingibabaw tayo saksi ang buong mundo. Wala na sanang kasingganda pero pagkatapos ng laban biglang nagsulputan ang mga buwaya sa likod at pilit na nakikisakay sa tagumpay ni manny ” mga tinamaan kayo ng lintik” Kapitan sana kayo ng hiya di man lang ninyo hinayaan na makilala tayo dahil sa ating angking galing nagpakita pa kayo . To namang si SIngson kilala sa pagiging sugarol. SI mike naman kung ipagigiling mo ang katawan nito makikita mo ang katas nito kulas itim at di pula dahil sa kaiitiman ng budhi nito. Mabalik tayo sa kudeta Mataman ko mang isipin parang nakakatakot rin tong mga MAGDALO talagang junior pa sila at hilaw na hilaw kc nga ang mga taktika nila di masyadong malalim kitang kita na sariling interes ang nakapaloob kung bakit sila nakikipaglaban una na lang ng sakupin ni la ang oakwood makikita mo ang kanilang hinaiing mga kakulangan sa kanilang serbisyo ang nakalitanya. Tsaka ang isa pa di maglalakas loob ang mga yan kung walang heneral sa likuran na maysarili ring interes sa upuan ang kinatatakutan ko hilaw din kung magplano sila kung baga sa puno pinipilit na pitasin ang bunga ng di pa manibalang kaya kaloboso ang inabot nila. Sa ganang akin lang Tayo pa ring mamamayan ang susi sa tagumpay sa pagpapalit ng presidente dahil tayo ang nagloklok sa kanila. Di ko matatanggap na lalong malugmok ang ating bansa dahil sa mga maling taktika madugong pagppasya magisip po tayo at suriing mabuti ang mga sitwasyon bago tayo makisakay.KUng ang magdalo ang magiging susi ang tanong ko po gaano tayo kasiguradong maaayos ang bansa natin????

  10. Kung si Manny Pacman siguro ang magiging kerteker o prisidinti ng bansa natin siguro aasenso na tayo ng husto, dahil mahal nating lahat si Pacman, isang salita lang niya susunod ang mga tao at nakangiti pa, di na siguro tayo magkakanya-kanya at baka mawala na mga rebelde.Buong Pilipinas at mga ofw kayang iunite ni Pacman.
    Kaya Capt. Faeldon and co. pwede na sigurong isa-isahin at dukutin yung mga ulupong na general sa AFP at mga sipsip sa malacanang.

  11. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ang aking palagay ay ang mga Garci Generals (Senga, Esperon, Danga at Habacon) ang makikinabangang sa patuloy banta ng KUDETA. Gloria Arroyo needs military support for her own political survival. GMA became a hostage by the Garci Generals. Most of them are promoted and hold key military post. Maybe military top brass is exploiting GMA’s reliance on loyal generals to save their asses. They are involved in alleged electioneering and illegal wire tapping.

    On the other hand, the continuous threat of coup de’tat is part of psychological warfare “PSYOPS” to demoralize Gloria Arroyo loyal forces and make them in defensive mode. Malacanang Palace is like a military fortress barricaded with cyclone barbed wires and container vans. Magdalo faction and YOUng group may have small committed soldiers can neutralize the entire AFP thru misinformation and propaganda. During the height of 1986 EDSA Uprising, then Lt. General Fidel Ramos applied psychological warfare to neutralize superior Marcos- Ver loyal forces. Psyops warriors called Radio Veritas mass troops defection to Enrile-Ramos forces. The live radio broadcast of non existent mass defection turn the tide to bloodless EDSA I victory. U.S. CIA operative Edward Lansdale used blood sucking asuang or vampire to scare Huks guerillas in their safe havens. General Lansdale believed that the key asset of the psychological combatant is a thorough understanding of the target audience’s beliefs and values. The surrender of the Huks led to the election of populist President Ramon Magsaysay Jr.

  12. Kahit pa maging comedy ang lider natin basta may takot sa diyos at hindi mapagkunwari, di natin kailangan ang matalinong hinayupak na lider na nag-aral pa sa kung saang lupalop na bansa pero mga kawatan naman.

  13. Golum Golum

    Tita Ellen, Kahangahanga talaga ang pagkapanalo ni Pacquiao. Nakakadismaya nga lamang ng heto na si Jose Pidal Mike Arroyo at Gloria na nang-aagaw ng eksena. Nakakainis.!!! Sana man lang eh binalatuhan ni Manny si Jose Pidal ng isang Right Cross at isang left uppercut. lupaypayan tyak at tagas ang mantika sa katawan. Eto namang si Quinito Henson eh nawala sa sarili sa pag-iinterview kay Manny – parang asong bahag ang buntot ke Jose Pidal… tsskkk.. Sunud-sunuran lang. nakakaalibadbad na may mga nadidikta pa ke Manny na batiin yung mga Congressman, Governor, Mayor na nandun sa Vegas. Baka nga ke Erik Morales pa pumusta ang mga hinayupak!
    Nananawagan po ako sa lahat ng mga mangkukulam kung talagang totoo ang kulam eh sampolan nyo nga etong si mandarayang Gloria at Jose Pidal Mike Arroyo. Yun nunal niate Glo ( na parang kula..ot ) eh palakihin nyo na kasinlaki ni Mike Arroyo. Baka sakali eh bumaba na sa pwesto para naman mabigyan na ng pansin ang pamumuhay ng mga Pilipino.. Hay…..

  14. Dapat siguro umpisahan na ng mga junior officers habang nagpaparami pa sila ng kakampi para makahatak lalo ng suporta, hindi yung parang bulang nawawala sila sa eksena at biglang susulpot. At para matakot na yang mga duwag na sipsip dahil bibitaw yan kay gloria pag nakitang totohanan na ang kilos nila.

  15. Abby from Dubai Abby from Dubai

    Dear Ate Ellen,
    Thank you so much sa mga hot issues mo na araw-araw kong inaabangan. Pakiusap ko lang sa mga batang militar at sa mga pinuno nila… pwede po bang kung meron man silang balak na bombahin ang malacanang eh gawin na sa lalong madaling panahon?Inip na inip na kami and we truly can’t wait to see Gloria Pidal and Co. taking the boat along the Pasig river or be airlifted to Timbuktu island and be gone forever and only then our beloved Philippines will be happy again ever after. I am sure this will happen in the near future because 87% of the Filipino people are praying for that.GOD is with us.
    I don’t want to comment anymore about Manny Pacquiao’s fight because it makes me puke seeing big Mike and Dirty Singson on my TV screen, I HATE THEM ALL.

    Thank you and more power,
    Abby

  16. romeo romeo

    MGA KATOTO, GANITONG-GANITO ANG DAMDAMIN KO.

    QUOTED FROM CONDRADO DE QUIROS OF PDI:

    “We watched Pacquiao KO Morales in 10 rounds at Rockwell. It was a great fight. We were all happy, and for a while we forgot our problems with GMA [Gloria Macapagal-Arroyo] and her corrupt government. But after the fight whom would you see but Mike Arroyo embracing Pacquiao. The audience in the movie house booed loudly. Even if we won and are happy, we haven’t forgotten their corruption.”

    “Arroyo and company being there was in fact a rude reminder of it. It was like waking up from a dream to a living nightmare. What their contribution was to Pacquiao’s victory only they can say. They didn’t train, they didn’t sweat, they didn’t taste leather. All they did was fly to Las Vegas and place bets. Of course, they will say they used their own money, but that money used to be the taxpayers before they made it their own.”…

    “Pacquiao completely dazzlingly, furiously and honestly did his job and made us proud. Tell us, lady and gentlemen:”

    ANG SARAP NG TANONG NI PARENG CONDRAD

    “When will you do yours?”

  17. romeo romeo

    KAYA PARENG MANNY, SARILING KAYOD MO YAN KUNG BAKIT ANDYAN KA SA KILALAGYAN MO, HIRAP AT DISIPLINA ANG PUHUNAN MO. KAYA HWAG KANG PAGAMIT SA MGA PARASITONG MGA PULITIKO, WALA KANG UTANG SA KANILA. SISIPSIPIN LANG ANG DUGO MO NG MGA PESTENG IYAN! HE HE HE . .INGAT! HAK HAK HAK

  18. Tomgudi Tomgudi

    Sis. Ellen,

    Napansin ko lang pag akyat ni Jose Pidal at Luis “Chavit” Singson sa lona pagkatapos manalo si Manny e nakasimangot sila pareho mukhang natalo sila sa pustahan…siguro kay Erik Morales sila pumusta…..Mabuhay ka Manny…….

    God Bless You Always…..

    Thanks

    Errol

  19. juanito dela cruz juanito dela cruz

    hindi po ba nakakatawang panoorin yung si gen reyes ng air force? pinakita niya yung mga anti aircraft guns nila na para bang ipinapahiwatig na kahit makuha ng magdalo ang mga fighter jets ay kaya nilang pabagsakin. sa palagay ko po, hindi na niya kailangan yun dahil yung mga eroplano at helicopter natin ay kusang bumabagsak na lang. dahil po sa kakulangan ng mga piyesa at yung iba ay talagang mga sinauna pa. imbes na sa mga piyesa ng sasakyang panghimpapawid kasi dapat mapunta ang pera, ayun, tinangay ni gen garcia sa amerika. isa pa po, sa palagay ko, hindi na po nakakatulog yung Unana sa malakanyang. under the influence of drugs na lang lagi, kasi pati pag ngiti po parang drugs na lang ang nagpapanatili sa bibig niya sa ganung posisyon. pati po yata si mike defensor, saka si bunye at ermita, at si gonzales, siguro po naka drugs. kasi po hindi na normal yung ganoong kilos eh. Lastly, pag naiinis po ako sa mga pangyayari o kaya po ay may nagawa akong kapalpakan, isa lang po ang magic word ko, Thank you, Lord!, natutunaw na po ang pagkainis ko at pagkamuhi. minsan po nakakasampu akong TYL sa isang araw. 😀

  20. fay fay

    hi ellen,

    mike arroyo was in las vegas “with a very ugly woman,” according to an eyewitness.

  21. Ang kumakalat na text:AMOR, TE QUIERO MUCHO said the fat crook for the nation to hear. And he was at the stadium with the QUERIDA SEGUNDA.

  22. Anelle Y2K Anelle Y2K

    showbizz na showbizz ang dating nyang text na yan ms. ellen! sad to note isa ako sa mga nakarinig ng amor, te quiero mucho! nakaka-panindig balahibo!KAKASUKA!!!

  23. fay fay

    hi ellen,

    SEGUNDA in English means Toh, not Treh? hahaha are we talking about ugly, uglier, ugliest here? my ‘eyewitness’ is a gentleman of the old school who, as a norm, never uses the word ‘ugly’ to describe a woman. but this time, he made an exception.

  24. “Government is not reason; it is not eloquence. It is force. And force like fire is a dangerous servant and a fearful master.” ~ George Washington

    “. . . the most reliable way to distinguish between lightworkers and darkworkers is
    to focus my attention on the affect which they display rather than on the labels which they carry.” ~ Allisone Heartsong

    “The conventions of a number of the states, having at the time of their adopting
    the Constitution, expressed a desire, in order to prevent misconstruction or abuse
    of its powers, that further declaratory and restrictive clauses should be added: And as extending the ground of public confidence in the government, will best insure
    the beneficent ends of its institution.” Preamble to the Bill of Rights

    “Power tends to corrupt, and absolute power corrupts absolutely.” ~ Lord Acton

    “The moment the idea is admitted into society that property is not as sacred as the law of God, and that there is not a force of law and public justice to protect it, anarchy and tyranny commence.” ~ George Washington

    “Freedom of the mind requires not only, or not even especially, the absence
    of legal constraints but the presence of alternative thoughts. The most
    successful tyranny is not the one that uses force to assure uniformity, but
    the one that removes awareness of other possibilities.” ~ The Closing of the American Mind, by Alan Bloom

    “Knowledge is power.” ~ Francis Bacon

    “My people are destroyed for lack of knowledge.” ~ Hosea 4:6, The Holy Bible

Leave a Reply