Kinakarma si Gloria Arroyo sa ginawang niyang pang-aagaw ng pagka-presidente noong Jan. 20, 2001, ang Edsa Dos.
Noong Biyernes ay panlimang anibersaryo ng EDSA II na siyang naglukluk kay Arroyo sa Malacañang kahit hindi siya binoto ng taumbayan sa ganoong posisyon.
Di ba dapat, mahalagang petsa yun sa kanya at sa kanyang mga alagad? Ngunit mukhang gusto nilang kalimutan. Pumunta si Arroyo sa Cabuyao,Laguna kasama si Noli de Castro ay namudmud ng noodles at health card. Nakaka-iyak na gimik.
Wala ni isang press release ng Malacañang ay tumalakay sa EDSA Dos. Minaliit pa ni Press Secretary Igancio Bunye ang people Power. Pagod na raw ang mga tao sa People Power.
Ang nasa-isip niya marahil ay ang survey ng Pulse Asia na 42 porsiyento ng mga Pilipino ay hindi sumuporta sa tatlong People Power na nangyari – Edsa Uno, Dos at Tres.
Ngunit dapat tingnan ni Bunye ang parte ng survey na nagsabing 58 per cent ang susuporta sa people Power kung mapapatunayan na nandaya si Arroyo noong 2004 na eleksyon.
Galing sa isang opisyal na nakinabang sa People Power, ingrato ang dating ng kanyang pagmamaliit ng People Power.
Ganoon na nga ang posisyon ng administrasyong Arroyo ngayon pagkatapos niya ginamit ang People Power. Sa proposal ng binuo niyang Constitutional Commission, inalis na ang parte tungkol sa military bilang taga-pagtanggol ng mamamayang Pilipino na siyang ginamit ni dating AFP Chief of Staff Angelo Reyes na rason para talikuran si Pangulong Joseph Estrada noong Jan. 22, 2001.
Pilit man kalimutan nina Arroyo ang EDSA Dos, na isang pag-alsa laban sa katiwalian, hindi pa rin sila pinapatahimik ng anino ng nakaambang pag-alsa ng mamamayan. Kinakarma siya. Kaya sa araw na dapat ay gunitain ang Edsa Dos ang pinagtuunan ng pansin mg bagong hirang na chief of staff sa Malacañang na si Mike Defensor ay ang banta ng Magdalo ng kudeta.
Aba, nanakot si Defensor: “Hindi na ito simpleng pag-atras ng suporta o pakitaan ng puwersa. Ito talaga magkakaroon na ng dugo at magkakaroon ng problema para sa atin,” sabi niya.
May gana pa itong si Defensor na gamitin ang salitang demokrasya samantalang lahat na pambubusal (Calibrated Rreventive Response at E.O. 464) at kanilang ginagawa. Sabi niya, “Huwag naman sana iyung lumabas doon sa parameters ng demokrasya, huwag lang lumabas doon sa usapin na gagamit na ng dahas o gagamit ng pagkilos na labag sa ating Konstitusyon. Dito tayo magkaka-problema.”
Problema talaga dahil wala nang naniniwala sa kanila.
Tahimik ang civil society sa pangunguna nina Cory Aquino, Dinky Soliman, at iba na siyang namuno ng EDSA Dos. Humingi na ng paumanhin sina Cory at Dinky sa kanilang pagkakamali.Mabuti naman na nangunguna sila ngayon sa pagtuwid ng kanilang pagkakamali.
Ang leksyon ng EDSA Dos ay huwag mag-shortcut ng batas at Constitution. Kung nagkamali man si Estrada noon, dapat tinapos ang impeachment trial. Natanggal man siya, ayon sa Constitution.
Marami nang pagkakamali ang ating nagawa. Dapat mahinto na at simulan ang pagsa-ayos. Unang-una, alisin ang presidenteng hindi hinalal ng mamamayang Pilipino.
PANALO NA NAMAN ANG PINOY …
TAGUMPAY SI MANNY PACQUIAO !!!
ISANG LABAN NA LANG ANG DAPAT NATIN MALAMPASAN
YAN AY ANG ATING LABAN SA MALING PAMAMALAKAD NG PEKENG PANGULO !!!
NGAYON NANALO SI PACQUIAO, ASAHAN NA PAPAPEL NA NAMAN ANG
“NUNDAK” UNANO AT PANDAK NA SI GLUE-RIA …. PWEH !!!!
Tama ka Jhun. Isang Laban na lang. Ngunit ito na siguro ang pinakamahabang laban na ating sisimulan dahil hindi tayo titigil hanggat di mapapaalis ang lahat na nagpapahirap sa Inang Bayan.
I favor the installation of a Revolutionary Transition Government. This is the only way to effect necessary changes at soonest possible time.
The three branches of government have rendered themselves USELESS. They are working in concert to defy the will of the people.
The removal of GMA is just the first step.
Naisahan tayo noong EDSA 1 & 2. Ngayon, mas kilala na natin silang lahat.
Sigurado walang dadalo sa EDSA DOS celebration. Pinoys are more interested in Morales-Pacquiao Fight II that falls the same date January 22nd (January 21st in Las Vegas, Nevada). There’s nothing to celebrate because Gloria Arroyo government failed its expectations. Natanso ang sambayanang Pilipino. EDSA DOS was a plain power grab by the elite class. Maybe Secy. Mike Defensor watched too much Hollywood Rambo movies. Barking dogs seldom bites. There will be no bloodbath. There’s no such thing as Gloria Arroyo loyalists who are willing to defend an illegitimate Commander -In-Chief until the last man.
Sorry, nagkamali ako. Jan. 20 pala.
Paabutin kay Manny Pacquiao: magiting na Manny, gumising ka. Huwag ka magpagamit.
May isang magiting na heavyweight champion noon, si Max Schmeling, na ginamit ni Hitler at mga Nazi sa propaganda. Milyunmilyon ang pinatay nila.
Bilyun-bilyon ang nakaw ng mga gumagamit sa ‘yo. Sa bayan ka’t at hindi sa kanila.
Alam mo madam, sa grupo po namin dito Mga OFW’s, hindi kami pro- administration or
pro- opposition, ang sa amin lang kong maari, itigil na sana yang pamulitika at mga siraan
diyan sa pilipinas, mag tulongan nalang tayo o kayo, sapagkat ang epekto niyang mga
awkward na mga comento na yan ay sa atin ” Pilipnas parin ang bagsak”, walang mangyari
pilipino parin ang apektado walang iba, matagal nang tapos ang eleksyon so, nandiyan nayan
ang gawin ng mga opposisyon suportahan nalang ang gobyerno, tulongan kong papaano
iposisyon ng husto ang ekonomiya natin, at ang media, dapat positibo ang mga colomn para
hindi mag alsa balotan ang mga investor na siyang may mga malalaking pohonan sa mga
industriya sa bansa na nag bigay trabaho sa nakakaraming pilipino, at isipin natin na kahit
sino man sa mga oposisyon o administrasyon ay walang kakayahan na magbigay ng trabaho
sa karamihang mga tao kong itoy mawalan na ng trabaho.
Sinsitibo ang mga dayuhang investor yan ang dapat tandaan ng mga taong walang iniisip kong di
poro pamolitika at subrang sobra na.
Kong ang kasong ito siraan sa politika hindi matigil, mas mabuti pa ay i hiwalay nalang ang
Visayas at Mindanao at mas mabuti pa na mag sarili nalang nang republika ” Republic of Visayas”
at “Republic of Mindanao” susuportahan po namin yan, sapagkat ang gulong iyan ay distraksyon
ang patutunguhan ng bandang huli, pagod na ang mga tao, asikasuhin at tulongan nalang ang ekonomiya
nng pilipinas paano e- angat.
Isa pa, para sa aming mga OFW’s, Pabor po kami sa parliamentary federal sistima ng gobyerno, sana ay
mapabilis ang pag amyenda, upang sa ganon ma implemetar na ang “Parlyamentaryong sistema nang
gobyerno ng Pililipinas. Para wala ng eleksyong magastos at magulo……
Maraming salamat,
Concerned OFW’s
Middle East & All over the world…..
testing comment…
thanks yuga
ellen, remember your old article re Mike Arroyo’s March 5, 2001 interview with Nick Joaquin in the PHilippine Graphic?
it’s here. i’ve reread it again, at napaka-quotable pala ni Mike Arroyo. Aydol talaga sya.
http://politicaljunkie.blogspot.com/2005/07/old-tordesillas-article-on-mike.html
buti pa si manny kaya tayong pagisahing mga pinoy, congrats sa magiting na boxer, ang galing mo bay, super talaga.
Nakakawalang gana lang don sa tfc interview kay pacman pacquiao emeksena na naman kasi si paccute at si pacpidal para makakuha ng credit at sumabit sa kabayanihan ni pacman.
Bakit nagkaroon ng hello garci sa interview ni pacman?, nasa kabilang linya pala na kausap ni pacquiao si el terrible pacquiot at nasa background pa yung si manash pidal at sa bandang likuran yung mga “meet the fockers” na politico natin.
Ang saya saya ng pilipinas at ng mga kapatid na pinoi sa ibat ibang parte ng mundo.
Ang susunod na dapat ma knock out na ay si el terrible pacquiot, kailangan na natin ng coup de pacman para matapos na at gumanda ang panimula ng taon natin.
EDSA-2 was a terrible mistake and a dark day in our History and the people who were responsible for it owes the Filipino nation an APOLOGY. They erred miserablY when they unconstitutionally booted out Erap and installed Gloria as President. And to make matters worst, they just stood by and some even helped Gloria demonize and cheat FPJ in order to prevent another “mere actor” from becoming President.
Ang sabi ni Mike Defensor dadanak daw ang dugo kapag nagpumilit ang mga gustong pabagsakin si Gloria. Kung si Gloria ang pag-uusapan ay tama siya. Iba si GMA kina Marcos at Erap. Hindi nakaya ng apog ni Marcos na makitang dumanak ang dugong Filipino kaya sa halip ay bumaba na lang siya; hindi rin nakaya ng apog ni Erap na magbarilan ang Filipino sa kapwa Filipino kaya pansamantalang umalis siya sa Malacanang. Pero iba nga si Gloria. Ang sabi nga ni Susan Roces MAKAPAL ANG APOG ng asawa ni Mike Arroyo. Hindi kukurap si Gloria sa pag-uutos sa kaniyang militar at mga bayarang armadong kakampi NIYA na barilin ang sinumang magtatangkang paalisin siya sa kapangyarihan. Ang sabi nga ni Defensor “They will fight fire with fire.”
Subali’t si Gloria lamang ang makapal ang apog. Ang sambayanang Filipino ay WALANG APOG. Ayaw nila ng karahasan at lalung ayaw ng pagpapadanak ng dugong Filipino ng kapwa Filipino. Ang kaya lamang gawin ay lumayo ke Gloria, huwag siyang pansinin at ang tanging hinihingi lamang sa mga militar na nalalabing nakapaligid ke Gloria ay ang huminto sila sa pagtatanggol dito sa oras na sumugod ang taumbayan ng walang dalang sandata.
The people will come without arms and without fire. There will be millions of them. It will be spontaneous but there will be no call to arms. The military and the police should just stand by and “protect the people”. This is their constitutional duty. Some ideologues will try to seize power but the people will not let them. This is the time to be one and for us to have a credible election of new and untainted leaders by a new and credible COMELEC.
This is an off topic: CONGRATULATIONS TO Mr. Manny Pacquiao for bringing home the bacon! Manny is indeed our Hero! The Ambassador of goodwill and PEACE…
Funny is the text joke saying that lesser crime rate in Metro Manila was noted kasi nasa Las Vegas daw ang mga “criminals” CHEERS for PACMAN! Kahit sa sandaling pagkakataon ay napag-unite mo ang mga Pinoy! Kung natalo ka kaya nasa tabi mo ang poging poging si Big Brother? Imagine,ang saya saya ng mga nanonood tapos umeksena ang isang monster! Mabuhay ka Kapatid (Pacquiao lang,ha?)
Hi Ellen,
Gusto ko sanang sumagot kahit kapiranggot sa sinulat ni Lucio.
“ang gawin ng mga opposisyon suportahan nalang ang gobyerno, tulongan kong papaano
iposisyon ng husto ang ekonomiya natin, at ang media, dapat positibo ang mga colomn para
hindi mag alsa balotan ang mga investor na siyang may mga malalaking pohonan sa mga
industriya ”
so ibig sabihin, kahit pinagloloko na ng mga namamalakad sa administrasyon ang Pilipino, sige na lang? kalimutan na lang ba at magpatawaran? kahit alam na sagad na ang lokohan?
ang tawag diyan sa attitude na yan, defeatist, pa-martir, and kahit na sabihin na may concern sa tao at bansa, masisikmura ba ang kagaguhang ginagawa nila gloria?
hindi matitigil ang mga pangyayari sa pilipinas hanggat hindi nalalaman ang totoo. ito siguro si lucio, pag sinabihan ng kasinungalingan at alam niya yun, ang magiging reaction: sige na lang. patawad na lang?
kaya nangyayari sa pilipinas ang panloloko ni gloria dahil marami pa ring nagpapaloko.
gumising naman kayo!!! please!!!
buti kayo, ofw, eh yung mga walang trabaho at nagugutom? at yung may mga prinsipyo sa pagkatao? ganun na lang ba, lunukin na lang ang prinsipyo para magkaroon ng katahimikan?
ewan ko kung saan papunta ang gusto ni lucio. 🙂
lucio.. lucio… crispin? basilio..? .. nasan ka lucio? naiintindihan mo ba ang pinagsasabi mo? kung ikaw lucio wala sa pinas at ang pamilya mo pinepeste ng kapitan ng barangay nyo, ninanakawan ang bahay nyo, ano ang gagawin mo? hayaan mo na lang lokohin at pagnakawan ang pamilya mo dahil nakapwesto na ang kapitan ng barangay nyo? gumising ka nga!
HUWAG PAGAGAMIT MANNY ! ! !
Akala mo trainer itong si big Brother kung makadikit kay Manny after the fight… akala mo naman cutman tong si SinungalingSingson at talaga naman super close sila…
Ng matalo ba si Manny sa unang laban niya kay Morales tumabi ba itong mga Pulitikong ito sa kanya? Nagpapicture ba itong mga pulitikong ito sa kanya?
Ayos na sana at masaya ang mga Pinoy kaso ng marinig ang “Hello Manny” eh mukhang nabawasan ang saya at muling namulat sa katotohanang may “Hello Garci” pa tayong hindi pa natatapos ang imbestigasyon…
YOUng may hitlist kuno, sabi ni DOJ kung ako sa YOUng huwag na niyong isama sa listahan si Gonzales ng DOJ sayang ang logistic sa matandang ulyanin na ito.. kay Defensor at Pichay niyo na lang gamitin…
Lucio!! Lucio!! Pwede bang malaman kong saan country ka sa middle east? At sinabi mo pa na “grupo po namin dito Mga OFW’s”. What are you referring to LUCIO? idamay mo pa kaming mas broad ang pag-iisip kaysa sayo. Kasi ang sentiment ng halos lahat na OFW sa middle east ay kontra sa sinasabi mo.. Pag mag-comment ka ay para sa sarili mo lang ok?
Hindi puwede ang walang election sa 2007. Dapat ibasura ang mga bulok na deputados, gobernadores at mayores. Masmatipid kung mawala sa puwesto ang mga kawatan. The change of government from presidential to parliamentary system does not make any difference if the same corrupt and abusive politicos run the parliament. The same dogs different collars. They will protect their own interests first before our national interest. Most likely Lucio Novabos an OFW from the Middle East speaks the same wave length as comical Propaganda Chief Ignacio Bunye. Our nation cannot move on and forget the past. GMA has a zero credibility to lead our country. Filipinos cannot tolerate half truth, lies, cover-ups and thieving regime. Gloria Arroyo regime must go for better Philippines.
Ang tamang treatment (sa palagay ko lang) sa mga gaya ni Lucio ay huwag pansinin. Pare-pareho ang strok at dating–kesyo hindi raw sila maka-GMA, etc. Tapos biglang babanatan ang mga contra-GMA. Alam naman nilang unapologetically contra-GMA si Ellen at itong blog na ito. May iba namang forum diyan para sa mga kakampi niya. Dito pa nagsusumiksik. Yung mga kampi pa kay GMA after all the scandals na nakapalibot sa kanya, na weekly yata ay nadadagdagan–hindi makukumbinse ang mga ganyan kahit anong reasoning ang gamitin. Mahirap gisingin yung nagtutulug-tulugan.
Whew!!! Mabuhay ka Manny Pacquiao!!!…Kaya lang Mr. Pacman, please huwag kang magpagamit kay Don Miguel, at El Chavit. Ayos na ayos na sana victory mo, kaso biglang naputol ang pagsasaya ng sambayanan nang biglang umakyat sa ring ang mga ulupong. Niyakap ka pa!! Ano ba?? Ito namang ABS-CBN pinatulan ang eksena. Ipinakita pa sa buong mundo ang karumal-dumal na eksena. CUT!! Tapos na ang Pacman El Terible boxing, pero dito sa bansa natin tuloy ang laban!! Hello Manny!!, Hello Garci!!
and take note mga kapatid,gagamitin daw si manny ng afp pra “suyuin” ang mga nag-aalburuto na nating mga kasundaluhan! we just hope manny won’t be making sawsaw sa dumi ng pulitika sa bansa at magkaron ng sariling bait otherwise he dont deserved to be called as People’s champion anymore…
Hayy…nakakainis ang hello garci conversation sa boxing arena last sunday..killjoy talaga itong si jose pidal. ang cheap ng pagkadale nya. at nag sponsor pa daw ng Victory party with the showbiz people sa hotel…magkano na naman kaya ang ginastos na pera ng taumbayan…helluer. Kung ako ang tatanungin dapat i-kudeta na talaga yan si Mrs Pidal. Nagsisisi talaga ako..alam nyo ba na katabi ko pa si Nora Aunor sa Mendiola habang kinukuhaan ng camera malapit si mirriam Quiambao at katulong ako sa pagtanggal ng barikada…ang masama lang hindi ko alam na si Mrs.Pidal pala ang papalit kay Erap…dun kasi sa EDSA nung panahong yun..bigla na lang sumulpot ang isang stage at iniluwal ang mga Trapo na katribu ni Joe Lina at ABalos at Gonzalez..biglang itsapwera ang mga lihitimong people power..napalitan ng power grab…Sorry talaga kay Erap…ibalik nyo na lang si Erap..
sa susunod na people power ang suggestion ko pala…bugbugin ang mga trapo na nagtatayo ng sarili nilang stage sa EDSA or saan pa man. At hwag na ipwesto ang walang budhi katulad ni Mrs. Pidal…alam nyo bang ang dapat na presidente kung hndi nakialam si Mrs Pidal ang naluklok sana ay si Nathaniel Santiago.. kulang lang sa diskarte ang mama..naisip ko lang, kasi sya ang promotor dun nung time na yun..kaya hndi nya kinakalaban ngayon si Mrs Pidal, nabigyan din ng pwesto eh..pero dati daldal ng daldal yan kontra kay Erap…Asan ka ngayon Nataniel?… Ibalik na lang si Erap..I know he’s a reformed person by now…hndi na papayag yan na mauto ng mga dati nyang mga kaibigan na pasaway…Ewan ko lang kung babalik pa from Las Vegas itong si Chavit..malamang mag self exile din kasama ni baboy na Pidal…Ganda ng kultura ng first family. A family that steal together, stay together (wish mo lang Pidals)
tama ka dyan dave. bugbugin ang magtatayo ng stage na mga trapo. he he he.. nakakatawa rin balikan ang pangyayaring iyon, nadaya ang tao. kala nila gloria na kay glueria. hak hak hak.
Sa totoo lang Simula pa ng Pangalawang termino ni Marcos ay wala talagang nakaupo na tunay na nahalal ng taong bayan. Sa ikalawang termino ni Marcos siya ay nandaya. Si Cory, di naman talagang nagkabotohan o natapos ang botohan. Si FVR dinaya din niya ang kanyang pagkapanalo. Si Erap, talagang nahalal nga siya ng taong bayan, kaya lang puro SUGAL, DRUGS at KABAHUAN ang inatupag niya , walanghiya ay wala UTAK. Tingnan mo yun KORAKOT at CORRUPTION ni FVR ay binitang sa kanyang dahil hinayaan nilang si FVR makatakas sa PAG-PLUNDER niya sa ating Bayan. SA totoo lang dapat si FVR ang KASUHAN dito at di si ERAP, dahil bumagsak ang ekonomiya ng Pilipino sa Pagnanakaw ng mga nakaraan na Pinuno na si Cory at FVR sa Government treasury and Properties. Kaya dapat din kasuhan si CORY kasama si FVR sa PLUNDER na binibintang kay ERAP. SI Gloria, pinakamatindi. Small but terrible. Pero kahit terrible siya, tatalunin din siya ng isang PACMAN na tumalo kay El Terible Morales. Dapat talagang palitan ang lahat ng mga Bulok na Politiko sa atin bayan. Wala naman diperensya ang systema natin kaya lang talagang mga BULOK ang nagpapatakbo at nagsisipamuno dito. Kailangan natin ng FRESH recruit. Pati mga General sa army palitan na rin ng Fresh Recruit.