Skip to content

Oras ng desisyon

May natanggap akong text mga alas-dos ng umaga, kahapon, tungkol sa pagtakas raw ng ilang miyembro ng Magdalo, mga sundalo na nagsagawa ng Oakwoon mutiny noong Hulyo 2003.

Nang hapon, nag-presscon si Army Chief Hermogenes Esperon at kinumpirma ang pagtakas nina Capt. Nathaniel Rabonza, First Lt. Lawrence San Juan, First Lt. Patricio Bumidang at First Lt. Sonny Sarmiento mula sa kanilang detention cell sa Fort Bonifacio sa Taguig mga 9 p.m. Martes ng gabi.

Nangyari raw ang pagtakas nang sila ay ililipat sa ibang building.Inu-oppose ng mga sundalo at ng kanilang abogado na si Atty. Roel Pulido ang kanilang paglipat.

Sampal ito sa military dahil hindi naman siguro makakatakas ang apat kung walang tumulong sa kanila sa loob ng kampo. Ngunit sabi ni Esperon, hindi naman raw sila na-alarma dahil loyal naman raw ang military kay Arroyo.

Hayaan mo siyang mangarap.

Noong Disyembre, tumakas si Capt. Nick Faeldon habang naghe-hearing sa kanilang kaso sa Makati Regional Trial Court. Mula noon, labas-masok si Faeldon sa iba’t-ibang military camps. May video pa siyang pinapakita.
Ang litrato sa ibaba ay kuha sa Camp Crame.

Sabi naman ng military, fake raw ang video at mga litrato ni Faeldon. Gawa lang daw yun sa computer. Sabi naman ni Faeldon, hindi niya gawain ang mag-fake. And espesyalista diyan ay si Gloria Arroyo at Virgilio Garcillano.

Noong Martes ng umaga, nagkaroon ng hearing ulit ang Magdalo sa Makati. Nagsalita si Lt. Antonio Trillanes. Sabi niya, dapat magdesisyon ang mga tao kung gusto pa nila si Arroyo o magbago. Ang mga sundalo ay susunod lamang sa kanila.

Sabi niya, inaasahan niyang magdesisyon ang taong bayan sa madaling panahon.

Si Arroyo ay nanatili sa pwesto kahit karamihan sa Pilipino ay gusto na siyang umalis sa Malacañang dahil talagang makapal talaga ang mukha. At isa pa, hindi kumikilos ang military.

Kapag magpatalsik ka sa isang abusadong presidente, kailangan talaga ang tulong ng military. Napatunayan yan sa EDSA Uno at EDSA Dos. Nasa Constitution natin nakalagay na ang military ay tagapagtanggol ng mamayang Pilipino. Hindi sila tagapagtanggol ng isang presidente na una, nang –agaw ng pwesto at, pangalawa, nandaya.

Sabi ni Trillanes,kung pipiliin ninyo si Arroyo, ibig sabihin noon kuntento kayo sa nangyayari ngayon at gusto nyo siya hanggang 2010 o habang buhay.

“Ngayon,” sabi ni Trillanes, “kung gusto nyo ang pagbabago, ibig sabihin noon gusto nyo gumanda ang buhay nyo at ng inyong kababayan. “

Sa atin and desisyon.

Published inWeb Links

200 Comments

  1. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Palagay ko bilang na ang araw ang pekeng Pangulo Gloria Arroyo. Dapat ang sambayanan Pilipino at ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay mag-kaisa para wakasan ang abusado at bulok rehimeng Arroyo.

    ARTIKULO II MGA SIMULAIN

    SEKSYON 3. Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaibabaw ng sa militar sa lahat ng panahon. Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tagapangalaga ng Sambayanan at ng Estado. Ang layunin nito ay seguruhin ang ganap na kapangyarihan ng Estado at ang integridad ng pambansang teritoryo.

  2. bfronquillo bfronquillo

    Tumakas? Nakatakas? Pinatakas? O baka, itinago? O, Dios huwag naman sanang p….!

    Kung ganito na ang takbo ng utak ng Filipino e saan na ba tayo papunta? Nag-usap ang Lakas-CMD sa pangunguna ni Gloria, kasama ang mayorya ng kongreso, si JDV, at oo si FVR. At pinagpasiyahan nila ang tutunguhin bansa. Kung umasta sila ay parang nasa lukob ng palad nila ang buong bayan at anumang sabihin nila ay iyon ang masusunod. Ang mga tinamaan ng magaleng! “WHOM GOD WISH TO DESTROY HE FIRST MAKES MAD!”

  3. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Nagsagawa diumano ang military top brass ng loyalty check ng kanilang mga matataas na officers at pawang nag-pledge naman daw ng kanilang loyalty ang mga sundalo sa chain of command. Sino ba naman sa mga sundalo ang aamin na ang simpatiya nila ay hindi kay GMA? Natuto na sila siguro kay GMA na walang kabuluhan ang pangako dahil walang consequence kahit hindi naman niya tinupad. Isa na namang example ng corrupting influence ni GMA.

  4. romeo romeo

    na justify ng magdalo group ang kanilang cause sa kanilang nakaraang ginawang pagkilos. malapit na pilipino..malapit na. konting tiis na lang

  5. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    The time has come for Gloria Arroyo to reap the fruits of her lying, stealing and cheating habits. The escaped of the four Magdalo officers is a signal that a genuine and new people’s power is in the brewing.I heard the 4 escapees are now safe and sound. I said Genuine because it will be composed of the true sentiments of the entire Pilipino people, not of the elites and other corrupt military components and businessmen. I feel the escape was done through the support of the military itself to prove to Gloria that she is no longer in control of the system. It is NOW time to move……..KILOS BAYAN…..IPAGLABAN ANG ATING DANGAL NA NIYURAKAN NG IILANG SAKIM AT KAMPON NG KADILIMAN. ORAS NA!!!

  6. Ingat lang kasi mayroon din nagsasabi na pinatakas nina Esperon ang apat para ma-trace nila si Faeldon. Malalim ang laban.

  7. ELLEN, parang malabong pakawala sila kasi impormasyon lang ang kailangan. palagay ko nanalo ang argumento sa hanay ng mga oakwood officers na kung si GMA nakakalusot, eh bakit sila kung ano anong circo ang pinagagawa sa korte habang tuloy ang saya ng mga TOP BRASS. Sila Senga at Esperon at iba pang mga Garci Generals humantong na sa kataastaasang rangko. Habang sila nakapiit sa puwit ng batas-kuno. Ako din e-escapo! Matagal na!

  8. ellen, did you hear this vile rumor na si lacson raw ang nag-wiretap kay GMA at sa mga opposition senators?

    i read it from a blogger who i think is trying to spread this rumor to help arroyo and hurt the opposition by framing them with smears and innuendos.

  9. romeo romeo

    he he he. kung ang propaganda ng administrasyon eh sa media o kaya para maging usap-usapan, malayo na silang paniwalaan. nabubuhay ang administrasyong ito sa kasinungalingan at alam na ito ng mamamayang pilipino. kung murahin na nga sa palengke, sa mga sasakyan ang nasa administrasyon, nagkakaisa ang kalooban. hindi na sila paniniwalaan pa. ANG KASINUNGALINGAN AY HINDI MAKATATAYONG MAG-ISA. KAILANGAN PANG SUPORTAHAN ITO NG ISA PANG KASINUNGALINGAN. AT KASINUNGALINGAN PA. AT KASINUNGALINGAN PA. AT ISA PA HINDI BOBO ANG MGA PILIPINO.

  10. goldenlion goldenlion

    Gulong-gulo na ang Malacanang dahil sa latest news na kumontak na ang 4 na escapees sa kanilang mga abogado at kamag-anak, pati ang YOU (new generation) ay naglabas na ng statement na sila ang tumulong upang makatakas ang oakwood mutineers. Malapit na talaga ang anihan. Mabuhay ang Pilipinas!!!

  11. kikoy kikoy

    Ellen Says:

    January 19th, 2006 at 11:12 am

    Ingat lang kasi mayroon din nagsasabi na pinatakas nina Esperon ang apat para ma-trace nila si Faeldon. Malalim ang laban.

    ATE ELLEN…

    PAG GANYAN NA ANG MOVE NILA AGAINST KAY CAPT. FAELDON… PINAKIKITA LANG TALAGA NILA NA MAHINA ANG INTEL NILA… NATATAWA AKO SA MGA ALIBI NILA NA PAIBA-IBA! MGA BWISIT! PWE!

  12. John, re rumor that lacson did the wiretapping. Malabo.
    Now, granting na the order to wiretap came from the opposition and not from Malacanang, the issue still is teh vote rigging conspiracy heard on the tapes.

    If Malacanang knew that it was lacson who did the wiretapping, which is a crime, don’t you think they would go after him?

    Isn’t it strange that Malacanang is not investigating? It’s because they know they were the ones who did it. Baka mabuking pa.

  13. Atong Kuliglig Atong Kuliglig

    Maraming beses na silang “nabuking,” pero wala naman tayong nagawa. Hindi kaya dahil sa “puro dada” lang tayo? Nagatanong po lamang.

    Atong

  14. myrna myrna

    Ellen,

    I am just wondering. Bakit tahimik ngayon si Lacson? Wala akong mabasa re his reactions to any of these allegations that he was behind the wiretapping, etc.

    Kung siya man, granting for the sake of argument, eh di it just becomes more visible that the administration does not really have a strong hold on the military, considering that the wiretapping activities were done in the Blue Room. Well, what does that say about the corrupt, lying and fake President? Isn’t she supposed to be (daw) the Commander in Thief? Is that the reason why the military keeps on doing loyalty checks, because the higher ups don’t trust their personnel anymore?

    Eh kung halimbawa ako isang sundalo at tanungin kung kangino ako loyal, especially kung ang magtatanong, alipores ni pandak, eh gago ba ako na sabihin ang totoo? Although pareho rin na magsinungaling, just about fair, na kasinungalingan din aanihin ng isang super-sinungaling.

    hay naku Gloria, malapit na oras mo. Mag-empake ka na, you should know in your heart the end is near. O baka naman, gusto pa ni Pandak ang background music na My Way sung by Frank Sinatra??? hahhahaha….kawawa siya in the end…but she deserves what she will get.

  15. Spartan Spartan

    sa mga mahal nating kababayan, tunay na napapanahon na ang malawakang pagkilos, tama na ang panlilinlang ng mga katulad ni JDV, FVR, at Kabayan na dapat ay daanin sa legalidad or rule of law ang bawat hakbangin. subali’t alam naman nating lahat, na ang Kamara ay nasa palad ni Gloria at ng kanyang “evil empire”, ang korte suprema ay kwestyonable din ang pagiging “balanse”, ngayon sa kakapit ang mga mamamayan? hihintayin pa ba natin na tuluyang lumakas ang pwersa ng makakaliwa? sapagka’t sa mga panahon na ito, kapag nakapaglunsad ng tunay na “pagpapalaya” ang grupo na katulad ng kay Ka Roger, mapipilitan ang bayan ni Juan na “akapin” sila dahil sila ang “magsisilbing” tagapagligtas sa “napakadilim” na kabanata na ito ng ating mga buhay. kaya kina Capt. Faeldon at sa kanyang mga kasama….KILOS NA!!!!!!!!!!

  16. Spartan Spartan

    sa mga mamamahayag na tulad mo Bb. Tordesillas..MABUHAY KA!!! sa mga taong kagaya mo nakakikita ng kaunting “liwanag” ang karamihan ng ating mga kababayan na malinaw pa ang pag-iisip na hindi pa kayang suhulan ng “kanin at noodles” na katulad ng ginagawa ni GMA at ng kanyang Kanang Kamay na si Mike Defensor. subalit hindi naman natin masisisi ang ating mga kapus-palad na kababayan na dahil sa matinding pagkahilo dulot ng kagutuman ay mapasigaw ng Mabuhay si GMA kapalit ng mga “noodles” na ipinamumudmod ni Gloria. sana lamang ay sinamahan pa nila ito ng t-shirt na may tatak na GMA (Gutom na Mamamayan Ako).

  17. Spartan Spartan

    totoo po iyan mga kababayan, sumakit ang aking damdamin ng aking mapanuod sa TFC ang ginawang pamumudmod ng bigas at “noodles” ni Gloria sa Navotas nuong isang araw, sapagka’t ito ay patunay lamang na ganuon “kaliit” ang pagtingin at pagkilala nya sa mga Pilipino, na iniisip nya sa pamamagitan ng kanyang “fake smiles and handshakes”, plus the “noodles” ay makukuha na nya ang simpatya, pagpapatawad, pagmamahal, at higit sa lahat, ang pagrespeto ng “masa”…well sorry to say Gloria, kahit mga batang paslit (“just watch Goin’ Bulilit) ginagawa ka nang katatawanan. sabagay, kapalan lang naman talaga ng mukha ang pinaiiral mo sa ngayon. but i know, even 5 years from now, when these young children are already in High School, they will tackle in a “serious” manner GMA’s role in Philippine History as the most “thick skinned, human rights violating, corrupt,unrespected, hypocrite and “hated” (in one word EVIL)president.

  18. goldenlion goldenlion

    Ellen,
    Gloria Arroyo during her speech yesterday in Cabuyao Laguna appealed to people to “fight for what you think is right” in relation to the rumor coup in the offing. Well, sorry Gloria, we, the masang Pilipino are in the right path-it is you in the wrong side. Leave Malacanang now to avoid bloody confrontation. MABUHAY ang Pilipino!!!

  19. June Famadico (kuliglig ng UAE) June Famadico (kuliglig ng UAE)

    TAKAS magandang pakinggan kung iyon nga ang nangyari pero kahit siguro si david Copperfield o isang mahusay na houdini di makakatakas sa isang kulungan lalo nat ang kaso mo ay national security ang naka paloob.. TAKTIKA ito ang nakapaloob dito. LUMANG isyu na itong ganito nakatakas nagtago pinaghanap at naging senador. Ang nakakapagtaka kung sino pa ang mga kilalang tao ay iyon pa ang nakakatakas.

    Sa ganang akin lang pabor ako sa pagkakatakas ng mga Magdalo pero matamang mong isipin malulugmok na naman ang ating bansa sa kahirapan dahil ang mga taong gustong maginvest sa atin ay matatakot at uurong dahil sa

  20. June Famadico (kuliglig ng UAE) June Famadico (kuliglig ng UAE)

    Magdalo,Di ito pwedeng magumpisa lang sa maliliiit na opisyales bakit ito nagawa at anong nagtulak sa kanila para magbuo ng ganito. San sila kukuha ng pondo suriin nating mabuti Nangangahulugan pa rin na kahit anong sabihin na nasa kabig ni ate glow ang mga sundalo ay di kapanipaniwala ito. At kung totoo mang sensero ang mga itong tumulong sa ating bayan para palayain ito wag naman sanang madugo o lalong ilugmok ang ating bayan sa hirap dahil sa madahas na pagpapasya. para sa kin nasa ating mamammayan ang kalayaan ng ating bayan kimkim natin ito walang dugong dadanak. walng pagpipyestahan araw araw ang mga media walang nakapalooob na sariling interes. At sanay kung sakaling magkaroon man ng kudeta matalinong pagpapasya sana ang gamitin ng lider. TIyaking manibalang na ang bunga ito pitasin dahil kung hindi di rin pakikinabangan ang bunga dahil itoy mangingitim lang, mabubulok. Kung magiisip tayo na laking maka anti gloria di natin mababasa ang galaw ng isip nila dahil nakapaloob na sa atin ang pagbabatikos. Ang mahalaga kahit anong gawin nila di na nila tayo mapapaniwala.

  21. Anino Anino

    Why should we trust these Magdalo Soldiers to lead us to another Revolt?

    Did we ask the same question when Ramos, Enrile, and Honasan started the First EDSA Revolt in 1986?

    Ramos was the Philippine Constabulary Chief during those times when atrocities in the countryside were perpetrated by these PCs [the precursor of PNP]. Their records were worse than the NPAs. I should know, i’ve been there. Nakita ko kung paano kaladkarin sa kalsada ng isang lasing na PC ang isang ina, in plain view of the public. Sa kalungsuran noong panahon ng Martial Law maaga matulog ang mga tao alas 6:00pm pa lang tahimik na. Wala ng sibilyan ang naglalakad sa labas, sa halip makikita mo na lang ang isang platoon ng mga PC na pasuraysuray sa kalasingan. Sila ang mga siga, Martial Law, daw kasi.

    Enrile is one of the architects of Martial Law. His ambush drama is one of those that led to the Proclamation of Martial Law.

    Honasan, a protege of Enrile.

    Why did we trust them, then? For all we know, it’s us who came to their rescue as they were about to be airbombed by World War 2 Vintage Planes of Marcos Loyalists. And it’s clearer now that these ex-Marcos Guys or Rolex12 Guys have the blessings of the US for Marcos is about to set the economy to full industrialization. In 1986, the Bataan Nuclear Plant was set to operate giving us a cheaper PPA-free electricity.

    [I was an anti-Marcos then because of the atrocities of the PC which Ramos was the Chief. But I realized now that Marcos is far better than succeeding presidents. His greatest mistake was Imelda.]

    If we had trusted these Ex-Marcos Guys, why can’t we trust the Magdalo Soldiers?

    The Magdalos don’t have party affiliations to start with. They were linked to Estrada’s Laarni but were not proven yet even if this administration have all the means to fabricate evidence.

    Last year, at the height of street protests, Gonzales et al sounded the alarm that “communists and terrorists will bomb the rallies”. Now, the Magdalos are suppose to be joining the NPAs. Shut up!!!

    These guys are not foolish enough to join an organization which has a problem on itself. Nagpapatayan na nga ang mga ‘yan [NPAs], eh. Besides, this ideology is outmoded.

    All these guys are the “Cream of the Crop” extracted from highly-trained Special Forces of the AFP. We never heard these men until they stage that shortlived but Glorious Oakwood Mutiny. It became shortlived because the soldiers-turned-politicians intervened, or maybe, because we haven’t heard the Garci Tapes yet.

    Remember what Faeldon said that he won’t hold any position nor accept anything beneficial whatever good would come after this.

    How can we ever go wrong, siding, with them?

    ANO PA ANG HINIHINTAY NATIN?

  22. What is the use of overthrowing a Tyrant when those who will take over will be Tyrants of worst-magnitude.

    Remember the Dictator MARCOS …. replaced by CORY, FVR, ERAP and GMA.

    I Thought we got rid of the bad-living conditions of the Philippines when Marcos was ousted. But the worst came when he was replaced by these GREEDY Politicians who where once against Oppression. They are even worst, trecherous and evil. Look at the Government scandals and corruptions, coupled with the crime rates, poverty, desparations, hunger and the daily cost of living.

  23. So, what do we do then. Just bear with the lies and corruption of Gloria?

  24. Anino Anino

    The ouster of Marcos was only half the job. Our lesson was, we trusted other people to do the other half [of the job] for us. And what is this other half? Genuine Reforms, my friend.

    Similarly, after GMA is removed physically, we must see to it that reforms are implemented. And what are these reforms?

    Among others [which are stated in my other statements], there must be a:

    Genuine Land Reform. I have known landlords who have managed to work around the 7 hectare limitation. Why can’t a government distribute lands to those who don’t have, while there are so much that are lying idle and are not productive? [Ginagawa na lang bakasyunan ng iilan, samantalang karamihan sa atin ay wala man lang mapagtayu-an ng barongbarong.]

    ==========================================================
    Japan, for instance, first undergone a massive distribution of lands, then employed machines to automate and fully industrialized their agriculture, and the rest is history. Japan is now buying US piece by piece. Their economy is healthier than the latter, as it is mostly based on solid physical foundation while the US economy is based on bank notes, stock certificates and injecting wars on other economies.
    ===========================================================

    In contrast, we have yet to distribute lands, irrigate much of these agri-classified areas, and working on how to breed the best carabaos to help aging farmers.

    And why is that? We have selfish Elite, who are not willing to invest on the Filipino and worse, are land grabbers themselves! And most, if not all, of these families have representatives in Congress.

    If not with a Revolutionary Transition Government, how could we correct this pathetic situation?

    ORAS NA NG DESISYON, KAPATID.

  25. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    To Ellen:
    You have see the movie, “Downfall of Hitler”, same be happened with Gloria Arroyo and her cohorts cabinet members and greedy congressmen. The movie is documentary accounts Adolf Hitler and his co. History tell us, and must learned from it. The statements of MIke Defective Defensor that they will fight fire with fire. Ano sagot ng Magdalo na tumakas, dugo ni Defensor ang unang dadanak sa lupa. Let history re-write what will be happened to our country, Philippines, that “REVOLUTION/CIVIL WAR IS INEVITABLE”.

Leave a Reply