Skip to content

Mahirap magkasakit ang mahirap

Noong isang linggo, pabalik-balik ako sa Philippine General Hospital para sa aking taunang medical check-up.

Pangatlong taon ko na ito mula ako na-operahan sa cancer of the ovary at ang iba’t-ibang test ang ginagawa sa akin : CT scan, ultrasound at lahat na klaseng blood test.

Noong isang taon, sa Asian hospital ako nagpa-check up dahil accredited ng health card ng aming kumpanya, ang College Assurance Plan Health. Ang ganda sa Asian Hospital at hindi masikip.

Ngayong taon, lumipat na kami sa Medi-Card ngunit hindi pa naayos ang aking card kaya sa PGH ako pumunta dahil yun lang ang aking makakaya.

Dapat talaga matibay ang iyong puso sa PGH. Patawid ako sa Taft Avenue sa tapat ng PGH, may nakita akong matanda na naka-upo sa bangketa sa tabi ng kalsada. Ang daming mabibilis na sasakyan sa Taft at nag-alala akong masagi siya. Akala ko gusto niyang tumawid at hindi niya kaya.

Tinanong ko kung bakit siya naka-upo sa bangketa at sabi niya, galing siya sa loob ng PGH at hinihintay niya ang kanyang anak na kumuha ng side car. Ok naman raw siya doon. Tumuloy na ako sa loob at ng lumabas ako, wala na siya. Siguro dumating na rin ang kanyang apo.

Panglima ako sa pila ng CT scan at ang aking mga kasabay ay naka-check in na mga pasyente. Ang isa ay mga 70 taong gulang na lalaki na galing pa sa Bohol. Asawa niya ang nagbabantay sa kanya.

Sakit sa puso raw ang sakit ng asawa. Kwento niya nasa private hospital raw sila sa Bohol ngunit mga dalawang linggo lang raw inabot na sila ng sobrang P150,000. Wala na raw silang pera. Kaya nilakad ng mga anak na nagta-trabaho sa Manila na mailipat sa PGH.

Nagre-reklamo siya na nahihirapan raw sila sa PGH at masungit raw ang ilang tauhan na kausap nila. Mayron nga raw isang nagsabi sa kanila, “Paano kayo gagaling at hindi nyo binibili ang gamot na nire-reseta.”

Ngunit pasalamat pa rin siya dahil sabi niya may nakita raw siyang ibang pasyente sa kabilang building na hindi nakakuha ng lugar sa ward. “Paano na lang sila?” ang tanong niya.

Paano nga yun dahil ang dami talaga ang pumupunta sa PGH. Marami ang maysakit na mahirap sa atin.

Bilib ka rin sa PGH at sa kanilang personnel at kahit paano, sa maliit nilang budget nakakapagserbisyo sila sa maraming Pilipino. Kaya magaling ang mga doctor at iba pang personnel doon dahil sa iba’t-ibang klaseng sakit ba naman na kanilang nahahawakan.

Habang tinitingnan ko ang mga pasyente kasabay ko, nai-isip ko ang mga opisyal ng ating pamahalaan na nangu-ngurakot ng pera ng taumbayan. Kung kahit kalahati lang ng kinurakot nila ay napunta sa PGH, siguro mas maraming mahirap na Pilipino ang matulungan.

Published inWeb Links

37 Comments

  1. Ellen,

    Ika nga, napakahirap talaga ang maging mahirap sa ating bayan. Nakita ko rin ang mga nabanggit mong kalungkutan nang minsan naitakbo ko sa ospital ang aking ina. Buti na lang mayroon akong credit card…..Nakakangitngit kung iisipin ang ating mga pinuno. Kapuripuri ang karamihan ng doktor/nurses na nasa ating mga ospital at klinika.

    Bert

  2. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    Talagang mahirap magkassakit ang maralita.. lalo ngayon presyo ng gamot ay 200%. Ala-ala ko tuloy, ang nasaksihan ko noong araw ng ako’y dumalaw sa Provincial Hospital sa aming lalawigan ng Romblon, kulang ang medical equipments, gamot at ibang kailangan sa Pagamutan, paano’y ang budget ng Ospital ay kinarkot ng mga namumuno ng ating pamahalaan mula sa higher and lower position. Ang mga nurses ay nagrereklamo dahil laging delayed ang kanilang sahod. Tuloy ang ating mga doctors and nurses ay nangiban ibang bansa. Ang kasallukuyan pamunuan-ni Gloria ay walang kalinga sa sambayanang Pilipino mahihirap. Gloria and her cohorts enjoyed in draining the treasury of the nation.

  3. LAHAT NG POLITICIANS PAG NASANIBAN NG BAD INFLUENCE NG PERA NAG IIBA ANG PANANAW SA PAGLILINGKOD!!! PWE!!! PURO SILA BWISIT!!!

  4. Elizabeth Agbulos Elizabeth Agbulos

    Mismo!! kaming mahihirap ay walang karapatang magkasakit.hindi namin kaya ang halaga ng mga gamot, anti-biotics, ang amoxicillin (na hindi naman ganung ka-epektib)ay 7.00 isang tablet, need nating uminom nun sa loob ng 7 araw, it costs us 147.00, plus iyong gamot sa mismong sakit, tapos may doctor’s fee pa? Pero ang mga magnanakaw nating mga opisyales ng gobyerno, sipon lang sa Hongkong pa nagpapagamot (tanungin nyo si Nani Perez). Ngayon itong sina Bayani Fernando at asawa niya kasama ang ibang Metro Manila Mayors ay pupunta sa Canada at Las Vegas upang manood lang ke Pacquiao? Ang balita ang pondong gagamitin nila ay galing daw sa kinita ng metro Manila Film Festival? GGGRrrr!!! Sana hindi ito totoo. Napakaraming namamatay sa sakit na hindi nakatikim ng gamot!!! Ano ba?, sagad na ba talaga sa buto ang kanilang kasakiman??? Iyan ang malaking problema-kapag ang lider ay balahura, pati galamay balahura din. O baka hindi nila alam ng mga magnanakaw na iyan ang salitang balahura…..sorry, hindi nga sila Pilipino. Pwede ba?….paalisin na natin ang pangulong magnanakaw, sinungaling at mandaraya? Isama ang mga alipores na sunud-sunuran sa utos kahit kapalit ay pagdurusa ng masang Pilipino. ENOUGH!! GMA ALIS DYAN!!! NGAYON NA!! Malapit nang sumiklab ang nagpupuyos na damdamin ng mga mamamayan, huwag nyo nang hintaying kaladkarin namin kayo palabas ng Palasyo. Alalahanin nyo ang nangyari sa dating pangulo ng Romania. Pinatay sila ng tao sa kalye. Bert, palagay ko kababayan kita, pareho tayo ng tawag sa ating mother-INA.

  5. kikoy kikoy

    MGA DEMONYO! MGA WALANG PUSO! HINDI MAKATAO! MGA GAHAMAN! MGA MAGNANAKAW! MGA MALA-HALIMAW! MGA GANID! MGA MANLOLOKO! MGA SINUNGALING! MGA MANDARAYA! MGA MAIITIM ANG BUDHI!

    MGA KABABAYAN KO, GANITO BANG KLASE NG LEADERS ANG GUSTO NYO NA MAMUMUNO SA ATIN? ABA! DAPAT NA TAYONG MAGISING SA KATOTOHANAN AT WAG DIN TAYO PASILAW SA MGA GIMIK AT PANUNUHOL NILA SA MGA MATERYALES AT PERA NA GALING DIN SA ATIN, NA TOTOO NAMANG PINAGHIRAPAN DIN NATIN! IPAPAKAIN NA LANG NATIN SA ATING PAMILYA AAGAWIN PA NILA!

    GISING MGA KABABAYAN!

  6. kikoy kikoy

    KUNG ANG ATING MGA MAMBABATAS AY SINCERE SA KANILANG TUNGKULIN AT TALAGANG CONCERN SA NAKAKARAMI GAGAWA SILA NG BATAS NA MABIBIGYAN NG PROTEKSYON ANG ATING KABABAYAN NA HINDI KAYANG MAGPAGAMOT DAHIL NA RIN SA LAKI NG HALAGA NA KAKAILANGANIN… TIGNAN MO NAMAN SA MGA PUBLIC HOSPITAL, SASABIHIN NILA LIBRE ANG PAGPAPAGAMOT PERO UNG GAMOT NAMAN NA IBIBIGAY O IRERESETA AT WALA SA PHARMACY NILA AT KUNG MERON MAN NAPAKALIMITED NG SUPPLIES KAYA MAPIPILITAN KANG MAMILI SA PRIBADONG BOTIKA. HAY! ANO BA YAN… MINSAN PA KASABWAT PA NG DOKTOR ANG BOTIKA OR MINSAN PAG AARI PA NILA. MASYADO KASI TAYONG TINITIPID NG GOBYERNO SA MEDICAL ASPECT UPANG MAPAGLINGKURAN ANG TAONG BAYAN… ETO PA ANG MGA HEALTH INSURANCE NA YAN… EXAMPLE ANG PHILHEALTH AT ANG OWWA HEALTH CARD… NAGKASAKIT ANG AKING KAPATID NA GUMASTOS NG KULANG ISA DAANG LIBONG PISO… ALAM NYO BA ANG NAIBAWAS LANG SA KANYANG GASTOS AY WALA PANG DALAWANG LIBO… ANO BA YAN!

  7. Tiago Tiago

    This is happening not only in the Philippines but in many third world countries. One of the main problem basically is that companies in these places treated their employees as liabilities rather than assets. It maybe the case of lack of proper management training and/or a flaw in the formulation of company policies. In rich and more informed countries in Europe and the West, aside from the health care coverage for their employees and their immediate relatives, they are appropriating substantial amount of funds to cover health care expenses of the people. Aside from this, companies and even small stablishments, make it a point to include environment, health and safety (EHS) aspect of the community where they are doing their business, their business.

    This is too much to ask for a relatively poor country like the Philippines. Moreover, there is simply not that concrete and comprehensive healthcare policy for the poor. Siguro busy lang ang ating pamunuan at mga mambabatas, hay. Even now, our politicians are more concerned on changing our constitution rather than passing the budget! God, help us get rid of these politicians.

  8. The health care system in our country I think is so lamentable nowadays that I am amazed why our leaders and aspiring politicians do not give much attention to improving it.

    The poor especially gets the rougher end on this, kung saan mahirap na nga ang kumayod para sa pagkain, mas nahihirapan pa kung nagkakasakit. Siguro, kung sino man sa ating mga politiko ang gustong manalo sa susunod na eleksyon, dapat bigyan nila ng pansin ang sistema ng pagamutan dito sa ating bansa.

  9. Dina Ya Dina Ya

    God bless you. Sana gumaling ka agad.

  10. Ang mga OFW na kagaya ko ay ibinibilang ang healthcare na isa sa mga rason kung bakit nag-aalangan o takot na umuwi ng tuluyan sa bansa. Talagang napakalaking problema ito.

  11. KRISTINA KRISTINA

    SA MGA KABABAYAN KO, SANA AY MAGING MATALINO NA TAYO SA PAGPILI SA ATING MGA LIDER. HUWAG IPAGBILI ANG BOTO,MAKINIG SA RADYO O MAGBASA NG MGA NEWS AT ALAMIN KUNG SINO ANG MGA
    OPISYAL NA MAY GINAGAWA SA BANSA PARA SA MAHIHIRAP.TANGGAPIN ANG PERA (KUNG TALAGANG KAILANGAN ANG PERA) NGUNIT IBOTO PA RIN ANG KARAPAT DAPAT NA LIDER. TAYO LAMANG PO ANG MAKAKAPAGPA-UNLAD SA ATING BAYAN. MAGSIMULA PO TAYO SA ATING SARILI, SA ATING PAMILYA, SA ATING MGA KAIBIGAN.BAWASAN ANG SOBRA-SOBRANG PAKIKISAMA NA KUNG MINSAN AY DAHILAN NG ATING PAGKUNSINTI SA MALING GAWAIN. KUNG MALI, MALI, KUNG TAMA TAMA, KAHIT SA ATING PAMILYA DAPAT GANITO ANG KATWIRAN PARA TAYO PAMARISAN NG MGA BATA. PARA MAITURO NATIN ANG GOOD VALUES SA ATING MGA KABATAAN.NANDITO NA PO TAYO SA NAPAKAHIRAP NA KALAGAYANG ITO. MAGBAGO NA TAYONG MGA PILIPINO AT MAKI-ISA KUNG PAPA-ANO MAPAPA-ALIS ANG PEKENG PRESIDENTE.NO MORE SECOND CHANCE SA ELEKSYON SA MGA CORRUPT NA OFFICIALS TOO. I KNOW SOMEONE WHO LIVES OVERSEAS. EVERYTIME SHE COMES HOME TO VISIT PHILS.
    SHE HANGS AROUND PGH (QUIETLY)AND TALK TO SOME PATIENTS, ASK WHAT THEY NEED, WHAT PROCEDURES THEY HAVE TO UNDERGO, WHAT MEDICINES THEY NEED TO BUY. SHE GIVES SOME HELP. NOT MUCH, SHE SAID, ONLY WHAT SHE CAN AFFORD, LIKE P1,000 HERE, OR MAYBE, P500 OR P2,000 TO SOME PATIENTS DEPENDING ON WHAT THEY NEED.BASTA SHE SAID, INCLUDED IN HER BUDGET ITO WHEN COMING TO PHILS. SHE WISHED SHE HAD MORE EVERYTIME SHE COMES BACK HOME. FOR ALL THOSE WHO HAVE EXTRA, LET US ALL HELP A LITTLE BIT FOR THOSE VERY UNFORTUNATE PILIPINOS. NAKAKASUKLAM ANG ATING MGA LEADERS!!
    HOY! MGA GANID! LAHAT PO TAYO AY MAMAMATAY, WE CANNOT TAKE MONEY WITH US IN OUR GRAVES. UNANG-UNA KA NA MRS PRESIDENT KUNO!!!WALA KANG PUSO, MANHID, WALANG-HIYA!!!ANONG KLASENG MGA MAGULANG ANG NAGPALAKI SAIYO!!!

  12. juanito dela cruz juanito dela cruz

    nabasa ninyo ba yung balita kanina tungkol sa mga batang kumain tuba tuba? isang halimbawa na wala ng makain ang mga kababayan nating dukha. mapalad yung isang bata na nangangabayo lang a palasyo, tatlo pa alalay niya. minsan nga, sumakay ako ng jeep sa edsa kanto ng quezon avenue, paghinto ng jeep, 2 bata mga edad 5 taon ang sumakay at nagpunas ng mga sapatos kahit madumi ang basahan. imbes na mamalimos, kahit paano gumawa sila ng paraan para magkapera pambili ng tinapay, sigurado ako, pagkain ang bibilhin nila. kawawa talaga ang mga pinoy, matulungin ang mga pinoy kung may maitutulong pa. thank you lord, at may bukas pa.

  13. Tiago Tiago

    Kristina, maganda yung ginagawa ng kakilala mong balikbayan, although very unorthodox yung paraan niya. Eto yung sinasabi kong social consciousness na sana ay taglayin ng bawat Pilipino, hindi lang sa mga taong nangangailangan ng tulong kundi pati na rin sa kapaligiran kanilang ginagalawan.
    Kung ang bawat Filipino ay ay may ganitong ugali, sa tingin ko ay malaki ang maitutulong natin sa pag-unlad ng bayan. Hayaan na natin ang mga Pulitiko. Minsan, kasama sila sa prayers ko, if you know what i mean…

  14. kuliglig kuliglig

    X-( Hospital ano ba ito sa atin??? simpleng pinaka common na ung sorry poh wla kayong pang down o kaya di po kaya dito yan paki transfer na lang, Ung reresitahan ka ng doctor bibilhin mo sa labas tapos gagamitin sa yo ang konte at minsan pa di mo reseta ikaw pa rin ang bibili tapos iba ang gagamit; ayos lang sana kung may pera ka at ayos lang sana kung wlang pondong binibigay c juan dela cruz sa pampublikong pagamutan.

  15. Yung kinukwento ni Kristina na good samaritan, may ilan din akong nakikilala na ganoon. Ang KAISA, organisasyon ng Tsinoys (Chinese-Filipino) na pinangungunahan ng anti-crime crusader na si Teresita Ang-See, ay naglalaan ng P20,000 linggo-linggo para sa sampung mahihirap na pasyente.P2,000 bawa’t isang pasyente. Pumupunta sila sa Medical social Services ng PGH at doon kinukuha ang pangalan ng sampung charity patients. Kinukuha nila ang reseta at binibili nila ang gamot.

    sabi nila, magugulat ka sa laki ng magagawa ng P2,000. Libre naman kasi ang hospital at doktor kaya gamot ang problema.

    Sabi sa akin ni Tessie, hindi sila pumipili ng cancer patients kasi maliit lang ang pera nila. mahal kasi ang mga gamot sa cancer. Kulang ang P2,000 sa isang gamot.

    Kaya nakakatuwa rin na kahit sa gitna ng kahirapan sa ating bansa, marami rin ang may mabuting puso.

  16. Jun Jun

    I agree with you ,Ellen…mabawasan lang kahit kaunti ang mga kurakot na ginagawa ng atin mga opisyal, naniniwala akong marami ang matutulungan mga paysenteng mahihirap.-
    More power to you Ellen and to PCIJ……..I do believe that the pen is mightier than the sword…..jun

  17. Ofelia Concepcion Ofelia Concepcion

    hi, ellen!

    hindi ako kasingtapang mo bagamat masasabi kong may sarili akong mga
    katapangan. pero hanga ako sa iyo, hindi lang dahil alam kong matino kang
    mamamahayag kungdi nahaharap mo ng buong tapang ang iyong karamdaman.

    marahil, ibinigay ito sa iyo ng Diyos para gawin kang instrumento upang
    mabatid ng madla mula sa iyong personal na mga karanasan ang pinagdadaanan,
    hinaharap, kinakalaban, nadarama, pinangangambahan at kinakailangan ng
    isang may kanser. gayundin, ano ang dapat maging papel ng pamahalaan at ng
    mga naninilbihan dito sa mga mamamayan nito para hindi man makontrol ay
    matulungan ang mga taong dumaranas ng nasabing kondisyon.

    napagagaling ang kanser. ang kailangan lamang ay matuklasan agad. tayong mga
    Pilipino ay may sakit. ito iyong ‘sakit’ na kungdi pa malala ang
    nararamdaman, hindi pa magpapasuri sa doktor. siguro dahil na rin pag
    nagpatingin sa doktor ay nakapagbibigay ‘sakit’ iyong mahal na bayad sa
    manggagamot lalo na sa mga gamot na dapat inumin. hindi naman sapat ang
    kaalaman ng mga taga-health center at lalong hindi sapat ang kanilang
    pasilidad para makatulong sa mas malaking bilang ng mga mahihirap na
    kailangang serbisyuhan.

    naniniwala ako sa mga nagsasabi na kadalasan ay masusungit ang mga nars at
    mga doktor sa mga ospital ng gobyerno. maaari namang unawain din iyon
    bagamat hindi sana ganoon, ano? pagod na rin kasi sila. kahit may
    dedikasyon, nakapapagod ang walang katapusan, oras-oras na pagharap sa mga
    daing, reklamo, kawalang pag-asa at kaawa-awang lagay ng mga kababayang
    walang ibang pupuntahan maliban sa libreng pagpapagamot. ang problema lang
    naman talaga ay kung magkaroon na sila ng fatigue syndrome at robot na lang
    ang paglilingkod na iniaalay.

    hangad kong mabasa ang marami mo pang isusulat, ellen

    mabuhay ka!

    ofelia

    _________________________________________________________________

  18. Puro Buwaya , ahas, ulupong at gahaman ang nasa Politoko.
    Gusto lang nila makuha ang puwestong kanilang kinauukulan
    dahil sa KAPANGYARIHAN, KAYAMANAN at KASIYAHAN para sa KANILANG SARILI. Puro sila matatamis at maaakit na salita, ngunit sa kanilang kalooban , puso’t diwa ay PUNONG PUNO ng
    panglilinlang, kapahamakan, pang-aapi, karahasan, kalupitan at kasamaan.

    Ito ang masasabi ko sa lahat na TIWALI at MAHALAY na POLITIKO ng ating BAYAN.

    Tandaan! hinandog lamang ng Maykapal ang inyong katungkulan
    Para patnubayan at paglingkuran ang Kanyang mga anak.
    Ahunin ninyo ang mga kahirapan ng mga dukha’t maralita.
    Binigyan ka ng lakas para maging sanggalan sa mga naaapi.
    Ipagtanggol mo ang kanilang karapatan at ang katarungan.

    Ngunit, ano ang inyong pinamamalas at ginagawa.
    Lahat ay lumalabag sa Banal na Panata ng mambabatas.
    Lahat ay nasisilaw sa buhay karangyaan at pagkaluho
    Nagpapataba at nagpapakabusog sa sariling-kaligayahan.
    Nasaan ang pagtanggol ng katarungan, pagsapi sa katotohanan
    at pagtutuwid ng mga landas.

    Ang inyong lakas ay handog ng Maykapal para tipunin ninyo
    Ang kanyang mga anak at akayin sila sa matuwid na buhay.
    Ngunit binihag at ginapos ninyo ang kanilang Kabuhayan.
    Sila ay bihag ng kahirapan, kasamaan at paghihikaos
    Dahil sa inyong pagbababaya at kalupitan.

    Ang kanilang kaunting pananamit ay inangkin pa ninyo.
    Ang kanilang kaunting pagkain ay inagaw pa ninyo.
    Ang kaunting kaunting karapatan nila ay inyong
    nilapastangan at pinabayaan.
    Ang kanilang kaunting pangangailangan ay inyong pinagdadamutan.
    Dahil sa inyong katiwalian lahat sila ay naghihikahos.

    Ginawa ninyong pugad ng kasamaan at karahasan ang ating bansa.
    Naging pugad na rin ito ng kalaswaan at ng gutom na patutot.
    Naging pugad na rin ito ng mabagsik na krimen at kamatayan.
    Hanggang saan pa ninyo ito paabutin. Kailan ito matitigil.
    Ang Silab ng Awa ay nababahagya at Sumisilab na ang katarungan.

    Tatabak na ang Katarungan ng Paghuhukom mula sa Kataastaasan
    Babasagin ang mga banga ng kasamaan at kalupitan at karangyaan.
    Sa isang kisap mata ang lahat ng pugad ng Kasamaan ay mapupuksa.
    Maguguho at maglalaho ang mundo ng kalupitan at katiwaliaan.
    Ang mga masamang budhi ay Sisilabin ng Katarungan sa Kataastaasan.

    Ang pusong makatarungan at ang malinis na budhi
    ang magmamana ng katungkulan.
    Sila ang sugo ng kabutihan na magwawakas ng kasamaan.
    Nasa kanila ang Silab ng Awa at Katarungan ng Maykapal.
    AT sa panahong ito, dahil ang kabutihan, katotohanan at
    Katarungan ang nangangasiwa sa buhay ng tao.
    Ang biyaya ng Maykapal ay kusang aagos at lilitaw.

    OO !! Ang gintong hinahanap hanap ay kusang lulutang.
    Ang gintong pinag-aagawan ay tatapaktapakan na lamang.
    Ang lupain natin ay magmimistulang inaanod ng ginto.
    Dahil umiiral ang pusong ginto ng sambayanan,
    Ang Silab ng AWA ay aagos ng walang hanggan.

Leave a Reply