Skip to content

Magandang negosyo

Itinutulak ni Eastern Samar Gov. Ben Evardone , spokesperson ng Union of Local Authorities of the Philippines, ang People’s Initiative para matuloy ang Charter Change na akala ng Malacañang ay magliligtas kay Gloria Arroyo sa kanyang ginawang krimen laban sa mamayang Pilipino.

Paano kasi, alam nilang hindi nila pwedeng brasuhin ang Senado sa Cha-cha.

Malabo ang People’s Initiative kung saan ang pag-amyenda sa Constitution ay gagawin sa petisyon ng 12 porsiyento ng mga botante. May desisyon na ang Supreme Court na wala pang batas na naipasa para ipatupad ang People’s Initiative.

Isa pa, ang tinutulak nina Arroyo, kasama na si House Speaker de Venecia ay hindi amendment kungdi revision ng buong Consitution. Hindi yan sakop ng People’s Initiative.

Alam nina Evardone ‘yan. Kaya lang siyempre, magandang negosyo yang People’s Intiative dahil silang mga local officials ang gagamitin ng Malacañang. Dudugasan na naman ang kaban ng bayan.

Sa dami ng pinaka-utangan ni Gloria Arroyo para lamang manatili siya sa pwesto na kanyang inagaw at ninakaw, nagkakandaloko-loko na ang patakbo ng pamahalaan at ang ating bayan.

Ang pinakahuli (at hindi pa yan katapusan) niyang binayaran ng utang ay si Maj. Gen. Gabriel Habacon at Rear Admiral Tirso Danga. Si Habacon ay na-promote na commander ng Southcom sa Mindanao at si danga ay ginawang commander ng Western Command.

Si Habacon, maala-ala natin at ang pinintasan ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano na palpak sa kanilang operasyon sa pagpalit ng resulta ng mga boto sa Sulu.

Doon sa tape, tinatanong ni Arryo kung nagma-match ang statement of votes at ang kanilang certificate of canvass dahil inayos nga nila ang resulta. Sabi ni Garcillano “Sa Basilan, alam nyo naman ang military dun eh, hindi masyadong marunong kasi silang gumawa eh. Katulad ho dun sa Sulu, si General Habacon…”

Di ba, nakakahiya, general ka, graduate ka pa naman ng PMA, ginawa kang cheating operator. Tapos, pinintasa ka pa ng isang cheating operator din.

Ngunit mukhang sulit rin naman ang ginawa ni Habacon dahil tingnan mo naman, nakuha niya ang pwesto na matagal na niyang inaasam-asam. Kahit na pang number 20 siya sa listahan, tinalunan niya ang 19 at siya ang pinili ni Arroyo. Iba na talaga ang may ipinunla.

Ito naman si Danga ay chief ng intelligence service ng Armed Forces nang ginawa ang pag-tape ng cellphone kay Garcillano na nakasama ang tawag ni Arroyo. Dahil hindi niya binuking ang Malacañang, malaki ang utang na loob sa kanya ni Arroyo. Kaya, kahit wla siyang experyensa sa field combat, ginawa siyas commander ng Western Command.

Ang epekto nito sa buong military ay demoralisasyon sa mga naniniwala na kailangan maging tapat ka sa iyong tungkulin, hindi ka mandaraya at magnakaw para umakyat sa iyong propesyon.

Kamaka-ilan, pinili ni Arroyo na Supreme Court chief justice si Artemio Panganiban kahit hindi siya ang pinaka-senior. Siyempre naman. Si Panganiban kasi ang nag-mani-obra na mapasumpa siya noong January 2001 bilang presidente na labag sa Constitution dahil hindi bakante ang posisyon na presidente sa Malacañang. Hindi naman nag-resign si Estrada.

May mga nabulgar na bayad sa mga pumirma para patayin ang impeachment complaint laban kay Arroyo noong Septiembre – P20 milyon sa isang congressman. Kaya imagine n’yo na lang kung magkano ang pera na dapat ay pumunta sa mahihirap ang ginamit para busugin ang mga congressman.

Sa Hunyo, pwede na ulit magsampa ng impeachment complaint. Kaya tingnan ninyo, naghahanda na naman si Oliver Lozano. Bagong negosyo na naman.

Siyempre ang binayad noong Septyembre, good lang yun para sa unang impeachment complaint. Iba naman ang sa Hulyo. Panibagong bayaran ‘yan. Pera natin.

Published inWeb Links

25 Comments

  1. kikoy kikoy

    naniwala ako ate ellen pag nagtagumpay ang cha-cha na yan matindi na talaga ang conspiracy dyan sa administration ni unano… lubos na ang paniniwala ko na ang mga namumuno sa atin, national man o local ay kayang bilhin ng pera… patay na ang magagandang idealismo sa bawat pilipino dahil pinatay na ng kasakiman sa pera.

  2. Jay Cynikho Jay Cynikho

    Ellen (mas matanda kasi ako) di ba nasabi
    ko na rin kung saan ang mother of all
    battles para sa mga Filipino. Bakit tila
    naniniwala ka pang may magagawang
    mabuti ang senado. kasama lahat
    yang mga yan sa sinabi mong magandang
    negosyo. Hanga pa rin ako sa natitirang
    hibla ng paniniwala ninyo sa mga
    politiko.

  3. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Ay naku! Busog na busog naman ang mga hayok na de-PUTA-dos, gobernadores, mayores at punong barangays. Sa tingin ko para silang mercenaries, walang prinsipio at respeto. Basta may pera ayos! Waldas na ang “Marcos recovered wealth” noong nakaraang halalan. Sigurado panibagong utang naman. Anak ng jueteng!

  4. Atong Kuliglig Atong Kuliglig

    Magaling talaga itong mga nanggagatas kay GMA. Alam nila na kapag tumigil sila sa pagsipsip, matutuyu-an ang suso. Alam kaya nila na dugo nating mga mamamayan ang gatas na kanilang inuubos? Nagatanong po lamang.

    Talamak na yang sakit na iyan sa atin. Sa Cebu halimbawa: Namudmod si Tony Cuenco ng tigi-isang Milyong Piso sa bawat isa sa labing-apat na Baranggay na kanyang sakop dahil mukhang malakas yata ang makakalaban niya sa susunod na eleksyon. “Bili-boto” yon, diba? Nagatanong po lamang.

  5. Elizabeth Aco-Agbulos Elizabeth Aco-Agbulos

    Halos lahat ng Pilipino ay nakababatid na ang kasalukuyang gobyerno ng pekeng pangulo ay patuloy sa pagsimsim sa kayamanan ng Pilipinas. Mula sa matataas na opisyal ng militar at pulisya, sa mga hurado ng korte suprema, sa mga kongresista, governador, mayor at mga nakaabitong bulaang propeta ay tumatanggap ng gatas sa donyang sinungaling, mandaraya at magnanakaw. Sa malaon at madali ay mauubos ang gatas, matutuyot ang bayan. Hindi papayag ang tao na sila ay tuluyang magutom, Kapag hindi nakayanan ang gutom kahit dugo ng donya at ng mga masugid niyang taga-sunod ay ibubuhos sa lansangan upang buhaying ang naghihikahos na at natutuyot na lupa. Kapang nangyari iyon, babangon ang masang Pilipino upang muling itayo ang dignidad ng bayan. Ano ang mangyayari sa donya at mga alipores kung maubos ang kanilang dugo? Ililibing sila sa lupa, itatala sa dahon ng kasaysayan….tatawaging silang…kampon ng kadiliman, na nagpahirap sa tao. Malapit na ang anihan. Nangangamoy na simoy ng hangin, nadarama na ang init……..init na siyang magpapaalab ng damdamin. Sino ang pipigil? MABUHAY ANG PILIPINO!!!!

  6. romeo romeo

    elizabeth, anong ililibing? hindi inililibing ang mga ganyang tao. ang mga trapong yan, kapag mamamatay itinatapon na lang yan sa crocodile farm at ang kauri rin nila ang kakain sa kanila.. o kaya mas maganda iniiwan na lang ang mga bangkay ng mga yan sa isang bukid, para makain ng mga bwitre.. alam mo kung ano ang unang tutukain ng bwitre kay GMA? yung nunal nya sa pisngi! hak hak hak.. PILIPINO MAGPAKATATAG KA!

  7. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    Pinoy, panahon na gumisin ka sa katotohanan. Makibaka ka!! Ikaw, ako,tayong lahat dapat magkaisa na… huwag nating pahintulutan palitan ang saligang batas. Ang mga kampon ni satanas pinangungunahan ng Demonyo Gloria dapat lipulin at bitayin sa plaza.

  8. Huwag naman sanang maliitin is Gloriang Pandak. Siya lang ang Pangulo na pinakamhusay.
    Pinakamahusay sa pandaraya.
    Pinakamahusay sa pagsisinungaling.
    Pinakamahusay sa pagnanakaw.

  9. Hindi umangat ang People’s Initiative. Marami namang kumita.Lalong maghihirap ang taumbayan.

Leave a Reply