Skip to content

Hindi makalusot ang No-el

Pinayuhan kami ni Rep. Prospero Pichay kamakailan na huwag masyado uminit sa No Election sa 2007 na mungkahi ng Consultative Commission na binuo ni Gloria Arroyo.

Sabi ni Pichay hindi naman ‘yan matutuloy.

Si Pichay ay isa sa malapit malapit sa Malacañang ay mukhang tama ang sabi niya kasi ngayon, mukhang umaatras na sila sa usapang No-El lalo na noong sinabi ni dating Pangulong Ramos na “monumental blunder” ang ganoong rekomendasyon.

Pinalutang ng Malacañang itong No-El. Sunod-sunuran naman itong Concom na pinamumuan ni Jose Abueva, dating presidente ng University of the Philippines.

Kung titigil na sina Arroyo sa pagsulong ng No-El, ito ay hindi dahil sila ay nakonsyenya o naliwanagan sa kasamaan ng kanilang balak. Biruin mong basta mo na lang ika-kansela ang eleksyon kung saan doon pinpahayag ng taumbayan ang kanilang kagustuhan kung sino ang mamumuno sa kanila. Tapos sila na ang magde-desisyon na hindi sila aalis sa kanlang puwesto. Ano ang nangyari sa demokrasya?

Umuurong ang Malacañang sa No-el dahil nakita nilang hindi lulusot. Hindi papayag ang Senado. At hindi papayag ang taumbayan.

Ngunit sa pagpalutang ng No-el, bistado ang maitim na balak ni Arroyo na manitili sa kapangyarihan para lamang mapagtakpan ang kanyang mga krimeng ginawa.

Maraming kasalanang ginawa si Arroyo sa taumbayan simula pa nang siya ay mang-agaw ng pagka presidente noong January 2001 ngunit ang pinakagrabe ay ang kanyang pandaraya noong 2004 eleksyon. Ito ay nabisto ng Hello Garci tapes.

Para lamang mapatakpan ang krimen ng pandaraya, gumawa siya ng marami pang pambabastos ng batas katulad ng pagpigil ng impeachment complaint laban sa kanya. Nang magreklamo ang mga tao, pinalabas niya ang Calibrated Pre-emptive Response para banatan ang mga nagra-rally. Para mahinto ang imbestigasyon sa Senado, pinalabas naman niya ang E.O 464.

Alam ni Arroyo na galit ang taumbayan sa kanya at ‘yan ay lumalabas sa lahat na mga survey. Siya ang pinaka-unpopular na Presidente ng Pilipinas. Sa 2007, alam nilang lalampasuhin ang mga kandidato ng administrasyon kung hindi sila ulit garapalang mandaraya.

Kapag matatalo ang mga tuta niya sa 2007, delikado si Arroyo sa impeachment at iba pang kanyang mga balak. Kaya niya binalak na ikansela ang eleksyon.

Kahit hindi siya natutumba pa sa ngayon, alam nina Arroyo na hindi sila makakasiguro bukas o sa susunod na mga linggo. At kapag wala na siya sa kapangyarihan, pwede siyang kasuhan at makalabuso. Kaya kailangan hindi siya bababa sa Malacañang.

Papayag ba ang taumbayan?

Published inWeb Links

429 Comments

  1. eddie gil eddie gil

    pro-election me.

    pero yung pagpigil ng impeachement process, wala kasalanan si GMA dun. Ang me kasalanan dun yung eh taong bayan. Kasi nagpaloko na naman sila sa kongresista na binoto nila. wala silang kadala-dala.

  2. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Sigurado walang lusot ang No Election 2007 at pati ang mga mungkahi ng pro Arroyo CON-COM. Alam ng taong bayan ang charter change at no election ay isang squid tactic para maiwasan ni Gloria Arroyo ang mga batikos sa kurakutan, pandaraya at bagsak na ekonomia. Tingnan ninyo ang trapong Jose de Venecia na pabor siya sa opinyon ni ang dating Heneral Fidel Ramos na kailangang matuloy ang eleksyon sa 2007. Si Prospero Pichay isang tuta ni JDV at Gloria. They sing the same tune, OW-OW-OW-OW. Kaya huwag tayong padala sa Moro-Moro ng Malacanang.

  3. Elizabeth Agbulos Elizabeth Agbulos

    No-El? Kapag nangyari iyan, sus!! tuwang-tuwa ang mga local officials na tumatanggap ng pera mula sa mga juetenglords at drug lords. Si Donya sinungaling ay lalong “magbubunye” dahil ang mga nasabing officials ay mga tuta na niya. Anong akala ni Abueva…lulusot sila? Pwede ba magbalot-balot na ang mga magnanakaw sa Malacanang? Hindi ko sinabing balutin nyo iyon pera ng bayan. Ang babalutin ay damit nyo, dahil lumalaganap na ang dilim, pagkatapos ng kadiliman ay sisikat na ang bagong umaga. Ang kapre (tabako man) ay hindi pwede sa liwanag, sapagka’t siya ay itinakda sa kadiliman. Si Joe de Rabbit ay hindi na makakapalakpak bagkus ay tatakbo sa kagubatan, mawawala na ang Defens(or) ni Donya Sinungaling. Tuluyan nang magiging Ermita(nyo) ang tagapagsalita at ang Pechay ay matutuyo hanggang sa malanta. Kawawa naman sila—silang mga naghasik ng kasinungalingan, pandaraya, pagnanakaw, hindi na sila mapapagtakpan ng mga bulaang propetang naka-abito sapagkat sila mismo ay hahatulan ng Diyos. Mabuhay ang Sambayanang Filipino!! Goodbye GMA!!

  4. hanep talaga yang si cutie pie arroyo, me araw din siya sa kanyang mga pa-cute at maitim na mga gawain.

    Mata sa mata, ngipin sa ngipin, nunal sa nunal, darating din ang sisingil sa mga kabulastugan niya.

    Ang cute cute cute pa naman nyang pangulo nyo(pwe pwe pwe pwe pwe).

  5. Jhun Sagum Jhun Sagum

    KAYA SA ELECTION 2007, TANDAAN NINYO ANG MGA “PRO-ARROYO”

    AT WAG SILANG IBOBOTO !!! MGA MUKHANG PERA ANG MGA

    YAN AT PURO PANSARILI LAMANG ANG INIISIP.

    SA 2007 ELECTION, GO OUT AND VOTE AND SHOW THE

    WORLD HOW WE “HATE” THIS FAKE PRESIDENT !!!

    – LINTIK LANG ANG WALANG GANTI !!!

  6. Jhun Sagum Jhun Sagum

    LISTAHAN NG MGA KAMPON NI SATANAS (GLUE-RIA)

    HETO ANG MGA HAYOP NA BUMOTO PARA SA PAGBASURA NG

    IMPEACHMENT : WAG SILANG KALILIMUTAN AT HINDI KAILANGAN

    NGA ATING BAYAN ANG KONGRESISTANG WALANG SARILING ISIP

    AT PANININDIGAN ….

    Abalos, Abante, Abayon, Ablan, Abubakar, Albano, Alfelor, Almario, Alvarez (Antonio), Alvarez (Genaro), Amante, Amatong, Amin, Andaya, Antonino, Apostol, Aquino (Rey), Arbison, Arroyo (Iggy), Badelles, Banaag, Barinaga, Baterina, Bersamin, Bondoc, Bravo, Bueser, Bulut, Cabilao, Cagas, Cajes, Cari, Carlos, Carmona, Castelo-Daza, Castro, Celeste, Cerilles, Chatto, Chavez, Chungalao, Clarete, Codilla, Cua (Guillermo), Cua (Junie), Cuenco, Dadivas, Dangwa, Datumanong, De Guzman, de Venecia, Defensor (Arthur), Defensor (Matias), del Mar, Diaz, Dimaporo, Dominguez, Domogan, Duavit, Dumarpa, Dumpit, Durano, Dy (Consuelo), Dy (Faustino), Ecleo, Ermita-Buhain, Espina, Espino, Espinosa (Edgar), Espinosa (Emilio), Estrella, Falcon, Figueroa, Firmalo, Floirendo, Fua, Garcia (Albert), Garcia (Vincent), Gidaya, Gonzalez, Gozos, Gullas, Hizon, Ipong, Jala, Jalosjos-Carreon (Cecilia), Jalosjos (Cesar), Jaraula, Javier, Joaquin, Joson, Kintanar, Lacson, Lagbas, Lagman, Lapus, Libanan, Macarambon, Madamba, Magsaysay (Eulogio), Magsaysay (Ma. Milagros), Malanyaon, Mangudadatu, Marañon, Mercado, Miranda, Mitra, Nantes, Nepomuceno, Nicolas, Nieva, Nograles, Olaño, Ortega, Pablo, Pichay, Puentevella, Puno, Ramiro, Real, Remulla (Jesus Crispin), Rodriguez, Roces, Romualdo, Roquero, Salapuddin, Salceda, Sandoval, Seachon-Lanete, Silverio, Singson, Solis, Soon-Ruiz, Suarez, Sumulong, Susano, Sy-Alvarado, Syjuco, Taliño-Santos, Teodoro, Teves, Tomawis, Tulagan, Unico, Umali (Aurelio), Uy (Edwin), Valdez, Valencia, Vargas, Velarde, Veloso, Villafuerte, Villarosa, Violago, Wacnang, Zamora (Manuel), Zalcita, and Zubiri.

    SA MGA TAONG ITO, BALEWALA ANG KATAGANG …

    — “My LOYALTY to my PARTY “ENDS” where my LOYALTY to
    my COUNTRY “BEGINS” …

  7. eddie gil eddie gil

    JHUN, I NOTICE PURO KA SIGAW! I-CHECK MO MUNA KAYA DIASTOLIC MO, BAKA MAS MATAAS PA PA KESA SYSTOLLIC, AT SAKA KA NA LANG BUMALIK DITO SA BLOG, HANE!

  8. hazel hazel

    EDDIEK HEAD (a dick head) are you a quack doctor?quack quack

  9. sinong lolokohin mo eddie goto gil… ginagawa mo kaming bobo na sasabihin mo na walang kasalanan si glue-ria… kung walang impluwensya ng malacanang, matutuloy ang impeachment against sa kanya! NAPAKATANGA MO! PINAKABOBO KA!

  10. edie gil edie gil

    kikoy,
    siguro isa ka bomoto sa congresman mo na sumuporta ke GMA kaya hala ka kasama ka guilty.

    at hazel, ineng..parang kang hindi babae pilipina (or baka naman charing ka?) kasi ang bustos ng bulacan mo and I hope wala kang kids kasi isa pa yang magiging bustos bulacan at corny pa na tulad mo(tse) :))

  11. who’s talking…

    ikaw naman eddie goto gil… pwede naman mag abstain pag wala kang mapili sa mga kandidato…

    pati ba naman si hazel inaaway mo… BAKLA ka ba eddie goto gil? nagtatanong lang po… walang personalan… 😀

  12. hazel hazel

    it’s alright kikoy,and i know myself..does it hurt you being called edick head dick head???hmmm…i am a nurse here in sydney and am not being silly.hey make up your mind about your real name

  13. anchet anchet

    Tama, Ellen. Sinasabi na ng mga kampon ni Arroyo (Gabriel Claudio) na hindi naman raw ideya ni GMA ang No-el. Hindi na nga nakalusot, nanloloko pa rin.

  14. Alitaptap Alitaptap

    hoy, mga irog… panauhin tayo rito sa BLOG ni Ellen. Huwag namang dalhin dito ang broken head (basag ulo)

  15. hazel hazel

    hey am sorry,he’s just so annoying…doesn’t he sound like one though??lol thanks alitaptap,now i have a cooler head…

  16. romeo romeo

    hay naku! alam nyo ba cancerous daw ang nunal ni gloria! kaya daw hindi pa full blown….. alam nyo ba kung bakit?.. PINIGIL NG MGA CONGRESISTA SA SUSUNOD NA TAON NA LANG DAW ULI. PERO PUPUTOK AT PUPUTOK DIN ANG NUNAL NYAN. MAG NANANA.. MAGKAKATAS.. PWE!

  17. Thanks Alitaptap for reminding everybody. Please lang, walang personalan.

  18. A de Brux A de Brux

    Pichay, one of the country’s ultimate TRADPOLs! Yuck!

    His right hand gives, then takes what he gives with his left hand.

    He’s so obessed (I mean physically bloated coz he must weigh 120 kilos at least) with his own TRADPOL power that he can’t even begin to think honorably.

  19. A de Brux A de Brux

    Ellen,

    Was just wonderingif anyone here remembers this case or has a clue about what Lozano (today’s impeach Gloria lawyer) was exactly accused of at the time?

    http://www.lawphil.net/judjuris/juri1995/nov1995/gr_108280_83_1995.html
    6. In “People versus Oliver Lozano, et al.,” Criminal Case No. 86-49007, the Court finds that the Prosecution failed to prove the guilt of the Accused beyond reasonable doubt for the crime charged and hereby acquits them of said charge;

  20. A de Brux A de Brux

    Ellen,

    I asked a friend in Manila who’s just e-mailed me the following:

    “Yes, I remember this, I was at the Manila Chronicle then. Some Marcos loyalists were holding a rally at the Luneta and they formed a mob which lynched a young man for being a Cory supporter. Lozano and a few others (I think one of them was the actress Alona Alegre) were accused of inciting the crowd to murder.”

    Could this Lozano be the same Oliver Lozano of the impeachment trick?

    Friend e-mailed me back and said that the Lozano who figured in the ’95 jurisprudence paper is the same impeachment trick lawyer OLIVER LOZANO …

  21. Wow! ang galing ng memory mo Anna. He is really devious to the bones.

  22. A de Brux A de Brux

    No, Ellen, hindi memory ko yan…Si Amadeo, blogging in Philippine Commentary who provided the link lead, I just followed it up and it was my friend in Manila (kaibigan mo) who has the best memory of all…

  23. Jhun Sagum Jhun Sagum

    WAG PAG AKSAYAHAN NG PANAHON ANG TULAD NI EDDIE GOTO GIL

    TAKAS SA MANDALUYONG YAN …

  24. etnad etnad

    Ang isyu talaga ay ang corruption at ang Garci tape bakit ano tong CHA-CHA at NO-EL na yan? Aling Gloria at Tatang Ramos, walang problema ho ang systema ng Gobyerno natin. Ang problema ay “KAYO”. KAYO AT ANG MGA ALAGAD NINYO ANG NAGPAPAHIRAP SA MGA TAO … KAYO ANG KANSER SA LIPUNAN ……. HINDI PA BA SAPAT ANG ARAL NA NAKUHA NATIN NOONG PANAHON NI MARCOS … MAS MASAHOL PA PALA KAYO … KAYA KAYO AY PUWEDE BA TUMAHIMIK NA AT UMALIS NA KAYO SA INYONG KINALULUKLUKAN!!!!!

  25. bfronquillo bfronquillo

    Ayaw natin ng No-El. Gusto natin ay may eleksiyon. Kaso ayaw na ayaw ko sa COMELEC at sa lahat ng bumubuo nito. Dahil kung nariyan pa sila at sa tulong ni Ronnie Puno na dadalhin sa DILG ay pinaghahandaan na nilang DAYAIN AT YARIIN ang eleksiyon sa 2007 at ang plebisito ukol sa Charter Change.

    Kaya kung talagang gusto nating may mangyayari ay kailangang mangyari ito sa loob ng dalawang buwan. Pero sino ba ang may TAPANG na pangunahan ang bayan. Iyung walang bahid-dungis at mayroong MALAKING PUSO na tumitibok para sa bayan lamang at hindi sa sariling kapakanan. Iyung handang isugal ang sariling kinabukasan sa isang hakbang na walang katiyakan nguni’t MAYROONG malaking kapakinabangan PARA sa bayan.

    Dapat ay magmula sila sa BAGONG HENERASYON. Hindi na mula sa matanda at lumang henerasyon. Hindi na si Erap at lalung hindi na ang matandang si FVR. Hindi sina Drilon, de Castro, Santiago, Legarda, Villar at iba pa. LUMIPAS NA ANG KANILANG PANAHON. Binigyan sila ng Dios ng pagkakataon at nilustay nila ito. Tapos na sila.

    Ang bagong umaga ng bansang Filipinas ay para lamang sa bagong henerasyon ng mga Filipinong kakalimutan ang pulitika ng sariling kapakanan at nakabatay sa prinsipyo ng pagbabagong anyo, pagsisilang ng bagong nilalang na pinanday ng mga masalimuot na karanasan subali’t gumigising na mas malakas, marunong, at mapagdasal. Iyan ang Pilipino – MATIBAY ANG KALOOBAN AT KAYANG ITAYO ANG SARILI MULA SA KAPAHAMAKAN. IKAW AT AKO AY IISA! ISA LAMANG ANG PUWEDE NATING PUNTAHAN – KAPAHAMAKAN O TAGUMPAY! NAGHIHINTAY ANG BAGONG UMAGA!

  26. Jay Cynikho Jay Cynikho

    marami sa comento dito ay galing kay
    Ibarra at hindi kay Simoun. Nagturo din
    ako sa undergrad, di naman mga bubo ang
    kabataan alam nila ang pagiging practical
    laban sa idealismo. Tignan ninyo ang
    nangyari kina Abueva, Defensor, Magno,
    Melito Salazar at marami pang iba. mga
    kabataang nag activitsts para sa bansa
    at sa mahirap. akala nila hindi na
    lalabas ang tunay na uri nila.

    At least the young generation now are not
    plastic or insincere, or fraud, hindi
    sila sumasali dahil alam nila hindi
    puedeng palitan ng kabataan ang kasamaan
    na karamihan sa kanila ay kanilang
    kinamulatan. Aalis na lang sila, minsan
    sa tulong ng kwartang ninakaw upang mamuhay
    sa ibang bansa, para araw-araw hindi sila
    binabagabag ng kanilang kunsensiya.

  27. June Famadico (kuliglig ng UAE) June Famadico (kuliglig ng UAE)

    tsk tsk di na ako magtataka kung ganun talaga ang nangyayari pilit na di na divert ng aroyo administration ang taong bayan kung anu-anong mga gimmick ang susubukan malay mo nga naman makalusot. Sa wari koy isang taktika lang ito sa makalusot man o hindi ang no-el iisa lang ang kanilang layunin ang malayo sa tunay na usapin siyanga naman aabot din ito ng mga ilang araw pag pipyestahan ng medya at paguusapan(delaying tactics ika nga) Matutuon nga naman sa noel ang usapin di sa pag kokondena ng kanyang pandaraya sa election noon. at tiyak ko marami pang lalabas na mga moro morong gimmick . Abangan poh natin .

Leave a Reply