Supalpal kay Gloria Arroyo ang survey na ginawa ng Social Weather Station kung saan lumabas na lalong tumaas ang bilang ng mga taong nagugutom ngayon.
Ito ang pinakamataas na bilang ng mga taong nagugutom mula na ginawa ng SWS ang survey ng nagugutom noon pang 1998.
Paano ngayon ang pinagyayabang ni Arroyo na gumanda ang buhay sa ilalim ng kanyang pamamahala? Siguro ang tinitingnan lang niya ang buhay ng kanyang pamilya at ang mga nakapaligid sa kanila.
Sa survey ng SWS, lumabas na 17 porsiyento 0 mga 2.8 milyon na pamilya ay nakaranas ng gutom minsan sa tatlong buwan nitong mga nakalipas na buwan. Ang survey ay ginanap mula Nov. 27 hanggand Dec. 4, noong nakaranang taong 2005.
Sa SWS survey, masasabing nagugutom ang isang tao kung sa loob ng tatlong buwan ay may mga araw, kahit minsan lang, na siya ay hindi kumain dahil walang makain. Hindi kasama dito ang mga nagpa-fasting dahil sa kanila reliyon.
Ito ang totoo na kalagayan ng karamihan ng ating mga kababayan at hindi yung pinagyayabang ni Arroyo.
Minsan, umuwi ako sa aming probinsya sa Antique. Panahon ng ani ngunit umuulan. Naiinis ako dahil nagpa-ani ang nagsasaka sa aming maliit na lupain kahit umuulan. Pinaggalitan ko pa ang aming taga-saka dahil sabi ko, paano naming patuyuin ang palay at walang araw.
Pagka-ani kasi, dapat binibilad ang palay bago itago. Hindi maa-aring itago ang hindi tuyong palay dahil masisira.
Hindi lang kumikibo ang aming taga-saka.
Nang umalis na siya, ipinaliwanag sa akin ng aming katiwala sa bahay na kaya nagpa-ani ang aming taga-saka kahit umuulan dahil wala na silang makain. Tanong ko, paano naman magiging bigas ang palay na bagong ani at hindi pa natutuyo? Paano nila sasa-ingin yun?.
Sabi ng aming katiwala, pinapatuyo nila ang palay sa kawali, parang sinasangag. Kapag natuyo na ang palay, kanilang binabayo para magiging bigas. Saka nila sasa-ingin.
Nakonsyensiya naman ako na nagalit pa ako sa kawawang magsasaka. Pinu-problema ko kung paano mapatuyo ang aming palay at nang maitago. Samantalang itong magsasaka ay ang problema niya ay mas matindi – ang hapunan ng kanyang pamilya!
Ang taas ng malnutrisyon sa mga mahihirap dahil sa wala nga silang makain. Kapag ang isang bata ay malnourished, apektado ang kanyang utak. Kaya sinasabi natin na ang mahirap ay bobo.Hindi sila pinanganak na bobo. Dahil sa kahirapan ang mga bata ay lumalaking bobo.
Paano sila ngayon makakita ng magandang trabaho? Paano sila aahon sa kahirapan?
SWS findings complement Sen. Mar Roxas criticism of Arroyo’s statistics:the so-called encouraging figures do not filter down to the people on the ground.
Highlights of Mar Roxas statements: “The headline statisctics being trumpeted by teh government are good and yet everybody is feeling lpusy and their sales reflect this lousiness.”
“The peso has gained more than 6 percent over the past 12 months byt this has not led to a rollback in the prices of basic goods. The price of processed milk, for instance, is 5 to 8 percent higher than the December 2004 level.”
“The stock market jumped 15 per cent in 2005 but this was inconsequential to the masses because less than one percent of teh Filipinos engaged in equities trading.”
Sa araw-araw na nababasa ko ang abante at tonite/abante na natatanggap namin thru e-mail ay isa lang ang napansin ko sa mga isinusulat mo at ni Mr. Macasaet, bakit parang galit na galit kayong dalawa sa Pangulo at iisa ang side ng pangulo ang tinitingnan ninyo. Bakit pati ang kakulangan sa pagkain, edukasyon , pabahay ng mga sinasabi ninyong mahihirap (na kung tutuusin ay s’yang mga ginagamit ninyo para i-expose ang kung sinuman pilatong uupo sa gobyerno natin) ay kailangan ang gobyerno ang pinasasagot ninyo.
Hindi ako maka-Glorya, in fact hindi ko siya ibinoto kahit kabalen ko siya. Pero hindi ibig sabihin na komo naghihirap si Juan dela Cruz ay sisisihin ninyo si Gloria. Sino kayang Presidenteng uupo na hindi ninyo tutuligsahin. Mas maganda cguro kung mag-sulat sa kolum ninyo na pwedeng gumising sa isip ni Juan dela Cruz (pangkaraniwang pinoy) na naturalesa ng “TAMAD”, at palaasa.
Nandito kami sa gitnang silangan upang tumulong na iangat ang sinasabi ninyong lugmok na ekonomiya natin, sana ganon din ang gawin ninyo kesa tirahin ng tirahin ang kung sino-sino. Mas maganda siguro kung ang isulat mo rin ay kung paano gumawa ng bagay na puwedeng makatulong upang makaahon ang mga taong sinasabi mong naghihirap ngayon.
Laki rin kami sa hirap, pero never kaming umasa sa gobyerno, dahil alam namin na malaki ang responsibilidad ng gobyerno at ayaw na naming maging isa pa sa mga pahirap sa ating lipunan. Malabo rin na maniwala kami sa mga sinusulat mo sa kolum mo ng bagsak at naghihirap ang pinoy, bakit kapag nasa bakasyon ako ay siksikan ang mga tao sa mall at ‘eto pa pabonggahan pa ng cellphone unit. Mantakin mo, anak ng isang mangigisda sa amin ay may cellphone!!
Kaya, kabayan kung ang pag-sulat sa abante ay parte ng trabaho at dahil binabayaran ka bilang sahod mo, sana naman kahit minsan sumulat ka ng maganda at pampalakas ng loob namin para lalo naming pagbubutihan ang trabaho at makapagpadal ng dolyares sa ating bayan.
Salamat.
Alam ninyo po kung tayo ay tamad o na hihirapan mag hanap na trabaho lalo na diyan sa Metro Manila na siksikan na ang mga tao sa squatter area…suguro po mas okey pa na bumalik na lang kayo sa inyong mga province para mag tanim uli sa lupa iniwan ninyo noon kayo ay nasa inyong bayan o barangay…kasi ganito po ang nangyari sa iba natin kababayan…ang karamihan na kababayan nakin nataga province ay gustong-gusto na pumunta manila para mag hanap na trabaho na sa akala nila madali lang ang trabaho diyan sa Manila kaya iyong lupa na ibinigay ng ating gobyerno para sa kanila na dapat alagaan at pag taniman ay bininta at umalis sa kanilang barangay para doon na maniran sa manila, ano po ang nangyari sa kanila ngayon di GUTOM ang inabot…kaya ang iba natin kababayan din ang maykasalanan kung bakit sila lalong walang pagkain…..isipin na lang nila kung hindi nila iniwanan ang kanyang lupa na pinagtatanimano sinasakahan di hinidi sana nila dinanas ang subra gutom pati mga anak nila nadamay..totoo po ito nasinasabi ko dahil mismo sa aming province o bayan/barangay nangyari po ang sinasabi ko na inbininta ang lupa na binigay sa kanila ng ating gobyerno iyan ang under ng LAND REFORM PROGRAM noon pa panahon ni Marcos, natinatawag na SAMAHANG NAYON sa barangay…ang nangyari iyon CLT(Certificate of Land Transfer) ay bininta nila kahit bawal iyan kas sa ilalam ng DAR Non-transferable iyan di ang nangyari na wala sila na lupa na dapat pag taniman nila..ang nangyayari tuloy balik sa mga mayayaman ang sinasabi lupa na sa ngayon ay tinaniman na ng Tubo kaya naging sugar land na ..kaya kung pagaaralan natin itong mga survey survey hindi ito sapat na batayan kasi una ang nag survey diyan lang pumunta sa mga squatter area na talagang standby ang mga karamihan diyan wala gaano mga trabaho, karamihan ang trabaho nila pag gawa ng bata kaya lalong lumobo ang papulation natin…kaya ang dapat gawin na ibang kababayan natin umuwi sila sa kanilang Barangay at doon manirahan at mag tanin na lang …sa aking palagay kung ito ang gawin nila na makiusap sa ating gobyerno na bigyan na lang sila na makabalik uli sa kanya-kanya province siguro matutulongan sila ng ating gobyerno..wag natin sisihin ang ating gobyerno ang isip natin magtrabaho wag mag tamad tamaran..alam ninyo po kung kayo ay maka balik sa barangay ninyo sigurado po na hindi kayo mag hihirap na talagang hirap na hirap na wala na talagang makain…una, puwede kayo mag tayo na kahit barong-barong lang na maari pagtirahan ninyo na hindi na kayo mag babayan ng rental, maka pag tanim pa kayo kahit kamote at iba pa.
SISIHIN SI GLORIA !!!
SYA TALAGA ANG MAY KASALANAN, KUNG
BAKIT KASI NANG-AGAW PA NG KAPANGYARIHAN E
MAS MASAHOL PA ANG GINAGAWANG KORUPSYON SA KABAN
NG BAYAN !!!
PATI PERA NG IBA’T IBANG DEPARTAMENTO, GINASTOS
SA HALALAN !!! PINAMBAYAD SA COMELEC, GARCILLANO
AT MGA MUKHANG PERANG MGA KONGRESISTANG SUNOD SUNORAN
SA KANYA. MAMALASIN PA ANG TAONG BAYAN SA PAGKAKAROON
NG SWAPANG NA ASAWA – F.G. MIKE NA PANAY ANG PAKIKIALAM
SA KAGARAPALAN NI GLUE-RIA, LALO NA SA SMUGGLING SA SUBIC.
KAYA TAYO NAGHIHIRAP DAHIL NILAGAY NI GLORIA ANG PILIPINAS
SA POSISYON NA PANGALAWANG KORRUPT SA ASYA …
THE LEADER HAS AN ACCOUNTABILITY, NANGUNGUNA KASI SA
PANGUNGURAKOT … KAYA GINAGAYA NG MGA ALIPORES NYA.
ISANG MAFIA ANG NAGPAPATAKBO SA ATING BANSA,
NA KORRUPT NA ANG MGA INSTITUSYON, DUMARAMI ANG
ANG WALANG KREDIBILIDAD (COMELEC, DAR, PNP, DOJ, NBI
PATI SENADO AT MEDIA – GUSTO PANG BUSALAN !!!
MAMATAY DIN KAYO !!! MGA HINAYUPAK NA GMA AT ALIPORES
Dahil lang sa may cell-phone ang isang tao, hindi ibig sabihin noon, gumanda na ang buhay niya. Ang cellphone ngayong araw, lalo na dito sa Pilipinas, na hindi naman maganda ang communications system ay nagiging basic nacessity na rin. Katulad ng kuryente. Dahil sa science at technology nagkaroon ng kuryente na noong panahon ng ating ninuno. Hindi ibig sabihin noon dahil may kuryente ka ngayon, mayaman ka kasya walang kuryente noon.
Ang mga kabataan ngayon na may cellphone, mas ginagamit nila ang kanilang baon pambili ng load. hindi na bale hindi sila makakain, may load lang. Isa rin yun sa problema ng ating nag-iibang sense of values. Ngunit ibang mahabang usapan yan.
mang ernesto, pakisabihan po ung mga taga malacanang na wag gumawa ng mga anomalya para hindi kami nagkokomento ng negatibo sa kanila.
ang problema kasi sa atin mga pilipino mahilig tayong magwalang bahala, hinayaan natin palampasin ang mali. bigyan ko kayo ng ehemplo na kadalasan na nangyayari;
may isang magnanakaw na nilooban ang tindahan, naramdaman ng may ari na may nagnanakaw sa tindahan nya kaya tumawag sya ng pulis kaya bago pa nakalabas ang magnanakaw nahuli sya ng mga pulis… pinatawag ng pulis ang may ari at ang may-ari ay dagling pumunta sa istasyon ng pulis, si pulis gumawa ng salaysay upang idiin ang maling ginawa ng magnanakaw. sa una ang may-ari interesado na idemanda ang magnanakaw… lumipas ang araw at linggo minsan buwan pa… nadismiss ang kaso… ang dahilan hindi na interesado ang may ari asa kaso kaya hindi na umaattend ng hearing ang may ari kaya napilitan ang huwes na idismiss at ang dahilan ng may ari ay abala lang sa kanilang pagnenegosyo. marami ang ganitong kaso, minsan po mang ernesto mag tanong kayo sa korte o sa mga pulis lahat cguro ng lungsod o bayan may ganitong kaso.
ganun din ang nangyayari sa atin dito sa pilipinas, hinahayaan natin ang mga taong gumagawa ng mali sa atin, pinalalampas natin ang kanyang maling gawain na dapat tayo na rin ang magtuwid. pag di tayo kumilos upang itama sya babalik at babalik sya upang pagnakawan tayo. sa palagay nyo po ba mang manuel si gloria at ang kanyang mga alipores ay tulad din ng magnanakaw dahil hindi natin sila hinuhuli sa maling gawin nila ay pabalik balik nilang gagawin ang pagnanakaw sa atin. nagtatanong lang po mang ernesto.
atsaka po mang ernesto, naapektuhan po kayo na sinisisi namin ang gobyerno sa paghihirap ni juan dela cruz ang tanong ko lang po sino po ang dapat sisihin? ibig po bang sabihin pag may nagnakaw sa tindahan nyo, hindi po ninyo hahanapin kung sino ang nagnakaw sa inyo o kaya naman nalimutan ninyo na i-secure ang tindahan bago kayo matulog at pag gising ninyo nalimas ang paninda nyo ay hindi na ninyo aalamin kung bakit kayo nanakawan. hayaan po ninyo sa susunod hindi na po namin sisihin ang gobyerno sa paglugmok ng ekonomiya natin, kayo na lang po ang sisisihin namin dahil sa pagpapabaya ninyo na sitahin ang gobyerno natin. ayos po ba un?
bata pa ako naririnig ko na sa mga matatanda na ang ugali ng mga kapampangan ay kahit magutom basta may magarang damit, ewan ko kung totoo eto… totoo po ba mang ernesto? sana inalam ninyo rin kung bakit napakaraming gumagamit ng cellphone dito sa pinas kahit ang bata ay meron nito. isa na rito ay karamihan sa atin ay mahilig sa tsismis ang gusto malaman agad ang pinaka latest na tsismis ng bayan… so cellphone ang pinakamadaling way para malaman ang pinakalatest na tsismis… pangalawa, kahit magutom basta may cellphone at may pang load kasi ugali na natin ang pagiging matiisin… pangatlo, ang pilipinas ang testing ground ng mga cellphones kaya ganun na lang kung ipagduldulan ng mga cellphone company ang kanilang produkto sa atin. marami sa atin ang nabe-brain upang mamili ng cellphone at karamihan sa atin ay madaling mauto.
ako rin mang ernesto laki sa hirap pero nakita ko ang galaw ng mga nagpapalakad sa ating gobyerno, nakikita ko ang talamak na sistema ng pangungurakot sa ating gobyerno… nagresign ako dahil hindi ko masikmura ang nakikita ko kahit gusto kong pigilan. pag ginawa kong lantaran na punahin o pigilan ko sila sa tingin mo ba mang ernesto makakakilos pa ako ng normal? baka patay na ako hindi pa rin sila titigil sa pangungurakot… so sa ganitong paraan nagpakokomento nailalabas ko ang saloobin ko sa mga ganid ng ating gobyerno at mai-share ang nalalaman ko… ikaw mang ernesto ano gagawin mong hakbang sa mga taong ganid na nagpapalakad sa ating gobyerno? magkibit balikat pag may naririnig o nalalaman na anomalya sa atin gobyerno?
kahit sinong maupong presidente sa malacanang pag may anomalyang ginagawa ay patuloy namin babatikusin upang sa ganitong paraan unti unti namin na maituwid ang sistema…
KUNG WALANG MAGBABANTAY ANG MAGNANAKAW AY PATULOY NA MAGNANAKAW.
So Malacanang is subsidizing teh cost of instant noodles. Some people might say that it is a great idea; others, however, will just smirk and say that it is just a gimmick, pang-pogi points. Methinks that it is an admission the country is in deep shit.
You see, instant noodles is the galunggong of the new millennium. Galunggong, of course, was the indicator of poverty and hunger during the time of President Cory. In the 80’s everytime the price of galunggong increase there would be a great uproar.
This plan to shoulder part of the cost of instant noodles means that some Filipinos cannot even afford to shell out 5 pesos to buy noodles! This is a tragedy. I remember that SWS had a survey which revealed that close to 15% of Filipinos or about 12 million have nothing to eat for at least a day. That survey was undertaken in 2004.
I think it is about time we do something about it before we turn this country into another Ethiopia where millions starved to death in the 1980s. Will subsidizing the cost of noodles solve this problem of hunger? The answer is a big fat NO. Distributing food coupons will not also do the trick.
What do we do then?
First, the government should abandon its adherence to trade liberalization which has caused serious damages to our industries including agriculture and garments. This policy is the reason why so many businesses closed shops resulting to job loss to millions of workers.
Second, kick Gloria out of office. Her continued stay in Malacanang is another reason why we’re in deep sh*t.
Third, let’s wipe all tradpol off the face off the earth.
Noodles will also not make the poor children healthy because it’s all starch. no nutrients.
Kasama sa usapan sa gutom ay ang pagkagutom ng mga tao sa bayan ng Bacon, Gubat at Prieto-Diaz, Sorsogon dahil sa lumalalang fish kill at posibleng mercury poisoning. Ito raw ay kasama pa sa pagpapabuhos nang tubig mula sa Rapu-rapu Island kung saan may mining operations. Ayon sa mga taga-roon, marami na ang nagsubok manghuli and kumain ng lamang-dagat pero nahihilo at nagkakasakit.
Ang tatlong bayang nasabi ay hindi mayaman at ang mga taoy umaasa lamang sa dagat na pantawid-gutom. Nakaktakot kung ang mercury poisoning na nagyari sa Japan ay mangyari dito sa atin.
Sana pagtuunan nang pansin ng media upang malaman ang totoong mga pangyayari tungkol dito, at kung takagang may sala, sanay mapagbayad ng tamang “damages” sa
ga apektadong bayan at barangay.
mr. ernesto manuel at mga katulad mo itatanong ko lang sa inyo “kapag MALI ang ginagawa ng anak, asawa,o kaibigan mo ano ang ginagawa mo? pinupuna mo ba sila upang ituwid ang maling ginagawa nila o pinupuri mo at natutuwa ka pa? at kung TAMA naman ang ginagawa ng anak, asawa o kaibigan mo; pinupuna mo rin ba dahil TAMA ang ginagawa nila o pinupuri mo?
ipaalam ko lang sa inyo baka sakali di nyo alam ito: ang isang pamilya ay isang maliit na unit ng gobyerno na kung saan ang tatay ang namumuno; ang politikal na pamahalaan ay isang malaking unit ng gobyerno at presidente ang namumuno dito. nakuha nyo ang analogy? hello…
kapag ang tatay ng isang pamilya ay di magaling mag provide ng pangangailangan ng kanyang mga anak; marami pang bisyo at di tapat sa kanyang asawa at mga anak ano sa palagay nyo ang mangyayari sa pamilyang iyon? makakaranas ba sila ng maginhawang buhay?
ganoon din sa pagpapatakbo ng gobyerno!!!
maaring sabihin nyo magkaiba yun- pamilya at gobyerno. pero wag nyo kaligtaan na ang basic component ng gobyerno ay ang bawat pamilyang nasasakupan nito. bitch mofos idiots mag aral kayo ng sociology at higit sa lahat magbasa kayo ng Bible para ma-enlighten at matuto kayo.
purihin nyo ang wasto at punahin nyo ang mali. kung di ganyan ang panuntunan nyo sa buhay, aba e pakiusap lang huwag nyo padamihin ang lahi nyo dahil isa yan sa dahilan kung bakit naghihirap ang bayan natin.
kamangmangan: yan ang cancer sa lipunan na binabanggit ni JP Rizal. bukod sa pagiging malaya mula sa kamay ng mga kastila, unang una nais nya na lumaya tayo sa pagiging fucking “indios” o pagiging MANGMANG. nais nya na magkaron tayo ng malayang pag iisip. hay… pinoy may cancer pa rin hanggang ngayon.
Doon sa online version ng Inquirer meron silang mga “good news” section. Pero ano ang nakasulat doon? Di man talaga good news di ba?
Pero di ako sang-ayon na sabihin na pumunta tayo sa ibang bansa para tumulong sa bansa primarily. Pumunta tayo sa labas para magtrabaho para meron naman mas mabuting ikabubuhay ang pamilya. Ang naitutulong natin sa ekonomiya ay by-product lang ng pangingibang bansa. Ang ibig kong sabihin, kahit di tayo nakakatulong sa ekonomiya lalabas pa rin tayo para sa ating pamilya.
one more thing kung bubuksan nyo lang talaga ang isipan nyo mga “indios”. tingnan nyo ang mga mauunlad na bansa, tanungin nyo sarili nyo kung bakit sila maunlad. BAKIT? hindi ba dahil mabubuti ang mga namumuno sa kanila? di ba’t tapat sila sa kanilang tungkulin na maglingkod sa kanilang mamamayan? at di nyo ba napapansin lalo sa America, na anuman ang gawin o sabihin ng presidente nila e apektado ang kanilang ekonomiya at ang bawat mamamayan.
kapag tumingin kayo sa pader wag lang harapan ang pansinin nyo? isipin nyo rin kung ano ang nasa likod ng pader.
Nararamdaman na ang gutom sa iba’t ibang panig ng bansa. Dito sa Laguna may nabibili kaming isang balot ng tinapay (buns) na may 6 na piraso for 6 pesos. Would you believe, store owners are now forced to sell the buns by pieces? Hindi na kasi kaya ng mga tao ang bumili ng isang balot dahil sa hirap ng buhay? Tapos sasabihin ni GMA gumaganda na ang ekonomiya? Sa mga negosyante, pabor ang mababang halaga ng dolyar, dahil bababa ang kanilang cost of production, kaso ang halaga ng mga bilihin ay hindi naman nila ibababa, kaya nagrereklamo ang mga OFWs natin eh…..mababa palitan ng dolyar, kulang na naman ang remittance nila sa kanilang pamilya. Ang masakit nito, patuloy ang pagnanakaw ng mga opisyales ng gobyerno, na kapag inimbestigahan ay pagtatakpan ni Donya sinungaling, at susuportahan pa ni Jose de Rabbit, pabubulaanan ng mga loyalistang tagapagsalitang sina Ermitanyo, Bunyeta at may Defensa pa ni Mike. My goodness!! Ano pa ba ang hinihintay natin? Laganap na taggutom at patayan kabi-kabila?. Patalsikin na ang mandaraya, sinungaling, at magnanakaw. Gising Bayan!!
TIGILAN NA ANG KORAPSYON SA GOBYERNO! PAALISIN ANG MGA GANID AT HIDHID! PAALISIN ANG MGA GUTOM NA HALIMAW SA GOBYERNO!
korapsyon ang ugat ng lahat ng kahirapan sa ating bansa! kung magiging matino at tapat sa tungkulin ang ating mga namumuno sa ating gobyerno sana hindi tayo naghihirap… pera pera at kapangyarihan ang dahilan ng korapsyon… ang mga namumuno sa atin ay karamihan sa kanila ay ganito ang interes kaya kung bakit nangungunyapit sa kanilang posisyon!
maraming nabubulagan dahil sa korapsyon!
TATE ELLEn,
KABALEN pinangaglingang lugaR ni ate gloria di mo sya binoto at pinagatatangagol mo sya ayos un ah..”MAghanap ng tarabaho para kumain”. TAMA ka pero ang tanong may trabaho bang hahanapin nasaan ang trabaho??? Nong grumadweyt ako ng EE sa atin naghanap din ang ng trabaho nagbabasa ng dyaryo tapos magaapply alam mo ba ang naka post sa dyaryo kailangan ng iosang electrical engineer angh aplicante susme parang pila sa pagkuha ng passport. Ang ulo ang dahilan kug bakit ang bansa ay naghihirap. Ang iraq mayaman sa langis bakit naghihirap dahi lsa pinuno. ang UAE tingnan mo ang perang kinikita ng bansa nila nilalaan sa pagpapaunlad ng kanilang bansa. Sa Dubai wlang masyadong oil di naiiwasang umangakat pa pa minsan sa sila sa IRAn ngunit bakit mas kilala ito sa Abu dhabi?? kung tatanungin mo ito sa mundo samantalang ang abu dhabi ang mayaman sa langis at capital City ng UAE Of course sa dahilang maganda ang adhikain ng kanilang p[inuno at di makasarili. Ang mga mamamayan sa atin at nadadala lang sa mga usapin ng pulitika dahil sa tindi ng kahirapan. Pansinin mo na lang tayong mga OFW hindi lahat swerte may nakakabalik na dahil di sa kagustuhan nila wala silang pera pero may nakalaan ba ang gobyerno para bigyan sila ng trabaho. Ang payo ninyo bumalik sa probinsya at magtaninm ng palay Aba ang tanong poh may pagatatniman poh ba ng palay. Ang mga binibintang sa pamahalaan ay mayroong basehan di ito gawa gawa lamang Pero isa lang ang tinitiyak ko ang problema sa bansa ay daig pa ang isang cancer na walang kalunasan’ Nong panahon ni MArcos kokonte lang ang pinasasahod ng bansa kitang kita kung sino ang hahabulin sa pera ng bayan.
mga maiksing reaksyon sa mga comentaryo dito:
sa quotes ni Rossana tunkol kay Mar Roxas.
hindi sapat ang wasto opinion at salita.
dapat aksyon sa mga hindi tama. bunganga,
bunganga, blah, blah, yaking ng yaking
sabi nga ni trillanes, kung nakakulong
si mar roxas ngayon, ipagmamalaki siya
ng lolo niya. so far wala pang mahita
kay mar roxas kundi magsayaw sa palengke.
kay cabalen ernesto manuel: kaawaan po
kayo at patawarin ng Diyos, hindi po
ninyo alam ang inyong sinasabi. sa estima
ko po cabalen manuel, sa isang taon badyet
ng gobierno na 800 bilyon piso (walong daang
libong milyon piso) mahigit kalahati po ang
ninakaw, more than 400 bilyon pesos po. Kung
magkano po diyan ang nananakaw taon-taon sa
pangunguna ng inyong cabalen ay hindi ninyo
alam, papanaw kayong tulad ng ibang OFW na hindi alam kung bakit kailangan silang pumunta
sa middle east, kung bakit ang mga Pinoy
ay nagkalat sa mundo upang maglinis lang
kubeta.
Kung di po ninyo alam, isa kayong tunay na
Pinoy. Sabi ni Rizal walang mang aalipin kung
walang napapa alipin. Sayang ang buhay na ibinigay ni Rizal, di natarok ng Pinoy ang
ibig niyang sabihin. Sayang ang buhay ni
Kristo na kanyang ini alay, marami pa rin
may kapangyarihan ang ginagamit ang pangalan
niya upang lupigin ang kanilang mamayan.
Isa po ako sa masugid nyong mambabasa sa inyong column sa Malaya at Abante.
Salamat po at may tulad ninyong manunulat na naglalahad ng mga tunay na nangyayari sa ating bansa at kapaligiran.
Tama po ang mga nasulat nyo na maraming pinoy ang naghihirap. Halos dama ng nakararaming pinoy and papahirap na papahirap na pamumuhay.
Matataas ang mga pangkaraniwang panganagailangang bilihin, gamot,pamasahe, LPG, kuryente, tubig, medical service, tuition fee at halos lahat na.
Nakakalungkot dahil ang gobyerno natin ay di tumutugon sa pangangailang ng tao.Bagkus ang kakarampot na kita ay papatawan pa ng mga buwis na hindi naman naibabalik bilang serbisyo, kundi nagagamit bilang pampasweldo at kickbak ng mga corrupt na opisyal. Halos lahat ng bilihin ay may buwis ( directly or indirectly). Nagkakandakuba ang mga
empleaydo sa paghahanap buhay araw-araw samantalang si Gloria Arroyo ang inaatupag ay ang pagtakpan ang katarantaduhang pang-aagaw at pandraya sa eleksyon upang manatili sa pwesto.
Napaka swerte nya at ng mga alipores. Libre ang lamon sa malakanyang, libre kuryente, tubig,pamasahe, lahat…. nagkakawatak – watak ang pamilya para lamang
makapangibang bansa upang magtrabaho. Mga nanay na nag-aalaga ng ibang bata sa ibang bansa at ang sariling anak ay napipilitang iwan at ipakandili sa iba para lamang mabuhay at kumita para sa pamilya. Minsan, subukan nyong sumakay sa MRT/LRT, o jeep, siksikang bus,pumunta sa palengke, squatters area, paradahan ng traysikel, sa bukid,
sa mahihirap na lugar.
Damahin nyo ang daing ng mga tao, at tsaka isulat sa column nyo, paulit-ulit, kasabay ng mga kabuktutan ni Gloria.
hikayatin ang ibang manunulat at mambabasa na mumulat sa
katotohanan….
sana may pagasa pa ang pamilyang pinoy. gutom na ang tao, may itatagal pa ba hanggang 2010 sa pagpapahirap ng gobyerno ni gloria?
dahil sa gutom marami
na swa atin mga kababayan
ang desperado. may ama
o inang nagpaqpalamatay
na lang minsan isinasama
ang mga anak. yung iba
hinohostage na lang ang
sariling anak.
hindi na gutom ang dapat
isipin, sapagka’t ang gutom
ay palanak na, sa mga probinsiya
at kanayonan ng Luzon, Visayas,
Mindnao. Ang iniisip ng maraming
nagugutom ay saan ba sila hihinto
at hihimlay.
Ate ellen,
Napakaraming komento na makikita mo sa pahayagan lalo nat ang paguusapan ay tungkol sa kapalpakan ng mga nakaupo sa gobyerno pero ang nakakatawa at di mo maiisip ay kung bakit sa pagdating ng halalan ay lumalabas pa rin ang mga taong kinaiinisan natin: Dahil ba sa kahirapan ng mga pinoy na sa oras ng halalan ay nakukuha sa suhol. bakit poh nakakalusot ang mga pandaraya dahil na rin poh sa ating mga mamamayan na nasisilaw sa konteng salapi na inihahain sa kanila. matamang ko mang isipin parang napakahirap sisihin ang mga kababayan nating tumatangap ng suhol pagdating ng halalan. oo nga naman kahit papano ay makabawi sila sa perang ibinabayad nila sa buwis at kung anu ano pa ang iba naman talagang likas na wlang pagkakakitaan kayat sila mismo ay nagpipresenta para lang maibenta ang boto nila. Napakahirap ng mabago ang sistema ng gobyerno sa atin. mantakin mo nga naman bago ka ihalal libu libong pera ang gagamitin mo bago ka makaupo sa pwesto. Ang tanong poh bakit sila gumagastos ng ganon kalaking halaga kayo na poh ang sumagot kung bakit??? sa aking palagay iisa lang poh ang sakit ng ating bansa ang sistema poh. Kailangan natin ng isang matigas na lider ung makatao at ang di pera ang nasa isip. Pero san poh hahanapin ang ganun tao o sino kung magkaroon man ng ganun di kaya patayin din sya ng mga nakapaligid sakanyan a dati ng nasanay sa corruption??? NAgtatanong lang poh
salamat poh ulit ate ellen
Ang masugid mong taga subaybay,
kuliglig ng UAE.
makikisabat lang ginoong June, alam mo kung uuriin mo ang nangyayari sa atin e masalimuot talaga at maraming dahilan kung bakit naghihirap tayo.
unang-una, naturingan tayo na tanging bansang Kristyano sa asya pero di tayo sumusunod sa panuntunan at kautusan ni Kristo. dahil mayroon binabanggit sa Bibliya sa bagong tipan kung paano pumili ng pinuno. sabi ng Diyos kapag pumili kayo ng lider piliin nyo yun taong may mabuting asal, di gahaman sa pera at kapangyarihan, iisa lang ang asawa, may takot sa Diyos, matalino, walang bisyo, di pabaya sa kanyang pamilya at mga anak at walang kapintasan ang pagkatao.
lahat ng criteria na binanggit ng Diyos sa Bibliya, kabaligtaran lahat ang ginagawa ng Pinoy.
pangalawang dahilan ay ang kultura ng pinoy, walang sariling pag iisip at kung meron man ay masyadong mababaw ang reasoning. halimbawa na lang sa pagpili ng iboboto, marami ang naguguyo dahil sa kasikatan, papogian at mga superficial na dahilan. kung ikukumpara natin ang mentality natin sa mauunlad na bansa e kaya sila mauunlad dahil ginagamit nila ng tama ang kanilang pag iisip sa pagpili ng matinong kandidato, at ang basehan nila sa pagpili ay ang plataporma di gobyerno ng kandidato. hindi ganun ang ginagawa ng mga botante sa atin.
marami tayong mahuhusay at mabuti sana na pinuno katulad ni yumaong Raul Roco na mataas ang integridad kung ikukumpara sa mga katunggali nya. pero mas pinili ng mga kababayan natin ang mga taong maraming nakakulapol na anomalya sa kanilang pagkatao.
pang-apat, ang sistema ng pulitika sa atin kung uuriin mo ng mabuti e ginagawang negosyo o bisnis na ng mga kababayan natin na gahaman di lang sa pera kundi kapangyarihan.
panglima, sadyang walang delikadeza ang pinoy. masakit man pakinggan pero yan e nagdudumilat na katotohanan.
kaya upang umunlad ang bayan natin magbalik-loob tayo sa Diyos bigyan pansin natin ang utos nya lalo sa pagpili ng pinuno ng bansa natin.
Quite a number of responses lalo na kung kagutuman ang paguusapan: Comment ko lang sa mga sumusulat:
kay Rosanna;
On target si Mar Roxas. But then again, it is not enough to say this and that, we need actions. Where are the policies to make this happen kung tutuo ngang nagi-improve tayo economically? Do you think it is enough to subsidize noodles, subsidizing is afront to good governance!
Kay fellow OFW, Mr. Manuel;
The blog is for those who want to express their opinion, just like you. My only comment to your opinion, unfortunately, doesn’t go along the grain. GMA doesn’t deserve good news, because she is bad news. The mere mention of her name sends bad message to investors. I know, i’ve been following this for four years since she assumed office. Multinationals shuns investing in our country, even if the Philippines is on its short list, bacause of her cronic politicking. Some multinationals left the country not because of lack of labor advantage but because we cease to be politically viable and because of the government’s inability to contain it’s twin brother, i call it “organized curruption”.
We blame the government because we miss the bus, while our neighbors benefit from this misfortune!
Don’t get us wrong, we have been brought up the same way as you are, having taught the value of labor. There is no argument about that. But whatever happens in the government affects us all. Haven’t your parents complain of the rising cost of living? Of having to tow the rigid bureaucracy that leads to dead end. I could elaborate till the wee hours of the morning, and still at it. All of these policies emanate from the office up in the government.
You see, if you throw a stone in calm water, ripples starts from where the stone hits the water, not otherwise.
Lastly, please don’t say na “ginagamit namin ang mga mahihirap” kase mahirap din kami. You get it?
Kay Joey Dimaandal;
Bullseye! How pathetic the government has become. Don’t we have a “program” to re-settle our poor brothers back to their provinces and somehow give them livelihood? Need help here.
By the way. I was told that daily consumption of noodles is bad because of the thin film of “plastic” on the noodles. Something that prevents them from sticking together when cooked.
I apologize for the longer comment. One of my friend got downsized. So much for Gloria’s economy. The fire within is just too hot.
Sa grupo nina Manuel, Lucy, etc: Similar ang mga approach ninyo sa pag-post dito sa blog na ito. Gaya rin na (sa palagay ko) similar ang approach naming mga hindi kumporme kay GMA. Bistado na nung mga madalas bumasa/mag-post dito ang mga code-words ninyo–kesyo hindi kayo bumoto kay GMA, hindi kayo maka-GMA, atbp. Still, walang pipigil sa inyo na mag-post dito, even Ellen herself. Yung pagpigil sa pagsasalita ay ugali ni GMA at mga bataan niya. Pero kung ayaw ninyong mabasa ang batikos kay GMA dito sa blog ni Ellen, ang dami namang ibang media outlets diyan na maka-GMA. Nasabi na ito dati: pag pinagtabi mo ang katotohanan at ang kasinungalingan, sinumang may sapat na isip ay makikita ang liwanag.
I wouldn’t mind if that noddle neither has nutrient nor good for health because it has thin plastic. Noodles maybe not good for long term but no question that it’s a good immediate solution para sa taong gutom na gutom. I think it’s much better than left over food that you await at the back door of McDo and Jolibbe.
pasalamat tayo kahit pano me noodles, bigyan kayo at hindi puro negative ang reaksyon.
talagang poor-hater etong si eddie goto gil… may pagka arogante pang magpost dito na dapat pasalamatan pa natin sila sa pagbibigay ng noodles… walang iniwan sa sila ay kakain ng masasarap na pagkain at pag may natira ipapakain nila sa atin ung mga tira tira nila at dapat magpasalamat pa tayo dahil may “left over” o tira-tira para sa atin. patawarin ka sana ng Diyos!
sa totoo lang magagawa ng gobyerno na mabigyan ang mamamayang pilipino na mapakain ng sapat at masustansya, kung magagawa nila na palakasin ang mga sektor ng agrikultura at wag i-divert ang pondo para sa mga magsasaka.
araw-araw pinagdadasal ko na maging honest at dedicated sa trabaho ang mga opisyal ng ating gobyerno. hay! kailan kaya mangyayari eto? sana mabasa nila ang ating mga komento dito para magkaroon sila ng second thought sa paggawa ng masama sa kanilang kapwa. hay…!
you missed my point..
kaya nga sila binigyan ng noodles ay para kahit pano ma-skip sila sa pag-aabang ng tira sa likod ng mcdo.
yes, i hate poor..pero mga tamad na poor at iresponsable.
why hate them? u should help them and educate them… u get my point eddie? dont stop there for hating them coz they’re lazy and irresponsible… that’s your job and your objective in gawad kalinga…
napanood ko kagabi sa channel 2 si mr. wilk nanalo as one of the people of the year. maganda ang layunin nya na tulungan ang kababayan natin na walang tirahan through gawad kalingakahit isa syang foreigner… pero hindi dyan nagtatapos ang pagtulong ng gawad kalinga sa mga kababayan natin na nabigyan ng pabahay… if binigyan mo ng bahay ang isang walang tirahan sa palagay mo kaya tapos na problema nila… hindi! kasi need din nila ang trabaho para may maipakain sa kanilang pamilya…
ang tanong, sino naman magbibigay sa kanila ng trabaho? ang initiative ay dapat manggaling sa gobyerno na maglaan ng maraming trabaho… sa palagay mo ba kung ano ang nagtutulak sa mahihirap na maging tamad? sa palagay mo ba kung may nakalaang trabaho magiging tamad sila? kung ang sistema ng ating kasalukuyang gobyerno ay may maayos at may matitinong opisyales, mababawasan kaya ang kahirapan sa pilipinas? sa aking opinyon, hindi mo dapat sila kainisan at dapat pa nga silang kaawaan at tulungan at imulat sa tamang kaisipan at wag tayong titigil sa pagtulong… ang pagtulong ay dalawang kamay at hindi isang kamay lamang ang iyong iaabot… alisin natin ang reservation sa pagtulong sa ating kapwa. if u hate them coz of there bad attitudes and doing nothing to change them cguro mas masahol ka pa sa kanila na tamad at iresponsable and u should quit your present job coz ur not belong to your organization. get it mr. eddit goto gil?
To Mr. Eddie Gil;
I think you had made a terrible mistake being in gawad kalinga. You don’t give the word “kalinga” justice. Don’t you ever go through proper humanity training ‘coz I can help you in that.
Nobody wants to be poor. Having said that, nobody has everything neither, even the poorest of poor has got something that you may lack. What is being discussed here is that subsidizing noodles, or any sustenance for that matter, doesn’t solve the problem. Getting subsidized noodles is the same as getting dole outs at the back of Mcdo. It’s the principle, Mr. Eddie, the principle. May kasabihan tayo, di ba, na kung gusto mong tulungan ang gutom, huwag mo siyang bigyan ng isda, turuan mo siyang manghuli ng isda. I think everybody knows this.
Being famished, I think is the hardest thing to happen to a poor person. Dying from it is worst. So I don’t think you’ll get a lot of people just lying around while their stomach is empty. Survival instinct yun. Siguro yung mga nakikita mong tamad at iresponsable ay mga mayayaman. Kase they can afford snoozing around while their money do the work for them. Would you hate them as well?
Tiago & kikyo,
at least I drove away from believing that GK is a bad one as you guys qouted earlier. And that’s more important to me than Edi Gil. Masaya na ako dun. And also, thanks for bringing up the jobs for the poor issue. That’s why I am so excited to share this with you:
http://news.balita.ph/html/article.php/20060104194701233
per that link:
1. GMA’s goal is to provide more jobs, investments, infrastructure and socio-economic relief for those in need must be given utmost priority
2. GMA’s goal is to unsure proper dissemination of the government’s pro-poor programs and sustain the momentum of ensuring clear-cut results in terms of high impact projects for the poor.”
3. GMA’s goal is to intensify the implementation of much needed reforms to uplift the lives of the average Filipinos
4. GMA’s goal is to uplift the lives of every Filipino for a brighter future
It’s pro-poor like you, so I hope you’ll not contradict.
Gloria is not pro-poor. She is pro-Gloria. Everything that she is doing now is to save herself from the punishment of the crimes she has committed against the Filipino people.
She will bankrupt the country, buying off everybody to save herself. She must be ousted.
ok oust her. take that into action, no more talking.
eddie gil Says:
January 12th, 2006 at 9:31 am
ok oust her. take that into action, no more talking.
SO NOW, YOU AGREED TO OUST HER…
ngayon kakampi ka na namin sa pagtanggal sa pekeng presidente? that’s good for u eddie gel…
alam mo eddie gil, kahit sino pwedeng maglagay ng magagandang objectives and goals… ang problema ni GMA wala pang magandang resulta sa ekonomiya puro papogi at pagsisinungaling pa rin sa tunay na kalagayan ng ating ekonomiya… ang buying power natin ay mahina pa rin… sana pag nag announce sya na lumalakas ang peso against dollar ay ung hindi panahon o buwan maraming remittances na galing sa mga OFW. Cge subukan natin kung hanggang midyear kung ganun pa rin ang paglakas ng peso sa dollar. i doubt it.
eddie goto gil,
napansin ko una, sa dating post mo galit ka sa mga OFW dahil sinabihan mo na GAHAMAN sila.
pangalawang post mo, ang sabi mo galit ka sa mahihirap na tamad at iresponsable… hmmm…
naguguluhan ako sa logic mo…
if ang isang mahirap with bad attitudes na kinaiinisan mo, nabigyan ng chance na makatrabaho sa ibang bansa naging OFW. so naging OFW, it means galit at inis ka pa rin sa kanya dahil GAHAMAN sya. hay, eddie goto gil…
Tsk tsk tsk di ako nagkakamali kung itong si eddie Gil ang makaupo sa pwesto tiyak ko ang dating noodles na naibibigay malamang kahit reno ay wala (RENO o renonot na asin sa wikang bisaya) sa ugali mo masyado kang maiisip sa konteng butil ng bigas na naibahagi mo sa nangangailangan para bang isang kaban na ang nawala sa yo. Noong panahon ng 1979 ata un elemntary ako tinitimbang kami pag di husto sa timbang nirarasyunan kami ng bulgor at nutribun ngunit wala kaming narinig o sa gobyerno na utang na loob namin ang pagtanggap nito. wag kang ganun parang proud ka pa. Kung magbigay ng noodles dapat mangamba ka dahil ibig sabihin talagang laganap na ang kahirapan sa pinas. sabi mo . GMA’s goal is to provide more jobs, investments, infrastructure and socio-economic relief for those in need must be given utmost priority
2. GMA’s goal is to ensure proper dissemination of the government’s pro-poor programs and sustain the momentum of ensuring clear-cut results in terms of high impact projects for the poor.”
3. GMA’s goal is to intensify the implementation of much needed reforms to uplift the lives of the average Filipinos
4. GMA’s goal is to uplift the lives of every Filipino for a brighter future
It’s pro-poor like you, so I hope you’ll not contradict.
susme sumalangit nawa ang iyong kaluluwa at patawarin ka ng dyos dahil di mo alam nag iyong ginagawa. Ang mga isinulat mo ay isang korido lamang means di pwedeng mangyari sa kahit papanong paraan dahil sa hindi pagiging makatao ng mga nakaupo ngayon sa gobyerno. Sarili ang iniisip bumawi sa ginastos na halaga para maupo sa pwesto. Iniisip na bukas baka di na sila ang nakaupo kaya tudo ang kabig nakakaiinis natalaga.
kikoy,
thanks sa pagsubaybay mo saking mga posts. flattered naman ako. ganon na ba ako kasikat dito inyo. or am giving you nightmare?
keep analyzing my post brod while your boss is not looking…pero ingat ka kasi monitored sa proxy ang internet activities mo, baka madale ka, ingat ka utoy.
June, those are just goals amigos, mi intiendes you no intiendes.
so en Enero bente uno, guerra delos el terible en pacman..never miss to watch it!
am i a threat to you eddie goto gil?
wala ka na bang maikatwiran sa mga posting mo? nauubusan ka na ng isasagot… HAHAHA! alam mo eddie goto gil ganyan ang mga taong guilty pag wala ng mailusot nananakot na lang… akala ko ba sa gawad kalinga ka nagwowork mukhang sa ISAFP ka pala nagtatrabaho…
tsk tsk ka eddie di elementary ang tinatakot mo kung kinakailangang sumakay sa proxy na iba (WHOIS) ay gagawin ko pero bakit ko gagawin anong harm ang ginawa ko nakasira ba ako ng system ng iba nagkalat ba ako ng virus. pero “”” ingat ka kasi monitored sa proxy ang internet activities mo, baka madale ka, ingat ka utoy””” (feeling hacker ka pa).
Nga pala baka mahirapan ka pa ito ang Company ko AL AIN OILFIELD P.O. Box 45676 Abu Dhabi UAE tle No. 971 2 6744979 hanapin mo ang pangalan ko June Famadico Fax No 971 2 6744989 email alain272@emirates.net.ae.
Sorry poh ate ellen wala poh tao lang.
thanks kuyang june…
wala na talaga sa katwiran si eddie goto gil… 😀
ito talagang si eddiot gil masyadong mapagpaniwala kay gma. wala ka bang sariling bait? simula pa lang na manalo sa pandaraya si gma may plano na sya na 6 million jobs para sa pinoy at ipinangako nya yun. ang tanong, natupad ba ang pangako? hindi di ba at mas marami pa nga ang nawalan ng trabaho kesa sa nagkaroon e. at ano nga yun pangalawa? uplift the lives of average Filipinos? mag nilay nilay ka nga eddiot gil sa nangyayari sa buhay ng pangkaraniwang mamamayan? NA-UPLIFT BA ANG KABUHAYAN NILA mula ng maupo si gma sa ninakaw na upuan? bulag ka ba talaga? di mo pa rin ba napapansin na dumarami ang nagugutom na pinoy ngayon. pakiusap ko lang ulit sayo EDDIOT GIL at mga katulad mo; buksan nyo ang inyong mga mata at isipin pwede pls? comprende?
Mahirap gisingin yung nagtutulug-tulugan.
me againts all, wow, galing ko no.
advise ko yun hindi pananakot (hay).. ikaw naman o negative ka agad….at me nagbigay pa ng address (feeling macho) na gusto yatang makipa love letter ako sa kanya…sorry taken na po aki..
ang bobo at tanga mo naman eddie goto gil… ginagawa mo kaming batang tatanga tanga… anyway, “me against all” it means na talagang dinaya lang talaga ni arrovo ang pagkapanalo nya… dito pa lang sa blog ni ate ellen kukunti lang talaga ang kapanalig ni pandak… at isa ka sa mga nagmanipulate sa pagkapanalo nya… shame on you eddie goto gil!
Ang Pilipinas lamang ang bansang nagbibigay ng todo-bigay na news conference at na ang pinakabuod ng balita ay ay mga available na trabaho sa iba’t ibang bansa. Ipagmamalaki na naman ng administration ni Gloria Arrovo na nag-create sila ng mga trabaho bilang pagtupad sa kanyang ipinangako sa tuwing magkakaroon ng State-of-the-(TRUE)-nation address sa Batasang Pambansa. Nag-create sila ng trabaho? Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga OFW’s sa iba’t ibang bansa? COME ON – Gloria, ang pag-create ng trabaho ay kailangan ng investment (money). Ang ginagawa ninyong nasa administration ay human investment. Wala naman kayong puhunan sa aming mga OFW’s – pinahihirapan pa ninyo kami sa mga paper works requirements tuwing lalabas kaming muli upang bumalik sa aming trabaho.
DOGMATIC ba ang dapat itawag ko sayo ka eddie. nalalayo na tayo sa topic nga pala pareng kikoy baka gusto mong pumasyal sa discussion ng DZRH chatroom ni kuya manny Val don mo ka makakarinig ng mga paliwanag at reaction ng ibat ibang tao tulad nating na sa malalayong lugar. ganun di nasa yo ka eddie kahit na maykakitiran ang utak mo pwede ka don para naman matuto ka ng magandang pananalita at makatuwiran di ung para kang aso kung makakahol pero wala hungkag naman ang laman ng utak mo 🙂 🙂 . http://dzrh.tripod.com/id19.html
hahaha! korek ka dyan kuliglig tungkol kay eddie goto gil… cge hayaan mo mag observe muna ako sa site na yun b4 me mag comment. thanks for inviting me there. 🙂
To Mr. Eddie;
ok yung mga “goals” ni GMA. But, then again, she has to walk the talk. Track record lang ang magsasabi kong attainable or there’s even a probability of these goals being attained. Wala nun si gloria. i’m sorry to say that. worst is she will come back to us and say she’s got “1 million jobs” a year kuno to god-only-knows-who. I don’t think you’re so naive not to notice this. As i told you before, i have been monitoring GMA, and even previous presidents eco performances, and i’m more convinced that she ain’t got it, specially now. I’m hoping i am wrong (against all odds)this year, but mean time, back to square one.
Oh by the way, i never said GW is bad. Read my posts carefully, otherwise, you may end up having another title. Oh this is low…
isang milyong trabaho??? ganito na ba kadali pag sinabing isang milyon ibig sabihin isang milyon ang matutulungan. Natatandaan ko pa noon mga 1982 yata iyo nang unang makaalis ang dalawang kapatid ko puntang Saudi Arabia Ang tatay ko papuntang brunie ang ate ko naman papuntang canada ramdam agad naming pamilya ang kaginhawahan ng buhay kc poh bago sila pinaalis ay binigyan sila ng pera ng kanilang employer as advance ganun poh kc ang policy ng ating pamahalaan dati” ngayon poh ano ang kwenta ng ganyang kadaming trabaho kung walang magtitiwala sayo para pautangin ka na panlagay.kumikita naman ng napakalaking pera ang gobyerno sa mga tulad nating OFW nagpapasok ng dollar.” pansinin ninyo ito “It expects OFW remittances to grow by six percent this year to about 7.6 billion dollars from 7.2 billion dollars in 2002”. ganyan poh kalaki ang pinapasok nating pera sa ating bansa bakit di sila gumawa ng paraan o programa na alisin na ang napakalaking lagayan system para ang isang palecante ay makaalis. Di ba kayang gawin ng ating pamahalaan ang bagay na ito gayong kikita sila ng doble doble kaysa expected target nila. halos karamihan ng mga emplyer sa labas lalo na sa middle east ay nagbaabyad pa sa agency para sa ating mga manggagawa ang tanong bakit nagbabayad pa ang ating manggagawa ng napakalaking halaga para makalabas. Kung lalabas naman ng Visit visa ay napakraming anomalya bago ka palusutin sa Airport. Ang tanong poh natin ano poh talaga ang sestema na makakagamot sa sakit ng ating bayan .napakaraming problema kabikabila whew suko na si juan de la cruz tama na poh maawa na kayong mga nakaupo lumpo na poh ang ating bayan.
sinulat ko po ito dahil wala na talagang pagasa pang magkaroon ng maayos na trabaho sa ating bansa kaya ako mismo hinihimok ko na ang aking mga kababayan na lumabas na lang para kahit papano ay makatulong sa ating bansa at makaraos sa gutom na likha ng administrasyong arroyo
Aba kuliglig, at gusto mo pang sabihin na superior at opinion mo ha, more opinion kikoy, listen lang me…yan ang gusto ko sa ‘yo di ka mayabang…imagine kung 40 million na pinoy ay pareho mong hambog, wag na tayong magtaka kung bakit ganyan ang pilipinas..
At ikaw naman kikoy & kuliglig again, panay sigaw eddiot , eh sino ba yung nag disclosed ng personal info sa public network. Magulat ka na lang one time yung name baka andun na yung name na yun pedophile database…Ibigay mo narin pati credit card number para kompleto pagka-Johny Tango…but teka, baka naman peke yun, assuming peke nga …eh di pareho lang kayo ni GMA na tuso as you alone claimed. At nagtaka ka pa na kokonti ang pro-gma sa forum na to..parang di obvious no?
“Superior ang opinion” sa yo nanggaling ang salitang yan kaya maraming salamat at napuna mo rin pala(hehehehehe) Hindi kita mapapipigil ka eddie sa mga personal na patutsada mo sa mga nagbibigay ng komento ngunit paala ala lang poh o pakitingnan poh nating maiigi ang topic ng ating pinaguusapan di poh ako ang pinaguusapan dito o si ka kikoy GUTOM poh ang ating bansa dulot ng administrasyong aroyo yan poh ang dapat mong alamin payo ko lang sayo ka eddie.
korek ka uli dyan kasamang kuliglig… gutom ang pinag uusapan natin at speaking of gutom may tama na ang utak ni eddie goto gil… malamang napaglilipasan ng gutom!
Stick lang po tayo sa topic.