Skip to content

Hindi nag-iisa si Capt. Faeldon

Nakabisita na ba kayo sa website ni Marine Capt. Nick Faeldon (www.pilipino.org.ph)?

Mukhang dagsa ang bisita dahil sa aking pag-check kahapon ng umaga, pang 115,502 na ako. Hindi pa nagda-dalawang linggo ang kanyang website!

Ang ibig sabihin noon marami ang interesado sa mga sinasabi ni Capt. Faeldon, na tumakas noong Dec. 14 habang nililitis ang kanilang kasong sa Makati Regional Trial Court.

Si Faeldon ay miyembro ng grupong Magdalo na nagtangkang tumbahin ang pamahalaang Arryo noong Hulyo 2003. Tinatawag natin ang insidente na ‘yun na Oakwood mutiny dahil ginagawa nilang base ang Oakwood Hotel sa Makati.

Siguro hindi lang mga nagsisimpatiya kay Faeldon ang bumibisita sa kanyang website. Pati na rin siguro ang mga maka-administrasyong Arroyo. Kasama na yan sa kanilang pag-espiya.

Sana basahin ng husto ng mga ahente ni Arroyo ang mga isinusulat ni Capt. Faeldon at sana masundot ang kanilang konsyensya.

Litrato ng mamamayang Pilipino at bandilang Pilipino ang ginawa ni Faeldon na imahen ng kanyang website. Naka-halfmast ang bandilang, simbolo raw ng pagdadalamhati ng bayan.

Sa kanyang pahayag nang siya ay tumakas, sinabi ni Faeldon na sa dalawang taon na siya ay nakakulong, nag-isip rin siya na baka naman mali siya tungkol kay Arroyo. Ngunit sabi niya, ang mga nangyayari ay nagpatunay lalo na tama ang kanilang tingin sa kaniya: “She is corrupt and ruthless, and she will do anything to stay in power”.
Sa kanyang pagtakas, sabi ni Faeldon na sasama siya sa mga lumalaban para sa makabuluhang pamahalaan dahil ang pamahalaang Arroyo ay hindi nagsisilbi sa mga mamamayan kungdi sa pansariling interes lamang nag mga nasa kapangyarihan.
Sa ganoong sitwasyon na ang nakaupong President ay pinagdudahang hindi binoto ng tao at hindi naman nagsisildi ng interes na nakakarami, hindi ito dapat pagsilbihan ng military.Dahil ang mga sundalo, sabi ni Faeldon, ay tagapagtanggol ng sambayanang Pilipino.
Siyempre minamaliit ng mga nakakataas na opisyal ng Armed Forces at ng Malacañang si Faeldon. Palagi sinasabi ang buong sandatahang Pilipino ay sumusunod sa chain of command at si Arroyo ang kinikilalang commander –in-chief.
Sa mga comments doon sa website at amin ring natatanggap, lumalabas na hindi nag-iisa si Capt. Faeldon. Ito rin ang aming nakikita sa mga suporta na aming natanggap para kay Brig. Gen. Francisco Gudani at Lt. Col. Alexander Balutan.
Nandoon ang ngit-ngit. Mukhang hindi malayo ang panahon na sinasabi ni Capt. Faeldon na “patutunayan natin ang ating pagka-Pilipino.”

Published inMilitaryWeb Links

395 Comments

  1. penoybalut penoybalut

    SALUDO ako kay CAPT. FAELDON. may SARILING PANININDIGAN at tunay na PAGMAMAHAL SA BAYAN.

  2. Tunay ngang makabayan si Capt. Faeldon, di siya nacorrupt ni glo sa kulungan.
    Aantabayanan ko ang kanyang website para sa mga updates Kung civil disobedience/santong dasalan, isuspend kaya natin ang mga ofw remittances???
    Santong paspasan, unahin ang mga corrupted generals na dati nang corrupt???

  3. Jay Cynikho Jay Cynikho

    masakit man isipin kukunti sa atin
    ang tulad ni capt faeldon.

  4. Jay Cynikho Jay Cynikho

    si capt faeldon ay hindi yata tapos
    ng PMA, kaya seguro likas ang kanyang
    patriotismo, parang si bonifacio
    hindi tapos sa Letran or Ateneo.

  5. Jhun Sagum Jhun Sagum

    KUDOS TO CAPTAIN FAELDON …

    HINDI SYA NAGIISA SA KANYANG LABAN.

    SYA ANG EHEMPLO NG TUNAY NA KAWAL NG BAYAN AT NG PILIPINO

    HINDI YUNG MGA GENERAL NA PURO “CORRUPT” AT SIPSIP

    NA WALANG GINAWA KUNDI ANG IPAGTANGGOL ANG KAMALIAN

    AT KABUKTUTAN NG KANILANG PEKENG COMMANDER-IN-CHIEF

    MALALIM NA ANG PAGBABOY NI GLORIA SA MGA INSTITUSYON,

    BASTA KAKAMPI NYA PROMOTED AGAD, PERO ANG NAGSASABI NG

    KATOTOHANAN AY PINAPAHIRAPAN …

    KAYA BILIB AKO SA MGA TAONG KATULAD NI CAPT. FAELDON,

    GENERAL GUDANI AT BALUTAN, SANA’Y DUMAMI PA ANG

    MGA KATULAD NILA, SA MGA HENERAL, MAHIYA NAMAN KAYO

    YOUR LOYALTY SHOULD BE ON YOUR COUNTRY AND THE PEOPLE

    AND “NOT” TO ONE PERSON – WHO DOESN’t EVEN DESERVED

    YOUR PROTECTION.

    CLEAN UP THE MILITARY, “CALLING ALL JUNIOR OFFICER

    EXPOSE THE CORRUPT PRACTICES OF YOUR GENERALS …”

    MABUHAY ANG MGA PILIPINO … LALO NA YUNG TUNAY

    NA NAGMAMAHAL SA ATING BAYAN NA PATULOY PA RIN

    NAGHIHIRAP AT BIKTIMA NG MALING PAMAMALAKAD !!!

  6. Kentaro Kentaro

    MAbuhay!ipagpaumanhin po ninyo ang pansamantalang pagpapalit ko ng pangalan.Dahil ikinakahiya ko po na maging kalahi sina Gloria Arrovo(dorobo) Pidal. Dahil yun po ang laging sinasabi nila na sila ay Filipino. Ibabalik ko nalang po ulit ang Filipino kong pangalan,kapag ang namumuno na ay ang tunay na talagang Filipino(sa isip,sa salita at sa gawa…na talagang nagmamahal sa bansang Filipinas). Kelan po kaya ulit tayo makakalaya sa mapanikil nating kalahi(daw).Akala ko ay suwerte nako s henerasyon kong ito,akala ko nun pa natapos ang pang aapi sa atin ng mga dayuhan! suportado ko po si Capt. Faeldon,humahanga po ako at sa mga kumakalaban kay PGMA(PekengGloria MArroyo).Na talaga namang nagpahirap sa ating lahat!Ngayon wala napong middle class sa estado ng pamumuhay..kungdi Higher at Lower class na lamang. Kung ang ABS may PINOY BIG BROTHER! Si GMA PINOY BIG PROBLEM!!! Magkaisa na po tayo…PABAGSAKIN SI GMA!!! Mabuhay ang bansang Pilipinas!MABUHAY ang tunay na Filipino!!!

  7. Urgie F. from NYC Urgie F. from NYC

    Capt. Faeldon, you are not alone. The long suffering Filipino massses are behind with you Ipagpatuloy mo ang iyong makabayan layunin. Ang masang Pilipino ay magkaisa at makikibaka para matano nating ang tunay na demokrsya, pantay-pantay sa lipunan at katarungan

  8. I’m not really familiar with nick Faeldon, but I agree with him 100% about GMA’s corrupt ways, her illegitimacy, and her lack of credibility.

    And that I hope that the fake president is gone by the end of this year, and we have new elections to replace the bogus one.

  9. kikoy kikoy

    pinupuri kita kapitan faeldon sa pinakikitang mong katapangan upang ihayag ang katotohanan at labanan ang maling sistema na umiiral sa ating bansa. si kapitan faeldon tulad din heneral gudani at koronel balutan ay mga tunay na sundalo ng ating bansa. mabuhay po kayong lahat! hindi natutulog ang DIYOS para sa inyo… gayundin po kaming mga pilipinong naniniwala sa inyo at umaasang makaranas ng tunay na demokrasya.

  10. Carl Carl

    Mabuhay ka Capt. Nick Faeldon….Mabuhay ka Ellen… Mabuhay ang lahat ng Pilipinong lumalaban sa mga kasinungalingan na namamayani sa ating Inang Bayan sa ngayon at sa darating pang panahon…. Mabuhay po kayong lahat… Nakahanda na rin po ako….

  11. Jay Cynikho Jay Cynikho

    john marzan

    wishing the “fake president gone
    by the end of this year”

    ANG TAGAL NAMAN, BILYON BILYON
    PISO YAN SA KABAN NG BAYAN.

  12. Kahit hindi peemayer si Faeldon sana suportahan siya ng lahat ng matitinong PMA graduate, dahil nasisira na ng mga bulok na graduate ang institution lalo na yung mga general ni aling glo, panahon na para linisin ang pangalan ng academy. Kung pwede sanang ma ostracize nila ang mga yan, o i cast out mula sa alumni assoc. Si Alexander Balutan natatandaan ko pa dahil class 83 pero orig ng class 82. Taong 1981 isang magaling at pala ngiting cadete noong siya ay nasa hawk company as a 2nd class upperclassman. The Hawk company commander then was Alexander Arevalo (class 82) who was aling Glo previous Customs commissioner who handled Imeldas jewelries (Ellen, I dont know what happenned to him why he was replaced, good for him because its better not to be part of the gloria gang).

  13. Jay Cynikho Jay Cynikho

    Ang Elite ba sa tagalog ay Ileto. Naalala
    ko tuloy si General Rafael? Ileto noong
    panahon ni Marcos. Yun may alam (Gen Parolan?) paki ulit nga ang istorya niya baka puedeng
    gawin modelo ng mga dapat gawin ni Gens. Senga.
    Esperon, Bagasin, etc. Pero hinliliit lang
    ang mga nakaraan ehemplo sa ginawa ni Capt Faeldon.

  14. ipagpatuloy mo capt faeldon ang kagitingan mo, hanga ako sa katapangan mo.ganyan ang taga BATANES matatag buo ang loob may prinsipyo, we are proud of you sir.

  15. Babagabagin ang mga gumagawa ng mga batas ng kasamaan,
    pagdudusahin ang mga nagpapalabas ng mga batas ng pang-aapi.
    Kasawian sa mga nang-aagaw sa mga pobre ng kanilang karapatan,
    Kapahamakan sa mga nagkakait ng katarungan sa mga nangangailangan!
    Pagdadalamhati sa mga nang-aapi ng mga balo na kanilang ninanakawan,
    Ipaglulupig sila sa ang mga ulilang kanilang pinagsasamantalahan.
    Ano ang inyong gagawin sa araw ng kaparusahan,
    kapag dumating na ang kapahamakan?
    Kanino kayo hihingi ng tulong,
    kanino mapupunta ang inyong yaman?

    Naka-aklas na ang Tabak ng Katarungan ng Paghuhukom sa Kataastaasan
    Naka-amba na rin ang Baras na babasag sa mga banga ng kasamaan at kalupitan
    Ibabaksak, gigibain, wawasakin at dudurugin ang lahat ng kasamaam,
    Kalupitan, karahasan at kasalanan.

    Maglalaho ang mga kawalang-katarungan at kasamaan sa araw ng paghuhukom:
    dahil sa kawalang-katarungang ginawa upang makamkam ang kayamanan;
    dahil sa panglilinglang sa sahod ng mga manggagawa;
    dahil sa tusong paggamit para sa kasiyahan at pagmamarangya;
    dahil sa paghatol nila ng kamatayan sa mga taong walang-laban;
    Dahil sa lubos lubosang kasamaan at kahingdikhindik na kasalanan.

    Nagaganap na naman ngayon kung ano ang naganap nang dating kapanahunan
    Utang ng mga nabubuhay sa kasaganaan ang kanilang pananagana sa milyong taong naghihikahos sa ating bayan. Taun-taon, ang pagtatanggol sa kanilang pribilehiyo ay nagbubunga ng walang-katarungang kamatayan ng angaw-angaw na tao, sa pamamagitan ng gutom, panunupil at digmaan.
    Sino ang dapat managot sa gayong kalagayan, kung sa maraming mga bansa, ang nagsisikap na maturuan at mapagkaisa ang mga kapwa magsasaka at manggagawa, ay binabantaang aalisan ng hanapbuhay o papatayin, samantalang ang iba ay nananatili sa kamangmangan at kagutuman?

  16. Gumising, huminahon at umahon kayo sa baybay
    Ng Kabanalan, katotohanan at Katarungan.
    Ang tinig at yabag ng sigwa at ang halimaw na unos
    Ng sakuna at dalamhati ay umaalingawngaw na.
    Pero patuloy pa rin ang paghahari ng kasamaan
    At ang pagwawalang bahala sa katiwalian at kalaswaan.
    Nasaan ang inyong pananalig sa Panginoong Diyos
    Na naglukluk sa inyong katungkulan.
    Tayo ay Kristyano at nabibilang isang dakilang nilalang
    Dahil tayong lahat ay mga Anak ng Diyos.
    AT ang Amang nating Diyos ay umaasa sa bawat isa
    Na paninindigan natin ang KANYANG PANGALAN at BATAS.
    Ang ating pagka-Kristyano ay isang malaking BIYAYA
    At tayo ay mga MAHARLIKA sa Kaharian ng Diyos.
    Wag na natin DUNGISAN ang PANGALAN ni KRISTO dahil
    SIYA ay naniningdigan sa atin sa PANGINOONG DIYOS.
    Kaya dapat lamang tayong mga Kristyanong ay magbigay
    Ng paniningdigan sa KABANALAN ng DIYOS sa lahat ng tao.
    MAGBIGAYAN, MAGTULUNGAN at MAGMAHALAN sa isa’t isa.

    Kung nais ninyong maging MASAGANA, MATIWASAY AT MAPAYAPA
    Ang ating Bayan Pilipinas, ISUKO na ninyong LAHAT sa DIYOS.
    Ang buhay natin sa MUNDO ay pansandalian lamang
    At lahat ay papanaw sa buhay ng walang hanggan.
    Kung ang isip ninyo ay malawakan, walang mundong kayamanan
    Ang maghahatid ng kaligayahan sa buhay ng walang hanggan.
    Kung mahal mo talaga ang iyong pagkatao,
    sundin mo ang kalooban ng Diyos.
    ISUKO MO LAHAT SA KANYA. Gawin mo ang mga BATAS NIYA.
    SIYA na ang bahala. Nasa KANYA ang AWA. Nasa tao ang GAWA.

    MABUHAY ANG PILIPINAS
    MAHAL ko ang PILIPINAS

    KAIROUS KAI KROUNOUS

  17. George Diaz Malinao George Diaz Malinao

    KAILANGAN TAYO,,,, GUMISING SA MGA STRATEGY,,, AT MGA PARAAN NIYA ( KAY PRES. GLORIA) ,, ITO ANG MGA NAKITA KO SA ISIP NA ANG GOBYERNO NG PILIPINAS AY GINAWANG PARANG CHESS BOARD AT ANG LAHAT NA TAO AY NASA CHESS,,, ISIPIN NYO ,,NG MAIIGI, UNA, ANG MGA BRGY. CAPITAN O CHAIRMAN AT KONSEHAL AY WALANG ELEKYON SAPAGKAT ITO ANG MGA POWN NIYA SA GIYERA, KASYA MAYOR O ANO PA YAN NA POSITION SA GOBYERNO, AT MGA CHAIRMAN NG BGRY., BALI YAN ANG PANG ATAKI SA SA SUWAIL SA DAYA NIYA SA LARO NG PULITIKA,, DI BA?? KAYA WALANG ELEKSYON SA BRGY., KUNG MAPALITAN NG BAGO BAKA HINDI SA KANYA KUMAKAMPI ITO SA KANYA AT MAARING MAG GAWA NG LABAN SA KANYA MULA SA PINAKA UMPISA NA LUMALABAG SA KANYA.. TOTOO BA? NA WALANG PONDO SA GOBYERNO NATIN? MANIWALA KAYO?
    AT MAARING WALANG ELEKSYON SA PRESIDENTE RIN DAHIL WALA RING PONDO???? GANOON BA??? ISIPIN NYO???? KABAYAN….???
    ANONG MANGYAYARI SA PULITIKA AT MILITARY SA ATIN?? MAG KUDITA NAMAN, AT KUNG GANITO AY ANG MAHULI SA KANYANG PAGKA PERSIDENTE O KING SA MALACANYAN IKAW AY BIBITAYAN SA DISOBEDIENCE OF ARTICLES OF WAR AT KUNG SIBILYAN KA?? ANO?? NAMAN?? ANG IHATOL SA IYO?? AY ISA KANG TERORISTA?? O ACTIVISTA LABAN SA KANYA.. AT KUNG OPESYAL KA GOBYERNO AXAMPLE IKAW AY BRGY CAPT. O CHAIRMAN O MAYOR . HINDI KA BIBIGYAN NG MGA PROYEKTO SA LUGAR MO… ITO TOTOO ITO,, MGA KAPATID.
    KAYA NGAYON PINALAKAS NIYA ANG MILITARY LABAN SA TERORISMO.. MABUTI ITO.. PERO SUMAKAY RIN SYA SA GALAW NG AMERIKA PARA SA PAMUNUAN NYA NA PANDARAYA RIN… AT ANG PINAKA MALAKAS RIN NA DEPENSA AY ANG BRGY CHAIRMAN AT KONSEHAL DAHIL ITO ANG NAKIKIPAG COORDINATE SA MALIIT NA SAMAHAN KUNG BALITA AT GALAW TAPOS ANG MGA CHAIRMAN AY MAGSUMBONG SA PULIS… AT MALAMAN RIN NA MAY LUMALABAN SA MGA MOVEMENTS NYA SA CHESS NA LARO NYA,,..
    KAYA ALAM NATIN KAHIT SEGURO HINDI TOTOO O TOTOO ANG MGA SINABI SA TAPE O PICTURE ,, AT ANG MGA SUNDALO NATIN SA GOBYERNO AY HINDI SINASAHORAN NI GLORIA..ANG NAGSAHOD AY MGA MAMAMAYAN NA PILIPINO DAHIL SA BUHIS AT SIYA RIN SINAHURAN RIN DITO.. SYEMPRE KUNG SINO YONG MALI AY DAPAT IBULGAR.. AT IBULGAR TALAGA,, RIN MISMO SA TAONG MATINO KAHIT MAMATAY ITO BASTA TAMA…HOY MGA OPESYAL SA GOBYERNO HUWAG KAYONG MAG BALATKAYO DAHIL PAREHO TAYO RIN ANO TALAGA BA NA HINDI KAYO RIN KUMUKUPIT SA PERA NG BANSA???? AYUSIN NYO AT MAG HINTAY NA LANG TAYO NA ANG MGA TAO NA ANG MAG REKLAMO AT MGA RELEGIUOS GROUP AT MGA SUNDALO SA ITAAS NA NAGPAPAKUNWARI RIN NA SUMASAMA SA PRESIDENTE AT ORAS NA PARAMI NG PARAMI NA ANG LUMALABAN ,,, ALAM KO KAYO BABALIKTAD DIN KAYO PARA SUMABAY SA BAGONG KAGAGUHAN NA GAGAWIN,,,LITO ATIENZA,,, EXAMPLE LANG HA??? TINGNAN NYO DITO SA MANILA SA ARAW O LALO SA GABI ANG DAMING DAPAT HUHULIHIN SA MGA BEERHOUSE ATBP. DAHIL 70% LAHAT AY GOOD TIME SA NIGHT CLUB AT BEERHOUSE……AYOS TALAGA, SI FIRST GENTLEMAN ARROYO ANO??? HUWAG KAYO MAGPA GAGO DAHIL GINAGAGO NA ANG BUONG PILIPINO… MASAKIT PERO KUNTI LANG ITO KAY ERAP,, KULANG PA GAYA KAY BROD. FEALDON AT IBA NA UMALSA… HINDI DISOBEDIENCE ANG GINAWA NYA SA BATAS KAY ARROYO ITO NA BATAS.. AT SA KATOTOHANAN… KABUTIHAN PARA SA LAHAT NG BAYANG PILIPINO.. SIYA AY BAYANI TANDAAN NYO… MGA KASAMA KONG INUUTO AT SUMAKAY SA NANG UUTO ANG RESULTA SIP SIP PARA SA PROYEKTO NA IBINIGAY GALING RIN SA BASBAS NI ATE GLO…. MABUHAY TAYONG SUMAKAY SA CHESSBOARD NA LARO NI ATE GLO… KAY KUNG UMALIS SIYA SYEMPRE,,, UTANG NA NAMAN??? SA IBANG BANSA>>> MAGKA PERA RIN TAYO MGA OPESYAL SA GOBYERNO NA SIKAT SA MGA TAO.

  18. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    You are not alone Captain Nick Faeldon. You belong to the few good men left in the military service. Your courage, idealism and conviction will serves as a role model in quest for truth, justice and freedom. You are not alone. We have retired Brig. Gen. Francisco Gudani, Col. Alexander Balutan, Capt. Marlon Mendoza, Col. Efren Daquil and more patriotic soldiers to expose abuse of power under corrupt Arroyo regime. You are a brave soldier compared to AFP chief of staff General Generoso Senga who is hiding under Gloria Arroyo’s skirts. General Senga was rewarded for partisan politics (electioneering) in the last presidential election.

    What is happening to our Inang Bayan? The bankrupt and corrupt Arroyo government is just doing lip service against graft and corruption drive. The July 2003 Magdalo Mutiny reminded us that rampant corruption in Armed Forces of the Philippines (AFP) remains unchecked after government-initiated reforms in the military. Business as usual, technical malversation, favoritism and fat allowances are the order of the day. Favored high-ranking military officers are enjoying the luxury in life while ordinary soldiers live and die in poverty. The 1872 Cavite Mutiny inspired the nationalist Katipunan-led revolution for independence. Three priests, José Burgos, Jacinto Zamora and Mariano Gómez were publicly executed for alleged participation in the mutiny.

    Abusive and corrupt public officials will reign if few good men in our society do-nothing or just fence sitters. There’s no political stability, peace and prosperity as long as illegitimate President Gloria Arroyo and cabal of political military men stays in power.

    It’s time for action-CIVIL DISOBIENCE! KICK-OUT BOGUS PRESIDENT! http://www.kgma.org/

  19. Francisco Galit Francisco Galit

    MAGKAISA NA TAYO MGA KABABAYAN KO!Huwag na natin hintayin pa na gumawa muli ng estratehiya ang pekeng pangulo.Dadaanin na naman tayo sa kanyang mapanlinlang na pananalita!Silang mga sakim sa kapangyarihan.ibagsak si GMAPidal!Wala na po akong ibang masabi!!!Namumuong galit na naghihintay na lamang ng senyal,mula sa mga kababayan na nagnanais ng pagbabago!Ipagpaumanhin po ninyo,pero nakahanda akong sumama sa pagpapalaya sa pagkakalugmok ng ating bansa,sa sarili nating kababayan na walang iniintindi kungdi ang kanilang pansariling interes!!!GUMISING NA TAYO!BUMANGON PO TAYONG MULI!

  20. dapat lang na ipag patuloy ni faeldon at nang mga kasama niyang magdalo ang tunay at matapat na paglaban sa corruption at bulok na sytema nang pamahalan. At sa mga kasema pa nyang na nasa militar huwag na silang magbulag2gan sila ang isa sa susi para magkaroon nang pagbabago sa ating bayan. Matagal ng panahon na nag hihirap ang atin basa dahil sa bulok na sytema at corruptsyon, sana maimulat na natin ng maaga ang tao bayan para hindi na mamana ng atin mga anak at ng susunod pang henarasyon ang BULOK NA SYSTEMA AT MGA CORRUPT NA LEADER NG ATIN BANSA…. MABUHAY AT MAGING BAHAGI NG PAG-BABAGO PARA SA ATING BAYAN AT SA MGA SUSUNOD NA HENERASYON!!

  21. JR sagun JR sagun

    mabuhay ka nick at ellen ituloy ang laban para sa bayan susuportahan ta ka

  22. smart aleck smart aleck

    sa totoo lang kung may mga taong kagaya ni ellen at faeldon hndi talaga uunlad ang bansa.saan ba nagsusulat si ellen e di ba sa dyaryong anti-gma? para sa dyaryong ito walng gagawing tama si gma. baka nga kahit bumaba sa puesto ang presidente, sasabihin ni ellen at ng mga bossing nya sa dyaryo na kulang pa ito. gaya na lang ng pagtaas ng piso, ni kaunti walang nasabi dito na maganda ang mga hunghang na katulad ni ellen at mga utak talangka na kasamahan niya. para sa kaunting kaalaman ni ellen, taon taon bilyon bilyon ang remittances ng mga ofw. hindi nagbabago yan. minsan mataas minsan din naman mababa. pero ito lang taon na ito lumakas ng husto ang piso dahil nagkakumpiyansa ang mga investor kay pangulo gma dahil sa 10% vat na ipinatupad kahit sa panahon na halos lahat ay naghihirap, pero ang hindi alam ng nakararami mas nakatulong ito dahil lumakas ang piso. dahil nakita ng investors na may political will ang pangulo. kung hindi nya ipinatupad ang 10% vat na ito malamang ang mga investor ay magtatago ng kanilang mga dolyares at ang mangyayari baba ang halaga ng piso kaalinsabay ang pagtaas ng produktong petrolyo. sa katunayan nao-offset ng mataas na piso ang halaga ng petrolyo.kung ang halaga ng piso ay halimbawa 57piso kada dolyares, baka wala na sasakyan na umaandar sa taas ng petrolyo. para kay faeldon, sino ang tamang lumugar sa puesto ni gma? si erap? maawa po kayo! si gringo o lacson? mga ganid din yan! hindi naman talaga pagmamahal sa bayan ang ipinakikipaglaban ni faeldon at ng grupo niya. “self preservation” ang tawag dyan. bayan mag isip po tayo. wag tayo padadala sa mga taong kagaya ni ellen at brgy. capt. faeldon. meron itong mga pansariling interes.

    mas makabayan,

    smart aleck

Leave a Reply