Skip to content

Malalim na awayan sa Saudi

Bago mag-Pasko, ginamit ko dito sa aking column ang dalawang sulat na aking natanggap sa iba’t-ibang OFW tungkol sa isang tumakas na Pinay OFW na sinamantalahan raw ng dalawang empleyado ng Philippine consulate.

Kalakip rin ang sulat ng president ng Muslim Christian Organization (MCO) daw at ang memo ni Ambassador Bahnarim Guinomla sa labor attaché na si Delmer Cruz na imbestigahan ang kaso.

Humihingi ng tulong ang sumulat na para naman talagang urgent. Ako naman, kung makakatulong sa nagigipit, gagawin ko ang abot ng aking makakaya at iyon ay sa pamamagitan sa paglathala ng sulat upang makaabot sa kinaukulan. Sinadya kong hindi ilagay ang pangalan ng sumulat at ng mga taong kanyang inakusahan na umabuso sa kanya hanggang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

Ngunit nagkalat sa internet sa mga OFW sa Middle East ang sulat kaya hindi na maitago ang mga pangalan. Naipadala na rin sa akin ang sagot ng mga akusado.

Pina-sinungalingan nina Waldo Flores, welfare officer sa Polo -Eastern Region at ng Administrative assistant/driver na si Jose A. Casicas ang akusasyon sa kanila.

Para magkaliwanagan, hinanap ng Consulate ang sumulat ngunit wala namang taong ganyan ang pangalan. May kahawig na pangalan ngunit itinanggi naman ng Pinay na may nangyaring pag-aabuso sa kanya at hindi naman raw siya sumulat.

Kinontak ng consulate ang MCO ngunit walang sumasagot sa number na kanilang binigay. Hanggang ngayon walang ni isa sa organisasyon na yun ang humarap sa Consulate para patunayan ang kanilang akusasyon.

Sabi nga ni Flores at Casica, mukhang mayroong mga masamang elemento na kanilang natapakan at namimiligro ang masamang balak kaya gusto silang alisin. At mukhang taga-loob rin dahil bakit nakuha ang sulat ni Ambassador Guinomla na nag-order ng imbestigasyon?

Sumulat ako sa mga kaibigan na journalist sa Middle East at sabi nila mukha ngang tama si Flores at Casica. Kaya lang sabi nila, talaga namang nangyayari ang pagsamantala ng mga naglayas na Pinay ng mga taong dapat tumulong sa kanila. Marami silang kasong ibinigay sa akin na alam raw ng embassy ngunit itinago lang.

Kung totoong wala naman talagang masamang ginawa sina Flores at Casica, at may gustong alisin sila, ibig sabihin noon mayroong may maitim na balak. Mukhang malalim ang problema ng ating mga OFW doon sa Saudi.

Published inWeb Links

1,591 Comments

  1. Uncle Sam de la Cruz Uncle Sam de la Cruz

    Isa po ako sa mga tagasubaybay ng column nyo. Kahit kaming mga Pinoy dito sa
    Camp Anaconda ay nasa malayo di pa rn kami nakakalimot na makibalita.
    Kelangan namin ng tulong nyo patungkol sa aming sweldo dito.

    Sang-ayon po sa aming mga nakalap na impormasyon sa mga nagtatrabaho din sa ibang kampo sila ay sumasahod ng mas
    mataas keysa sa amin. Binayaran din sila ng back pay ng aming kompanyang
    Prime Projects International. Ibig ba nilang sabihin na kapag iba ang kampo
    iba rin ang sweldo? Kya nga ang iba nating kababayan ay nagsisilipatan na sa
    ibang kompanya dahil ang PPI ang pinaka-mababang magpasahod. ang pagkain;
    pamatay gutom na lamang at di ka masisiyahan. Nakakahiya mang sabihin
    mismong Pinoy ang nagtitinda ng masarap na luto at ibinibenta sa labas. Kung gusto mo ng masarap na pagkain kelangan may pera ka.

    Alam ito ng mga namumunong Briton pero ala silang ginagawang aksyon. Meron din silang
    binabayarang KBR (Kellogg Brown and Root) na empleyado para manahimik at di
    mamagitan sa PPI at empleyado nito para maibigay sa amin ang nararapat.

    Imbis na alagaan ang kapakanan ng mga Pinoy na naka-assign sa KBR, ang
    nangyayari “bahala kayo sa buhay nyo”.

    Isa pang nakakahiya sa ibang Pinoy dito ay yung mga admin ng PPI naturingang kababayan ntin pero sial p mismo
    ang haharang para di ka madagdagan ng sweldo. At mas mataas pa ang kanilang
    kita kumpara sa amin na nakikipangamuhan sa mga Amerikano.

    Sana ay matulungan nyo kami. Ang habol lang namin ay maibigay ang nararapat.
    Di para sa amin ang aming hinihing kundi para sa mga pamilya namin na
    naghhintay ng aming pagbalik.

    Maraming salamat sa inyong oras at kami ay umaasa na sa pamamagitan nito ay ay marinig ang aming hinaing.

  2. Bong Bong

    Ate Ellen, pasinsya na po” alam ko marami kang mga work lalo na sa kolum nyo. Pero isa po ako sa mga nakabasa tungkol sa sumbong nang isang OFW na si REA hinanap ko agad ang picture nang taong iyon.

    Hinanap ko ang report sa limang araw na ibinigay para imbistegahan ang dalawang salot sa aming mga OFW.

  3. Bong(Riyadh) Bong(Riyadh)

    ate ellen, isa po ako sa mga nkatanggap ng email na kumakalat d2 sa mid. east at nka-attached nga po doon ang sulat ni ambasador guinomla sa dlawang empleyado na inaakusahan ng panggagahasa ayon na rin sa sulat ng biktima at sulat ng MCO sa ating amabsador. matagal na rin po akong nagta-trabaho dito sa saudi, at marami na akong narinig na reklamo mula sa ating mga kababayan na tumutuloy sa embahada dahil sa kanilang mga problema sa knilang trabaho at marami po dito ang mga pinay na tumatakas sa kanilang mga amo. ilan sa mga ito ay matagal ng nandodoon at prang npakahirap pra sa ating gobyerno na sila ay mapauwi. kya naman nkakabalita din kami na ilan sa mga pinay na ito ay naabuso katulad nga ng akusasyon ng isang pinay sa dlawang empleyado ng embahada. sa aking pananaw kung ating lamang pong bubulatlatin ang mga baho sa embahada dito sa riyadh malamang baka maamoy natin ang lansang nakapiit sa apat na sulok ng emabahada. sana po sa tulong nio ay maimbestigahan ntin ang akusasyong ito ng ating kababayan. maraming slamat po…MABUHAY PO KAYO!!!

  4. BONG ng dammam BONG ng dammam

    ate ellen, isanng karagdagang comments pa po. kc tulad nyan sa mga nangyayari sa mga ofw lalo na dito sa k.s.a. malaking hirap po ang talagang nilalaan nang ating mga kababayan, marami pa ang hindi nalalaman nang ating imbahada na mga problema. Pero itong kapirasong problema palang ay hindi na nga magawaan ng solosyon kc nga po ANG TOTOO NYAN AY WALANG GINAGAWA ANG MGA IYAN DITO KUNDI MAGPUNTA SA MGA KAKILALA AT MAGPAYABANG LANG. AT MAGSALITA SA MGA PALARO LALO NA SA [IPSA] NARIYAN ANG MGA IYAN LAGI. SANA TABLAN NAMAN KAYO NANG HIYA” ANG GUSTO PO NAMAN NAMING MGA OFW KONTING PAGMAMALASAKIT LANG SA TUNAY NA TRABAHO NYO DITO. MR, GINOOO. HWAG NAMANG MAGING BULAG BUGAN SAYANG ANG PANAHON MO DITO KONG WALANG SILBI KA NAMAN HINDI PO BA? ALALAHANIN MO TAMA MAN O” HINDI ANG AKUSASYON SYO NG ISANG OFW NA SI [REA] MASAKIT PARIN YAN DAHIL MASMARAMING OFW ANG TUMAKBO NA SA INYO NA MASMASAHOL PA ANG PROBLEMA NA HINDI NYO NAGAWAAN NANG SOLOSYON [ALAM MO YAN] KAIBIGAN……. SUBUKAN MONG UMUWI SA PINAS AT MAGLAKADLAKAD LANG, TALO MO PA SI BOLANTE AT GARCI DAHIL PA LINGA LINGA KA SA TAKOT NA MAY MAKAKITA SYO. TOTOO YAN? [salamat sa site na ito mabuhay ka ate ellen.]

  5. Ang gulo talaga ng buhay ng Pilipino kahit saan sila mapadpad. Kahit sa ating sariling bayan ang gulo nila
    dahil……. sa mundong kayamanan at kasiyahan na makakamit nila sa pamamaraan ng pagtapak at pagyurak ng buhay ng kanilang kapwa…. basta makinabang lang sila !!!

    Ito lang ang masasabi ko …….

    Ang pag-uulayaw ninyo sa mundong kayamanan
    At ang pagka-uhaw sa mga sariling karangyaan
    Ay umuudyok ng paghimagsik di lamang sa tao
    Kungdi pati na rin sa atin Panginoon Diyos
    Dahil wasak na wasak na ang mga kabuhayan
    sa walang-tigil na kasamaan at karahasan
    Pinangungunahan pa ng mga watak-watak na Pinuno
    Pahiwatig na isang bul%k at sawing samahan at pamahalaan.

    Kung ang paninindigan sa Diyos ay tapat
    Dapat wasto rin ang pakikitungo sa kapwa natin
    Kahit limpak limpak na salapi ang pumapasok sa Bayan
    Naghihikaos pa rin ang atin sanbayanan
    Dahil puno ito ng katiwalian at kasamaan
    Ang bulsa ng ating kasaganahan ay BUTAS
    And Banga ng ating katiwasayan ay may BASAG
    Ang bangka ng ating kaunlaran ay PALUBOG na

    Pero may PAG-ASA pa rin. Dahil bawat sulok ng atin bansa
    Mula silangan hanggang kanluran, sa timog hanggang hilaga
    May puso’t budhi inaagusan ng awa’t pagmamahal ng Diyos
    Sila itong mga nagbibigay buhay at pag-asa sa taong-bayan
    Sila ang Gawad Kalinga, Kapamilya, Caritas, KBF, Magandang Gabi Bayan,Patrol ng Bayan, Couples for Christ, Abs-Cbn Volunteers,Bantay-Bata, Abs-Cbn Foundation, OFW, E-Such, GMA-foundation,Mga tao sa pamahalaan na tapat sa tungkulin at wagas ang puso At marami pa silang may mga Dalisay at Marikit na damdamin.

    Sino pa ba ang magtutulungan kung ang mga BUWAYA ay ABALA
    ABALANG ABALA silang lahat sa PagKAMKAM ng mundong KAYAMANAN
    Masdan mo ang mga ahas, ulupong at buwaya na ito
    Masaya silang lahat sa batis ng karangyaan at katiwaliaan
    Nagaganap na naman ngayon kung ano ang naganap nang dating kapanahunan
    Utang ng mga nabubuhay sa kasaganaan ang kanilang pananagana sa milyong taong naghihikahos sa ating bayan. Taun-taon, ang pagtatanggol sa kanilang pribilehiyo ay nagbubunga ng walang-katarungang kamatayan ng angaw-angaw na tao, sa pamamagitan ng gutom, panunupil, paghihikaos at digmaan.
    Sino ang dapat managot sa gayong kalagayan, kung sa maraming mga bansa, ang nagsisikap na maturuan at mapagkaisa ang mga kapwa manggagawa at sanbayanan, ay binabantaang aalisan ng hanapbuhay o papatayin, samantalang ang iba ay nananatili sa kam~ngm~ngan at kagutuman?

    Binibigyan ko ang puri ang mga taong may wagas na damdamin
    At malinis na budhi at tapat sa kanilang tunkulin sa Pamahalaan
    Pareng HenryOD, Tulfo, TedF, JuliusB at GusA at sila
    Kumareng TinaMP, KarenD, CesD at ang mga Dalisay at maririkit natung Journalist sa walang sawang pakikipag-ugnayan Sa mga sanbayanan para itaguyod ang kanilang kabuhayan.
    PARANG Hindi na natin kailangan ang mga Congresso at Senator o mga mayor at gobernador o ambassador
    Para patakbuhin ang atin buhay at UMUNLAD ang ating BAYAN.
    Ano nga bang KLASENG PAMAHALAAN mayroon tayo na di NABABAHALA
    Sa mga KASAMAAN, KASAWIAN at KATIWALIAN sa ating BAYAN ?

    Ang NAGHIHIMAGSIK na KALDERO ng MAYKAPAL ay NAKASALANG na
    Upang ibuhos ang matinding at nakakikilabot na sakuna at pighati
    Ang BUHAWI ng pagGUNAW at at ang BAGYO ng KAPAHAMAKAN ay PARATING na
    Ang IHIP ng HANGIN ay MABAGSIK na MAGHIHIMAGSIK ng KASAWIAN
    MABANGIS na YAYANIGIN ang walang-habag at mahalay na SANBAYANAN
    MAGBABAHA ng MALAGIM na P~GHATI at LALAGANAP ang MATINDING PAGHIHIRAP
    WAWASAKIN ang BANGA ng KATIWALIAN, KALASWAAN, KARANGYAAN at ng KASAMAAN
    LULUSAWIN ang KANDILANG KATAPANGAN ng DAKILANG APOY ng KAPARUSAHA

    MAPAPALAD ang mga KALOOBANG TUNAY na tapat sa DIYOS at sa kapwa
    Ang SILAB ng MAYKAPAL ay MAGBIBIGAY muli ng PAG_ASA sa BUHAY nila
    MAPAPALAD ang may WAGAS, DALISAY at GININGTUAN PUSO at BUDHI.
    Ang SILAB NIYA ay AAPAW at AAGOS ang BIYAYA sa DALAMPASIGAN nila
    NAGHIHINTAY Sa mga SUWAIL at LABAG sa Banal na BATAS
    Ang Balaraw ng paghihiganti ng KATARUNGAN at KATOTOHANAN
    Ang Umaapoy na Tabak ng Pagwawakas sa Katiwalian at Karangyaan.

    MABUHAY ANG PILIPINAS
    PADATING NA ANG ARAW NG ATING PAG_BUBUNYI
    BUBUHOS at AAGOS ang kapayapaan, katiwasayan, at kasaganaan.

    NAG-AALAB
    KAIROUS KAI KROUNOUS

Leave a Reply