Kadalasan sinasabi, Pasko naman, kalimutan na natin ang alitan, ang magaganda lang ang isipin natin. Kalimutan raw ang bangayan. Dapat raw magkasundo.
Wala naman masama sa magkasundo. Ngunit magkasundo tayo saan?
Magkasundo ba tayo sa pandaraya? Magkasundo pa tayo sa pagnanakaw? Magkasundo ba tayo sa pang-aapi ng ating kapwa para lamang maging masagana ang ating buhay?
Sa lahat na usapin ng Pasko, namamayani ang salitang pagmamahalan at kapayapaan. Love at peace. Dagdag ko pa, katarungan. Justice. ‘Yan kasi ang isinabuhay ni Hesukristo. ‘Yan ang diwa ng Pasko.
Dumating ang Panginoong Jesus dito sa mundo dahil mahal tayo ng Panginoon at gusto niya tayo ay magkakaroon ng kapayapaan. At makakamtan natin ang kapayapaan kung umiiral ang hustiya. Walang naa-api. Walang nanlalamang, walang nalalamangan.
Dapat naman kahit papaano, isabuhay natin ang ganyang itinuro sa atin ng Panginoon.
Nagbigay ang Panginoon ng guidelines sa atin kung paano tayo dapat mamuhay dito sa mundo na nagmamahalaan at para makamtan ang kapayapaan para sa lahat. Binigay niya ang sampung kautusan.
Bilang mabuting Kristiyano, hindi lamang tayo gagawa ng mabuti ngunit hindi natin dapat papayagan ang gumagawa ng masama. Hindi tayo dapat mabulag-bulagan o magbibingihan sa gumagawa ng masama. Dahil kung magsawalang-kibo tayo, para na ring tinutulungan mo ang kasamaan magtagumpay dito sa mundo. Sa ganun, mawawala ang pagmamahalan at kapayapaan.
Sa kasulukuyang sitwasyon politikal sa Pilipinas, tatlo sa kautusan ng Panginoon ang natutumbok: huwag mong gamitin ang pangalan ng Panginoon sa masamang gawain, huwag magnakaw, huwag mong nasahin ang pag-aari ng kapitbahay.
Ang ugat ng krisis na ating dinadanas ngayon ay dahil sa si Gloria Arroyo ay nagnakaw hindi lamang ng pera ng taumbayan kundi boto na hindi kanya. Pinagnasahan niya ang boto ng mga tao para kay Fernando Poe, Jr. noong 2004 elections. At palagi niya ginagamit ang pangalan ng Diyos para mapagtakpan ang kanyang ginawang kasalanan.
Sa ating pag-diwang ngayon ng kapaskuhan, sana lalo nating paigtingin ang ating panindigan sa diwa ng pagdating ni Hesukristo dito sa mundo.
Maligayang Pasko!
amen.
Wow nakita mo yung interview ni RC at PW kay F.V.R. Mukhang sinasabi niya kay GMA; CUT AND CUT CLEANLY! Deadline January 1, 2006.
Maligayang Pasko Ellen. Alam mo, ang mahalaga lamang ay sa mga araw na ito, tatlong araw bago ang kapanganakan ni Jesus ay saglit nating kalimutan ang pag-aalitan at bayaang pumasok sa puso ng lahat ng tao ang DAKILANG PAG-IBIG NG DIOS! Sa ganitong paraan lamang tayo makapagdidiwang ng Pasko tulad ng pagdiriwang ng ating mga ninuno. Ang itinuturo talaga sa atin ng Pasko ay ang mahalin ang mga taong mahirap mahalin. Tulad ng Dios na isinilang at namatay para sa makasalanang tulad nating lahat.
Our INFINITE God deigned to incarnate into the FINITE so that we can be infinite like Him, if we BELIEVE in our LOrd and Savior Jesus Christ. He asks for three days of peace, love, hope and faith. Let us give these to Him.
I’m with you, Ellen. Nobody, being true to him/herself, can agree with everybody all the time or even some of the time. Ang alam ko lang na ganyan ay yung mga walang sariling paninindigan. Even then, after a while, napupuno rin sila.
I hope you have a wonderful and CHRIST-filled CHRISTmas.
Assalamalaikom te,
Yan ang pag-greet ko syo kasi dito ako ngayon sa KUWAIT nagtratrabaho. Ako nga pala si PAUL at 7 mos. na ako dito nagwowork.
Tama po kayo sa lahat ng sinulat nyo. Sa klase talaga ng sistema diyan sa ating mahal na bansa ay minsan maganda pero nakakahigit ang hindi maganda. Kaya ko nasabi ito kasi dapat kasama ko ang pamilya ko diyan nitong pasko kung nandiyan ang trabaho ko diba? Tama kami OCW ang natatawag na bayani sapagkat kahit papano ay nagpapasok kami ng pera diyan sa atin, pero ang kapalit naman ay kalungkutan, pagtitiis at sakripisyo.Mabuti na lang po at komportable naman po tayo sa klase ng nakuha nating trabaho dito.
Maraming salamat Ate.Merry X’mas and a prosperous new year, GOD BLESS US.