Buong araw kahapon, naghahanap ako ng kumpletong kopya ng mga rekomendasyon ng Consultative Commission na binuo ni Gloria Arroyo para pag-aralan ang pagpalit ng Consitution.
Noong Biyernes kasi, tuwang-tuwa na pineresenta ni Jose Abueva, chairman ng Concom, ang kanilang buong rekomendasyon. “Mission accomplished,”pagyayabang pa niya.
Marami kaming natanggap na kahindik-hindik na kumento tungkol sa rekomendasyon ng Concom galing mismo sa ilang miyembro ng Commission.
Humingi kami ng kopya sa Malacañang. Wala raw kopya, sabi sa press office.Highlights lang ang meron sila. Kinausap naming ang ilang miyembro ng Concom. Wala rin raw silang kopya at hindi nga raw sila nakapirma. Hindi nga raw nila nakita ang final na dokumento.
Ano ba ito?
Nakakabahala kasi, sa highlights na pinalabas ng Concom, sinabi na wala ng eleksyon sa 2007. Lahat-lahat raw na nasa pwesto ngayon ay manatili hanggang 2010, kung kailang magsimula ang eleksyon para sa parliamentary system. Garapal.
Ang unang eleksyon sa ilalim ng bagong Constitution ay sa pangalawang Lunes ng Mayo 2010.
Teka ka. Sino ba ang nagsabing gusto ng taumbayan ang parliamentary system. At sino ba ang nagsabing gusto ng taumbayan palitan ang Constitution ngayon?
Sa survey ng Pulse Asia noong Octubre, mas maring Pilipino (55%) ang hindi pabor sa pagpalit ng Constitution ngayon at 37 lamang ang may gusto.
Ang may pasimuno nitong pagpalit ng Constitution ay si dating Pangulong Ramos at si De Venecia.Lalo na si JDV dahil sa ilalim ng presidential system kung saan isang tao, isang boto, wala siyang tsansa maging pinuno ng bayan. Kasi maari mong lokohin ang iilan ngunit mahirap lokohin ang buong bayan.
Kumagat na rin si Arroyo dahil nakita niyang salbabida itong charter change para mabaling ang atensyon ng taumbayan sa kanyang pandaraya, pagsisinungaling at pagnanakaw. Ang mahalaga lang sa kanya ay manatili siya hanggang 2010. Ang susunod niyan ay siguruhin niya, sa kung ano na namang pagmanipula kung paano siyang malibre sa ginawang niyang krimen sa bayan.
Malaking anomalya itong ginawa nilang transitory provision na ang term of office ng lahat na opisyal, local at national, ay hanggang 2010.
Sabi nga ni Golez, na dapat matuwa dahil kasama siya doon sa hahaba ang termino, ito ay bribery. Mas garapal pa sa fertilizer fund.
Ang mangyayari ngayon ay magkakaroon ng Constituent Assembly (mga congressman at senador) na siyang gagawa ng buong Constitution na siguradong susundin ang panukala nina Abueva. Ang magiging miyembro raw ng interim parliament sa panukala nina Abueva, lahat na congressman at senador, one-third ng cabinet at 30 na eksperto na i-appoint ni Arroyo.
Nakasama rin sa rekomendasyon nina Abueva na college graduate lang ang maaring maging miyembro ng parliament kung saan manggagaling ang president at prime minister.
Kahit na alam ko ang kahalagaan ng edukasyon, parang hindi ko yata gusto itong lilimitahan mo ang gustong maging lider ng bansa sa college graduate. Sa akin kasi, hindi college diploma ang batayan ng pagiging maging lider.
Katulad na lang ngayon. College graduate ang nakaupo sa Malacañang, mandaraya, sinungaling at magnanakaw naman.
NO TO CHARTER CHANGE !!!
NOT THIS TIME BECAUSE IT’S OBVIOUSLY FOR THE WRONG
REASON … TO BENEFIT THE STAY IN POWER OF THE FAKE
PRESIDENT AND CO-HORTS.
NO TO CHA CHA, NOT AFTER THE 2007 ELECTION
– WHEN WE CAN BID “GOODBYE” TO THOSE REPRESENTATIVES
AND MAYORS AND GOVERNORS ALLIED WITH GMA !!!
CRIME DOES NOT PAY … WHAT YOU REAP, YOU WILL SOW !!!
OUST GMA !!!
Tumpak!
Mas maganda kung bawal ang mga mandaraya, sinungaling at magnanakaw na tumakbo bilang PM.
The sitting government is getting confident that they can away with anything. This is just another one their “pet” projects to promote their ambitions.
Garapal is a perfect description.
Sana mapigilan ng taumbayan ang kanilang masamang balak.
John Marzan is right, Dapat ilagay sa konstitusyon na BAWAL ang mga MANDARAYA, SINUNGALING at MAGNANAKAW (Example: Gloria Macpagal-Arroyo). Hindi kailangan ang college graduate pero yung MARANGAL na maglilingkod sa bayan.