(Photo by Andy Valle)
Kung walang kinalaman ang Malacañang sa pag-wiretap kay Virgilio Garcillano, bakit hindi sila nag-imbestiga para malaman kung sino ang may kagagawan?
Isang bagay lamang ang ibig sabihin ng hindi pagkilos ng Malacañang para malaman ang ugat ng “Hello Garci” tapes: sila ang may kagagawan.
Ang aming nakuha na impormasyon ay sina Mike Arroyo ang nagpa-wiretap kay Garcillano dahil alam nilang “for sale”. Nag-alala sila na baka mag-offer ang oposisyon ng mas malaking amount at ibebenta sila.
Naala-ala nyo sa testimony ni Michaelangelo Zuce may binigay na cellphone si Lilia “Baby” Pineda kay Garcillano? Smart ang kanyang linya. Yun ang cellphone na naka-wiretap.
Naniniwala akong alam ni Gloria Arroyo ang operasyon na pag-wiretap kay Garcillano. Kaya lang kampante siya dahil sino ba naman ang mag-akalang lalabas ang tape.
Tama ang kwento ni Mayet Santos na grupo nina Doble ang gumawa ng wiretapping. Ang sabi sa amin, nagulat nga raw sila ng marinig nila ang boses ni Arroyo. Doon nagka-ideya si Master Sgt. Vidal Doble, na magaling raw sa electronics, ayon sa mga nakakakilala sa kanya.
Kwento sa amin ng mga taga-ISAFP, dalawang bagay lang naman daw para sa kanila ang kanilang ginagawa: bayan o bayad.
Bayad siguro ang nasa-isip niya ng kuntakin niya si Lito Santiago, driver ni NBI Deputy Director Sammy Ong, mga dating kasamahan niya sa ibang opisina. Ngunit sa ngayon, bayan ang nakikinabang dahil nabulgar ang katotohanan ng pandaraya ni Arroyo sa election noong 2004.
Ang impormasyon na nakuha namin, P7 milyon ang ibinayad. Nang naibigay kay Ong ang mga tapes, kinuntak raw ni Ong ang isang lider ng oposisyon. Down-payment raw ng P1 milyon, pakinggan nila ang isang tape. Kung magustuhan nila at gusto ang lahat, P7 milyon.
Kaya kung P2 milyon lang ang napunta kay Doble, mukhang may iba pang taong kumita.
Kung sino man ang nagbayad para sa tape, dapat pasasalamatan ng bayan.
Ikinuwento sa amin ni Dinky Soliman, dating Social Services secretary, nang kinukumbinse nila si GMA na aminin na siya nga ang sa tape at humingi na lang ng tawad, alalang –alala raw si Arroyo na baka kasama sa mga tapes na hawak ng oposisyon ang pag-uusap nila ni dating Justice Secretary Nani Perez.
Nandoon kaya yun sa mga tape na hawak ni Ong? Ibig sabihin noon, talagang may ibang operasyon na ginawa ang ISAFP kay Gloria Arroyo.
Ano naman kaya ang pinag-usapan ni Arroyo at ni Nani Perez na takot na takot si Arroyo marinig ng publiko? Romantic kaya?
“Hello Nani” kaya ang susunod na kabanata?
HELLO, NANI
“Ni” ang tawag ko sa kanya, yan ay for your info,
Maganda kasing pakinggan, at mey tunog romantiko;
Kasi si Mick ay tunog dick ang palayaw-alan nito,
Malayo siya kay “Hani-nani,” yan, po, ang totoo.
Kung usapan namin sa cell ay inyong ilalahad,
Okey lang ito, pagkat walang salitang mabubuklat;
Maririnig nyo ay puro mga ooohs! at mga aaaahs!
At ang impit na panaghoy nang ang ligaya’y inilabas.
Ito ba ay magagamit sa inyong hearing-hearing
Na ngayon ay ginagawa sa inyong meeting-meeting?
Ang akin bang buntong-hininga at mga halinghing
Pwedeng gamiting “aid to legislation,” Ate Ellen?
Nagtatanong, po, lamang.
Atong
yan na nga ba ang binabalik-balikan ko dito sa blog na ito….mga tula ni atong. nakaka-alis ng stress, at talagang akmang-akma! saludo talaga!
itong tungkol kay nani perez, di ba matagal na ito? bakit wala man lang nangyari doon sa charge na isinampa ni chavez? talagang hanep din si pekeng glue….matinik ang kakapalan. kaya naman siguro wala siyang magawa kung nagkaroon man ng vicky toh!!!!
in pari delicto(H) naman kasi silang mag asawa. at pagkatapos, God-fearing daw na presidente! ano yan???? hinihilot nila ang Scriptures pati ang relihiyon to suit their needs and caprices? hay naku talaga, sobra na. mas mahirap kasi yung mga nagbabanal-banalan kuno at sa ilalim ang kulo…nabubuking naman.
at siyanga pala, nasaan ngayon si nani perez? nagpapasarap siguro doon sa milyones niya? at naghihintay ng oras kung kailan sila pwedeng magtagpo uli ni ate glue??? saan ba ang “scene” of the “crime” palagi ha???
ellen…salamat na marami dito sa blog mo.
keep well.
Di nagbabassa ng blog ang aking ama pero meron syang anak na tulad ko na walng sawa tinitinnan ang kurokuro ng mammayan
maaring ang ama ko ay makaluma ako makabago
me sarili sayng opinyon meron ako
pero sa ganitong sitwasyon nakakusap ko na sya at di na nya akong pwede sabihan na hindi mo problema yan….
ang mga kurokuro natin sa nakalipas na araw ay pinag usapan namin at nakiusap ako kung pwede nya paaubutin sa senado
dahil malapit sya ke Biazon
kahit na tumanggi sya nararamdaman ko na paabutin nya ito keBiazon
nakaksiguro din ako na me tao at anak si biazon na nagbabasa ng blog….
tinaong ko kung nagbluff ba ang senado sa hindi pag confirm ke Senga at pag hold ng budget ng AFP
ang sagot lang nya bakit sila mag bluff….
Myrna, nasa Batangas pa rin si Nani Perez at siguro naman enjoying the benefits of his toils. Di ba natalo siya para gubernador noong 2004 election. Kalaban niya si Gov. Armand Sanchez (GMA din) at Charito Apacible (kay FPJ). Ang nanalo ay si Sanchez na nadawit noong imbestigasyon bilang isang jueteng lord. Ang mga kakampi talaga ni GMA.
By the way, do you know that the family of Nani Perez is one of the largest grower and exporter of cattleya orchids?
Ang isang cattleya variety nga pinangalanan niya kay GMA.
Anna de Brux
nabanggit mo si Victor Mayo
ang anak nya na si Demetrius ay naging kaibigan ko at nasa NSC sya ngayon
nagkikita kami paminsan minsan tilad mamaya pag dito sya samin magsimba
ang mga bagaybagay ng ating bansa ay di lang dito sa blog napaguusapan
kaming mga anak ng may kinalaman sa national security
ay may kaunting impluwensya pa sa aming mga magulang
tulad ng sinabi ko kahit ako pagsabihan na di ko problema ang mga ito ako ay 34 years old at alam ko na kung ano ang problema ko at hindi…
Kahanga-hanga ka Karl sa iyong independent thinking. Credit to your parents for bringing you up that way.
Marami pong salamat Miss Ellen !!!!
Tanong kay Nani:
BAKIT MAY SABAW ANG BALUT?
(bago sirit, salamat sa kuwento ellen)
hmmm, may bug o tracking device kaya yung cellphone na ibinigay ni Baby Pineda kay Garci?
Ang ganda kasi ng pagkaka-wiretap eh, LOL. diba kuya D.?
If that’s the case, then Ong and the opposition should be commended for not making public the sordid details of GMA and Nani-honey’s luv affair.
it shows na may restraint sila.
We are not really sure if GMA-Nani conversation was taped. I just told you what Dinky Soliman shared with us. And we also don’t know what that conversation is.
In a columnists session with Perez before, when he was a justice secretary, we asked him about talks linking him to GMA, he just laughed it off.
thanks, ellen.
btw, about Lilia Pineda giving Mr. Garci a Cellphone…
Hello Nani si uNano ito.
good eye John! makes me wonder again what if anything Smart/Globe might know about this whole thing. I think they were needed for at least a part of the “technical” requirements of Mig21. has anyone tried to check phone billing records to match them to calls in the Garci tapes. Are the celnums known ba? surely the geeks at pldt have looked into this. I would! — if i were in Billing and records section over there and I had access to the billing data base.
Like what I said about accountability ekek
we could have a group of accountants borrow records submitted to the SEC and check for campaign contribution or any anomalies that is if they care….
same thing with rizalist point on checking the billing of telcos
even disposable cell phones and disposable cell cards
can be traced by the telcos
good thing there is a robert ludlum and shows like 24 and alias ,mission impossible and of course James Bond to inform us even in a fantasy kind of way
ELLEN, Baka may mga abogado kang bumisita…
I have a NEW THEORY — that the present AFP COS, Gen. Senga is liable TODAY under RA 4200 the Anti Wire Tapping Law.[sic!] Specifically, he can be charged for violations of Sections (1B) and (2A) of the Law. Read those sections below and ask yourself if Gen. Senga isn’t guilty of the violations being described if Mayet Santos is telling the truth. It’s so obvious. Gusto ko lang malaman kung nawawalan na ako ng bait! Siya mismo ay puwedeng mahabla kung hindi niya mapaliwanag kung sino ang nagorder ng wiretapping.
SECTION 1. It shall be unlawful for any person, not being authorized by all the parties to any private communication or spoken word, to tap any wire or cable, or by using any other device or arrangement, to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word by using a device commonly known as a dictaphone or dictagraph or detectaphone or walkie-talkie or tape recorder, or however otherwise described:
(1B) It shall also be unlawful for any person, be he a participant or not in the act or acts penalized in the next preceding sentence, to knowingly possess any tape record, wire record, disc record, or any other such record, or copies thereof, of any communication or spoken word secured either before or after the effective date of this Act in the manner prohibited by this law; or to replay the same for any other person or persons; or to communicate the contents thereof, either verbally or in writing, or to furnish transcriptions thereof, whether complete or partial, to any other person: Provided, That the use of such record or any copies thereof as evidence in any civil, criminal investigation or trial of offenses mentioned in Section 3 hereof, shall not be covered by this prohibition.
SECTION (2A) Any person who wilfully or knowingly does or who shall aid, permit, or cause to be done any of the acts declared to be unlawful in the preceding section or who violates the provisions of the following section or of any order issued thereunder, or aids, permits, or causes such violation shall, upon conviction thereof, be punished by imprisonment for not less than six months or more than six years and with the accessory penalty of perpetual absolute disqualification from public office if the offender be a public official at the time of the commission of the offense, and, if the offender is an alien he shall be subject to deportation proceedings.
I hope that would be raised during his confirmation hearings.
They are all (military top brass and malacañang)making a fool of us.
nanawagan ako sa transparency and accountability group na wag pahirapin ang madali
ang corruption ay pwede mabawasan unti untikung me mas maganda kayong paraan na maisip kesa sa pagbusisi ng SEC records di mas maganda…
kung ayaw ny maniwala na di dapat madamihan ang pag ratsada sa kaso ng corrupt generals at kasabwat na supplier
kung gusto nyo conspiracy theory Ok lang basta me resulta….
itong anti wire tapping sana gamitin nyo lahat ng kontact nyo para maisaayos na ang commission on appointments sa lower upper at executive branch at judiciary….(ihalo na JBC)
ako bilang ordinaryong mamayan nabulungan ko na ang mga kelangan bulungan bahala na….
pero kayo mukhang malakas ang arrive nyo baka mapaganda nyo ang takbo ng pamamalakad sa ating bansa….
GARCI’S GOOSE IS COOKED. Mabuhay ang RA 4200! Si Lorenzo Tanada — GENIUS.
The silence of Malacanang regarding the wiretapping presumes Gloria Arroyo & her gang were responsible. If Gloria or her husband had nothing to do with it, why does she/he remain silent? It’s a breach of national security. It jeopardizes our country, Philippines. It is a high crime committed by the highest official. It is time the Filipino people unite and oust Arroyo.
Ah, katulad nung ginawa ni Nixon when he was secretly taping conversations without the knowledge of most participants.
Here’s C-SPAN’s collection of Nixon’s tapes na pwede mong pakinggan. At ito naman ang short writeup on the tapes.
I hope the big media like the tv network giants ABS-CBN and GMA7 will one day be less afraid play and make available the Gloriagate tapes once our crooked “president” is out of power.
Hindi na tayo kailangan maghintay pang matanggal si Arroyo bago mapakingganang iba pang wiretapped conversations na nakuha ni Samuel Ong. May kopya na si Sen.Biazon.Sana ipalabas na niya.
at ano pa nga ba Ellen ang hinihintay nina Biazon at di pa ipalabas ang dapat ilabas?
ito pang nangyayari kay Bolante, isa pang komedya. akala ko ba puro matatalino (daw) ang nasa Senado? bakit nakaalis na naman?
ano ba yan? nakakapika na!
Ang atin kasing legislative body (both house and senate) ay nagigiging toothless na! Dapat tandaan na natin ngayon kung sino ang mga di karapatdapat na ibalik sa mababang kapulungan o sa senada man(kung meron pang senado!). Iyong mga walang ginagawa, o iyong mga stamping pad, o mga ‘noted’ gentlemen dapat naka-blacklist na.