Napanood ko sa CNN noong Biyernes ng gabi si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong na nagsalita tungkol sa pagbitay sa 25 taong gulang na Australian-Vietnamese na si Tuong Van Nguyen.
Ngunit sabi ni Hsien Loong, ““Kailangan ipatupad ang batas kahit sino man ang maysala. Singaporean man o taga-ibang bansa.”
Sa Singapore, kamatayan ang hatol sa drug trafficking o paglalako ng bawal na gamot. Si Van Nguyen, na galing sa Cambodia noong 2002, ay nahulihan ng 400 na gramo ng heroin na nagkakahalaga ng sobra isang milyong dolyar.
Sabi ni Van Nguyen kaya raw siyang napilitan mag-smuggle ng heroin para raw may pambayad sa utang ng kanyang kapatid sa sindikato.Naki-usap ng clemency o pagpababa ng hatol ang pamahalaan ng Australia at iba’t-ibang grupo dahil unang pagkakasala yun ni Van Nguyen ngunit hindi talaga tuminag ang Singapore.
Kahit na hindi pinagbigyan ang pakiusap ng Australia, sinabi ni Prime Minister John Howard na hindi nila bubweltahan ang Singapore sa pamamagitan ng economic boycott. Iginagalang ng Australia ang karapatan ng Singapore na magpatakbo ng kanilang bansa.
Naala-ala ko ang nangyari noon kay Flor Contemplacion at kung paano nagwala ang bansang Pilipino. Galit tayo na hindi tayo pinagbigyan ng Singapore na ma-exempt sa kanilang batas si Contemplacion.
Nag-alala ako ngayon sa halos 5,000 na Pilipino na nakakulong sa iba’t-ibang bansa. Marami siguro sa kanila walang kasalanan ngunit marami rin siguro talagang nagkasala rin. Sa Saudi Arabia, ang karamihan sa mga kasalanan ay nahuhulihan ng alcoholic drinks at malalaswa na babasahin o video na bawal sa mga Muslim countries.
Marami rin minsan sa mga nakakulong ay maliit lang naman ang kasalanan ngunit dahil sa hindi marunong ng Arabic, nabubulok na lang sa kulungan.
May kababayan kaming napugutan ng ulo sa Saudi Arabia. Hindi matanggap ng kanyang maybahay ang nangyari at ngayon ay naglalakad sa kalsada na palaging may bulaklak na gumamela sa kanyang ulo.
Iyan ang isang bahagi ng pagpapadala ng manggagawang Pilipino sa ibang bansa na halos ay sadyang hindi natin tinitinngan. Bawa’t bansa iba ang batas kaya, mahirap tayo magreklamo kung mabigat ang kanilang parusa sa mga gawain na dito sa atin ay madaling lusutan.
Sa halip na asikasuhin ng pamahalaan ang pagpadala ng mga Filipino na manggagawa sa ibang bansa, dapat ayusin ang pagpatakbo ng bayan para lalago ang ekonomiya at dadami ang trabaho dito.
wala tayong political will na ipatupad ang mga batas dahil sa corruptions.
Totoo yun. Lalo pa sa administrasyong Arroyo na pinagduduhaan ang kanyang legitimacy.
Does anybody here remember the public execution of the “Chinese (or were they Koreans)drug dealers and smugglers”, by a firing squad, during the muck farcos years?
How about that one? By popular account, that decision was followed by “quiet” – perceived as “peace”, i.e., the tranquility of order. “Nawala ang mga durugista”, most citizens, even journalists, agreed. The unmentioned “suspicion” was – “natakot ang mga loko-loko, salbahe, at mandurugas…yan ang kailangan ng Pinoy…DISCIPLINA….”
Amnesty International, I am sure, has a completely opposite view, as it suspects that certain “human rights” of the drug smugglers and dealers, might have been short-circuited and violated.
However, I doubt that there are really self-confessed, (self-bloviating) “liberals-radicals-militant lefts”, who would dare take a contrary position against the public execution of those found guilty of drug dealing and drug smuggling…who happened to be foreigners. And then, again, I may be proven wrong. But if not, it is easy enough to understand, as it is simpler even to explain…
Many of those who deign to propose radical-extreme liberal ideals-bordering on anarchic militancy, and are all too quick to annihilate fundamental democratic principles upon which the Constitution is based, are simply feigning, fawning, and frothing in their “fake convictions”, because they think that being perceived as “radical, liberal, militant, even anarchic, seditious and rebellious is being heroic, patriotic, nationalistic…and intellectual.
Oh, well. As Taft decreed in the historical war at Manila Bay, against Spain – “Fire when ready, Gridley. Fire at will. And puhlllleeeez, take no prisoners…we have neither room nor provisions for victuals (vittles).”
Merry Christmas.
Pepeton
Sa dami na kasi ng batas sa Pilipinas marami ng inconsistencies and IMPLEMENTATION is the name of the game here!
mas maraming batas, mas malaki ang kikitain kasi
dami batas di tupad dahil lapera
modernization law di na inasikaso dahil wala naman daw gyera
buti pa yung mga waiting shed at basketbol court me budget
nirespeto mo prolife pero san napunta budget pambili ng lethal injection o dili kaya electric chair
taops ang mga preso natin kahit san parang sardinas lahat
ang dami bakante lote bat di gumawa bago preso
o kaya yung away bata lang na pambaranggay wag na ikulong
kung kelangan walisin ang buong edsa palinis ang lahat ng estero di linisin …pasig river lahat ng jay walker pwede makihalo dyan…ang dami paraan kung pagkakakitaan din lang ang nasa utak ng ating mga tagapamahala mabawasan lang laman ng preso…
“Ang batas ng ibang bansa” AY HINDI BUTAS-BUTAS…
“Ang batas ng ibang bansa” AY HINDI NABIBILI….
“Ang batas ng ibang bansa” AY PARA SA LAHAT; WALANG MAYAMAN, WALANG MAHIRAP, LAHAT PANTAY PANTAY…
“Ang batas ng ibang bansa” AY IPINATUTUPAD NG NAAAYON SA AT TUGMA SA KAPAKANAN NG BAWAT ISA …
“Ang batas ng ibang bansa” AY MAY HINDI NABIBILI SA HALAGANG P50.00
“Ang batas ng ibang bansa” INIIMPLEMENT KAAGAD, MATAPOS ANG MABILIS AT MASINSINANG PAG-AARAL NG MGA DALUBHASANG PULITIKO (HINDI KAGAYA SA ATIN, ANDAMING NAGMAMARUNONG, WALA RIN NAMAN, KONTRA KAAGAD SA ISANG BAGAY, HINDI MUNA SUBUKAN)
AT HIGIT SA LAHAT…
“Ang batas ng ibang bansa” AY HINDI NINGAS-KUGON…….
Sa Singapore wala ring “Freedom of Spit.”
ha! ha! ha! wala din silang “freedom to chew” 🙂