Habang nanood kami ng interview ni Henry Omaga-Diaz kay dating Comelec Commissioner sa TV Patrol noong linggo ng gabi, kumiriring ang aming telepono. Ang aming kapitbahay ay nanonod rin pala ng interview at galit na galit siya.
“Sinungaling!” sabi niya.
Akala talaga ni Garcillano at kung sino man ang kanyang nasa likod niya ay tanga ang Pilipino. Sabi nga ni Rep. Roilo Golez: “Sa pagsalita niya na walang pinag-usapan ang presidente na dayain ang 2004 election . Akala ni garci at kanyang handlersna maari nilang gagohin ang mga Pilipino. Lalong magngi-ngitngit ang ngayon ay galit na galit nan sambayanan. Mabuti pa ay umamin na sya at baka patawarin pa sya ng tao. Pero kung kasinungalingan at panloloko ang kanyang pahayag, dyan magsisimula ang pagbagsak ng administrasyon.”
Nakakatawa ang interview ni Henry kay Garcillano na naganap raw sa bundok, malapit sa dagat. Kumpleto costume at prepared statement.
Naka-costume siya ng Muslim ghutrah or kuffiyah. Yung takip sa ulo ng mga lalaking Muslim. Sabi nga ni Carol Arguillas, ang writer na taga-Mindanao, “Ano ang ibig niyang sabihin? Na siya ay kinakalong ng mga Muslim?)”
At bakit siya nakatalukbong, tanong ni Carol. Siya ba ay kalbo o nagpakulay ng buhok?
Oo nga ano. Anong malay natin baka nagpakulay ‘yun ng buhok na parang si Dennis Rodman para hindi siya makilala kapag namamasyal.
Nahalata naman ni Dean Jorge Bocobo, isang political analyst, na bagong lawanit ang dinding ng kubo kung saan naganap ang interview. Mukhang big time itong kumakalong sa kanya at pati yun ay pinaghandaan.
Hindi ako magugulat kung computer printout pa yung kanyang binasang statement. Yun kaya ang dala ni Mike Arroyo noong nagkita sila noong isang araw?
Nakita ni Carol ang simbolo ng talukbong ni Garcillano. sabi niya, “Yun kaya ay simbolo ng pagtakip rin niya ng katotohanan?”
Mukha nga dahil sinasabi niyang hindi raw sila nag-usap ni Arroyo tungkol sa pandaraya. Ano yung sinasabi niyang hindi marunong mag-match sina General Habacon ng election returns at certificate of Canvass. Ano yung sinasabi niyang “pipilitin” at “maganda naman ang pagpataas naming ng boto mo.” At marami pa.
Sinabi niyang maaring hindi siya ang nasa tape ngunit sinabi rin niyang biktima siya dahil na tape ang kanyang pag-uusap sa cell phone. Kung biktima siya, di inamin rin niyang siya nga ang nasa cellphone.
Galit siya sa nag-wire tap sa kanya. Di dapat magalit siya kay Gloria at Mike Arroyo dahil sila ang nag-itos na I-wiretap siya dahil duda nga sa kanya.
Galit siya dahil sinira raw ang kanyang pangalan. Naku ha, dapat I-remind sa kanya na sinira niya ang pagtitiwala ng Pilipina sa election, na siyang isang haligi ng demokrasya. Kasama siya sa pagnakaw ng boto ng taumbayan. Malaking kasalanan yun.
Pero mali nga ako sa sinabi ko kay Carol na baka KALBO siya sa ilalim ng takip-ulo niya. Kita sa ibang bahagi ang medyo patilla. At mataba nga siya para sa isang naglalakbay sa mundo o nakasilung sa yungib na madilim. Sa akin ang kanyang WOW mali na hindi dapat sinabi ay: “I am a victim of wiretapping” — sinulid yon sa gitnanghabi ng pangkubling damit ng Emperadora. Hilahin at malalaslas. Blunder ang paglabas ni Garci kung matanto ang makatarungang tudling at hindi mabulag ng poot at sidhing galit.
Puro katarantaduhan yang si Garci, nakakasira sa buong taga Cagayan de oro at sa bayan ng Pinas.Masyadong malaki ang damage na ginawa nya
Valentin
British Columbia
Nagpagamit si garci sa walang kakwenta-kwentang pekeng pangulo at nakaka-bwisssssshit na si gloria.
I just want to share this text joke about Garcillano: wag nalang daw i-allow si Garci na manood ng on-going SEAGAMES kc bka isipin ng mga kalaban na kaya nananalo ang mga Pinoy athletes natin ay nandun si Garci para i-manipula ang result! Bilib din ako sa mga kamag-anakan lalo na sa immediate family ni Garci na buong tapang (sikmura) para lunukin ang ganitong stigma na nakatatak na sa kanilang pangalan! SHAME ON YOU MR. VIRGILIO GARCILLANO!!!
If Garcillano opted to tell the truth am sure magiging hero pa sya sa mata ng mga Pilipino.I believed, an apology never diminishes manliness, mistakes has been done,learnings were curved and markings had been made. I hope the blunder will not hold us back in moving forward! Life is too short…Why don’t make use of it to the fullest just like what Ellen Tordesillas’ slogan says “making life worth living” Walang ibang magmamalasakit sa Pilipinas kundi taung mga Pilipino kung patuloy ang pagkakawatak watak natin bka magising nlng tau isang araw na puro terorista na ang mamamayan ng Pilipinas.Paano na ang mga susunod na henerasyon…
Masyado na kasing mainit ang usapin ng tungkol sa Fertilizer Fund kaya kailangan ay mai-divert na naman sa iba ang attention ng mga mamamayang Pilipino upang hindi patuloy na sumiklab ang kinukuyom na galit. Naka-isip sila ng paraan at ito ay ang ilabas si garci upang mahati ang attention ng mga tao. Pero mukha lalo lamang silang sasabit sa kanilang ginawa…. abangan ang sususnod na kabanata dahil sa executive session ng mga congressmen kanina umaga ay mukhang nagkainitan sina Representative Golez at Antonino, eh…. ABANGAN….
The Lord of the Rings: Impossible is Nothing
– REPUBLIC OF THE PHILIPPINES VERSION –
Liv Tyler aka susan Roces …. Arwen
Viggo Mortensen aka R.I.P. FPJ …. Aragorn
Elijah Wood aka Nino Muhlach…. Frodo Baggins
Ian McKellen aka Sen. Pimentel…. Gandalf the Grey/Gandalf the White (same w/ dis man…hes playing as one of the bad guys)
Sean Astin aka Sen. Ping Lacson…. Sam
Cate Blanchett aka Loren Legarda…. Galadriel
John Rhys-Davies aka Guingona…. Gimli/Voice of Treebeard
Bernard Hill aka Lito Lapid…. Theoden
Christopher Lee aka US Pres. Bush …. Saruman the White
Billy Boyd aka Nino Muhlach…. Pippin
Dominic Monaghan aka Berting Labra…. Merry
Orlando Bloom aka Amay Bisaya …. Legolas
Andy Serkis aka Virgilio Garcillano …. Gollum/Sméagol
Robert Pollock aka Prospero Pichay…. Mordor Orc
Sala Baker ….DILG Sec. Angelo Reyes…. Man Flesh Uruk
Hugo Weaving aka Henry Omaga Diaz…. Elrond
Miranda Otto aka ung laging may kulay ung buhok member ng Hyatt 10 b yon??? … Eowyn
David Wenham aka …. Faramir
Brad Dourif …. Grima Wormtongue
Sean Bean …. Boromir (extended edition)
Karl Urban …. Eomer
Craig Parker …. Haldir
John Noble …. Denethor (extended edition) (as John Nogle)
Bruce Allpress …. Aldor
John Bach …. Madril
Jed Brophy …. Sharku/Snaga
Sam Comery …. Éothain
Calum Gittins …. Haleth, son of Háma
Bruce Hopkins …. Gamling
Paris Howe Strewe …. Théodred, Prince of Rohan
Nathaniel Lees …. Uglúk
John Leigh …. Háma
Robbie Magasiva …. Mauhur
Robyn Malcolm …. Morwen
Bruce Phillips …. Rohan Soldier
Olivia Tennet …. Freda
Ray Trickett …. Bereg
Stephen Ure …. Grishnákh
Billy Jackson aka the male young generation of the Philippines …. Cute Rohan Refugee Child
Katie Jackson aka the male young generation of the Philippines …. Cute Rohan Refugee Child
Feel free to edit the cast of characters….
Salamat po ma’m Ellen!!! More power to Abante!!!!! Sana po ay matapos ang napakahabang telenovela/drama/suspense/thriller/terror/horror na to na nangyayari sa bansa nating Filipinas!!!!!
(same w/ dis man…hes playing as one of the bad guys)
– pls disregard this one…typo error….sorry po, tao lang 🙂
Mahilig kayong humusga ng tao.Nakatanim na sa isip niyo na sinungaling si Garci kaya di na mababago `yan.Kahit anong paliwanag sa inyo ng tao wala na kayong sasabihin kundi kasinungalingang lahat.Kaya `wag na lang kayong mag comment.Tutal masama sila sa paningin n`yo umalis na lang kayo ng bansa para wala na kayong problemahin pa…naninirahan kayo sa isang bansang punong kasinungalingan.kasalanan din yan ng mga kababayan nyong bobo na bomoto sa kandidatong alam nyong mandaraya at sinungaling.Baka kailangang kayo ang magpakamatay para makilala kayo at masakripisyo para sa bayan nyo….
jarrew
hoy!!! jarrew
hoy jarrew
MULA PAGKABATA, BAT B NAG SO-SORRY ANG ISANG TAO??? DI B MAY KASALANAN O MALING NAGAWA??? NAG-SORRY N NGA SI GMA, IBIG SABIHIN, NAGKAMALI TALAGA SIYA….ANG KASO NGA LANG, MAKAPAL ANG MUKHA NIYA TALAGA AT MAITIM ANG DUGO AT BUTO, PINAPALABAS P RIN NYA N PARA S IKABUBUTI NG BAYAN UNG GINAWA NYA??? NGAYON, SILA NI GARCI MAY PAKANA KUNG BAT SIYA NANALO, “YUNG DAGDAG, YUNG DAGDAG”, CANT IT BE MORE DAN 1M??? PARANG GANON SABI NI GMA DI BA??? KAYA SIYA NAG-SORRY…..KASALANG MALAKI YON!!! DAHIL BOTO NG TAONG BAYAN ANG NINAKAW NILANG DALAWA!!!
KUNG ANG BATAS SA ATIN AY DI NABABAYARAN, AT WALANG BUTAS… NOON P, TALSIK N SI GMA, ANG KASO, SA DAMI NG PERA N DAPAT SANA AY PARA SA ATING MGA PILIPINO, GINAGASTOS NI GMA ANG PERA NI JUAN DELA CRUZ PARA MABAYARAN ANG LAHAT NG KAYA NIYANG BAYARAN PARA MANATILI SIYA SA PUWESTO..KASALI ANG MATATAAS N OPISYAL NG AFP, PNP ETC….. KAYA NIYANG BAYARAN ANG BATAS SA DAMI NG MILYON N INANGKIN N NIYANG KANYA NA KAYA NAMAN HANGGANG NGAYON NASA PUWESTO P RIN SIYA….
jarrew, kung ang kagaya mo ang tao sa Pilipinas, mabuti p talagang isakripisyo n ipatapon ka sa ibang planeta, pero sayang lang ang pera n ipamamasahe mo sa eroplanong sasakyan mo, ang mabuti p mamasukan k n lang n isang s2pid butt-kisser sa arrovo govt, dun kayo magsama sama impyerno, humukay kayo ng sarili nyong mundo….wag k ng mag-comment, sayang lang ang keyboard sayo, dapat sa kukote mo maging tagahugas ng tumbong ni GMA at Garci …
Wala na akong sasabihin, tutal nakuha o naintindihan muna ang gusto kong sabihin….ang tanong ko lang,nasa harap ka ba nila noong nangyari ang lahat ng mga pag-uusap na `yon? Kung narinig mo lang yan o nabasa…eh di isa ka na rin sa naniniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili…Yonlang period…Thanks sa comment…
DI P B MALINAW SAYO YUNG NAPANOOD MONG DRAMA NI GMA NUNG NAG SALITA SIYA NG “I AM SORRY’???? WALA KANG BAIT SA SARILI DAHIL MALABO N YATA MATA MO, BINGI K PA, MANHID K P AT WALANG UTAK……PERO OK LANG YAN, WERE ALL ENTITLED TO GIVE HIS/HER OPINION, PERO I FEEL SORRY FOR YOU…MADAMI K PANG KAKAINING BIGAS N INIMPORT FROM TAIWAN O VIETNAM BAGO KA MAGISING SA KATOTOHANAN….THE TRUTH IS, KUNG GANYAN KAKITID ANG UTAK NG MGA PILIPINO NGAYON KAGAYA NG SINASABI MONG SABI SABI, E BAKA SA SUSUNOD N TAON SI MAHAL NA ANG PRESIDENTE NATIN ….TSK,TSK,TSK…..WALA K BANG TV NUNG NAG SORRY SI GMA AT DI MO NAPANOOD PAGMUMUKHA NYANG KAHIT YATA PISON ANG SUMAGASA SA MUKHA NI GMA, WA EPEK SA KAPAL NG MUKHA NYA….
ANYWAY, GOODLUCK SA ATING LAHAT….DI TAYO DAPAT MAGSISIHAN AT MAGSIRAAN… LAHAT TAYO AY FILIPINO NA DAPAT NAGTUTULUNGAN..PERO KUNG ANG LIDER AY WALA NG KREDIBILIDAD, MAHIRAP YATANG MANGYARING UMUNLAD ANG BANSA NATIN, ISIPIN MO ANG ISANG PAMILYANG WALANG ILAW NG TAHANAN??? LITERAL MO MANG ISIPIN, KAPAG WALANG ILAW, DI B MADILIM??? TSK,TSK,TSK…GANON SI GMA NGAYON, PUNDIDO NA …PERO AYAW PA RING MAGPAPALIT….TSK,TSK,TSK…GOD HAVE MERCY!!!!!!!!
OK, `yon lang pala eh!!!Pero sino kayang pwedeng pumalit? Sige…may alternatibo ka ba?Kung meron ilahad mo para naman malaman ng mambabasa na tama kang humusga at mag endorso….
Nga pala may TV rin ako sa bahay may computer pa nga eh!!! nakita ko rin si Gloria, yon paghingi nya ng sorry, pangit ngang tingan eh pero OK na rin `yon, at least nasabi niya na sorry sa ginawa nyang pagtawag,hindi sa pandaraya na ginawa nila…ay `yong iba, nag sorry ba sa ginawa nilang kasinungalingan?At least OK na `yang may ilaw kahit pondido… may araw naman sa kinabukasan.Kesa naman may ilaw gumagana nga araw at gabi,pero di naman mapakinabangan kasi di kaya ng sariling UTAK…
Sige na tulog ka na,baka may pasok ka pa bukas…Tulad ng sabi mo, sang-ayon ako sa pagkakaisa ng Filipino….
sige na
Ang drama ni Garci…….. at ni jarrew…
ikaw ang matulog dahil umaga dito ngayon sa amin!!! ma2log k n ng lumaki k at baka pag tumangkad k mapakinabangan p ng bansa natin height mo para sa SEAGAMES….:)
ang susunod na headline siguro 10 years from now:
Jarrew – Ang pambato ng Pinas sa Tae-Kwon-Doh!!!
hehehe…joke lang po!!!!
O sige, salamat, kaya pala di mo alam ang nangyayari, nag dedepende ka lang sa TFC at sa internet.Pag-uwi mo sumama ka sa mga rally ng mga taong wala ng ginawa kungdi iasa ang buhay nila sa gobyerno, imbis na gumawa ng paraan para matulungan ang gobyerno sa paglago ng ekonomiya, lalo pang nagpapalala sa sitwasyon.Ang mga banat mo na `yan ay mas mapapakinabangan doon.Mag donate ka na rin ng tubig sa mga raliyista at kung may pera ka, magbigay ka ng tulong sa kanila.Tutal makabansa ka, tumakbo ka na rin sa susunod na eleksyon.Tingnan ko lang kung kaya mong sikmurain at tanggapin ang mga taong wala ng ginawa kung di tuligsain at kahit na sinong umupong lider ng bansa.Kelan ka ba umalis ,panahon ni Marcos,Cory, Ramos,Estrada o Gloria? Sa tingin mo may pinagbago ba mula noon hanggang ngayon sa ekonomiya?Kung meron, sana andoon ka.Kung wala, buti andyan ka..Ang akin lang nman pre, bigyan sana muna natin ng pagkakataon ang kahit sinong umupo na pangulo para maipakita at mapatunayan ang magagawa niya sa bansa.Ngayon, paano niya magagawa `yon kung kaliwa`t kanan ang rally.Nasa ibang bansa ka,maipagmamalaki mo ba ang bansa mo kung ganyan at ganyan na lang lagi ang nakikita sa mga TV, internet,tuwang-tuwa ka ba?Yon lang naman ang point ko….Sana basahin mong mabuti para naman masabing makabayan ka at may malasakit sa bansa mo….
YUNG MGA NAKIKITA NAMIN SA TFC, SA INTERNET, KE MAY DAGDAG O BAWAS O INEDIT NG IBANG KASAPI NG MEDIA PARA MAS LALONG MAPANSIN NG PUBLIKO, SAPAT NA SAKIN NA MAKITA KO UNG MGA NAGRARALLY NA KAHIT SABIHIN NATING HINDI LAHAT AY TAIMTIM AT MALINIS ANG HANGARIN NILA – BILIB AT HANGA PA RIN AKO SA MGA KABABAYAN NATIN NA YON!!!!
IISA LANG NAMAN IPINAGLALABAN NILA AT ANG GUSTO NATIN DI BA/?? ANG PAG -UNLAD AT KAPAYAPAAN…ANG KASO NGA UNG SISTEMA NATIN AY BULOK, ANG BATAS AY BUTAS, ANG LIDER AY MAGNANAKAW AT UNG MGA SUPPORTERS NIYA AY PURO SAKIM SA KAPANGYARIHAN AT PUWESTO NA NABAYARAN, E LALONG HINDI MAGKAKAISA ANG MGA PINOY AT HANGGAT MAY MGA TAONG MAGSASAWALANG KIBO DAHIL HANGGANG NGAYON SI GMA P RIN NAKAUPO KAHIT MALINAW P S SIKAT NG ARAW N NANDAYA TALAGA SILANG DALAWA NI GARCI….MARAMING DAPAT BAGUHIN TUNGO SA PAGBABAGO AT PAG UNLAD NG PINAS…PERO HINDI MAGBABAGO ANG PAGMAMAHAL KO SA PILIPINAS, KAPATID SA PANANAMPALATAYA KAHIT NAPAPAAWAY AKO PAG BINABARUMBADO NG IBANG LAHI ANG MGA DI MAGANDANG PANGYAYARI JAN SA ATIN….PARA SA AKIN AY PILIPINAS P RIN ANG PINAKAMAGANDANG BANSA SA MUNDO AT PINAKAMABABAIT ANG TAO (SOBRANG BAIT NGA E, KITA MO HANGGANG NGAYON NAKAUPO SI GMA…I-SET ASIDE MO LANG YUNG DIRTY POLITICS/TRAPO, ETC DA BEST TALAGA ANG PILIPINAS!!!! AND IM PROUD TO BE A FILIPINO, PINOY, AT NOYPI!!!)
HINDI RIN AKO SANG AYON DUN SA IBA NATING KABABAYAN N NAKIKIGULO SA DALOY NG TRAPIKO, PERO DI RIN NATIN SILA MASISISI DAHIL WALANG MAIBIGAY NA TRABAHO ANG GOBYERNO SA KANILA O KAYA NAMAN ANG IBA AY SADYANG TAMAD LANG….PERO IBANG USAPAN P RIN YON…
….FOR THE MEANTIME, PATALSIKIN SI GLORIA!!!!!!!!!
ALWAYS REMEMBER:
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Filipinos are worth dying for – Ninoy Aquino
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
“Ask not what your country can do for you; ask what you can do for your country ” – John F. Kennedy
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sino ngang papalit?
Jarrew, Sabi mo: “Mahilig kayong humusga ng tao.Nakatanim na sa isip niyo na sinungaling si Garci kaya di na mababago `yan.Kahit anong paliwanag sa inyo ng tao wala na kayong sasabihin kundi kasinungalingang lahat.” Hindi ba paghuhusga rin yang ginawa mo? Aminado ako na hinuhusgahan din kita.
Sabi mo pa: “Tutal masama sila sa paningin n`yo umalis na lang kayo ng bansa para wala na kayong problemahin pa…naninirahan kayo sa isang bansang punong kasinungalingan.” Siguro kaya mong gawin kahit kailan ang mangibang-bayan. Pero sa palagay mo kaya, ilang porsiento ng Pilipino ang kayang mangibang-bayan kahit gusto nila?
Tapos sabi mo pa: “wag na lang kayong mag comment.” Lalong kumukulo ang dugo ng mga katunggali mo pag sinabihan mo ng ganyan.
Doon sa rebound mo: “Pero sino kayang pwedeng pumalit? Sige…may alternatibo ka ba?Kung meron ilahad mo para naman malaman ng mambabasa na tama kang humusga at mag endorso….” Sa palagay ko masyadong palso ang ganyang pangangatwiran. Hindi ko sinasabing katumbas ito, pero kung sa Nazi Germany ay walang credible na kapalit si Hitler, dapat ba na pabayaan na lang siya? Muli, hindi ko sinasabing katumbas ito, sa Canada, dahil sa corruption scandal, nagkaroon ng vote of no confidence at napatalsik ang Prime Minister na si Paul Martin, kaya may ini-schedule na election sa January 23. Hindi itinatanong kung mayroon bang credible na alternative. Sa palagay ko lang, yung alleged na corruption sa Canada ay maliit lang kung ihahambing sa corruption ng GMA government, kahit na i-consider pa ang exchange rate ng peso vs Canadian dollar. Ang tanong ay, si GMA ba talaga ang nanalong presidente? Kung hindi, hindi siya ang dapat nakaupo.
Tomas,sino po ba talaga ang pwedeng pumalit?Ilahad po natin dito para kung sa palagay ko ay siya na nga,titikom na lang po ako.Sa palagay nyo po ba kakayanin ng ating naghihirap na bansa ang isa na namang eleksyon na siguradong wala na namang papatalo?Mahirap ang Pilipinas kumpara sa Canada, at isa pa, iba ang sistema ng gobyerno doon.Anytime ay pwedeng palitan ang Prime Minister na MP lang ang mag-eelect.
Sorry, kung nasaktan ko man kayo sa aking mga sinabi, pero nagngingitngit din ako twing nakakabasa ng mga comment na lalong nagpapawatakwatak sa ating mga Filipino, hindi dahil gusto ko kay Gloria kundi dapat din nating igalang ang mga opisyal na nakaupo sa Gobyerno, tulad ng paggalang mo sa `yong GURO noong nag-aaral ka pa.Magkaroon naman tayo ng respeto sa ating kapwa di na sa kanyang katungkulan kundi sa kanyang pagkatao.
Ang SAKIT ng sinabi ni Anelle 2K na BAKA nga minamanipula ni GARCI ang SEA Games! Nyek! Eh hindi nga ba sinabi daw ni FG na 100 gold medals kahit papaano? Baka tulad noong SECOND PLACE finish natin sa Corruption Survey. Haha. Tumawa na lang tayo kaysa magluha.
I cannot understand why no one answers jarrew’s query “sino ang papalit?” A simple question that needs a simple answer: Sino? My answer “ANYBODY BUT GLORIA CAN DO THE JOB BETTER. ANYBODY BUT GLORIA CAN LEAD THE COUNTRY BETTER. WE REACHED ROCK BOTTOM WITH GLORIA AS PRESIDENT. ANYBODY TAKING OVER HAVE NO OTHER DIRECTION TO GO BUT UP.
jarrew,
napakalaking insulto naman yan sa milyun-milyong pilipino na isipin mong walang pwedeng pumalit kay gloria. sa tingin mo walang kwenta lahat ng pilipino? na si gloria lang ang may karapatan at deserving mamuno dito?
dapat patalsikin si gloria at magkaroon ng snap election. hayaan ang mga tao na pumili uli ng gusto nilang lider pero sana this time, bantayan na natin ang mga boto natin para siguradong hind na tayo madadaya uli.
jarrew,
sarili mo ring pagkatao ang siniraan mo…di ba at Pilipino ka din? sinong papalit? Pag bumaba na si Gloria at nag eleksyon..tyak me papalit.Kung gusto mo, ikaw na lang muna? Kahit sino, basta nanalo at hangaring paunlarin ang ating bansa maging solido muli ito..marahil..uunlad na tayo.
Si Garci…at si Madam GMA, parehong marmol yan! ano’t pinag dedebatehan pa natin…sa kanila di uusad ang ating bansa, pero hayaan nyong maski sa maliit na bagay na magawa nating tama ay magiging malaki…basta tama, sa mata ng ating kapwa at sa ating Diyos…me pag-asang susungaw sa ating bansa.
Pero, kainis at kakapang himagsik talaga ang nangyayari sa ating bansa. Dapat ng bumaba sa kanyang pagiging liderato si GMA, maawa sya sa ating maliliit na at maralita pang kababayan…ALIS DYAN, GLORIA!
Jarrew’s question “Sino ang ipapalit” is a typical line out of the Arroyo script. It is a sign that either (1) we are a non-trusting people, or (2) we are people who do not think clearly. That question should not be asked at all, since if you think clearly, asking that question means conceeding that the incumbent should be replaced.
Jarrew, sabi mo, “Sorry, kung nasaktan ko man kayo sa aking mga sinabi . . .” Hindi ako nasaktan sa anumang sinabi mo. Agree din ako sa sinabi mong “Mahirap ang Pilipinas kumpara sa Canada . . .” Heto exactly ang sinabi ko “Muli, hindi ko sinasabing katumbas ito, sa Canada, dahil sa corruption scandal, nagkaroon ng vote of no confidence at napatalsik ang Prime Minister na si Paul Martin, kaya may ini-schedule na election sa January 23. Hindi itinatanong kung mayroon bang credible na alternative.” Ang implied point ko ay ito: may delicadeza ang nabanggit na mga opisyales ng gobyerno doon at sa ibang bansa na hindi makikita ngayon sa GMA administration or certain members ng congress. At malinaw ding sinabi ko na “Hindi itinatanong kung mayroon bang credible na alternative.”
May mga nag-attempt nang sumagot sa tanong mo tungkol sa sino ang papalit. Heto ang take ko diyan–Ang dapat pumalit ay yung legitimately na ibinoto ng mamamayang Pilipino. Sa opinyon ko, valid lang ang tanong na sino ang papalit kung wala nang saysay ang election process, gaya nga nang nangyari noong 2004, na kahit ano pala ang tunay na bilang ng boto, hindi rin yon ang nasunod kasi meron lang konting opisyales na nagpapasya kung sino ang mananalo–in other words, lutong-makaw. Agree ako kay loy, sa milyun-milyon ba namang Pinoy, walang qualified pumalit?
Papaunahan ko na ito–hindi katumbas ito, analogy lang. Ewan ko kung napanood mo yung movie ni Petter Sellers na “Being There.” Isa siyang simple-minded gardener na mahilig manood ng TV. Through some weird series of events, sa katapusan ng movie, siya ang magiging president ng USA. Yung mga sinasabi niya ay tungkol sa gardening, pero ini-interpret ng mga tao na tungkol sa governance, yet somehow they seem to fit. Anyway, kung sa akin lang, kung ang pagpipilian lang ay ang current occupant o character gaya ni Petter Sellers sa naturang movie, gugustuhin ko pa ang latter.
Ayon sa report ng DoJ, kasama si Garci sa Learjet patungong Singapore nina pilot Capt Arthur Santos, flight officer Wilfredo Bautista, at flight engineer Benito Hafalla. Kinontra naman ng abogado ni Garci ang report na ito. Palagay ko dapat ding “imbitahin” for Senate investigation yung tatlong flight crew members, dahil kung yung DoJ investigation lang ang aasahan, parang “suspect” ang process at resulta. Kaya lang, sino naman kaya sa tatlong ito ang susunod na mawala?
Hindi puedeng parehong tama si Garci at abogado niya on the one hand, at ang DoJ on the other hand. Meron mang naghuhusga kaagad na sinungaling si Garci, and for that matter, si GMA, karamihan siguro ay nagsususpetsa lang dahil nga sa mga nakaraang behavior ng mga ito. Yan ang hirap sa pagsisinungaling–kailangang tandaan lahat ng sinabi. Darating at darating ang oras na magkakabistuhan. Hindi na ba natin/nila natutunan yung moral ng Aesop’s fable about the boy who cried wolf?
jarrew, alam mo, nakakainis na nga gobyerno natin na puro PANLOLOKO, pagsisinungaling, pagnanakaw, puro pangsariling interest, at kung anu-ano pang negative comments… halos wala akong makitang maganda sa gnawa nila… pilit ko man tingnan kung meron nga, wala talaga eh puro papogi points lang kung meron man… hay! buhay talaga. ang mga comments mo dito, nakakainis na lang!
ako’y isang ordinaryong empleyado at may maliit na negosyo pero walang mangyari at napakaliit ng naiipon dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga pangunahing bilihin. wala akong nakikitang proteksyon para sa mga consumers dahil hindi pantay ang pagbibigay ng proteksyon sa consumers, sa maliliit na negosyante at sa mga malalaking negosyante. Cguro jarrew mayaman ka hindi mo pinagpapaguran ang perang ginagamit mo kaya ganyan kang magcomment dito… sana maranasan mo rin ang mga nararanasan namin.
tungkol naman kay garci at sa mga taong walang tigil ang panloloko sa atin, gustong gusto ko kayong murahin at isumpa sa mga kalakohang ginagawa nyo sa amin! sana tigilan na ninyo! maawa na kayo sa amin na mas naapektuhan ang aming pang araw araw na pamumuhay! sobra na pagkamanhid ninyo! maglingkod naman kayo ng totoo. pakiusap lang…
Hayaan mo, Kikoy, ang mga taong gobyerno na patuloy ang panloloko sa sambayanang Pilipino. Ang Diyos ay hindi natutulog at alam niya ang kung papaano tatapikin ang mga taong ito. Abangan na lamang natin ang mga taong kanyang tatapikin sa mga darating na araw. Mayroon na siyang dalawang tinapik pero ang isa ay bunganga pa rin ng bunganga sa Congress at ipinagpipilitan ang pag-papalit ng presidential system to parliamentary system. Naniniwala pa rin ako sa karma.
hanggang ngayon ay nananatiling bulag, pipi at bingi ang ilan nating kababayan. Hoy Gising!!
I am pretty that movie producers are planning to make a movie about Garci. The best title would be: “The return of Garci” (kung “Sci-fi” ang dating) or “Hello Garci? Yes, Ma’am!” (kung may halong comedy). Abangan na lang natin, sigurong patok na patok sa takilya yan. Best picture pa ata!
[revised] I am pretty sure that movie producers are planning to make a movie about Garci. The best title would be: “The return of Garci” (kung “Sci-fi” ang dating) or “Hello Garci? Yes, Ma’am!” (kung may halong comedy). Abangan na lang natin, sigurong patok na patok sa takilya yan. Best picture pa ata!
Mahirap ang Pilipinas kumpara sa Canada…
NAGPAKALAYO LAYO K P, AYAN ANG HONGKONG KATABI LANG NATIN, ANG LIIT LIIT PERO MAS MAUNLAD SA ATIN!!!!! ANDAMI KASING BUWAYA JAN SA ATIN KUNG PUWEDE LANG TALAGANG PAGBABARILIN N LANG MGA YAN…UUNAHIN KO SI GMA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
A WISE MAN can see more from the bottom of a well than a FOOL can see from the top of a mountain.
Gusto ko ang dribol mo Dennis Rodman, Dennis rodman. . .
At ang syut mo sa goal na walang asintahan;
Ang supalpal na ginawa ni Jareww na kabayan
Palpak man ay hanga din ako sa lakas-kalooban.
Ang lusot-pasa ni Kikoy kay Emilio na kakampi
Muntik nang ma-intercept ni Tomas Tinio na malaki;
Ang bola nang aking minasdan at binusisi,
Aba di ba ito ang ulo ni Commissioner Garci?
Ang dapat po sa Pinas ay taasan ang sweldo
Ng ating Presidente at mga taong Senado;
Kung sweldo ay Sang Milyon kada buwan, Panyero,
Malaki ang matitipid nitong ating gobyerno.
Sa tanong na “kung sino ang papalit sa kanila,”
Hwag na kayong lumayo at maghanap ng iba;
Si Atong Kuliglig po ay totoong handang-handa,
Na magsilbing Presidente sa bayan at sa madla.
Ang aking plataporma, heto aking sasabihin:
Gumawa po ng buti sa mamamayan natin. . .
Ako po’y hwag asahan, pagkat ako’y sinungaling;
Oh, diba tupad ko na ang major na requirement?
Ako po ay mahirap lamang, kaya ako’y iboto nyo,
Mga kaibigang mahirap ay payayamanin ko;
Ang aking Savings Account kahit na walang pondo,
Sa kaban ng bayan ay doon ako magwi-withdraw.
Kaya nga ba, Kabayan ko, ako ay ihalal nyo
At doon sa Malakanyang, mag-inuman agad tayo;
Sagot ko ang pulutan, ang alak ay sagot ninyo,
Ang kamay mo Dennis Rodman, hwag patagalin sa baso.
Atong
Ayan, iboto si Atong!
Atong,
anak k ba ni Eddie Gil??? hehehe….ok naman ung poem mo, nagmukhang po-wet ka 2loy 🙂
Yan ang kaibahan nating mga pinoy, sandamukal n problema nakukuha p ring magpatawa at tumawa…..
Hoy!!!! Pinoy Ako!!!!!!!!! Pinoy Tayo!!!!! Ibang iba ang pinoy…wag kang matatakot……ipagmalaki mo……
MABUHAY ANG PILIPINAS!!!!!!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
TEAM PHILIPPINES – 2005 23rd South East Asian Games Champion
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++