Skip to content

Gloriahan lang yan

Duda pa rin ako kung talagang lalabas at haharap sa imbestigasyon ng Kongreso si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Maniniwala lang ako kung nakikita ko na siya personal o sa TV.

Ang nakikita ko dito ay panibago na namang gloriahan. Yan ngayon ang bagong salita o slang sa lokohan. Sa halip na sabihing, “niloloko mo naman ako”, ngayon ang sinasabi na ay “ginu-gloria mo naman ako.”

At gloriahan nga itong paglilitaw kuno ni Garcillano.

Itong bagong gloriahan ay nabuo dahil sa sinabi ng Archbishop Angel Lagdameo, incoming president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na dapat magkaroon ng closure o pagtatapos ang isyu tungkol sa legitimacy ng pagka-pangulo ni Arroyo.

Lumalabas kasi sa lahat na credible surveys na karamihan sa mamamayang Pilipino ay naniniwalang nandaya si Arroyo noong 2004 eleksyon. Lumabas din na naniniwala ang mga tao na totoo ang pinag-usapang pandaraya sa Hello Garci tapes at gusto nilang lumabas ang katotohanan.

Sinabi ni Lagdameo na hanggang hindi lumabas ang katotohanan, hindi ito malimutan ng mga tao at babalik na babalik ‘yan.

Ma-impluwensya ang CBCP. Matatapos na ang termino ni Archbishop Capalla bilang presidente sa sunod na linggo. Si Capalla ay kampi kay Arroyo kaya kahit papaano na rendahan niya ang madre at pari na himutok na himutok na sa garapalang kasinungalingan na pina-pairal ng administrasyong Arroyo.

Natatakot ang Malacañang na sa ilalim ni Lagdameo, iigting ang partisipasyon ng simbahan sa paghanap ng katotohanan. Kaya na-isip nila iton bagong gloriahan. Akala nila siguro kapag sinabi ni Garcillano na hindi kami nandaya para kay Arroyo, tapos na.

Ngunit takot raw si Garcillano haharap sa mga kongresista at sa mga senador dahil kahit kaya niyang gloriahin ang karamihan, lalo na ang mga kaalayado ni Arroyo, mahihirapan siya sa mga hindi hawak ng Malacañang. Nakita naman natin kung paano ang nangyari kay National Security Adviser Norberto Gonzales nang gloriahin niya ang Senado.

Ang problema ngayon ni Garcillano ay ang kanyang hinaharap sa buhay. Hanggang hindi siya magsabi ng totoo, hawak siya nina Arroyo. Hindi siguro siya kukulangin sa pera. Hayaan na lang natin ang konsyensya dahil mukhang wala naman siya noon.

Ngunit siyempre, habang buhay , nandyan ang posibilidad na baka balang-araw, mag-iba ang isip niya ang magsabi ng totoo. Delikado si Arroyo. Kaya delikado rin si Garcillano.

Published inWeb Links

1,689 Comments

  1. juan de vera juan de vera

    Kanya-kanyang paniniwala lang talaga `yan.Tulad din ng paniniwala ng mga scientists na walang nag-e-exist na D`yos na lumikha sa sanlibutan.Tulad ko, naniniwala ako na may Diyos talang lumikha base sa aking pananampalataya.
    Tulad mo naman, noon pa man di ka nainiwala na di nanalo si Gloria kasi base na rin sa nakikita mo, nababasa, napapanood at base na rin sa naririnig mo.Kaya kahit anong gawing paliwanag sa taong nagsasabi na NANALO si Gloria sasabihin pa rin na di siya nanalo kasi nandaya siya.Matagal na tayong nakatira sa Pilipina. Dalawa lang `yan eh, pag nanalo ang kandidato, NANDAYA siya,at kung natalo ang kandidato, DINAYA siya.Lalo pa nga`t gitgitan ang labanan.
    Ngayon naman,pinag-uusapan natin si Garci, sa kanya lang natin malalaman kung ano talaga nag totoo,maynagsasabi na baka daw patay na siya.At may nagsasabi naman na nasa Mindanao siya, base rin sa informante ni Tatad.May magsasabi na pakana na naman ng administrasyon ang lahat.Yon kasi ang paniniwala nila. Yong tapes na hello Garci, alin talaga ang totoo? Sana bago tayo humusga, tingan muna natin ang lahat ng anggulo.

  2. Alitaptap Alitaptap

    Bilib talaga ako sa iyo Ellen sa ‘wordsmithing’ mo. Gloriahan … ha ha ha. Ano kaya ang layunin sa palabas na ito? Me arrest warrant para ke GARCI subalit para siyang multo na di makita at mahagilap. Para naman tayong nagbabasa ng komiks … abangan ang karugogtong. Ay yay yay…

    Altaptap

  3. Onin Onin

    Nakakahiya namn ano? Pag swapang ka sa sapatos o napakarami mo sapatos ang tawag sayo “imeldefic”… pag manloloko, mangagantyo.. ang tawag sayo “nangoglorya” ka…heheheh.. e yung “nanggogoyo”?….Helllo..Garci..pahingi naman Load…

  4. Alitaptap, I’m not taking credit for “gloriahan” because narinig ko lang yan sa iba. Ang galing talaga ng Pinoy. Lalo pa sa text jokes. Diyan na lang binubuntun ang galit.

  5. bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipatugtog ng ABS-CBN at GMA7 ang Hello Garci tapes sa tv newscasts nila?

    ipinagbabawal pa rin ba ito nina Raul Gonzalez at ng KBP/MTRCB, Ellen?

    Bakit walang gana ang media natin na ipatugtog itong tapes na ito?

    Since Garci is back, now’s a good time to remind the public and play the tapes.

  6. RC: Kahit papaano KAWAWA naman si Wykes. I got this text today from old friend:
    Harvard Kennedy School of Govt Alumni will hold a prayer service for Wykes. His condition has stabilized and we ask the Lord for more blessings .. Service will be at 6pm Nov28 Monday at Central United Methodist Church located on TM Kalaw St Ermita, Manila,Please pass to fellow alumni..Dean Jorge Bocobo

    Sorry kung off topic ito Ellen pero baka may makakitang makinabang. Humanitarian info lang.

  7. when will they ever learn!!ellen,talaga yatang matigas ang ulo ng filipino..sana matauhan na ang mga alalay ni GMA,si GMA magpapakamatay na siya dyan..si JDV,namatay ang anak niya,sa sunog ano kaya un impeyerno?si Abalos namatay din ang apo niya (pet apo daw ayon sa kanya)na lason daw sa tubig?si Sec Rufino,terminal ill at anytime kunin na rin ni lord..si NSA Norberto Gonzales na ospital dahil sa puso..at ngayon nga si NBI Wycoco..alam naman natin kung gaano kagaling magsinungaling si Wykes in defense ke GMA,and how he make up stories in media which are all lies just to please GMA and descredit some opposition,by inventing charges..sila na tagapagtangol sa kasinungalingan ni GMA.
    wala kaya silang konsensya? si Bunye,Ermita,Saludo,Tiglao,
    M,Defensor,Claudio,Pichay,Nograles at ang pinaka mega sinungaling na si FVR,at ang iba pa na membro ng Kongreso.
    sobra na ang pahirap ng mga taong ito sa sambayanang filipino…Lord kelan mo sila kukunin ng maka unlad naman ang ating bayan..sana maging aral at gumising sa inyo na mga taong nas Gobyerno itong nangyari kay Wycoco..na hindi kayo permanente diyan..ang taong bayan ang naglagay sa inyo at ang taong bayan rin ang mag aalis sa inyo sa mapayapang paraan..and if worst has to come just to remove you all,,oh GOD..do it and please do it now!!!!!

  8. sa palagay ko malapit nang magwakas ang kawalanghiyaan at kakapalan ng mga mukha ng tribu ni aling gloria ,the lousy president.

  9. May DVD ako noong Opening Statement. Katakataka, BAGONG-BAGO, LINIS-linis ang lawanit background…

  10. Opening statement of Garci?

    The lesson in what happened to Wycoco is,we should live every day of our lives as if it’s our last. We can’t say I’ll repent later because we don’t know when the Lord will take us.

  11. myrna myrna

    Itong si Garci talagang sobra na sa kapal. Di raw siya umalis, pero ang sabi ng asawa, dumating na sila. Ano ba talaga? Sabagay, di na dapat pagtakhan, kung yung mag-asawa nga eh di alam ang sasabihin nila (puro kasi kasinungalingan!), lalo na yung mga galamay ni Ate Glue.
    Pinaiikot ang ulo ng mga matitinong Pilipino. Ginagawang tanga…..di naman uubra.

    Sana naman, ma realize nila na lahat ng bagay may katapusan, at ang buhay sa mundo….may hangganan lang. Di pa rin ba sila tinatamaan ng kidlat niyan sa kasisinungaling?

    At sana naman, itong si Lagdameo at si Rosales, isipin na hindi lang iilan ang anak ng Diyos…kundi lahat tayo. Kaso lumalabas, at pinapalabas nitong si Gloria Arrovo…may direct line siya. Ha??? Kailan? at yung mga alipores niya, naniwala naman!!!

  12. E-mail from Raul Joya:

    Parang kuwan na nag-hello na raw si Garci at
    nag-dialog na hindi lang naman daw si GMA ang humimas,
    este, tumawag sa kanya, and clearing her as well of
    wrong doing. (Sino pa ba ang maniniwala sa kanya eh
    umamin na si GMA.) Marami rin daw kandidato ang
    tumawag sa kanya kabilang na rito ang mga nasa
    oposisyon. Hindi ko alam kung ang ugok na ito o ang
    kanyang mga handlers mula sa Palasyo ay talagang
    matatalino. Pero, by that words alone, ay kumpirmado
    na na talagang si GMA ang nasa tapes. Ano pa ba ang
    ibig sabihin ng pagtawag ng GMA sa panahon ng bilangan
    ng boto, 15 times in a row? Kunsabagay, ang bagay na
    ito ay di na dapat pagtalunan sapagkat ito ay malinaw
    na malinaw na sa lahat kahit ikaila pa ito ni GMA
    habang nabubuhay siya.
    Kung maraming kandidato ang tumawag at nakiusap sa
    kanya at sinasabi niya na kabilang dito ang mga nasa
    oposisyon, ang ibig sabihin lang nito ay talagang
    kilalalang kilala siya sa pagiging notoryus sa paggawa
    ng pandaraya sa halalan.
    Dalawa lang naman ang posibleng layunin ng ibang mga
    kandidato na tumawag sa kanya, but in both cases,
    involve bribery, in big amount.
    Una, mga kandidato na nakiusap sa kanya na tulungan
    sila na manalo sa pamamagitan ng pandaraya.
    Ikalawa, mga kandidato na nakiusap sa kanya na maging
    parehas, that is, bilangin at pangalagaan ang mga boto
    na talaga namang para sa kanila at talagang ibinigay
    sa kanila ng mga botante, huwag silang dayain at gawin
    lamang ang kanyang trabaho na walang kinikilingan.
    In other words, some candidates paid him big amount
    too even on something that an election official is
    expected to do, that is, they asked him to do his job
    right as required by law and they paid him for that.
    This is a case of bribery that all the candidates are
    guilty of. In the first case, the candidates are
    guilty of bribing the election official to cheat for
    them. In the second case, the candidates are guilty
    of bribing the election official just to get his job
    done right.

    Best regards,
    rsjoya
    cavite

  13. penoybalut penoybalut

    Good people do not need laws to tell them to act responsibly, while bad people will find a way around the laws.

  14. Atong Kuliglig Atong Kuliglig

    Tinawagan ko si Garci para komustahin
    Ang babaing nanghingi ng “load” na kaibigan namin;
    Kaya “yong dagdag, yong dagdag,” nang aking sabihin,
    Dagdag-minuto po, yaon po ang meaning.

    Kaya sana hwag masyadong marumi ang isipan
    Sa aming ginawang cellphone-komustahan,
    Pero kung yaon po ay isang kasalanan,
    “I’m sorry, po! I’m sorry. . .” mga kababayan.

    Isang script ang ginawa ng aking si dear Mikey
    Na ibinigay at pinabasa doon kay hello Garci,
    Sa kubong lawanit na binisita ni Henry
    Yaon po ay ang tree-house na tulugan ni Brod Iggy.

    Ang pintas nitong mga kalaban ko,
    Ang Garci appearance daw ay parang moro-moro;
    Paano nyo nahalata, ang galing naman ninyo;
    Ito ba ay dahil sa talukbong sa kanyang ulo?

    Kaya tuloy ako ay totoong stress tsaka pagod
    Sa mga banat at kantyaw na aking inaabot;
    Kilangan kong magrelaks kaya ako ay susugod,
    Magbababad sa bathtub at tsaka maghihilod.

    Atong

  15. penoybalut penoybalut

    talagang na-glogloriahan ako kay atong kuliglig.

Leave a Reply