Plano mga kongresista na magsagawa rin sila ng imbestigasyon sa pork barrel kasama na rin ang mga nasa senador pagkatapos nabulgar na karamihan sa kanila ay nakatanggap ng pera galing sa agriculture fund bago mag-eleksyon noong 2004.
Maganda ‘yan para malaman ng taumbayan kung paano nga ginagamit ang pera ng bayan. Dapat bato-bato sa langit, tamaan huwag magalit.
May ilang kongresista na nakasama sa listahan ni dating Agriculture Joc-joc Bolante ang pumiyok at sinabing hindi sila nakatangap ng pera galing sa DA.
Sa imbestigasyon ng Senate Committee on Agriculture na pinangungunahan ni Sen. Ramon Magsaysay, Jr., lumabas sa pananaliksik ni Atty. Frank Chavez na hindi lang P728 milyon na fertilizer fund ang ipinalabas mula sa Department of Agriculture (DA) kungdi sobra 5 bilyon.
Ngunit sabi ng mga magsasaka na nandoon sa hearing, ni isang dampot ng abono, wala silang natanggap mula sa DA.
Nakaka-aliw ang testimony ni Antonio Salas, assistant provincial treasurer ng Eastern Samar. Sabi niya nagpalabas raw ang probinsiya ng P6.5 milyon noong April 2004, isang buwan bago mag-eleksyon, ng P6.5 milyon para sa 4,328 na bag ng abono na dapat maggagaling sa Akame Marketing International.
Sabi ni Salas na pumirma ang chief of staff ni Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan na natanggap raw ang mga abono kahit wala naman raw silang nakitang delivery.
Sabi ni Salas naibalita sa local na diyaryo na ang phone number sa resibo ng Akame marketing ay sa Aling Simang Gulayan sa Caloocan City. Sabi naman raw ng gulayan na hindi sila nagbebenta ng abono. Siyempre naman, gulayan yun, eh.
Sabi nga raw ng may-ari ng Aling Simang na marami silang natatangap na tawag nagtatanong tungkol sa abono.
Siyempre galit si Libanan at ipipilit niyang mayroon naman raw talaga silang abonong ipinamigay sa kanilang magsasaka.
Binweltahan niya si Magsaysay. Sabi niya ginamit raw ni Magsaysay ang P4 na milyon sa kanyang pork barrel para sa isang organisasyon, ang People’s Organization for Progress and Development,na hindi naman raw naka-rehistro sa Securities and Exchange Commission.
Nakapagbigay raw ang DA ng P2 milyon bago nalaman na bogus pala ang organisasyon.
Sinuportahan naman si Libanan ng kapwa niyang kongresista. Sabi ni House Majority Leader Prospero Nograles at ng ilan pang kasamahan niya na kailangan raw imbestigahan din nila kung paano ginagamit ng mga senador ang kanilang pork barrel.
May kasabihan tayo na kung nag-aaway ang magnanakaw ng baka, nababawi ng may-ari ang kanyang baka.
Kaya, sige magimbestiga kayo. Baka may mabawi na rin kami sa mga ninakaw sa amin.
DAPAT GAMITIN DIN ANG PEOPLES COURT SA MGA KAWATAN NG GOBYERNO PARA WALANG AREGLUHAN AT IPUBLISH ANG LISTAHAN NG MGA KAWATAN NG BAYAN KADA BUWAN AT HINDI TATANGGALIN ANG PANGALAN HANGGAT DI NAPAPARUSAHAN, NAKASAAD DOON ANG PROBINSIYANG PINANGGALINGAN AT OPISINANG HINAWAKAN, PARA MAIPAHIYA SA MGA KABABARYO NG MGA KAMAGANAK. PATI SA UNIVERSITY AT HIGH SCHOOL PUBLICATION AY DAPAT NILALAGAY DIN PARA ALAM NG KABATAAN KUNG SINO ANG KANILANG TATANDAAN. DAPAT MAGTULONG ANG MEDIA AT ANG ASSOCIATION NG MGA UNIBERSIDAD PARA MARAMI ANG MAKAKITA NG “LISTAHAN NG MGA KAWATAN NG BAYAN”.
Dapat tumbukin kung sino pasimuno.
Unahin and presidente…
Hayop talaga sa kawalanghiyaan ang mga taong `yan.kanya kanyang tanggi at piyok sa kanilang ginawa.Kaya talagang walang mangyayari sa Pilipinas.Kahit ano pang gawing pagbabago, kasi sila-sila ang kumukurakot sa kaban ng bayan ay sila-sila rin ang mag-iimbistigahan.
Hay naku! nakakasawa ng pakinggan,pero dapat sa mga taong yan ay di lang makulong,kundi dapat patayin pati `yong mga sumusunod sa kanilang yapak na mga anak nila.Mana-mana na lang kasi yang pagnanakaw,lalo pa ngayong halos pangkaraniwan na lang sa kanila ang kumurakot sa perang di kanila.
Sa mga tao, UTANG NA LOOB…`wag naman kayong pauto kahit bigyan kayo ng pera,eh wag nyong ebenta ang prinsipyo nyo.kayo rin ang kawawa pagdating ng araw……
dagdag kay “the public thing”, unahin ang pekeng presidente. O kaya pekeng pangulo.
hay naku, dapat noon pa di nagpa uto ang nga tao…na peke tuloy tayo, paano na ang bayang to? kailan pa uunlad? Tayong mga mamamayan ang nagsisimula para umunlad ang bayang ito..pero tayo din ang nagpapa bagsak sa pagpili o paghalal ng inaakala nating tamang mamumuno, subalit…hayan…peke pala, mandaraya pa. Ayoko mang isipin to, pero kung ang namumuno ay mandaraya…ano pa iisipin ko sa kanyang mga galamay? Kawawang Inang Bayan.
nga pala…peke.
!@#$%^&*&^%$#@!nakakahiya at nakakasuklam itong mga nasa katungkulan.
ay Penoybalut…sinabi mo pa! grabe no?
sa ganitong klase ng mga nanunungkulan, mananatili na yata akong isang penoy balut. wala na akong kinabukasan para maging isang pato@#$%^&
Ha!Ha!Ha! Chicken Little na lang kaya.
kahit man lang chicken little, payag na ako,basta’t maahon man lang sa pagka-balut penoy pero ang tanong, MAY PAG-ASA ba? kung patuloy ang pamamayagpag ng mga katiwalian @#$%^&*
kailangan natin ng mga Batman, Spiderman, isama na rin sina Lastikman, Mulawin at si Krystala para mapuksa itong canser na kumakalat sa ating lipunan. He He He He. i am seriously mad @#$%^&*
Ang tanong ano naman mapapala natin kung may mapapatunayan nga na nagbulsa… E pare-pareho lang naman ang karakas nila eh… maya nyo… mag-ala bolante (remember violante ng Godzilla?), Lorenzo (hindi kaya bumabaliktad sa libingan niya ngayon si San Lorenzo Ruiz?), o kaya naman eh Virgillo “Hi Garci!!!” Garcillano lang sila? Politiko… ilan lang ba ang matino sa kanila? At pag matino, may differentiation pa yan… Ano gusto nyo, brown? kulay kape? o yung mapulang-maitim na? hehehehe…
At least mabuti yung nabulgar. Kahit nagpapakapal sila ng mukha, kahit papaano, apektado rin yan sila. Tingnan mo naman si Bolante at si Lorenzo, hindi makauwi ng maayos sa Pilipinas. Ano ba namang klaseng buhay yan. marami ka ngang pera, hindi mo naman ma-enjoy na mamasyal sa Greenbelt o saang gusto mong luagar dahil takot kang ma-recognize ng tao.
Kahit papaano, ang pagbulgar ay nakakatulong.It educates the citizenry. At yan ang kailangan ng bayan. Ang taumbyan na alam ang nangyayari.
Sana nga po… Ang problema, history na makakapagpatunay ang alang natutunan ang mga Pinoy… mula pa sa kapanahunan nina Quezon, Quirino, Macapagal, Marcos, Cory, Ramos, at Erap, lagin na lang ganito… Kaninong administrasyon ba ang tahasan nating masasabi na walang anomalya na nangyari???
Lbrto,
Kumpletuhin natin ang listahan ng mga naging presidente…m
Aguinaldo, Quezon, (Osmena), Laurel, Roxas, Quirino, Magsaysay, Garcia, Macapagal, Marcos, Aquino, Ramos, Ejercito, at ang kasalukuyan, Arroyo.
TUMPAK ang obserbasyon mo. As in RIGHT ON…”Ang problema, historn na makkapagpatunay, ang alang natutunan ang mga Pinoy.”
May matalik akong kaibigan na may sinabing katulad niyan. “Mayroong mga tao diyan, nagaral pa sa iskwelahang mamahalin at pribado..tulad ng La Salle…at NAGRADUATE pa! Pero ang tanong ko – MAY NATUTUNAN BA???? Ako, nangopya lang…tama…NATUTO AKONG MANGOPYA…Ano sama doon? Magaling naman akong MANGOPYA?”
Ain’t dat a bitch? Tama ka Lbrto. Sabi din ni George Santayana: “Those who ignore their history, are doomed to repeat their past (mistakes).”
Ang sagot ko sa tanong mo…hanggang ngayon, Lbrto, WALA PA, wala pang administrasyon ng gobyernong Pilipinas ang tahasan nating masasabi na walang anomalya na nangyari.
Kung meron man…LUMIPAS NA, ang pagkakataon ng “renaissance in Pinoy governance”…yung tinatawag na “search for the Holy Grail”…nakita na…but we did not realize nor recognize it…lumipas ang pagkakataon at ang panahon. SAYANG NA SAYANG. Ang masama, madaming up to now, do not even realize or are aware of it.
Kasi sabi ng (self-proclaimed) – patriot & nationalist – “I’d rather see a country run like hell by Pilipinos, than a country run like paradise by foreigners (Americans).” That’s what we got. Mga pulitikong sinasabi ni Ben David na…angkan at pangkat ng pitong demonyong kuba.”
Merry Christmas and a Happy New Year.
penoybalut Says:
November 24th, 2005 at 4:27 pm
Malamang, talagang wala…PenoyBalut. Sapagkat, ang Penoy by definition ay “aborted balut”. May semilya, pero kinitil ang buhay. Pero alam mo na yun.
Pero huwag kang magalala…maski hindi ka maging pato…huwag lang maging “abnoy”.
PJA
merry christmas and a happy new year sa lahat. nawa’y tuluyan ng maalis ang kanser sa ating lipunan.@#$%^&*
well…merry miserable xmas and happy sad new year to all!!! grrr##$$%%^^&&$#@@!!!!kelan kaya mapapalitan si gma at kelan magkakabuhok ng tunay si garci….
seryoso po, kayong mga nasa itaas jan, just out of curiosity puwedeng malaman kung sino ibinoto nyo nung twenty o’por??? umpisahan ko, ung totoong binoto nyo ha…alang dayaan 🙂
1. Dennis Rodman – FPJ
Ako si PING LACSON.
When theives quarrel, the farmer gets back his cow.