Tama sana ang hangarin ni Superintendent Thelma Bueson ng Catanduanes schools division na maturuan ang mga estudyante kung paano pumili ng ating mga lider. Ngunit mali naman ang kanyang guidelines. Lalong nagtuturo ng maling pag-iisip at masamang ugali.
Ang Guidelines on Patriotism ni Bueson, na siyang ikinagalit ni Sen. Jinggoy Estrada, ay: “When I am already a voter, I will not vote into office actors, actresses, basketball players who do not know their work in Congress because they are not educated for the positions of senator, vice president or president.” (Kung ako ay magiging botante na, hindi ako boboto para magiging opisyal ng bayan ng mga artista, basketball players na hindi marunong ng kanilang gagawin sa Congress dahil hindi sila naka-pagral para sa position ng senador, bise-president at presidente.)
Hindi sinabi ni Bueson sa kanyang memo ang mga hindi artista na mga opisyal na pumipilit mag-showbiz o kaya gumagamit ng mga artista para makakuha ng boto.
Nakita na natin sa TV na humingi ng tawad si Bueson kay Sen. Estrada. Mabuti naman. Tinanggap naman ni Jinggoy ang panghingi ng tawad ni Bueson at sabay pa sila kumain ng tanghalian.
Kung gustong gabayan ni Bueson ang ating kabataan sa pagpili ng mga mabuting lider, dapat ang kanyang guidelines ay simple lang: “Huwag bumoto ng singungaling at magnanakaw. Kilatisin ang mga kandidato piliin ang taong may prinsipyo at may panindigan”
Maganda namang basehan ang pinag-aralan dahil malaki ang maitulong ang edukasyon sa pagpapakbo ng bayan. Ngunit mas mahalaga ang ugali.. Si Gloria Arroyo ang pinaka-magandang ehemplo.. Nag-aral sa mga madre . Numero uno namang sinungaling at mandaraya. Ekonomista nga ngunit ano naman ang nangyayari sa ekonomiya? Paano, personal na interes ang inaatupag. Ginagamit naman ang pinag-aralan sa panloloko ng taumbayan.
Hindi nag-iisa si Bueson na nang-iismol ng mga artista at basketball players na opisyal ng bayan. Ang ganyang pag-iisip ay karaniwang sa mga middle class at mayayaman na akala sa sarili ay espesyal na anak ng Diyos.
Ang ating Constitution ay hindi nagde-discriminate ng partikular na trabaho o propesyon. Basta ang natural-born citizen ng Pilipinas, registered voter, marunong magbasa at magsulat, sa tamang edad at naninirahan sa Pilipinas sa hindi kumulang sampung taonbago mag-eleksyon.
Dahil palagi sila nakikita sa pelikula at TV, lamang ang mga artista at basketball players kaysa ibang kandidato na hindi kilala. Ngunit hindi ibig sabihin noon masama silang tao.
Kung marami sa mga artista at basketball player ang lumabas na hindi magaling na opisyal, ‘yan ay hindi dahil sa kanilang propesyon.
Siguro hindi naman talaga maganda ang ugali. Siguro wala naman talagang prinsipyo. Marami rin ang ganun sa mga opisyal na hindi artista at basketbolista. ‘Yan dapat ang tingnan.
Alam mo Ellen,sa kabilang banda maganda rin ang pahayag ni Superintendent Bueson.Una,ipinahayag lang niya ang kanyang damdamin na walang mangyayari sa bansa kung artista o basketbolista ang mahahalal bilang isa sa mga lider ng bansa.Ang mali lang niya ay di dapat niyang pangunahan ang mga kabataan sa kanilang desisyon instead, magbigay lang siya ng opinion bilang gabay ng mga estudyante sa kanilang hinaharap.
Tama ka rin na mayroon ngang tulad ni Gloria na ekonomista na, pero di naman maayos ang ekonomiya ng bansa.Pero naitanong mo ba sa iyong sarili na bago umupo si Gloria ay sandamukal na problema ang minana nya sa mga nakaraang administrasyon? nakakapagsalita lang tayo na walang nangyayari sa bansa dahil wala tayo sa posisyon na `yon.Sa aking pananaw, sa kasalukuyang sitwasyon kahit sino pa man ang ilagay mo sa gobyerno ay wala ng mangyayari.
Sino sa palagay mo ang gagawa ng mabuti sa mga `yan na gumastos ng napakalaking halaga sa eleksyon.magkano lang ng sahod nila, na binabawi lang sa pangungurakot?Bigyan mo ako ng isang tao na matino?Di naman maghahalal ang tao na hindi nila kilala, kailangan munang maging artista, basketbolista at politiko para makilala.Kung artista naman, ano namang kwalipikasyon nila.Tulad ni Jinggoy, ano ba ang batas na naipasa niyan sa senado?Silang mag-ina?ang hirap kasi sa mga tao,mga tanga rin at nagpapauto. Pagkatapos sila ngayon ang maghahanap ng ginhawa?Sabi ko nga sa `yo, ilang administrasyon na ang dumaan na di nawala sina Satur Ocampo etc. at si aling mameng sa mga rally at ang laging isinisigaw ay patalasikin ang kasalukuyang pangulo.(noon at ngayon)
Ang mabuti siguro ay baguhin ang saligang batas,amyendahan para sa mga kwalipikasyon ng mga namumuno ng bansa.Una,sa pagkapangulo.Dito sa Singapore di pwedeng kumandidato sa pagkapangulo ang isang tao kung hindi siya opisyal ng isang kompanya o wlang siyang experience sa pagapapatakbo nito,kung wala siyang maipakitang malaking halaga sa kanyang bank account at mayron din syang mataas na pinag-aralan.Alam naman nating parang ambasador lang ang posisyon ng pangulo dito pero ipinatutupad nila ng husto ang kwalipikasyong ito para maiwasan ang korapsyon.
Sa ngayon kasi, kahit sino na lang sa atin ay pwedeng tumakbo, basta sikat…nakakasawa na…
nakakaasar na at nakakapikon na…
Maraming salamat sa komento mo Ellen. Iba kasi ang sukatan ng pagkatao ng isang tao ng mga taong tulad ni Bueson. Sino ba ngayon ang maituturing mong tunay na tao kina Gloria Macapagal Arroyo at Fernando Poe Jr.? Sino sa dalawa ang susundan ng mga tao sa hirap at ginhawa? Kung si FPJ, sumalangit nawa, ang naging Pangulo ay handang sumunod sa kaniya ang mga taong bumoto sa kaniya sa mga mahihirap na desisyon na gagawin niya. Si Gloria ay inabandona ng mga dating kaalyadong bumoto at tumulong sa kaniyang maging pangulo na todo ang pagsisisi sa mga oras na ito. And this is someone “who knows how to be president.”
Ituro mo nga sa mayabang na gurong ito na walang eskuwelahan na nagtuturo kung paano maging pangulo. Iyan ay natututuhan sa mahabang panahon ng pakikipamuhay sa mga tao na hindi tinitingnan ang kanilang uri o istasyon sa buhay. Sana ay naobserbahan niya kung paano gumalaw si Ronnie sa mga siyuting niya sa gitna ng mga tao laluna na sa Tundo at malalaman ni Bueson na ang mga karanasang ito ay sapat na upang matutuhan niya kung paano maging Leader ng mga tao. Ang tutuo susundan siya ng tao kahit sa akala ng lahat ay bangin ang kaniyang lulundagan. Si Bueson, susundan ba niya si Gloria, “who knows how to be president” sa mga oras na ito. Kung oo, siya na lang, pero hindi ang 80 porsiyentong mga Filipino.
`Yan din ang mahirap sa ating constitution, lahat ng marunong sumulat bastat Pilipino ay pwede ng kumandidato.Kahit bobo, marunong lang makisama eh OK na sa iba.Pero naitatanong ba natin sa ating sarili na pwede rin kaya silang makisalamuha sa mga mamumuhunan at sa mga matataas na lider ng ibat-ibang bansa? o baka naman pang-pilipinas lang.Kung wala siguro tayong utang pwede siguro itong mga ito kasi kahit di na makiaalam o pakialaman.Pero tingnan niyo naman ang utang natin, na minana pa sa ibat-ibang rehimen.Sige nga, `wag tayong magbayad ng utang, tulad ng ginawa ng isang bansa sa south America.Ano ang nangyari? di ba biglang bumulusok ang currency nila dahil sa ginawang pag control ng IMF/World bank. Gusto ba nating mangyari ito?Mag-isip -isip naman tayo at baka paggising na lang natin sa mga susunod na araw ay wala ng halaga ang PESO,
dahil sa maling pagpili natin ng lider…
Totoo na simple lang ang kwalipikasyon na hinihingi ng Konstitusyon para kumandidato ang isang tao. Kung sakaling ang mga nanalo sa eleksyon ay mga “unqualified” na mga tao, hindi yan kasalanan ng mga kandidato. Kasalanan yan ng mga bomoto. Karamihan kasi sa atin, dahil ang sukatan ng ating pagpili ng kandidatong iboboto ay napakababaw. Sukatan #1: Kung sino ang sikat, iboboto ko. . . or Sukatan #2: Kung sino ang ibulong sa akin ng aming lider or taong pinagkakautangan ng loob, iboboto ko. . . or Sukatan #3: Kung sino ang “nakabili” ng boto ko, iboboto ko. . . Sukatan #4: Kung sino ang nangakong tutulong sa akin at sa pamilya ko, iboboto ko, etc.
Ngayon, kung sakaling ang mga nanalong kandidato ay unqualified, sorry na lang tayo. We have already been paid, one way or another.
Sa kabilang banda, maraming kumakandidato sa atin kahit hindi qualified. Ang importante sa kanila ay manalo. Kung sila ay sikat (artista or player) medyo menos na ang kailangan nilang puhunan na gagamitin sa kampanya. Kung sila naman ay kulang pa sa “pogi” points, kailangan mamuhunan sila ng malaki to finance their kandidatura. The motivation of these people is not “service to the country,” but “personal profit.” Milyon-milyon ang kikitain nila kapag nahalal na sila sa kanilang pwesto.
Kailangan talagang ituro sa ating mga estudyante ang tamang pamamaraan ng pagpili ng mga kandidato at kung ano ang epekto sa Bayan at sa mga mamamayan ng maling pagpili. We must teach the basics of right and wrong. The “Bueson” incident is only a symptom of what is wrong with our educational system. If the people who are charged of teaching patriotism to our children can issue a Bueson-like guideline. . . we are in big trouble.
Ang Bueson guideline ay hindi lamang insulto sa mga opisyal natin na katulad nina Sen. Jinggoy, kundi isa din itong insulto sa kredebilidad ng ating Educational system.
I suggest na ang mga school officials natin like Bueson be sent back to school to study Basic Government 101.
Atong
1. Paano nanalo sa eleksyon si Jinggoy “jingle bells” Ejercito?
2. Nandaya kaya si Jinggoy?
3. Paano nanalo sa eleksyon si Loi Ejercito?
4. Nandaya kaya si Loi?
5. Paano nanalo sa eleksyon si Juan Ponce Enrile?
6. Nandaya kaya si Johnny?
Siguro dapat gumawa rin ng surveys ng mga ganitong katanungan.
Inaanyayahan ko lahat na buong-buo ang paniniwala na si GMA ay nangdaya sa Eleksyon 2004, na maghayag dito ng kanilang paniniwala…
KUNG SINO SA MGA NANALO SA HULING ELEKSYON ANG HINDI NANDAYA?
===========================
Merong mga kandidatong nandaya, at nanalo.
Merong mga kandidatong maski na nandaya, natalo pa rin.
===========================
Ang mga nanalo ay nakaluklok na.
Ang mga natalo ay nagrereklamo pa.
============================
Ang mga taong sambayanan, lalong-lalo na yung walang hilig at walang pakialam sa pulitika (at mas maraming mamamayan na ganya kesa duon sa “nangingilig sa pulitika” – ay sawang-sawa na sa “kaka-bits” ng mga talunan.
Magmula ng 1946, kelan nagkaroon ng eleksyon na malinis, mapayapa, at maipagmamalaking – “vox populi na tunay at totoo”?
Alam ba ninyo na noong 1949 eleksyon ay ginamit ang military sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa umugong na balita ng pandadaya at kaguluhan?
Natatandaan ba ninyo noon eleksyon na “pati patay bumoto, mga ibon bumoto….?”
Alam ba ninyo na noong 1981 ng si muck farcos ay pumayag na magkaroon ng halalan – isa lang ang “dummy” kandidato ang lumaban? Si Alejo Santos. Ilan ang botong nakuha? 2M++. Si muck farcos ilan? $18M++. LANDSLIDE ika ng mga sipsip-balimbing na loyalista ni muck farcos. Samakatuwid ang tutal na boto ay humigit sa 20M!!!! Pag binilang ang total population…at ilan ang 18 years old and above…ilan ang registered to vote…(maski pinuwersa lang ang mga taong magregister)- at kalkulahin ilan sa registered voter and bumoto noong eleksyon day…halatang-halata ang garapal na pandadaya.
Ang Election Register ng mga botante ay taglay ang pandarayang ito HANGGANG NGAYON!!!! Kaya madaling mandaya sa eleksyon Pinalaki ang bilang ng qualified voters. Sa aking calculation, humigit kumulang ang Election Register ng mga botante ay OVER STATED BY AT LEAST 5M votes, noong 1998. At noong 2004 ay sobra by at least 7M votes.
Madaling manipulate ang resulta ng eleksyon. Op course, pag dating ng dayaan, kung sino ang madaming pera, at malawak ang “network” ng mga poll watchers, yun ang malamang manalo. Madalas,ang nasa puwesto ang nakakaramang sa labanang ganito.
ETO ANG ISANG HINDI MATANGGAP TANGGAP NG MGA TALUNAN, NOONG ELEKSYON 2004, LALUNG LALO NA YUNG MGA SUMUSUMPA HANGGANG NGAYON NA SI “DA Poe King” (INA’T AMA NAMAN AY BANYAGA PALA TALAGA), ANG DAPAT NAGING PRESIDENTE.
* *Noong araw ng halalan…halos walang inspector na nagbabantay para sa bilangan at canvassing ng mga boto ni Da Poe King (ina’t ama naman pala ay banyaga)
ANOOOO? WALANG NAGMALASAKIT NA TUMULONG SA BILANG NG BOTO PARA KAY FPJ?
SAGOT: Meron, pero kaya kakaunti na lang noong araw ng eleksyon ang nagbabantay.
TANONG: Bakit nga?
SAGOT: Sapagkat, maaga pa alam na nilang walang kalaban-laban si FPJ noong eleksyon. Kaya nagsiuwian ng maaga.
============================
Mabalik uli sa usapan. Ang kapal naman ni Jingoy.SENADOR????
Eh si Loi? Ano ang silbi niyan sa Senado?
Teka nga muna, ito bang si Jinggoy ay may kaso dahil sa paratang ng money laundering…ay “out on bail”. Hindi ba NONBAILABLE ang krimen na akusado siya? Bakit nakatakbo pa bilang SENADOR….Nanalo pa….bakit si Jinggoy ba ay may NATIONAL CONSTITUENCY SA BUONG PILIPINAS? Si Loi?
Bakit pumapayag ang mga maestra sa CHED at DepEd na bastusin sila ng isang sampid sa pulitika?
Pepeton
lahat naman ng mga naging presidente, puwera daw si Erap, ay mga may pinag-aralan at marurunong, lalu pa si Gloria na ekonomista daw sabi ng mga marurunong na nagluklok sa kaniya. PERO NASAAN NA BA TAYO NGAYON? Mas mahusay pa ngang pangulo si Erap ke Gloria. Kaya ayaw sa kaniya ng 80 porsiyento ng mga Pilipino. Pero ang survey ay tutuo lang kung pabor sa Malacanang, at kung hindi pabor ay hindi tutuo. At wala kang lusot d’yan. TIIS NA LANG?
Susmariosep. Nagsalita ang mga marurunong. Si Pangulong Estrada, bago nahalal na pangulo ay nagsilbe bilang alkalde ng San Juan, Rizal, naging senador, at naging vise presidente. Marunong umarte…kasalanan ba niya yon? Hinabol ng mga babae nung kapanahunan niya bilang artista. Nangbabae pa ba ang mamang ito ng mahalal na siya ng Bayan upang magsilbe sa kanila? Nagka-anak siya sa labas, pinanindigan ba niyang buhayin ang kanyang mga naging anak? Pinabayaang masipa siya ng mga Amerikano…dangkasi sinipa niya ang mga ito mula sa Subic at Clark air base. E papaano, madaya ang Amerikano. Umuupa sila ng limpak-limpak na dolar sa napakaliit na nirerentahan nila sa Japan, samantalang ang malalaking airbase sa Pilipinas walang upang deretsahan dangkasi tinawag nilang “aid” daw sa Pilipinas at ang mga kano ang nagdidikta kung papaano gagastahin ng mga Pinoy ang kanilang kakapurit na tulong.
Ayaw ng Amerika ke Estrada dahil ito ay maka-bayan. Ginusto pa ng America ang isang sinungaling, mandaraya, at walang malinis na budhi, na ni kakatiting ay walang pagpapahalaga sa Saligang Batas at mga Pilipinong mahihirap. Tanggalin sa gobyerno ang huwad na nagpapanggap na pangulo daw siya. Magpapatuloy ang pamamaslang sa mga Pinoy na periodista na may lakas ang loob na punahin at labanan ang huwad na pamahalaan hanggat hindi napapa-alis ang huwad na pang-gulo. Ang kamatayan ng mga mamahayag sa mga pahayagan mahihinto lamang kung maalis ang naka-iskuwat sa malakanyang.
Ayaw ko rin kay Joseph Ejercito kasi “alcoholic” siya. Ang ibig sabihin ng “alcoholic” ay yung isang tao…hindi makapagtrabaho ng hindi umiinom (i.e., cannot function without imbibing alcohol…or simply “drug dependent”. BTW, alcohol is a drug!
Anybody who does not see the grave danger in letting an “alcoholic” handle the reigns of the government, are likewise endangering the security and welfare of the country.
Sino ang kailangan ng pruweba na si Joseph Ejercito ay “alcoholic”? (i.e., ito ang dahilan kung bakit, nuon, madalas mangyari…may sasabihin siya…na ipapublish ng media…tapos kinabukasan itatangi niya…”Wala akong sinabi ganyan…hindi ko matandaan.” Akala ng iba, namumulitika lang si Ejercito – pero ang katotohanan, talagang HINDI LANG NIYA MATANDAAN LAHAT NG NANGYARI – “the morning after, the night before…ng partihan, lasingan at sugalan…”
Tigilin na natin ang “vaudeville”. At talakayin natin ng tapatan, harapan, at masinsinan ang mga problemang pinaguusapan dito.
Huwag magbibintang ng padaskul daskul at kung hindi kayang patunayan sa pamamagitan ng pagbatikus na marangal.
Pepeton
teka po, sino ba ang nagbo vaudeville…di ba ang mga nasa pwesto ngayon? pagbintangan? sino ang dating presidente o ang pekeng presidente? ang peke, e d nga ba’t napagbintangan na… na nag sorry naman. e hanggang dun lang ang pwede nyang ibigay sa atin…ang mag sorry. mano bang umalis na siya sa pwesto ng maayos na ang bayan natin…ang dating presidente na si erap, maski pano, nakapag silbi naman, lalo na sa mga maralita…bumaba ng palasyo para ayusin ang dapat ayusin na pinagulo ng mga gustong umupo sa pwesto…ano na nga ba ang folo up sa kaso nya…nakabitin sa ere? walang pinatutunguhan? sana sa darating na panahon, matuto na tayong pumili di lang sa edukasyon, sa kakayahan na pamunuan talaga ang bayang to.. na umaasa upang umunlad.
ang edukasyon ay di sapat para masabing magaling ang namumuno. iyong tapat sa kanyang tungkulin na pagsilbihan at may tunay na pagmamahal sa bayan. makatao at makatotoo.hindi nagagawa sa mga boladas at hocus pocus.
Che, mukhang nahahalata ang edad mo.
Eto ang kasagutan sa mga tanong mo:
1. Sino ang pekeng presidente?
SAGOT: Sino ang TUNAY NA PRESIDENTE (or sino ang HINDI PEKENG PRESIDENTE sa history ng Pilipinas)??? Umpisahan mo kay Aguinaldo. Siya ba ang kaunaunahang presidente ng Pilipinas? Akala ng marami. Pero Maling Akala yan. Sapagkat ang unang “republika” na pinamunuan niya ay hanggang LUZON lang. Hindi siya kinilalang presidente sa Mindanao. Ngayon kung pagaaralan mo ang history ng Pilipinas at hindi mo susuriin ng matimtiman ang puno’t dulo ng mga “historical account”, maniniwala kang si Aguinaldo ang naging presidente ng buong republika. Mali.
Si Quezon, first president ng Commonwealth. Tama. Paano nahalal si Quezon? Nuong matapos ang term niya first time, si Osmena ang dapat sumonod na presidente. Nanalo si Osmena..pero hindi umupo. Bakit…kasi nagkagera. Hindi “strategically wise” magpalit ng administration in the middle of the war..payo ng Kano. May katwiran naman…”don’t change horses, midstream” Lesson in the past; but some pinoys insist on ignoring their history. Tunay ba na-re-elect si Quezon or “compromise second termer lang”? Basahin mo ang history ng Commonwealth years.
Namatay si Quezon…pumalit si Osmena…natapos ang term…tumakbo ng re-election, tinalo ni “American Boy protege” – sino yun – si Manuel Roxas (lolo ng senador ngayon). Bata ng kano. Linuklok sa tulong ng kano. Tunay na choice ba siya ng mga Pinoy…HINDI…pero ganoon talaga ang pulitika…kung sino ang may gold, lamang.
Namatay si Roxas bago matapos ang term. Pumalit si Elpidio Quirino. Ano ang pula kay Quirino…”nepotism, corrupt, ostentatious extravagance…” In fact ang attempt niya for an extended term of office ay recorded in history ng halalan sa Pilipinas as – “the dirtiest of all times”…pati ang mga ibon at patay nakaboto. Ang pagkapanalo ba ni Quirino reflected the TRUE MANDATE of the people? Basahin mo ang ARCHIVES ng mga dalubhasang political pundits during that time. Liban kay IP Soliongco, karamihan ang paniniwala ay si Quirino ay “fake president”.
Dating si Magsaysay is my guy…Lahat alam na ang campaign ni Magsaysay ay hinawakan ng Kano. Isang opisyal ng military ng Kano, na CIA ang propagandist niya. Dollars yata ang campaign money niya. Magsaysay won by the LARGEST PERCENTAGE MARGIN IN THE HISTORY OF LEGITIMATE ELECTION IN THE PHILIPPINES – 70%!!! Malaki ang tulong ng dollars at kano sa pagkapanalo niya. Tulad ni Roxas, kung walang tulong ng kano, mahirap sabihing panalo din si My Guy, kasi…para manalo sa eleksyon..kailangan: Una, PERA; Pangalawa: Organization; Pangatlo: Bantay sa Bilangan ng Boto. Pangapat: More Money. Pag kulang ang kandidato sa kahit isa nitong apat na bagay na ito…siguradong talo, maski na popular sa tao. DAS REALITY IN PHILIPPINE POLITICS.
Mask na anong ngaw-ngaw at agitation ang gawin ninuman, walang epek on da pekpek. Accept that.
2. Si Carlos Pulistikus Garcia, pumalit kay Magsaysay nuong namatay siya sa sakuna bago matapos ang term of office niya.
TEKA…NAPAPANSIN MO BA CHE…out of 4 presidents so far, tatlo ang namatay in office, before their respective terms were up???? (Quezon, Roxas, Magsaysay)???? PARANG MAY SUMPA ANO???
Sabi ni Garcia – Pilipino First Policy…at Austerity Program ang platform niya. It was during the term of Garcia naging popular ang term na NEPOTISM. Basahin mo ang istorya ni Cosme Garcia, kapatid ng presidente. Pilipino first, ibig sabihin pala..”Una ang First Family, Pangalawa ang First Family…etc…kung may matitira pa, hati-hati kayong lahat…yan ang representative government ni Garcia”
Tinalo ni Kong Dadong Macapagal, poor boy from Lubao. 4 years ang term of office ng presidente nuon. Ang economic policy at platform ni Kong Dadong based on a “Five Year Socio Economic Development Program”…Hindi pa naguumpisa, kumakampanya na for a second term. Sabi niya hindi daw siya tatakbo sa re-election…THEN HE CHANGED HIS MIND, and decided to run against Muck Farcos. SO? Not the first, nor the last time…na ang pulitiko ay mangagako na HINDI TATAKBO FOR RE-ELECTION – si Quezon ganoon din. Kaya kung ngayon sasabihin ninyo NAGSINUNGALING SI GMA, KASI SABI NIYA HINDI SIYA TATAKBO FOR ANOTHER TERM…tapos pinalitan niya ang kanyang “pangako”…NO BIG DEAL YUN. Sa totoo lang.
Ano ang legacy ni Kong Dadong…”nationalism, patriotism”???
Kasi pinalitan niya ang Independence Day ng Pilipinas from July 4th to June 12. Pumapel sa mga nationalist. Palpak naman. It was during the term of Macapagal when the biggest shams, scandals, scams and shenanigans was exposed…natatandaan mo ba ang “It Appears expose…ni Amang Rodriguez???” Harry Stonehill and Robert Brooks…”Lahat ng politician sa Pilipinas ay nasa payroll ni Harry Stonehill. Siya din ang nagsabi: “Every Pilipino (poliltician) has a price, some more than others.” And when the case was over…his statement proved true and prophetic.
Dating si Muck Farcos…sabi kay Kong Dadong “Alis Diyan”. Then he parked himself in the OP, with intention from the very start…to become DICK-tator for life. Basahin mo ang DIARY NI MUCK FARCOS, na naiwanan sa Malacanyang ng nagtatakbo ang angkan niya at cronies dahil sa takot sa dami ng kasalanan nila sa sambayanan. Tunay na presidente ba si Muck Farcos ng layunin ng mga mamamayan? Or magaling lang siyang “mang-fake”, at ang mga tao naman ay madaling utuin…lalo na as the Germans say – “takot sa hauten.”
Si Cory Aquino, tunay na presidente ba? Sabi ng opisyal rekords…TALO SA HALALAN SI CORY. Comelec official returns, tatlong beses reneview…tapos renepaso uli ng Kongreso ng Pilipinas…ang opisyal report and record in our history book – PANALO SI MUCK FARCOS…BY 2M VOTES.++.
Yan ang HISTORICAL FACTS. Ngunit historical fact din…”Muck Farcos won the election, but LOST THE PRESIDENCY”. Ibang usapan yan. PEOPLE POWER ANG DAHILAN. Ayan, siguro medyo kabisado mo na yan. Pero, baka iba ang interpretation mo.
Kung inaakala mo, or inaasahan mo na mauulit ang People Power against Muck Farcos, sa turno ni GMA, malamang mali ang iyong akala. Ang People Power One ay bunga ng mahigit kumulang 15 taong kawalanghiyaan NA MAY PRUWEBA against Muck Farcos at kanyang mga CRONIES, at conjugal dictator. Labing Limang taong PRUWEBA ng TORTURE, Salvage, Media and Habeas Corpus and other human rights violations; PLUNDER…at kung ano-ano pang karumal-dumal ng pamilyang ginawang “family corporation” nila ang buong Pilipinas. Kaya dapat talaga…
Pero ganoon pa man…dahil ang mga hindi dumanas ng hirap ng panahon ni Muck Farcos, marahil; or baka naman tama ang sabi ni Harry Stonehill – na “every Pilipino has a price”, nakabalik ang mga ankang niya sa pulitika….FIGURE THAT ONE OUT FOR US, CHE!
Paano nanalo si FVR na maging presidente noong 1992. Kontrobersyal din ang resulta, hindi ba? As a matter of fact, yun ay TALAGANG KONTROBERSYAL…noon na imbento ang “pagnanakaw ng boto” – sa pamamagitan ng DAGDAG-BAWAS.
Nag protesta si Miriam D. Santiago. May nangyari ba? Natapos na ang turno ni FVR, wala pa. Madaming nagsasabi na…madaming kabutihang nagawa si FVR. Madami ding nagsasabi…perhaps, not as openly – OR HONESTLY, na madami ding maling ginawa si FVR, either dahil sa “honest mistake, or lack of dunong and experience”, or “sinadya, dahil sa pangangailangan, pagkat siya ay tao lamang.” Amari Scam. PLDT scam. Expo 2000. Foreign Military Sales aborted rehab program of the Philippine marines and navy. Madami pang iba. Pero, ang media, sweetheart si FVR. Magaling humawak at magmanipulate ng media si FVR, dahil aral sa pinsan niyang si Muck Farcos…ang buong paniniwala ko.
Ngunit ng pumosisyon si FVR ng CHA-CHA, para extend ang kanyang pagiging presidente, si Cory Aquino mismo na nagtaas ng kanyang kamay, para endorse si FVR as president nuong tumakbo siya noong 1992, ang namuno sa pagsalungat sa Cha-cha…(kaya si Carmen Pedrosa Navarro, na lider ng PIRMA movement na kumamampanya ng CHA-Cha, ay may ax to grind kay Cory…).
Dahil dito nagtapos ang term ni FVR, sabi nga, not on a good and popular note or tune…noong si Joe de V ang inindorse niya…(may history din ng mga iskandalo haunting him…from Landoil to Amari land deal), linampaso ni Joseph Ejercito…sa tulong ng COPA movement – “Anybody but Joe de V.” Kaya nanalo si “ERAP”, na kumampanya on the platform, “Erap para sa mahirap….” (Bakit hindi ninyo ako subukan…magpahirap lalo sa mahihirap…were the unspoken campaign words).
Yan ang kumpletong background ng presidential history ng Pilipinas. Hindi masikmura ng mga Pinoy ang mga kababuyan at kawalanghiyaan ni Erap, a.k.a. Joseph Ejercito…kasi MAY PRUWEBA…na napakita…na nakita…na halata at obvious, kasi siya mismo ang nagmamalaki….sabi pa nga ng isang kabinete niya na isang Pekeng Aktivista kunyari…”inggit lang kayo”. Ganoon huh? Ng ina mo, lumayas ka diyan…alcoholic at philanderer na (amenado siya mismo), plunderer pa (linilitis sa saligang batas sa kasalukuyan)…SIPA SIYA, AFTER ABOUT 2 AND 1/2 YEARS ONLY.
Sa loob ng panahong yan…madaming pinsala ang ginawa ni Erap at ng kanyang kabinete, both opisyal at “nocturnal”. Ayan ang plataforma ng gobyerno noong pinaalis siya ng mga tao (oo nga, sa tulong ng militar)…at pumalit si GMA.
Magmula sa unang araw ng paginstall kay Bise Presidente GMA bilang president na pumalit sa ousted one…walang lubay ang medya at ang mga NAPATALSIK SA PUESTO sa demolition campaign against GMA…Umpisahan mo ang pagreview from January 21, 2001….
Kung ano ano ang akusa…lahat base sa “pure anecdotal accounts”, allegations ika nga. Puede nating lista lahat…as in lahat ng allegations ng anti-GMA, political opposition, or media assets, or those “innocent bystanders” na naniniwala sa kakayahan at katapatan ng “another artista”, na barkada ng sinipang presidente. Natapos ang balanse ng turno ng 2004. Tumakbo for election for a second term. PANALO. Hindi pa rin humhinto ang mga TALUNAN.
Kaya ang tanong ganito. Ano ang gusto ninyo REVOLUTION? Basta matanggal lang si GMA sa puesto, dahil gusto lang ninyong MAGHIGANTI? Dahil MALI ANG INYONG AKALA??? Kayo ang nagkamali, bakit gusto ninyo ang buong sambayanan ang magbayad ng inyong pagkakamali. TAMA BA YAN? Hindi ba mali?
Karamihan diyan na nagkukunwari na mahal ang bayan, at may malasakit sa mahihirap ay PUMAPAPEL LANG, weder pulitiko or media or PR propagandists. Ang tunay na katotohanan ay…
GALIT LANG SILA AT NAANTIPATIKUHAN KAY GMA…SA TINDI NG KANILANG PERSONALANG GALIT…HINAHAMAK NILA LAHAT NG TUWIRANG PAGIISIP, BASTA MASUNOD LANG ANG KANILA PAGNANASA…MAPATALSIK SI GMA, SA ANO MANG PARAAN. BASTA!
Ang krystal ball ko naman ay nagpapahayag…”Kaya ng media at propagandista na lokohin, linlangin, manipulahin at dramahin ang ibang tao, paminsan-minsan; pero hindi sila magsasaksi, na lokohin, pagsinungalingan, at manipulahin ang ibang tao, all da time.”
Si GMA ay legitimate na presidente. The only way the opposition and those na “hate na hate” si GMA will come close to getting rid of GMA before her term is up is through A CONSTITUTIONAL PROCESS, and PEOPLE POWER MANDATE OR REFERENDUM…that will demand and dictate it…any other way is FUTILE. Recycling allegations and charges without any evidence or sound and credible reasoning to back such allegations is not going to do it.
NOBODY GETS A SECOND CHANCE, TO MAKE A GOOD FIRST IMPRESSION. That is the rule in the competitive marketing jungle. Lahat ng pinalabas ng opposition against GMA and her family…lahat ng ‘expose’ FAILED….recyling these will have little or no epek on “da pekpek”. Kung hindi kaya ng oposisyon na tanggapin ito…talagang wala na silang pagasa…talagang forever TALUNAN SILA…at siguro, dapat lang…
Afterthought:
(isipin mo naman ang “line up nila”, hindi kataka-taka..pulos talunan caliber talaga. Sa boksing, pag kinalaban mo at chinallenge mo ang KAMPEON, dapat CONVINCING para ma-dethrone mo. One convincing way to persuade the judges is – KNOCK OUT…OR KNOCK DOWN…
But so far, lahat ng jab, uppercut, bolo punch, body punches ng oposisyon…maski hindi masangga or mailagan ni “little girl”, ay wa-epek-on-da-pekpek….WHY? kasi ang mga oposisyon ay magaling lang sa SHADOW BOXING…yun yun)
Pepetobn
pepeton, haba naman ng history mo…o kaalamang taglay mo…malamang pati sa eksperyensya na nadaanan mo na, kaya nalaman mo na yan o sana naman di ka tuta ni little girl? salamat sa mga kaalamang binahagi mo sa akin. pero sana naman… hangad ko na sa susunod na eleksyon ay tamang liderato na ang ating ma iboto para wala ng mangyayaring sisihan. Isa lang naman ang hinahangad natin e…umunlad ang ating pamumuhay at ng ating bansa. siguro sa iba, marami pa silang hinahangad…maka upo sa pwesto at magpayaman pa dun…isipin din natin na ang bawat buwis na binabahagi natin ay nanggagaling sa ating pinag hirapan na dapat ay ginagastos upang maisulong pa konti konti ang ating bansa…para makausad naman! Ekonomista na si Ma’am di pa rin tayo makausad…tsk tsk tsk…kawawang Inang Bayan.