Skip to content

Nagmumulto ang Hello Garci

Kahit ilang beses na gusto ibaon ni Gloria Arroyo ang kanyang pandaraya noong 2004 eleksyon, nabubuhay.

Nai-proclaim si Arroyo ng Congress habang tulog ang buong bayan kahit na maraming nilabas na dokumento na nagpapatunay ng pandaraya ang oposisyon. Dinismis ng Supreme Court ang protesta ni Fernando Poe, Jr. Kaya akala ni Arroyo tuloy na tuloy na siya. Hindi na maungkat ang kanyang pandaraya.

Biglang lumabas ang “Hello Garci” tapes kung saan maririnig ang pagu-usap ni Arroyo at ni Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kung paano ayusin ang resulta ng eleksyon para lumabas na panalo siya ng sobra isang milyon.

Biglang nawala si Garcillano.Kung ano-anong panlilito ang ginawa nila sa taumbayan.

Kung ano-anong pagbaluktot ng batas para lamang mapatay ang impeachment complaint.

Akala ng Malacañang patay na.

Ngunit itong magiging pinuno (sa Dec. 1) ng maimpluwensya na Catholic Bishops Conference of the Philippines na si Archbishop Angel Lagdameo ay hindi naniniwala na tapos na ang isyu ng Hello Garci tapes. Sabi niya, dapat raw ma-resolba and isyu kung nandaya nga si Arroyo noong 2004 eleksyon.

Sang-ayon doon si Parañaque Rep. Roilo Golez. Sabi niya, “Buhay na buhay ang Garci tapes isyu habang hindi nagti-testigo si Garci at si Sammuel Ong sa isang pormal na pandinig. Pagkatapos ng isang taon na ban sa impeachment, gagamitin ang Garci tapes sa panibagong impeachment complaint.”

Sabi ni Golez, maaring lumabas si Garci or maaring may bagong impormasyon tungkol sa kanyang “biological status”.

Marami kasi ang nag-alala na baka permanente nang nanahimik si Garci.

Itong isyu ng “Hello Garci” tapes ay parang multo sa pelikula na nagmumulto sa mga pumatay sa kanya. Kung kailan akala nila tapos na ,biglang susulpot.

* * *

Si Edwin Olaes ay nababahala sa nangyari na barilan sa Ortigas kamakailan kung saan nakunan ng TV ang pagbabaril ng mga intelligence agents sa mga nakahandusay na tatlo suspek: “Hindi ko mapigilan ang mag-react sa mga kaguluhan diyan sa atin sa Pilipinas, lalo na yung rubout sa tatlong carjackers suspect.

“ Kahit nasa malayo kaming lugar ramdam namin ang katotohanan dahil iyan na mismo ang pagkakilala namin sa mga bulok ng PNP sa atin. Kahit na totoong suspect sila may karapatan silang mabuhay pero hindi na umiiral ito sa bulok na sistema ng ating gobyerno dahil nga nasa administrasyon na ni GMA ang lahat ng kabulukan lalo na sina Sec. Angelo Reyes at Raul Gonzales.

‘Sa tuwing makikita ko sila sa TV (TFC),kasama na si GMA gustong kong basagin ang TV namin dahil sa hindi nila makataong ugali. Palagi kong pinagdarasal na sana husgahan na sila ng Maykapal sa kanilang kasakiman.”

Published inWeb Links

105 Comments

  1. Bilib ako sa iyo ate Ellen, dati hindi ako Abante reader, pero nang mabasa ko ang “Prangkahan” mga 5 months ago, ay parang lagi ko nang inaasam ang mga tunay at makatotohanang banat mo sa ating PGMA.. Talagang matindi ang kapit ninya sa Malakanyang…bagsak sa rating, hindi raw bale..di naman daw popularity contest..kabi-kabilang rally at demonstrasyon, hindi rin natinag, at ang nakapagtataka… bakit parang sawa na ang mga tao na sumama sa people power? dahil nga ba sa walang mamuhunan? subalit sa paningin ng ating Poong Maykapal, darating din ang kanyang paghatol.. daanin natin sa panalangin..

  2. leo lacasa leo lacasa

    Para po sa akin, kahit anong batikos ang gawin natin sa garci tapes story wala po tayong magagawa pagkat ang taong hinahanap natin ay nasa paligid lang at lalabas lang yan sa taong 2010 pagkatapos ng termino ni GMA. Kung nagawa ni Garciliano noon na linlangin ang taong bayan eh di lalo pa ngayon na nagwagi sila sa pandaraya. leo ng paris

  3. Alitaptap Alitaptap

    “Hello GARCI, hello” , taghoy ng mga batingaw
    Tuwing lumolubog ang araw sa dagat silangan
    Hinagpis ng taong bayan sabik na umaalingawngaw
    Mabigyan man lang lunas sa sinapit na kaapihan.

    “Hello GARCI, hello”, sa himpapawid paiilanlang na bulong
    Sumasamo’t nakikibalita ngunit mariing naguutos
    Sa kabilang panig pala’y nakikinig si Sammy Ong
    ‘Huwag magatubili at akin lahat ng gastos’.

    “Hello GARCI, hello” nasaan ka na ngayon
    Ikaw ba’y sa lungga mong six feet under
    Kayong dalawa ba magkasama, ikaw at si Sam Ong
    Sa hirap at ginhawa sa COMELEC magsama together?

    “Hello GARCI, hello” hinahanap ikaw ng kongreso
    Itinatago ba ikaw ni Albert Romulo
    Kahit na si presidente sabik na sa iyo
    Lumantad ka na, “Hello GARCI, hello”.

    Alitaptap

  4. Tomas Tinio Tomas Tinio

    Wala bang pamilya itong si Garci? Gayon din si Bolante? AT iba pang nawawala/nagtatago? Hindi ba puedeng ma-interview ang mga kamag-anak nila? Wala bang kakayanan ang mga investigative journalists (huwag na ang mga autoridad dahil maka-administrasyon) para ungkatin ang mga detalye tungkol sa mga nawawala/nagtatago? Just curious.

  5. Sa tanong ni Tomas kung may pamilya si Garci at si Bolante, ang guess ko mukhang pati sila kasama sa cover-up. Siyempre naman siguro busog ang mga yan. Ang mahirap lang, hindi naman personal na pera ni Gloria Arroyo ang ginagamit sa cover-up na ito. Pera ng bayan. Pera natin.

    At hanggang kailan sila magbbayad para magpagtakpan ang hindi naaalis na baho ng kanilang kasalanan? Ngayon nawawala na naman itong si Judge Moner at ang kanyang tatlong kasama na siyang mga galamay ni Mike Arroyo sa pag-ayos ng resulta ng mga boto sa Lanao.

    Ilang tao pa ang mawawala?

    Naniniwala akong may Diyos na nanonood sa nangyayari. Hindi naman siguro siyang papayag na hindi mabigyan ng leksyon ang nandaya at nagnakaw.

  6. MAKAKAPAL LANG PO TALAgA ANG MGA MUKHA NG MGA NAMUMUNO NGAYON LALUNG LALU NA PO ANG ATING PANG-GULO GLORI,. MIKE & MIRRIAM DEFFECTIVE..

  7. sa buong buhay ko,ngayon lang ako nakakita ng mga taong sobra ang pagka sakim sa kapangyarihan,si GMA at ang kanyang mga ka alyado,kasama na ang grupo ni FVR at ni JDV.si JDV kaya eh wala na talagang kunsensya?di ba namatay ang anak niya na babae dahil sa sunog.sana siya na lang ang nasunog.si Comelec Chairman Abalos naman ay namatay ang apo niya,na ayon sa kanya ay ang “pet” daw niya.sana siya na lang ang kinuha ni Lord!!si FVR alam ko malapit na rin kunin ni Lord yan,sana bago ang lahat eh isama niya na rin si GMA,pati na rin ang mga demonyong kasama niya sa Gobyerno,sila bunye,mike defensor,saludo,tiglao,ermita at si DOJ Gonzales.

  8. Juan De Vera Juan De Vera

    Sa sobrang laya ng tao sa pamamahayag di na natin batid na ang tinitira natin ay ang may pinakamataas na pwesto sa pamahalaan.Na kung lait-laitiin natin ay para bang langgam na lang sa ating paningin.Kung sakaling bumalik kaya tayo sa tulad ng panahon ni Marcos?Makapagsalita pa kaya tayo ng katulad ng binibitawang salita natin sa ngayon?Sa klase at tunog ng boses natin, di na natin kilala na hanggang dyan lang ang ating magagawa, mamuna,bumatikos,pero di magdikta ng dapat gawin.Hanggang dyan ang ating kakayanan at kung tayo naman ang andun, batikusin, tirahin,lapastanganin pati bulok nating buhay,makatulog pa ba tayo?Nasasabi lang natin siguro dahil wala tayo doon sa kanilang kinalalagyan.Ganyan din sila noon, kayulad ng ilan ngayon, batikos dito batikos doon sa klase ng bulok at mabahong gobyerno,na kesyo pag sila ang andoon di na muling babalik ang bantot na naamoy nila.Pero tingan mo ngayon,di ba sila din umaalingasaw?
    Kaya mga manunulat, mga mambabasa at mga bumabatikos, tanungin muna natin ang sarili natin.Kasabay at kasama ko ba sila sa pagluhod sa altar na nananalanging sana`y mawala sa pwesto atng ipinadarasal ko noon?Baka sa susunod IKAW na kapatid ang binabatikos dahil mas mabaho ka pa sa basura at burak na isinusuka mo.Tingnan natin ang ating sarili kung malinis ba tayo?Sa mata ng Dyos una sa lahat, sa mata ng tao na pwedeng pagtakpan at sa ating sarili na pwede mong dayain kahit anong oras,sandali o sa kahit anong pagkakataon.Tanungin natin ang ating sarili…

  9. SI ATE GLU ANG KARUMALDUMAL AT SUPER GARAPAL NA PRESIDENTI AT ANG MGA TAGA SALO NG UTUS NYA NA SINA TOTING (MUNTING TUTA)BUNYEAH,MIKE DEFENSOR,MERIAM DEFENSOR,ERMITA AT ANG PLANTSADONG SIRAUL GONZALES INJUSTICE SECRETARY AY DAPAT NANG MAG EVAPORATE. HUWAG SILANG PUPUNTA DITO SA VANCOUVER AT TATADTARIN KO SILA NG KUROT ,SASABUNUTAN KO NG BUHOK SA ILONG AT KILIKILI KASAMA NA RIN SI BOLANTE AT GARCI. MGA MAKAPILI, TRAYDOR NG BAYAN.
    HANGGANG KAILAN PA KAYA MAMALASIN SA TROPANG ITO ANG BAYAN NATIN. TALAGANG MACACAPAL SILANG LAHAT.

  10. Che Che

    Ayan, bumalik na raw si Garci. Mabubuking na ang pekeng pangulo

  11. Antayin natin ang pahayag, Che. Sa ibang posting yung mga antay ng antay at gigil na gigil sa paghahanap kay Garci, ngayon baligtaran lahat…”hindi na raw kailangang bumalik si Garci…kasi kasinungalingan lang daw ang sasabihin”.

    Saan pupunta ang mga postings na ganyan? Matanong kita Che. Halimbawa ipilit ni Garci na “ilabas lahat ng tapes dahil madaming ibang pulitiko ang tumatawag sa kanya ukol sa eleksyon…para PROETEKSHUNAN ANG BOTO NILA”. Maniniwala ka ba?

    pepeton

  12. Leo Acasa,

    Tama ka sa una. Pero mali ka sa pangalawa. Nasa paligid ligid lang pala si Garci. Pero lalabas before 2010.

    Ano pa ang ibang prediction mo?

    Pepeton

  13. Ellen,

    Paano ngayon magmumulto si Garci, eh buhay pala? Palpak na naman ang mga kwentutang – “sinalvage na si Garci ng Administration at Pro GMA….dahil he will tell the truth.”

    Ngayon ano naman ang follow up kwentutan??? “Nabili na si Garci…so he will tell a lie?”

    =====================
    Mali si Golez…hindi ang tapes ang buhay na buhay…si Garci ang buhay na buhay…DAW!!!!! Sabi ni Grace. Confirmado ni Pichay, nakausap pa raw nga niya. At, gusto ni Pichay, he will take over his custody….

    Talagang ang Pinoy na pulitiko, never passes an opportunity…SAD KSP talaga….”Sali Ako Diyan…Kulang Sa Pansin” Syndrome.

    =======================
    Eto ang sinabi mo kasi:

    “Sabi ni Golez, maaring lumabas si Garci or maaring may bagong impormasyon tungkol sa kanyang “biological status”.”

    “Marami kasi ang nag-alala na baka permanente nang nanahimik si Garci.”

    “Itong isyu ng “Hello Garci” tapes ay parang multo sa pelikula na nagmumulto sa mga pumatay sa kanya. Kung kailan akala nila tapos na ,biglang susulpot.”
    ===============

    Paano ngayon, biglang nagpahiwatig si Grace na gusto ng husbany niya – “ilabas lahat ng tape…including yung tape ng tawag ng ibang pulitiko…” paano ngayon?

    Madaming klaseng tape diyan. Yung iba nilabas na. Yung iba palalabasin pa lang….yan ang inaantay ko.

    Kasi, pag lumabas lahat ng tape…mabubulgar ng husto kung sino-sino talaga ang kasabwat sa lahat na anomallia sa pangdadaya at irregularities ng eleksyon…hindi lang ng 2004, but sampu ng mga nakalipas. TIGNAN NATIN ANG GALING NG MEDIA PALABASIN YAN. Sige nga.

    Pepeton

  14. Kung ano man ang laman ng iba pang tape, hindi yan bumubura ng pandaraya ni Gloria na nabulgar ng three-hour Hello Garci tapes.

  15. penoybalut penoybalut

    walang siguro hahamak at lalait sa isang tao kapag naging malinis at makatarungan ang trato mo sa kapwa. mas lalo ka pang isasamba at pupurihin.

  16. Ellen,

    “Three hour tape???? Presidente ng ano mang nation maski third world country…hindi kapanipaniwala na ang presidente ay “mawawire tap ng tatlong oras” na hindi niya nalalaman. Yan ang unang hindi kapanipaniwala.

    Pangalawa, ang average length ng paggamit ng telefono ng mga heads of state ALL OVER THE GLOBE, ay ni hindi umaabot ng dies por siento (10%) ng tatlong oras!

    Antayin nating ilabas ang FIVE MINUTE tape na pinagawa kay Kevin T. Maski hindi paniwalaan ang matututuhan sa na tape…ang mas importanteng ibulgar ay ang mga GALAMAY na gumagawa ng ganyang karumal-dumal na panloloko sa sambayanan.

    Ang pula ko lang sa media…DAPAT RESEARCH NINYO ng professionally. Example ko. Si Mike Defensor, nagpalabas ng Jonathan tape expert daw…siguro sa tape measurement yun magaling. Nagtipid ayun ang nakuha…palpaken da volkswagen…ano ang slogan ng Volks???? “We are DA BUG…we refuse to grow big…” Yes, sabi ko, and you are ugly too. I will stick to my “Toyota hybrid Prius”. Mura nga pero RELIABLE at ECONOMICAL.

    Meron kasing mga Pinoy, “naghaharimonan” – gustong magpapogiPOINTS…pero ayaw gumastos…Actually, tama ang sumbat ni Chavit kay Erap…”gusto bida siya, pero ayaw namang magalpas ng kuwalta para defende ang sarili, akala niya madadala sa papogi-pogi, masyadong over confident sa sariling ‘apil’ “.

    Magkano ang binayad sa expert tape or sound engineer na ginamit ni Mike? Check his background. MALAYO KAY KEVIN yan.

    Eto, “indicative evidence” that helps to corroborate the existence of the “REEL TAPE” NA PINAGAWA SA ISTEYTS…yung personal lawyer mismo ni Erap…yung konektado sa Muslim foundation niya…ang umamin sa pagsisiyasat ng Senado…”The tape was made in the USA…” BIGLANG NABURA ANG TESTIMONY NOONG TAONG YUN…Pero nasa archives ng lahat ng broadsheet. Eto yung tape na yun.

    Sino ang may kopya ng tape na yun? Eh di ang dapat at kinauukulan. Hindi puedeng tanungin si Wikes at sa sandaling ito, ay nagaagaw buhay daw si Wykes Wycoco. (Sana naman gumaling siya…at para matapos niya ng husto, lahat ng inumpisahan niyan IMBESTIGASYON sa Kuratong Baleleng, sa paguusig sa iba’t ibang kaso laban kay Ping Lacson, at marami pang iba…). Ang IsAFP, alam kaya ito? Malamang.
    Pero sila kaya ay alam ang kumpletong “istorya” ukol sa tape na ginawa ni Kevin T? Ewan ko.

    Sa kabilang dako, ika nga, let’s do the math. Pag siniyasat ng independent auditing firm ang mga resulta, and they focus on the region under controversy…makikita ng maliwanag na AKADEMIC ang Mindanao sa resulta ng eleksyon.

    Ilan ang population ng Muslim Mindanao? Humigit kumulang 5M++. Ilan ang voting age? Palagay natin, 50%. Madami na yun. Ilang ang traditionally, nagreregister – lagay sa 75%, malaki na yun. Kulang kulang sa 2M (1.875M). Sa mga registered voters, ilan ang traditionally na bumoboto on election day. Sige, be generous 80%. Compute. 1.5M ang bumoto…SIGE BIGAY LAHAT NG BOTO KAY DA POE KING (ina’t ama ay banyaga naman pala, so why did they even allow FPJ to run…kung hindi din makakaupo?)…Ilan ang opisyal return ng COMELEC, CERTIFIED AND VALIDATED BY CONGRESS…?
    2M++. Talo pa din si FPJ.

    Walang laban talaga. Hindi lulusot. Walang dapat burahin sa tape. At sa isipan ng karamihan ng tao at mamamayan. Pero tignan mo, Ellen, ngayon pa lang, hindi pa dumadating si Garci…panay “sabi ni Grace”, “sabi ni Pichay”, “sabi ng ganoong reporter,” pa lang ang nalalaman nating lahat…kung ano anong pagdadahilan at iba at kabaligtarang story-telling lies naman ang binabanatan ng oposisyon at anti-GMA media.

    Ngayon naman ang media mismo at oposisyon ang sumisira sa credibility ng DATI NILANG INAASAHANG STAR WITNESS, to demolish and destabilze ang adminstration ng maliit na tao, ma malaking mandaya…hindi ba yan ang istoryang puedeng patunayan…maski walang hard ebidens…mas credible.

    In litigation…ang ginagawa ng “repondent-complainer”…is “destroying the credibility of their own witness…” ANO YAN? Gagawing HOSTILE WITNESS NAMAN SI GARCI….AT GRACE AT BUONG PAMILYA????

    Ang labo talaga ng Pinoy when it comes to democratic self-rule and self-governance. They make up the rules and change them as they go along…tapos, ng hindi mapagtugma ang istorya, sisishin ang form of government.

    I posted elsewhere, on several occasions, regarding different topics…which now I find appropriate to recapitulate here…”Yes, Forrest Gump, stupid is, stupid does. But…in da Pilipins, it’s not the infrastructure, nor the logistics, nor the form or system of governance…it’s the politician, stupid!”)

    Let’s stop blaming the voters also. LIke Harry Stonehill said: “Every Pilipino (politician) has a price.” And he proved it (during Macapagal’s term of office – that’s Kong Dadong).

    Philippine elections results reflect not so much “vox populi”, or the (true) mandate of the Pilipino people, but the “manipulative and skillfull ability of the power mongers to buy votes”. YAN ANG TALAGANG WHOLESAL PROBLEM OF FRAUD AND DISHONESTY IN ALL PHILIPPINE ELECTIONS.

    Let us stop kidding ourselves here. Yang pinapalabas ng oposisyon na “pandadaya ni GMA”, na ginagawa nilang MAJOR ISSUE, against GMA, ang tawag diyan…kung totoo man at may pruweba silang mapakita…RETAIL LANG YAN. And as I have “projected its mathematical impact”…small change yan.
    Part of the + or – margin of error yan. NO EPEK ON DA PEKPEK…kaya mahina ang ulo talaga ng oposisyon…kaya dapat nga matalo. Dinadaan sa arte at drama. Mayroon ng script, adlib pa ng adlib. Kaya walang katuturan ang mga reklamo. Sige nga tignan natin ang PROOF ni Loren Legarda against Noli de Castro…sige nga. Akala ni Loren nasa ABS-CBN pa din siya. Nakalimutan niya…maski sa broadcasting, mas malawak ang audience ni Kabayan.

    Yan ang barkada ng oposisyon. Isang grupo dinadaan sa arte at drama. Ito namang si Loren, nagrurunong runongan, at nagtatapang-tapangan. Parepareho namang walang pruweba, at nagbabakasakali lang na makalusot.

    Eto hindi binabanggit ng media. Bakit masigasig si Jinggoy bigla sa kanyang pagbabatikus…mahigit na isang taon since he was elected Senator, wala halos tayong nadidinig na legislative participation siya…ngayon biglang nagpapamedia…EDUCATION pa ang tinatalakay. Kung si Raul Roco pa ang Dept of Education Secretary, malamang pinagalitan din ito, tulad ng pinagalitan ni Roco si Raul Daza during the impeachement trial hearing of Erap in the Senate…”Hindi naman siya Senador…Hindi naman siya Judge…Pinagbigyan mo na…umaabuso pa…Hindi kami nagalitan ni Daza…PINAGALITAN KO SIYA…abusado eh” (ambush interview, almost verbatim quote yan). Sa senate floor, sabi ni Raul in reference to Daza: “our Honor (Davide), Counselor for the defendant, is OUT OF ORDER…I demand a reprimand….” Loko, natahimik si Daza.

    Ganoon dapat ang makasagupa ng mga opsisyon na wala namang platform better to offer and whose only obsession is to get rid of a seating president….

    IT IS NOT GOING TO HAPPEN….hindi naive ang mas nakakaraming Pilipino. Among themselves, nagbobolahan ang mga oposisyon – they talk so much among themselves, they have convinced themselves…but nobody else to their misinformed perceptions and mindsets.

    The only way to get GMA out of the presidential office is THROUGH THE CONSTITUTIONAL PROCESS…and what are the chances of that happening? No matter how much, how often, how persistent the recyling of old charges…WITH PROOFS, THAT’S ALL THEY ARE, “RECYLED CHARGES” And they are old and getting older…And so are all of us…everyday.

    Happy Thanksgiving.

    Pepeton

  17. andrea andrea

    tama pepeton, kaya marami yata ang naliligaw dahil sa chismis information. yan din ang puna ko dati, malaki epek nyan sa isip ng tao kung lagi silang pinakakain ng hindi ng hilaw na information…hindi solid, puro sabi, sabi nito sabi ni mr. x ng saudi, etc…..para bang me masulat lang at mai-submit sa boss nila…hinaing ko lang ‘to ha, at thanks sa blog na ito.

  18. loy loy

    pepeton,

    hindi naman nakipag-usap ng buong tatlong oras si gloria kay garci eh! yung three-hour tape na yun eh compilation ng conversations ni garci with different people at hindi nangyari yun sa loob ng isang araw lang. but gloria called him at least 15 times during those times. and gloria knew thatshe was beingwiretapped. syempre sya ang nagpa-utos nun eh. she didn’t trust garci enough baka kasi mabili ng oposisyon ng mas malaki at bumaliktad.

    maram ag umasa namagsasabi ng totoo si garci kaya inantay talaga na lumabas sya. kaso nung lumabas sya marami ang nadis-apppoint. dun lang sa sinabi nya na he was in the country all this time (hindi daw sya umalis ng bansa simula nung june after the hello garci scandal broke out) aba eh napakalaking kasinungalingan na yun. documented ang entry and exit nya sa Singapore nung july 14 and 15. sabi nila bakit di daw bigyan ng benefit of the doubt si garci. papano mo naman bibigyan ng benefit of the doubt ang isang taong huling-huli na nagsinungaling. sayang chance na sana nya na i-redeem ang sarili nya.

Leave a Reply