Skip to content

Abono sa boto

Sa Huwebes, naka-schedule mag-testify si dating Budget Secretary Emilia Boncodin sa Senate investigation tungkol sa P1.2 bilyon na pera para sa fertilizer fund na ginamit sa kampanya ni Gloria Arroyo noong 2004 elections.

Sa Hyatt 10, ang sampung opisyal sa administrasyon ni Arroyo na nagresign at nanawagan sa kanyang pag-resign noong July 8, si Boncodin ang kinatakutan nina Arroyo na magsalita. Kasi, bilang budget secretary maraming alam si Boncodin tungkol sa pera.

May mga balita na pinaki-usapan ng Malacañang si Boncodin na huwag magsalita. Nang hindi nakuha sa paki-usap, sinamahan ng banta.

Mahirap ang lagay ni Boncodin dahil nakapirma siya sa lahat na perang inilabas ng Malacañang. Kaya kung mapatunayan ang anomalya, sabit siya.

Sa mga nakalipas na buwan, tahimik si Boncodin dahil alam niya kung gaano ka sensitibo ang kanyang lagay. Sinabi niya na magsasalita lamang siya sa isang legal na forum. Hinihintay niya noon ang impeachment hearings. Kaya lang, pinatay ng mga alagad ni Arroyo sa Kongreso. Dahil nga ayaw na ayaw nila marinig ng taumbayan ang mga baho na ilalabas katulad ng sasabihin ni Boncodin.

Kahanga-hanga ang pagsama ni Boncodin sa Hyatt 10. Ngunit hindi nakapagtaka. Kilala siya na malinis at masipag na opisyal.

Maysakit si Boncodin sa kidney. Nagkaroon siya ng kidney transplant. Kaya noong isang buwan hindi siya naka-harap sa Senado kahit gusto niya dahil nasa hospital siya. Nagpadala lamang siya ng deposition kung saan sinabi niya na nai-release niya ang pera para sa fertilizer fund bago mag-eleksyon dahil kumpleto naman raw ang papeles. Kung paano ‘yun ginamit, hindi na niya alam.

Ang abogadong si Frank Chavez ang unang naglabas nitong anomalya sa fertilizer fund na dapat ay tulong sa mga magsasaka. Ngunit doon sa listahan ng mga recipients nakasama si Rep. Maitet Defensor ng Quezon City at Makati Rep. Teddy Locsin. Wala namang sakahan sa Quezon City at Makati.

Sabi ni Locsin, wala siyang natanggap. Sino ang bumulsa noon? Hindi na ako sigurado sa paliwanag ni Defensor ngunit naala-ala ko may nagsabi na para raw sa ginawang farming sa mga bakante na lote sa Quezon city. Sige na, para lang makalusot.

Ang may pasimuno talaga sa anomalyang ito ay si dating Agriculture Undersecretary Joc-joc Bolante na bata ni Mike Arroyo sa Department of Agriculture. Sabit rin si Agriculture Secretary Cito Lorenzo sa kaso ngunit sabi ng mga nakaka-alam, walang alam dito si Lorenzo dahil noong panahon niya doon sa department, pinaiikutan lang siya ni Bolante.

Nang pumuntok itong anomalya, inalis si Bolante at linagay sa GSIS. Ngayon nawawala na rin siya katulad ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Bumalik dito sa Pilipinas si Bolante noong isang buwan para saisang international meeting ng Rotary Club dahil opisyal siya. Nagtago siya sa media at hindi siya sumipot sa Senado. Halatang may tinatago.

Abangan natin ang testimony ni Boncodin sa Huwebes.

Published inWeb Links

71 Comments

  1. Onin Onin

    Masaya ito…sa tingin mo Ellen, malalampasan pa ba ni Gloria tong kaliwat’t kanang kontrobersya? sa yo lang palagay, nagtataka lang ako bakit nung panahon ni Erap parang naging napakadali na napaalis sya sa Malacañang? Eto isinasampal na sa mukha natin ang kabalahuraan e, still andun pa rin sya sa pwesto nya..Hindi natin deserving ang magkaraoon ng bogus president..Sabi ng ilan kung papalitan si Gloria sino daw ang ipapalit baka daw ganun din ang mangyari, e hindi ba’t nasa stage na nga tayo ng pagiging “Banana Republic”? Masakit man tanggapin e talagang ganun ang mangyayari hangga’t hindi tumitino ang mga lider natin…basta ang mahalaga transparent lang sa taong bayan..hay..buhay..baka sa panahon ng aapuhin ng mga magiging apo ko e ganito pa rin tayo…tsk..tsk..tsk..ka saklap..

  2. Huwag naman sana. Sa sobrang hirap ng pamumuhay dito, parang wala ng lakas ang mga tao na magreklamo pa tungkol sa mga kabulastugan na ginagawa sa pamahalaan. Nakakalungkot dahil habang hindi masyadong kumikibo ang mamamayan, lalong magiging garapal ang dayaan at kurakutan.
    Saan ba naman kukunin ni Gloria ang pambayad niya sumusuporta sa kanyang pandaraya kung di pera ng bayan?

  3. Ellen, this is not going to fly. Anti-GMA propagandists have been peddling this kind of diatribes…NO EPEK ON DAT PEKPEK.

    This is not credible, provable, demonstrable, anecdotal account.

    This is exactly what I am talking about. Lahat ng mga charges against GMA…this that and the other…NO EPEK ON HER PEKPEK.

    Why? Because wala namang proof. And after a while of more of the same and more of the same…chism, rumor-mongering, bloviating, spinning etc…nagsasawa na ang mga tao…YOU CANNOT CHANGE FIRST IMPRESSION. Nobody gets a second chance to make a good first impression.

    However, here is an example that I think would be worthwhile looking into – It just came out in the papers today…PHP27 BILYUN PESOS OF THE STOLEN LOOT OF MUCK FARCOS…ALREADY USED UP BY THE GOVERNMENT????

    Isyus like that…yan ang mabigat….And if true, can easily be documented. DEPOSIT-WITHDRAWAL AUDIT TRAIL lang yan. And considering the AMOUNT…mas malaki….Yan ang wag bibiruin ng Malacanyang….SASABIT SILANG LAHAT DIYAN, if there is truth behind this…and the authorities are serious about pursuing it to its bitter end. THIS MEANS, KEEP THOSE ANTI-GMA POLITICAL OPPOSITIONISTS OUT….They will just obfuscate the investigations with their politicizing.

    I repeat…MALVERSATION OF FUNDS…OF SUCH AN AMOUNT, IF TRUE…JUST MIGHT BE THE LAST STRAW!!!!! Yang ang serious issue!

    Now let’s watch those bungling investigators screw up again!

    Pepeton

  4. Huwag nating kalimutan: ILLEGITIMACY ang kanyang naging suliranin mula pa noon. Sa ginagawang CCTA at kapikunang nakikita ng madla, lalo lang lumlakas ang kanyang kapit. Dahil nalilipat naman yaong ILLEGITIMACY sa Opposition.

    Sa Ingles: trying to beat a dead horse to life.

    Bakit nangyari ito, Ellen? Sa tingin mo lang

  5. Juan De Vera Juan De Vera

    Ever since I don`t like First Gentlemen Arroyo.His brother Igie and his congressman son Mikey.Kahit noong lumabas ang balita tungkol sa jueteng talagang duda na ako sa mga taong ito.Akala ko nga pangmatagalan na ang pag-alis niya sa Pinas na sa sinasabing self exile niya pero gimik lang pala yon bumalik pa rin.

    Ngayon sangkot na naman siya dahil bataan nya si Bolante.Hay naku, parang anay siyang sumisira sa reputasyon ni PGMA, kung sabagay matagal na rin nyang kinaladkad ang pangalan ng kanyang asawa sa kahihiyan.

    Sana naman ay maimbitigahan na mabuti itong kaso na `to, kasi kung totoo man ito o hindi,
    ang kawawa na naman ay ang mga magsasaka nating kababayan,na nagagamit din ng ilan para pumunta sa rally para ipaglaban ang karapatan at the same time, samahan na rin ng mga makasariling pulitiko para sa kanilang pangsariling hangarin at kapakanan.

  6. bfronquillo bfronquillo

    Ano ang nangyari? Nakipagtitigan si Gloria sa Hyatt10 at sa mga oposisyon na handang ulitin ang ginawa niya laban sa EDSA-3, handa siyang dumanak ang dugo. Ang akala nila ay kukurap si Gloria dahil sa takot na dadanak ang dugo. Pero ang Gloria ay hindi isang Erap o isang Marcos na hindi kaya ng loob ang makitang umagos ang dugo ng masang Pilipino. Bumigay ang dalawa. Hindi si Gloria.
    Alam kaya ni Gloria na walang sinuman sa hyatt10 o oposisyon na may sapat na tapang upang ilagay sa bingit ng kapahamakan ang bansang Pilipinas? Palagay ko. Iba si Gloria, iba talaga siya. Hindi siya kumukurap. Alam niya ang katotohanang “ang asong tahol-tahol ay hindi mangangagat.”
    Ang CCTA at Presidium, ang mga imbestigasyon, ang pagpunta sa Supreme Court, at ang lahat ng rallies ay “PAGTAHOL”. Ang kailangan ay tapang sa tapang at apog sa apog. Kung wala nito ay manahimik na lang at hintaying ang Dios ang gumawa ng paraan. Baka sakali pang ang masang Pilipino ang tunay na mamayani.

  7. DAPAT KAY PRESIDENT GLU IPAINOM YUNG MGA LIQUID FERTILIZER BAKA TUMAAS NG KONTI AT MAGING PROPORTION YUNG ULO NYA SA KANYANG KATAWAN DAHIL MALAKI ANG ULO NYA PARA SA KAPIRASONG BODY NYA PAG NAKIKITA SA TV. KAYA MGA DESISYON NYA HINDE BALANSE LAGING TAGILID. PATI NA RIN YUNG MGA BULAANG PROPETANG SILA BUNYE SIRAUL GONZALES, BOLANTE AT YUNG MGA PALAKPAK BOYS.

  8. Mga ganyang “pasiklab” ang isa sa maraming dahilan kung bakit ang “pinoy” ay mahina at mabagal ang asenso sa buhay, at kulelat sa Asia!

    Hindi nakakatulong, napakabigat pang dalhin o alalayan.

    Pepeton

Leave a Reply