Kawawa naman ang mga inosente na nagiging biktima ng palpak na trabaho ng mga intelligence operatives ni Gloria Arroyo.
Noong Sabado, pinagmalaki ni Arroyo ang pagkahuli raw kay Radullan Sahiron, chief of staff ng Abu Sayyaf. Sabi niya: “Gusto kong batiin ang ating mga pulis at ang ating mga sundalo dahil kaninang 4:30 p.m. nahuli nila yung napaka-notorious na Abu Sayyaf leader, si Radullan Sahiron, na may premyo na P5 million (sic, dapat dolyar) sa kanyang ulo.
“Itong intelligence project na ito ay napakatagal na, panahon pa ni Secretary (Eduardo) Ermita nung siya ay secretary of national defense at ngayon ay nahuli siya. Salamat at congratulations sa pangkat na pinamumunuan ngayon ni police Col. Boogie Mendoza. Congratulations and more power to you.”
Ngayon nabisto na hindi pala si Sahiron ang kanilang nahuli kungdi isang Subaanon na nangagalang Antonio Gara at kilalang sabungero.
Ano ba namang klaseng intelligence ‘yan? Putol ang kanang kamay ni Sahiron. May kanang kamay ang kanilang nahuli. Kasi kaliwang kamay ang putol kay Gara. Si Sahiron ay halos 60 na taong gulang. Lampas lang ng kwarenta si Gara.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabuking palpak ng mga intelligence operatives ni Arroyo. Ang pinakagrabe sa naala-ala ko ay ang kaso ni Acsa Ramirez, Land Bank assistant manager na itinuro ni Arroyo sa harap ng mga TV camera na suspect sa fund diversion case. Samantalang si Acsa pa nga ang nagsumbong.
Kaya nangyayari itong mga ganitong palpak kasi, atat na atat magpabida, mula sa pinuno hanggang sa mababang mga sipsip. Tumatawa lang siguro ang tunay na mga kriminal. Kawawa naman ang mga inosenteng napagbintangan ng mali.
* * *
Galing kay Dexter Lopez: “Tunay pong nakakakilabot ang sinabi ni Gloria Arroyong mandaraya na pinagmamalaki nya na sya ang dahilan ng pagtaas ng halaga ng piso. Tunay pong nakakatawa at nakakagulat na hindi man lang nya nabangit na ito’y dahil sa remittance ng mga OFW. Talagang patunay na ‘ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw’.
“Pati papuri ay gustong nakawin sa atin, makapagpasikat lang. Akala mo’y gigil na gigil sa pag mamalaki at me pakumpas kumpas pa ng kamay. Kaawa- awang nilalang. Sa kagustuhang pagtakpan ang mga kalokohan ng kanyang administrasyon, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip.
“Sana tuluran nila yun taxi driver na nagsoli na pera sa kanyang pasahero na kahit binibigyan na ng pera bilang pabuya ay nahihiya pa at tumatanggi sa kabila ng kanilang kahirapan.”
Hayan, sa kagustuhang pumapel, nabasang lalo ang papel. Kailan pa kaya magti-tiis ang Pilipinas sa isang palsipikadong pinuno?
Talaga.
E-mail from Ramon Gumapon:
hindi dapat lahat sisihin ang ating presidente sa kapalpakan na nangyari ng ating sandatahang lakas. hindi tayo perfecto may kamalian din, lahat nalang sinisisi si GMA sino ba ang gusto mong maging pangulo? ikaw… hehehe. dapat tayong lahat ay magtulongan, magkaisa tungo sa progreso ng bayan.
ramon tecson gumapon
arabian oil co. al-khafji ksa
Ramon Gumapon,
Mukhang malabo yata ang iyong pananaw sa mga nangyayari sa ating bansa. Oo, tama ka. Walang perpektong tao. Pero kung ikaw ba ay nagkamali, handa mo ba itong aminin? At kung sakaling aminin mo ito, handa ka bang baguhin? Nasaan yung sinabi mong ” dapat tayong lahat ay magtulongan, magkaisa tungo sa progreso ng bayan “. Kasi sa aking pananaw, ikaw ay sumasang-ayon at sumusuporta pa sa mga maling pamamalakad ng mga namumuno sa ating bansa. Ikaw ba ay may pamilya? Nais mo bang makita silang nagtitiis sa kahirapan? Kaya ka ba nasa ibang bansa ay para lamang sa iyong kapakanan? At bakit ka nga pala nasa ibang bansa at nakikipagsapalaran? Wala ka bang makitang isang marangal at mahusay na traabaho upang ikaw ay mabuhay sa pinas? Mga katanungan na mahirap sagutin subalit dapat nating aminin na ang ating bansa ay lubog na sa kahirapan at talamak na ang ating politika. Katulad mo ang nais ng ating bansa na makapiling at makatulong sa pagbabago. Maaasahan ka ba?
Araw-araw ay iba’t ibang kapalpakan ang ginagawa ni GMA. Nakita ba ninyo ang kanyang pagmamalaki sa mga taong hinakot niya sa job fair at nag-interview pa kunwari ng isang foreigner na recruiter. PERO ANO ANG KANYANG GINAWA? HINDI MAN LAMANG NIYA HINANTAY NA MAGSALITA ANG BABAENG RECRUITER AT TINALIKURAN NA NIYA!!! TSK… TSK… TSK… Ugali ba ng isang makatuwiran na tao iyan? Di ba kabastusan iyan?
Ukol sa kapalpakan:
“Hinuli si “putol”. Pinagmalaki. Maling “putol” pala…excusssse me!”
Ano ang mali dito? – Tama ka Batong Buhay “Hayan, sa kagustuhang pumapel, nabasang lalo ang papel.” May sakit na SAD-KSP syndrome. (Sali Ako Diyan-Kulang Sa Pansin).
Talagang hanggang hindi pinapalitan ng Ginang Presidente ang polisa tungkol sa pagsali niya sa mga ganyang anunsyo…talagang “fair game” siya sa kapalpakan ng kanyang mga tauhan.
Merong taong (adviser)na nakapagkumbinse sa presidente na “gud para pogi points yan”. Simula pa noong, mga “parada ng mga nahuli…photo op, na naka ITIM PA SILANG LAHAT…” na parang mga bangaw!wala namang nakatulong sa kanyang image..no positive epek on da pekpek”. Bakit ayaw pang lubayan ang “PR-image building style” na ito? Kasi naniniwala na si Presidenteng – “tama ang style na ito”. Ngayon, talagang puede na siyang sisihing personal..kasi tinaggap na niya ang advise, as her own…Kung ako ang nagpayo sa presidente ang sasabihin ko: “Don’t bilib everything you hear, not even half of what you see.” Ano ka sabik sa “kodak”?
Sa kabilang dako: May mga pagkakamali na hindi sinasadya. At meron din namang pagkakamali na sadyaan. Yung una, ay malamang, bunga ng “kulang sa impormasyon, kasi kulang sa research, (pero sabik sa “scoop” at “bragging rights”…”Hoy, nauna akong magreport, huh? Ako dapat ang bida.”)
Yung pangalawa – pagkakamaling sinadya…may nakatagong laman at dahilan yan. Lalong-lalo na…pag ang pagkakamali ay “obvious ba”? Malamang may “kaduktong” yan…or merong tinatagong “buntot” ang istoryang panghuhuli ng mga “terorista”. Inaanyayahan ko ang lahat na bisitahin ang website ng US Embassy sa Maynila, at pagaralan ang tinatawag na “REWARDS FOR JUSTICE PROGRAM” ng USA. Baka may mapansin tayo doon na kaugnay ng mga pangyayari sa pagsusumikap ng ating mga autoridad sa panghuhuli ng mga “terorista”.
Pangatlo at panghuli: Nais kong sagutin ang mga katanungan ni “Mang Orlando” kay Ramon Gumapon:
Orlando Says:
November 10th, 2005 at 2:38 am
Ramon Gumapon,
Mukhang malabo yata ang iyong pananaw sa mga nangyayari sa ating bansa. Oo, tama ka. Walang perpektong tao.
“Pero kung ikaw ba ay nagkamali, handa mo ba itong aminin?”
SAGOT KO: Malamang hindi. Depende. Sapagkat ako ay tao lamang.
At kung sakaling aminin mo ito, handa ka bang baguhin?
SAGOT: Habang maari hindi. Inamin ko na nga. Tapos didiin mo pa ako. Pasalamat ka umamin ako. Kung hindi, hindi mo din mapapatunayan. Ano ka masaya?
Nasaan yung sinabi mong ” dapat tayong lahat ay magtulongan, magkaisa tungo sa progreso ng bayan “.
SAGOT: Masarap lang sabihin yun. Lahat naman kayo ganoon din ang sinasabi. Pero hindi ibig sabihin kaya ninyong gawin, di ba? At saka, ano ang koneksyun ng pagamin sa kasalanan, sa patutulungan, pagkakaisa sa progreso ng bayan?
Paliwanag mo nga ng simpli lang.
Kasi sa aking pananaw, ikaw ay sumasang-ayon at sumusuporta pa sa mga maling pamamalakad ng mga namumuno sa ating bansa.
KUMENTO: IKAW ANG NAGSABI NITO. PATUNAYAN MO ANO ANO ANG MALING PAMAMALAKAD NA INAAKUSA MO ANG ADMINISTRAYON? SIGE NGA!
Ikaw ba ay may pamilya?
SAGOT: Meron! Ikaw, meron din?
Nais mo bang makita silang nagtitiis sa kahirapan?
SAGOT: Obvious hindi. Ikaw, ganoon din?
Kaya ka ba nasa ibang bansa ay para lamang sa iyong kapakanan?
SAGOT: OO!
At bakit ka nga pala nasa ibang bansa at nakikipagsapalaran?
SAGOT: Tinanong mo na. Sasagutin ko uli “OO”!
Wala ka bang makitang isang marangal at mahusay na traabaho upang ikaw ay mabuhay sa pinas?
SAGOT: Meron.
Mga katanungan na mahirap sagutin subalit dapat nating aminin na ang ating bansa ay lubog na sa kahirapan at talamak na ang ating politika.
MAGTANONG NAMAN AKO: Ano koneksyun nito sa mga tanongan at sagutan natin? Hindi ba maliwanag at malinaw ang sagot ko? Hindi ako nahirapang sumagot. Mukhang nahihirapang kang umintindi.
Katulad mo ang nais ng ating bansa na makapiling at makatulong sa pagbabago.
SAGOT: Pagkatapos mo akong pagsabihan at alipustain, hihingi ka lang pala ng ano, “dollars”? Yun ba?
Maaasahan ka ba?
SAGOT: Ikaw ano maaasahan sa iyo ng bayan? Sirain ang administrayon ng pangulong ibinoto at nahalal sa eleksyon?
Yun ang tulong mo? Hindi kita aasahan kung ganoon lang.
======================
“I must be virtuous, because I can accuse someone as vicious!”
“A man convinced against his will, is of the same opinion still.”
“If I look up and you look down, upon the biggest man in town. I will see his feet, his hands, his nose. You will see his head, his knees, his toes. And though it is one man we see…you will share he is “A”. I will share, he is “B”
Alin dito ang mas applicable at mas tugma sa ating batikusan?
Pepeton
Kapalpakang mga gawa ay ating palakpakan
Gayundin yaong mga di tamang kagagawan;
Palakpakan din natin ang mga kasiraan
At kung anu-ano pang katarantaduhan.
Ang Reyna po kasi ng ating kaharian
Sa bulilyaso at palpak s’ya po ay namber wan
Di s’ya nahihiya pagkat walang kahihiyan
“Kapalmuks” niyang bansag ay bale wala la’ang.
Ang tronong pamunuan na inu-upuan niya
Ay upuan ng kaibigan, talaga, talaga!
Nilansi niya ito na tumayo muna,
At bigla siyang upo sabay sigaw, “Topo-topo barega.”
Nakaupo siya ngayon sa inagaw na trono
Na nakuha po niya sa larong “Topo-Topo;”
Mga kawal sa paligid mey dalang mga trapo,
Madalas magkalat si Ma’m, alam ninyo, alam ninyo.
Palakpak, palakpak, palakpak kababayan
Pa-uto tayong lahat hanggang kamatayan;
Himasin na lang natin kumukulong mga tiyan,
Kapalpakang mga gawa ay ating palakpakan.
Kung bukas makalawa, di mo na matiis
Ang hilab ng puso at pahirap na labis,
Iangat mo sa hangin ang iyong mga bagwis
At ituwid ang landas ng Kahariang nalihis.
Atong
Atong,
I like your tula. It reminds me my old friend in Los Banos. he’s with Hector na in Banahaw. I miss him.