Nambola na naman si Gloria noong isang araw nang magyabang siya na gumaganda raw ang ekonomiya sa ilalim ng kanyang pamamalakad.
Pinagyabang niya na lumalakas raw ang piso laban sa dolyar. Gusto niyang palabasin, kagagawan niya ang paglakas ng piso. Bakit kaya kapag bumagsak ang piso ay hugas kamay siya?
Akala naman niya tanga tayo na maniniwala sa kanya.
Kaya naman malakas ang psio ay dahil sa dollar remittances ng ating mga kababayan na overseas workers. Malapit na Christmas kaya nagpapadala sila ng pera. At sa hirap ng buhay ngayon, siguro mas malaki ang pinapadala nila ngayon.
Alam ng lahat na ang bumubuhay ng bansa ngayon ay ang mga OFWs. Kaya nga ang tawag sa kanila “bagong bayani”. Kasi, kung wala sila, bagsak ang Pilipinas. Ubos na ang kaban ng bayan sa pangungurakot ni Gloria.
Sa record ng Central Bank, umaabot sa $9.7 billion ang pinapadala ng halos walong milyong OFWs. Ang hindi iniisip ni Arroyo, bakit pa napipilitan magtrabaho sa ibang bansa ang maraming Pilipino? Bakit ba tinitiis nilang mahiwalay sa kanilang pamilya?
Simple lang angsagot:walang makuhang trabaho dito sa Pilipinas.
Nakakainit ng ulo pakinggan ang pagyayabang ni Arroyo at ng kayang ma alagad na gumaganda raw ang buhay. Baka kanila lang. Paano gumaganda ang buhay samantalang tumataas ang bilihin, hindi naman tumataas ang kita.
Ang aking hipag ay nagre-reklamo sa walang hinto na pagpataas ng cooking gas. Sabi niya P461 na ang M-Gas ngayon samantalang kailang lang P300 plus lang ‘yun. Kung ano-ano nang pagtitipid ang ginagawa namin, kulang pa rin. Kaya ang mangyayari niyan, pagkain na lang titipirin dahil hindi ka naman maaring magkulang sa bayad sa pamasahe, sa telepono at sa kuryente.
Dapat alam ni Gloria ito lahat dahil ekonomista siya. Kaya lang iba yatang klaseng economics ang ginagawa niya.
* * *
Galing kay Alvin David na nasa Saudi Arabia: “Nakakapanlambot po ang nangyayari sa atin bansa dahil lang po sa mga pulitikong may pansariling interest, para po sa akin kahit sinong maging lider natin sa bansa kung walang disiplina ang ating mga pulitiko ay wala pa rin pong mangyayari sa ating bansa lalo lang tayong mababaon sa hirap. Bakit di na lang po magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa. Hangga’t hindi po natatapos ang mga pansariling interest ng ating mga pulitiko, wala po tayong aasahan na gumanda pa ang ating bansa.”
Nakakatawa talaga ang pagyayabang ni Gloria tungkol sa pagtaas ng piso.
Sa Ayala avenue magandang balita yan pero sa karamihan ng kababayan natin na umaasa sa dollar na padala sa kanila ng kanilang mga kamag-anak na OFW, malungkot na balita yan.
Doon sa website ni Bunye binalita niya na si Gloria nagsalita sa San Juan, Batangas at sinabi,
“the country is now reaping the gains of fiscal stability …the peso has climbed to a five-month high of P54.80 against the US dollar compared to last month’s P56.20…the government realized a P37 billion savings in debt servicing,”
Sa isang taong umaasa sa remittances eto ang dating ng sinabi ni Gloria ay,
“Noong nakaraang buwan, iyan dollar sa bulsa ninyo ay P56.20 ang halaga. Ngayon, iyan parehong dollar na padala ng mga kamaganak ninyo na OFW ay nagkakahalagang P54.80 na lang. Dapat lang matuwa kayo kasi nabawasan naman ng P37 billion yung babayaran ko na inutang ko sa pangalan ninyo”. Yes ?
ang yabang talaga ng ate glue arroyo na yan,pag tumataas ang piso panay ang yabang akala mo siya ang nagpapataas ng piso,pero pag bumababa naman ang piso tahimik at di makapagyabang at saka di naman pangmatagalan ang taas ng piso ilang araw o ilang linggo lang mataas na naman ang dollar,akala siguro ng pandak na pekeng presidente na yan bobo ang mga pinoy at siya lang ang matalino bagay sila mag sama ng sira ulong miriam d.santiago na yan,dapat kunin na sila ng amo nilang si satanas kasama ang lahat ng mga sipsip kay pekeng presidente,sila ang tunay na pahirap sa pinas.
kailan kaya mapapalayas si ate glue arroyo at lahat ng mga sipsip niyang mga alipores,pati yong mga sipsip na mga congressman at mga sipsip na mga mayors sa puwesto.nasusuka ako pag nakikita ko sa tv si ate glue arroyo,kapal ng mukha alam naman niya na sinungaling siya,mandaraya at magnanakaw eh ayaw parin umalis sa malakanyang,alis dyan ate glue arroyo sinusuka kana ng mga tao sa buong pilipinas,pweeeee
Akala ko matalino si glo, bobo pala!!! Di ginagawa ang assignment di ba niya alam na dahil sa OFW sila ang dahilan kung bakit floating pa rin ang ekonomiya ng bansa. Nakalimutan na ata niya na kahit noong kasagsagan ng Asian Crisis noong dekada 90 OFW pa rin ang nagligtas sa ekonomiya. Bago siya magsabing umunlad ang o naging stable ang piso dahil sa kanyang mga program, isa pong malaking kahunghangan iyan at alam ng sambayanang Pilipino iyan. Pasalamat siya at tuloy-tuloy ang pagpadala ng mga OFW dahil na rin sa kani-kanilang pamilya na naiwan sa ‘Pinas. Maari, maganda ang tayo ng piso subalit bumaba ba ang halaga ng mga bilihin?
nag iisip na rin akong umalis dito sa pilipinas at makipagsapalaran sa ibang bansa, wala akong nakikitang pag asa na umunlad ang pilipinas pag ganitong negatibo ang sitwasyon ng ating ekonomiya. naranasan kong mamasukan sa pribado at pampublikong trabaho pero kahit anong sipag ang gawin ko walang progreso. sinubukan ko rin magnegosyo pero sa dami ng competitors ay parang cake na marami kang kahati. at ganun na rin ang kakulangan ng puhunan ay di makayang makasabay sa mga naglalakihang kakumpetensya dito sa aming lugar. kaya kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makaalis dito sa pilipinas at makapagtrabaho sa ibang bansa tutuloy ako. kaysa sa makinig ako sa mga kasinungalingan ng ating mga pulitiko dito na sila lang ang mga nakikinabang at maliligayang inuubos ang ating kaban.
Si Kikoy po ay biglang nag-alsa balutan,
Tumungo sa “abroad” para magpayaman;
Ang bayang Pilipinas ay kanyang nilayasan,
Suko na po siya kasi sa kanyang kahirapan.
Suko na rin po siya sa mga pasiklab
Ng mga mayayaman at mga pulitikong sukab
Na sa kaban ng bayan ay ngasab ng ngasab
Habang si Kikoy, may tiyan na humihilab.
Si Kikoy ay nag-impok, alkansya ay binusog
Nang magtagal at lumaon katawan ay bumilog;
Sampong taon ang tagal ng panahong uminog,
Bumalik sa Pilipinas na mey kwartang tuhug-tuhog.
Tuloy pa rin ang pagpapayaman ng mga pulitiko,
Ang kaban ng bayan ay di pa rin sinasanto;
Si Kikoy sa kanyang mansyon may bagets na pinipiho,
Ang bulong ay palihis, “Bahala kayo sa buhay nyo!”
Si Kikoy po at ako ay wala pong ipinag-iba,
Sa pagputak po ay malakas itong aming bunganga;
Kapag kampante na kami at ang tiyan ay busog na,
Lumalabo po ang mata namin sa kahirapan nitong madla.
Sa kikitaing dolyar, ako, ay sabik na sabik,
Kaya, Kikoy, tayo na sa “abroad” ay bumalik;
Iwanan na natin ang Pilipinas na very sick,
Let us balik sa “abroad,” very quick, very quick.
Atong
hindi uunlad ang ating bayan hangga’t namamayagpak ang mga POLITIKONG SAKIM sa lahat ng bagay. wala silang nakikita maliban sa kani kanilang PERSONAL NA INTERESTS. GUMAGANDA ANG BUHAY PARA SA KANILA , ngunit sa mga ordinariyong mamamayan, hirap ang dinaranas ng karamihan.hanggang kailan pa kaya, tayo’y magdurusa???
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG TULA GINOONG ATONG KULIGLIG KAHIT PAANO AKING DAMDAMIN AY NAIBSAN SA TULANG INYONG GINAWA.
ako’y natatawa sa mga ating mga pulitiko na gumagawa ng programa, “balik pilipinas” ito’y tungkol sa ating mga kakakabayan sa ibang bansa na kanilang hinihikayat na pabalikin dito sa pilipinas at magtayo ng negosyo. nakakatawa talaga! pababalikin nila samantalang ang mga pinoy sa abroad o ang mga tinatawag nilang “bagong bayani” ay syang sumusoporta sa ekonomiya ng pilipinas sa pamamagitan ng kanilang pinadadalang remittances.
E-mail from Gerardo Enriquez:
So you have a cancer of uterus. Well you deserve it! I hope God gives you more excruciating pain if you are just a journalist with hidden agenda or you are simply stupid. For instance, you said to GMA na naturingang ekonomista, peso is appreciating because of OFW remittances. But it is only November, far from December when remittance is at its highest. Every month OFW send money for their families. You cant accept that the economy is really resillient. Are you just stupid or an upusSISYON (like a cigarette). Your brain needs a transplant. You dont deserve a column in yuor newspaper. The quality of columnist in Phils is deteriorating with your presence. You dont have the credibility and intelligence of Mareng Winnie. May God give you more punishment (disease) if your heart is not pure. Reflect on it. Like a dying person who ask for forgiveness for his sins. Hope you realize.
Ang bagsik naman nitong si Gerardo Enriquez. Hiniling pa sa Dios na lalong parusahan si Ellen T. Pero palagay ko kayang-kayang sikmurain ni Ellen ang batikos ni Gerardo. I, on the other hand, wish you health and a speedy and complete recovery from your illness, Ellen. Just two years ago my wife of 25 years had hysterectomy. She suffered much before and after her surgery. She’s okay now. I can’t say I feel for you but I have a faint idea of your suffering. I agree with most of, if not all, your posts and admire your great courage in the midst of an oppresive and corrupt government.
On another subject, I’m just curious why dollar remittances into the Philippines are almost exclusively attributed to OFWs/OCWs. I’d imagine there are tens of thousands of Pinoys in USA and Canada and other similar nations who regularly send money for sustento ng mga magulang, kapatid, etc. Not complaining, just curious.
Hi, Tomas,
I’m okay although not back to my pre-surgery stamina. Part of that probably comes with age.
Re remittances, I understand the bulk comes from OFWs.
A song for ate glu by the eagles
Lying Eyes
You can’t hide your lyin’ eyes
And your smile is a thin disguise
I thought by now you’d realize
There ain’t no way to hide your lyin eyes
Egoi
vancouver
So true. The eyes have it. Isama mo na ang eyebags niya na minsan ay hindi kayang takpan ng makeup.
The people nowadays are thinking of migrating to another country because of this government, which is HOPELESSLY CORRUPT! According to her, the economy is improving? Why is it that we don’t feel it? On the contrary, It is becoming harder to cope with the CONTINUOUS RISING OF gasoline and its by-products..
More power!
GMA is definitely WRONG in claiming due to the E-VAT the gasoline prices are going down and the peso exchange rate is improving. She’s feeding the wrong report to the people.
GASOLINE PRICES are going down because the WORLD CRUDE OIL PRICE INDEX HAS BEEN DECLINING LATELY!
The peso exchange rate is improving because of the influx of OFW remittances. If not for the OFW remittances (which is currently the BREAD AND BUTTER of this administration), how can she crow about the economy?
Ellen, Salamat naman at andiyan pa kayong walang takot mag salita o ihayag ang kawalang hiyaan ng dambuhalang presedente kono ng pinas, Aba sabi ninyo noon natin masahol sila marcos sino pa ang dumaang presedente, Aba ay para sakin ay MAS SUBRA PA SA LALAKING UHAW sa mga bisyo ito si mamasang gloria , e hayan na naman pano kaya kong anak niya ang gahasain ng mga repis ,Sabagay maraming pira ang taong bayan pwedi na ipapatay agad ng mamasang ang mga repis di po ba? Si garci kaya hanggang kaylan ang pag tatago at hanggang kaylan ang pag suporta ng mamasang? Aba garci baka di mo alam masawa din sakakasuporta sayo at bigla kanalang mawala ng tuloyan, at tawagin na ng boong angkan mo ang mamahayag at mag patulong , Kaya mag isip isip kana . Para sakin di natin masisi ang taong bundok kong bababa sila sana nga ang unahin nila yong mga taong magnanakaw sa palasyo o lahat sa gobyerno at sila ang nag papayaman.fr jimmy neri
Isa rin ako sa libolibong kababayan natin na nangingibang bansa nalang, At magsapalaran, iwan ang pamilya kahit mahirap maghiwalay ay gawin para lang may pang bayad sa school ng mga bata,Sa hirap nga namang inabot ko sa bayan natin ay dipa ako mangibang bansa, Nalala kulang ang sabi nila noon kay Irap Sabi nila ano magawa ni irap eh di marunong mag English,Ngayon kinalaban naman si irap dahil nga sa anak ng jueting daw? Aba eh gosto ninyo ipalit si tita glo matalino daw , [at ama ng jueting ang angkan at magaling pa sa dayaan, O saan na ngayon ang may gosto kay ate glo , Nahihiya kayo ano? Ayaw nila kay ping , Takot lang kayo di kayo maka pag nakaw, Ngayon saan na ang maka gloriang pangako? PATAWARIN KA SANA MAMASANG NAMING GLORIA,,,,,,,,,,,
Noong Biyernes, the day after na binanatan ang media dahil puro raw negative ang binabalita,hinakot ang mga reporter sa isang job fair at pinaka-usap sa mga job recruiter. Ang hindi tinanong ng mga Malacañang reporters ay kung policy ba ng kanyang administrasyon ang pagpadala ng mga Filipino sa abroad para mamasukan?
Ipinagyayabang niya na ang mga Pilipino ay pumupunta sa abroad para magtrabaho. Tinitiis ang hirap at ang mahiwalay sa pamilya.
Hindi ‘yan dapat ipinagmamalaki dahil ang ibig lang sabihin noon, walang sapat na trabaho dito sa Pilipinas.Ang ibig sabihin noon, failure ang kanyang pamahalaan.
Gerardo Enriquez, maganda ang pangalan;
Tunog kastilaloy at mukhang mayaman;
Bakit ang puso niya ay meyrong kalawang
Malupit ang tibok at mey dugong maanghang.
Ang Diyos na kanyang dalanginan at sinasamba
Ay Diyos na malupit katulad ng budhi niya;
Doon niya hinihingi ang malupit na parusa
Sa mga pumupuna sa gawain ni Gloria.
Kung si Gerry ay palikero at sa mga chicks ay kilabot,
Hwag sanang magbunga ang mga bulaklak na tinuhog;
Pagkat sa mundong mapayapa, hindi natin mai-irog
Na dumami ang angkan niya. . . Bog. . . Talbog.
Atong
Tama si Gloria, bumababa na ang dolyar, at mas lalong bababa yan sa susunod na 2 buwan. Kc nga Holiday season eh. Tayong mga pinoy khit saan makapunta iseselebrateang pasko, athindi kailan man kakalimutan ang mga mahal na naiwan sa kawawang bansang ito.
Pero pupusta ako, pagdating ng mga Pebrero yan, tingnan natin kung di bumulusok na naman ang piso. habang nanjan si Gloria at nagbabayad ng utang sa kanyang pag ka[panalo, walang mangyayari.
Pero
Talaga Faith. Hindi pwedeng sumulong ang bayan sa ilalim ng isang pekeng pangulo. Kung magsalita siya, akala mo nasa ibang planeta.