Skip to content

Ang mga nauna sa atin

Ang nanay ng aking kaibigan na si Chit Estella, editor ng PJR Reports, ang magasin ng Center for Media Freedom and Responsibility, ay pumanaw noong isang linggo sa Philippine Heart Center.

Sabi ni Chit, mga ilang oras raw bago pumanaw ang kanyang, ina nagkukwento siya tungkol sa kanyang mga yumaong kamag-anak. Para bang sinusundo siya.

Ganoon rin ang Nanay ko noong maysakit siya. Tuwing ma ika-anim ng gabi, palagi niyang kausap ang kanyang mga yumaong kapatid. Sinasabi niya, “Halika. Nagkapag-saing ka na ba?” O kaya sabihin niya, “Ayaw ko pumunta sa tabing dagat.”

Wala ako sa tabi ng nanay ko nang siya ay namatay ngunit sabi ng aming katiwala, sinasabi raw niya sa kanyang yumaong kapati, “Hintayin mo ako.”

Ang isang bagay na sigurado sa mundong ito ay kamatayan. Hindi naman maa-aring habambuhay tayo rito. Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan na inaala-ala at pinagdadasal ngayon ay nauna lamang sa atin. Darating ang panahon na susunod rin tayo.

Magandang isipin na kahit sa kabilang buhay ay magkasama pa rin tayo ng ating pamilya ay inaala-layan tayo ng mga nauuna na roon sa ating paglalakbay sa kabilang buhay.

* * *

Malaking bagay ang nagagawa ng internet sa pagbabilis ng kumunikasyon lalo na sa ating mga Pilipino na nagkakahiwalay ang miyembro ng pamilya dahil sa panganga-ilangan na magtrabaho sa ibang bansa.

Ngunit marami pa ring parte ng Pilipinas na wala namang telepono at walang internet. Katulad sa aming barrio sa Guisijan sa lalawigan ng Antique. Kaya mahalaga pa rin ang postal mail sa karamihan ng ating kababayan na na hindi pa inaabot ng telepono at internet.

Dapat hindi na masyadong tambak ang trabaho ng Post Office dahil nabawasan na nga ang nagpapadala ng postal mail Ngunit mukhang hindi pa rin gumaganda ang serbisyo.

Si Rick Isip na nasa Saudi Arabia ay may problema ako sa ating Post Office. “I used to mail letters to my family in Philippines but to my disappointment, it did not reach the recipient. Dalawang beses na nangyari sa akin.

“Maari nyo bang alamin kung ano ang nangyayari sa ating postal service? Alam maraming mga hindi kanais-nais na angyayari diyan kaya hindi nakakarating ang mga sulat sa addressees.”

Published inWeb Links

442 Comments

  1. rastamad rastamad

    Hi Ellen,

    Just to correct one factual error in your post: PJR Reports is the publication of the Center for Media Freedom and Responsibility, not PCIJ. 🙂

    Welcome to the Pinoy blogosphere!

  2. glenda glenda

    Hey, Ellen, you’re blogging!
    That makes me probably the only addict of blogs who does not blog. Haha! (Hope it does not stay that way forever, though).
    Keep it up.

  3. Yes, you have to have your own blog na. Ako nga low-tech kaya enjoy ako doing this.

  4. Hi, Bryan,

    Thanks.Basta may assignment ba, eh.

    Wow your blogspot looks good!

    I tried loging in but failed. How do I do that?

  5. Welcome to the eworld. Buti ka pa, blogger na. Ako may news website since 1997, pero wala pang blogsite.

    Sa kwento mo tungkol sa Nanay mo, na-remind ako ng pagyao ng aking ina. Ironically, ang kanyang pagkamatay noon 1970 marahil ang dahilan kung bakit buhay pa ako sa ngayon.

    Cancer of the cervix ang sakit niya, kaya’t alam ko agad na high risk ako sa cancer. Agad akong nagpatingin sa libreng Philippine Cancer Society Clinic sa tapat ng Malacanang. Nakakita kaagad si Dr. Emilio Lorenzo ng bukol sa aking left breast. Tinuruan niya ako ng self-examination. In 1977, nahipo ko na lumaki ang mga lumps at medyo makirot. Agad akong na-operahan. Mulo noon hanggang ngayon, pitong beses na akong na-opera: breasts, hysterectomy, liver. Awa ng Diyos, malakas at malusog pa ako at hindi pa masyadong halatang 61 na (and grandmother of 10).

    Payo sa mga kaibigan: huwag matakot, matutong mag-self examine, at magpatingin agad kung may iniinda.

    AT higit sa lahat, mahalin ang mga magulang habang narito pa sila sa ating piling, para yumao silang nakaramdam ng pagmamahal.

  6. Agree ako sa lahat na sinabi mo Sol, lalo pa sa pinkahuling payo mo.

    I’ll link your website here:www.newsflash.org.

    Thanks.

  7. Hi Tita Ellen. You can post anytime na po in my blog. 🙂

    I really admire your blogsite. Imagine, kelan lang, ala pa kayong blogsite?

    We would really love to see you write again in the PJR Reports. Will ask Ma’am Chit for possible assignments.

    Thanks po for adding me in your links. I have also added you. Tita Ellen, one correction lang po – my link is http://www.bryantonpost.blogspot.com, not http://www.bryantpost.blogspot.com. Thanks po! 🙂

Leave a Reply