Ang laking insulto sa Department of Foreign Affairs ang kumento ni Serge Remonde, secretary for government media, na tama lang na i-appoint si Bobi Tiglao na ambassador sa Greece.
“Sabi ni Remonde, “He has undergone a serious heart operation and he deserves to take it easier.” (Na-operahan siya sa puso at dapat lang na relax lang siya.)
Ang tingin talaga ng mga tao sa Malacañang ng posisyon ng ambassador ay bakasyon o kaya, pa-party-party lang. Kaya tuloy ginagawang regalo sa mga taong napakinabangan sa pulitika o kaya tambakan ng mga rejects.
Maraming haka-haka kung bakit ginawang ambassador si Tiglao sa panahon ng krisis at tagilid ang lagay ni Gloria Arroyo sa Malacañang. Sabi ng isang source naming, tumatakbo raw si Tiglao sa krisis.
Baka kinikinita na niyang malapit nang matumba si Arroyo kaya mabuti ng nasa malayo siya. Ang sarap pa ang pwesto niya sa Athens.
* * *
Malaki ang problema ni Emelina S. Avinante na nasa Kuwait tungkol sa College Assurance Plan:”Ito’y isang malaking problema sa akin dahil ako po ay isang sekretaryang nagtratrabaho sa Kuwait ng mahigit sampung taon na ngayon. Mula sa aking pinaghirapang suweldo ay pinilit kong makakuha ng CAP para sa aking dalawang anak na naulila na sa ama na siyang dahilan kung bakit ako napilitang iwan ang ating bansa.
“Bago pa man ako pumunta sa Kuwait ay inumpisahan ko ng bayaran ang CAP at awa ng Diyos ay natapos kong bayaran habang ako’y ay naging kampante na natumbasan kahit papaano ang aking sakripisyo ng katiyakang makakapag-kolehiyo ang aking mga anak.
“Ang aking panganay ay magtatapos ng highschool sa taong 2007 at isa naman ay sa 2008 at ako’y nangangamba na baka ang problema ng CAP ay matulad na lang sa mga hinaing ng ating kababayan na ibinasura at kinalimutan na lamang ng ating pamahalaan.
“Sa internet po ay wala akong makitang balita tungkol sa paksang ito kundi mga lumang news lamang at wala ng follow up. Ang CAP ay may website na active pa rin pero walang assurance sa mga nagtiwala sa kanila kung ano na lamang ang kahihinatnan ng perang pinaghirapang bunuin ng tulad naming mga magulang.”
Ay naku, Emelina, problema talaga ang CAP. Mabuti ka sa 2007 pa ang college mo. Ang aking pamangkin na nagaaral sa University of Sto. Tomas ay CAP rin at sa taong ito, walang nakuha na pera ang aking sister-in-law para sa tuition fees.
Sabi raw ng mga opisyal ng CAP, habang may kaso raw sila, hindi raw sila maa-aring magbayad. Problema talaga.
Ngunit file ka pa rin ng claim kapag panahon ng enrollment ng iyong mga anak para baka sakaling maayos ang kaso at magkapera ang CAP, nakapila na ang iyong mga papeles.
maraming salamat po sa inyong mabilis na tugon. sana nga po ay mabigyang kalutasan ang problema ng CAP.
i’ve been reading abante and malaya and its nice to know that somewhere in phils, someone like you can reach out to people like us who are far from home. i can feel your sincerity as you comment on readers who tried to reach out to you. nakakataba ng puso at nakakagaan ng kalooban.
dasal ko na sana po ay makaraos kayo sa inyong karamdaman.
more power to you and may GOD bless you.
Maraming salamat Emelina. Every now and then, remind mo ako for update sa CAP. I’ll tell you what is happening through my nephew’s CAP.
Aside from being a “tambakan ng mga rejects”, did you forget about an Embassy local hire in Japan who served only for two years but was given an item because of her kinship with somebody in power? Disgusting!!! May iba pa raw na mga cases na ganito, palakasan,ika nga.
Can’t DFA give proper recognition to Philippine Embassies’ casual employees all over the world by giving them items as well, not just the favored few? If not an item, think of better ways to compensate them as you do dfa employees in foreign posts. Some of these “employees” have been working tirelessly for more than ten years, yet, they remained just that, underpaid casuals. Mind you, most of these “kulang sa pansin” employees are educated and some even civil service eligibles. Think people!!! These “employees” are as hardworking as everybody else, deserving of your attention and proper recognition. Why do they need “padrinos and padrinas”? Wala bang personnel department official na nagtse-check sa problemang ito?
I hope you’ll bring this matter up Madam, and more power to you!
Who is this lucky local hire? If you read another item in this blug, “R & R destination” they are putting another reject in the Philippine consulate in Osaka.
I join you and the professionals in DFA in hoping that the DFA leadership put a stop to it.