Skip to content

Laking tuwa ng Malacañang

Walang mapagsidlan ang Malacañang ng kanilang tuwa sa tagumpay ng operasyon nila laban kay Sen. Panfilo Lacson ng ililabas ng judge kapahon ang warrant of arrest para sa pinakamasugid na kritiko ng pamahalaan.

Nakita nyo ba ang mukha ni Gary Olivar, deputy presidential spokesman ng nagbigay ng reaksyun sa warrant of arrest ni Lacson? Hindi maitago ang tuwa. Kunwari pang hands off. Alam naman natin kung paano pinaandar ang makinarya ng pamahalaan para lamang madiin si Lacson sa pagkamatay ni Bubby Dacer at ng kanyang driver na si Emmanuel Corbito.
Narinig ko sa radio si Ric Diaz, hepe ng National Bureau of Investigation counterterrorism unit, at siya ang namumuno sa team na maghahanap ngayon kay Lacson. Tumatawa siya sa radyo na parang nanunuya.

Sige tumawa ka. Bilog ang mundo. Kapag oras na ang amo mong utak ng maraming krimen sa mamamayang Pilipino ang hahabulin ng batas, ang taumbayan ang magkaroon ng selebrasyon.

Wanted si Lacson sa Dacer-Corbito double-murder case. Sa mga lumabas na mga affidavit ng mga taong pinilipit ni Gloria Arroyo , wala namang deretsong nagsabit kay Lacson. Sinabi ni Senior Supt. Cesar Mancao III na narinig daw niya si Lacson na inu-orderan si dating Senior Supt Micahel Ray Aquino ba ituloy na ang Operation Bero at Operation Delta na may kinalaman daw sa naganap na krimen.

Ngunit sinabi rin ni Manacao na kina-usap siya ang Maj. Gen. Romeo Preztosa, dating hepe ng Presidential Security Group at ngayon ay hepe ng ISAFP (Intelligence Service ng Armed Forces of the Phililippines), na idiin lang niya si Lacson at malaking tulong nag maasahan niya kasama na ang paglipat ng pamilya niya sa Singapore.

Kahit malabo ang ebidensya, kinasuhan pa rin sa korte at ngayon nga ay may warrant of arrest na si Lacson.
Sobra talaga ang galit ng mga Arroyo kay Lacson at ginamit lang itong Dacer-Corbito na murder case. Isipin mo, nadawit rin si dating Pangulong Estrada dito, bakit hindi siya kinasuhan? Bakit si Lacson lang.

Ang tunay talagang “kasalanan” ni Lacson para kina Arroyo ay ang pagbulga niya ng maraming krimen ng mag-asawang Arroyo. Nandiyan ang “Hello Garci”, Fertilizer Scam,Road Users tax, Bridges to Nowhere , NBN/ZTE, World bank funded Public Works projects. Ito lang ang naala-ala ko ngayon.

Tama ang ginawa ni Lacson na umalis na muna ng bansa at wala naman talaga siyang maasahan na hustisya habang si Arroyo ang nasa Malacañang.

Apat at kalahating buwan na lang. Hold on ka lang diyan, Senator.

Published inAbanteJustice

51 Comments

  1. chi chi

    “Hold ka lang dyan, Senator”. Kung gusto mong gumawi dito sa akin, ayos lang, ipapakain ko ng buhay sa rednecks at black bears ang mga hahabol sa iyo. 🙂

  2. chi chi

    Makakahintay ang kaso ni Lacson dahil malabo pa ang ebidensya samantalang ang kay Ampatuan ay walang duda. Bakit hindi muna ang kay Ampatuan ang pabilisin nila dahil ang murder ay nangyari sa ilalim ng liderato ng putang Gloria.

    Ano toh, props para mabaling ang atensyon ng pinoy sa tunay na immediate plans ni Gloria na: 1) patakasin si Ampatuan in the middle of the night habang si Juan ay abala kay Ping, 2) paandarin na ang makinarya na magre-resulta sa panalo ni Villar habang nakatanga sa kaso ni Ping ang madla.

  3. Chi,

    Kung gusto mong gumawi dito sa akin, ayos lang,

    I was gonna say the same thing… 🙂

    Bakit iyong mga alagad ni Gloria, clear na clear ang mga ginawang kawlanghiyaan, hindi ma-charge sa courts?

    Ingat Ellen, baka gantihan ka ng mga walanghiyang moral dwende sa Malacanang.

  4. Mike Mike

    Sa tingin ko ang pinaka di matanggap ng mga Arroyos ay ang pagbulgar tungkol kay Vicky Toh. Yung binulgar ni Lacson tungkol sa nakaw na yaman bale wala sa kanila dahil manhid na sila sa mga yan. Naalala ko nung binulgar ni Lacson yung patungkol kay Vicky Toh, parang nagkagalit ssi Gloria at Mike, naalala ko gustong hawakan o halikan yata ni Mike si Gloria ay nakaismid na tumanggi si Gloria nuon. Di ko lang matandaan kung anong okasyon yun. 🙂

  5. Mike Mike

    Di nila alam na baka si Lacson ang tumatawa ngayon at sinasabing, “Yoohoo, come and get me, if you can… bleh!!!” 😛

  6. Mike Mike

    Sa tutoo lang, ang tingin ko lang sa kaso ng Dacer-Corbito murder case ay may kinalaman si Tabako at Almonte. Pero yuon ay aking opinyon lang. 🙂

  7. Naalala ko nung binulgar ni Lacson yung patungkol kay Vicky Toh, parang nagkagalit ssi Gloria at Mike,

    Hell hath no fury like a woman scorned (or humiliated publicly by a political enemy) — OWilde 🙂

  8. Magtago ka na lang muna Ping dahil kapag nahuli ka ng mga asong ulol na ito,ibuburo ka nila.

    Wala namang magagawa ang mga nandiyan sa Pilipinas kundi puputak lang.

  9. gusa77 gusa77

    Dreng PING,come to where I am you will feel safe and have a southern comfort,for those whose after you,kahit may GPS, dehin nila kayang ipinpoint dahil sa jammer na ang dadaan nila ay world of SPECTRUM OF ELECTROMAGNETISM,na puwedeng gamitin sa information of tech.in case sila’y nasa lugar na ito maraming ng now u see,now you don’t,’cause there so many places you’ll be,say under the ground for joc-joc chemical of big trees or maybe inside the bellies of sleeping lazy crocodilles,if not in those two of said locations you might end up fueling the beverages making of hilly-bily brewing moonshines,sarap inumin iyon pag taba ng tao ang ipanangaton.

  10. jojovelas2005 jojovelas2005

    Ikulong din nila si Bolante…para masabi natin patas ang batas sa pinas. Akala ko may sakit sa puso heto at Gov pa ang tinakbo. Kung ako rin talaga aalis ako dahil sa dami ng kalaban mo patay ka talaga.

  11. gusa77 gusa77

    Ang BIGOTE na binabangit sa kaso ni Ping ay hindi si BOTE,IYON ay isang ipinakulong ni PING at Bote, ng matimbog sa kagagohan,dahil upperclassman at master nila si BIGOTE gumawa ng paraan ang isang traydor sa PMA,retain in service pa at retired as star rank na gumastos ng $50m na alukin ang dalawang ungas na operayon DELTA,at sinabi utos ni BIGOTE, at sa kasalukuyan milyon-milyon ang may bigote,na pinaghihinalang MASTERMIND.Bakit di kaya tanungin si Dacer sa pangyayari at matapos na fiction allegation ng hinayupak puro media ang ginagamit upang ikulong ang mga walang sala.

  12. Isagani Isagani

    kung nasa States nga si Sen Lacson at may sapat pang panahon, ano ang magagawa ni GMA upang ipahuli si Ping sa mga Kano at ibalik siya sa kanilang mga galamay?

    Aayon naman kaya si Obama, kung hilingin ni GMA na ibalik si Ping sa Pinas?

    OR

    Puwede kayang humingi ng political asylum si Ping sa Amerika. Mukha naman talagang gusto siyang lagutin ni GMA.

  13. florry florry

    It’s Lacson’s call; he alone knows what is best for him and his family, after all it’s their welfare and safety that are at stake.

    Lacson’s career as a police officer is not without controversy. His no-nonsense approach in dealing with crimes and criminals especially the alleged rub-out of the Kuratong Baleleng gang earned him the ire and hatred of some sectors of society led by the church and civil society. (As if they cared).

    When he entered politics, I thought this is a man to be a president-in-waiting. His alleged checkered record as a police officer didn’t bother me a bit. I for one believed that a police officer has to act and do some extraordinary measures to achieve peace and order in society. Under any circumstances it must be maintained. After all what is rubbing-out a gang of criminals who are menaced to society compared to massacres of peaceful poor farm workers and farmers who only want to air and be heard on the injustices committed against them.

    Of course it’s not justifiable to violate human rights and kill people but between the two compared situations, I’ll go anytime for the wasting of people who are threat to society than being a widow-maker or orphan-maker without any valid reason at all except to protect their self-interest.

  14. The way I see it, if ever there was an exception to the much condemned “killing of media personnel” it would be Bubby Dacer…although we can add Mon TUlfo to the list…:)

  15. martina martina

    Ang kaso daw ni Ping ay murder at hindi daw bailable, kaya kulungan ang bagsak niya. Kay Andal Ampatuan ay massacre, eh bakit nag he-hearing para sa bail? Tama ba ako, o mali lang pakaintindi ko. Ano ba yan?

  16. chi chi

    martina, have you forgotten that the Ampatuans are Gloria Arroyo’s bffs?

  17. balweg balweg

    RE: Tama ba ako, o mali lang pakaintindi ko. Ano ba yan?

    Ang galing mo Ms. Martina…TAMANG TAMA ka, husay mo pala sa logic…but itong rehime lalong TUSO dahil expert sa aritmitik?

    Imagine, nagdeclared ng martial rule sa teritoryo ng mga Amapatuans para maisalba ang mga mamamatay-tao at ngayon di ba tapos ang kaso.

    Ok, naikulong nila…but obvious di ba sino ang sumundo at humuli di ba mga attack doggies ng rehime. Ngayon minamadali nila na kasuhan si Ping…ko ito ang time na magantihan nila yong pobre sa kababanat sa kanila.

    But, still di natin alam ang gimmick sa likod ng camera…posibleng other side of story e palabas lang ito kunya para malipat ang atensyon sa issue ni Ping at mawala sa mga Ampatuans.

    Diyan magaling ang mga handlers ng rehime…sa oras na mainit ang issue na laban sa kanila e magimbento na naman ng panibagong kwento at syiempre sasakyan ito ng media at hayon…iba naman ang focus ng isyu at ang taong bayan diverted na naman ang atensyon sa pakikinig?

    Kaya walang kwenta ang umiiral na hustisya sa ating bansa…BULOK! Paano titino ang takbo ng kamalayang pangkatarungan sa ating lipunan kung ang humawak nito e puro bayaran o kaya tuta ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan.

    Dapat ang batas ang masusunod at di ang nagpapatupad nito!

  18. balweg balweg

    RE: martina, have you forgotten that the Ampatuans are Gloria Arroyo’s bffs?

    AMEN, Igan Chi! 101%

    Paano titino ang bansa at magpapakaseryoso ang Pinoy, IF ang ating mga ABUGAGO e marami ang rubber-stamp ng rehime at walang K to serve the Filipino people, kundi maging amuyong ng mga naghaharing-uri na lingkod-bulsa?

    Pag naging kritiko ang sinuman for SURE may pagkalalagyan ka either sa rehas na bakal or extra-judicial killings ka mapabilang.

    Kaya yong kwentong kanto…na, “If you can not beat them…join ka sa kanila”…at laki ng chance na yumaman ka at magkaroon ng pwesto de bobo sa enchanted kingdom.

    Ang linaw ng kristal na bola…

  19. jojovelas2005 jojovelas2005

    If i were Ping magtago na lang siya sa pinas…bago siya mahanap tapos na ang termino ni Gloria.

    Tignan mo si Capt. Faldon (?) hanggang ngayon di mahuli. Si Calderon din matagal bago mahuli. Si Samuel Ong nga kung di lang nagkasakit di pa nila makikita.

    Pero siyempre iba si Ping Top Priority ni Gloria yan kaya
    lahat ng interpol, NBI talagang hahanapin nila yan.

  20. Jug, re #15.Dacer is not a member of media as Justice Undersecretary Blancaflor is trying to push. Media is not biting.

    Dacer did public relations job. He was never a journalist.

  21. MPRivera MPRivera

    Basta’t mga asong ulol ni gloira, labas ang pangil sa mga kontra sa amo nila.

    Subukang mawala sa poder ang putanginang gloriang ‘yan kung hindi makita nating ilang ikot sa pagkabahag ang buntot ng mga matatapang lang sa kahol na mga ‘yan!

  22. gusa77 gusa77

    Malakas at malutong ang halakhak ni BIGOTE dahil sa dami nila ay di kayang patunayan ang mastermind.Magaling ang gumawa ng teleserye laban kay Ping,biro mo may gumastos pa ng bilyon para habulin at pagtaguin si Mr.Cleanman,ilan kayang smugglers at drug lords ang nag-chip in sa gastos.Marami pang crimebuster ganyan ang mangyayari sa bansa natin pag-hindi lumangoy sa dagat ng basura.Tsong pakisama ang kailangan magsout ng shade para di mo makita ang liwanag ng web of criminalities sa PINAS.Kaya tayong publiko ay napakatanga dahil ang isang tao ay ginastosan ng milyon-milyon sa paghubog sa kanilang pagkatao,tapos heto ka at taong bayan pa lalapastanganin.

  23. martina martina

    “Tumatawa siya sa radyo na parang nanunuya.’ (Ellen regarding Ric Diaz)

    Parang nai-imagine ko ang ngisi ni Alan Cayetano nuong nagsalita sa floor ng senado tungkol sa c5, pabor kay Villar.

    Ang alam ko ay walang dead body nina Dacer at Corbito to prove they were dead. Ang mga sinasabing ebidensya na mga buto nila ay napatunayang mga buto ng hayop. Hindi man ako abogago ay masasabi ko na mahina ang kaso against Ping. Magkagayon man, tama lang na magtago nalang siya dahil bulok ang justice system sa Pinas.

  24. chi chi

    Obsessed sila na pulbusin si Ping bago lumayas ng EK (kung lalayas).

    Bakit nga hindi e si Ping ang nagbuko sa madla ng kanilang mga kababuyan. Kahit palaging nadidiskaril ng baboy sa bandang huli kasi hawak nila ang power, ang mga expose ni Ping ang sumira talaga sa katauhan ng presidential baboy na hindi nakabawi kahit minsan dahil tuloy-tuloy ang mga baho na ibinato sa kanila ng senador.

    Tama yan, Ping. TNT ka muna ng ilang buwan kesa naman sa mapulbos ka. Hindi sila maku-kontento sa laban kung sa korte lang. What if an ambush scenario is already planned to liquidate him, lahat ay posible sa takbo ng utak ng mag-asawang baboy. Kahit anu pa ang galing ng mga lawyers niya, ano ang saysay ng mga abugado kung sa kanto ay may nakaabang sa kanya…?

  25. gusa77 gusa77

    Isa pang gustong umeksena at madinig magpa press release,at marahil kulang ng ang budget ng protection for state wetness kuno ng Pinas ay si BULAKLAK ng mga criminal,pati ang sex exchange ay ginawa issue ng rejected sa pangrap,ay talagang ganyan,ayaw patulan ng dream Prince Charming niya. My friendly advise to BULAKLAK,maraming videoke bar sa ERMITA,doon ka na kumanta at baka madampot ng mga OBAMA’S tribe,huwag mo lang kakantahin ang My Way,baka ma meet mo si TANING,at gawin kang vocalist sa kanyang kingdom.

  26. MPRivera MPRivera

    Laking tuwa ng Malacañang

    Mga baliw na kasi, eh, parang mga asong ulol pa!

  27. edfaji edfaji

    Tama ka Ellen, dapat talaga lumabas na muna sa Pilipinas si Lacson dahil siguradong walang hustisya sa kanya rito habang si Arroyo ay nasa power. Hayaan mong mag saya at mag celebrate itong mga alipores niya katulad ni Gary Olivar, Reynaldo Berroya, Prestoza, itong mayabang na Ric Diaz at itong pera pera lang na si Rosebud “BadGirl” Ong, dahil matagal nila itong inoperate. Hayaan mong mag inuman at maglasingan sila sa kanilang mga kamunduhan dahil bukas pag gising nila, sila naman ang nasa kulungan! Ganyan ang buhay sa mundong ito, mga katoto.

  28. edfaji edfaji

    Ang akala ba ng Malacanang malaking tagumpay nila itong ma-wanted ang isang senador ng Pilipinas na dating hepe ng PNP? Mahihina rin talagang mga kokote nila, ano? Hindi ba laking kahihiyaan ito sa uong mundo? Biruin mo kung papasukan ito ng CNN at aalamin ni Christian Amanpour ang puno’t dulo ng pagiging wanted ni Lacson, eh, hindi ba babalik na naman tayo sa lahat ng mga expose na siyang dahilan kung bakit ang buong makinarya ng gobyerno ni Arroyo ay ginamit parang ipitin si Lacson? Araw ninyo ngayon, sige, eat drink and be merry for tomorrow you will all die…

  29. jawo jawo

    Kapag si Gloria, Miguel Arroyo, Iggy Arroyo, Mikee Arroyo, Garcillano, Jocjoc Bolante, Benjie Abalos, De Venecia, Ampatuan, at kung sino-sino pang mga “brods and sis” ng Kriminal Incorporated (o ng Malacanang Mafia) ang sangkot (at kasalukuyang sangkot sa samut-saring kriminalidad), the wheels of justice from the DoJ, Ombudsman, the military, and police agencies grind so slow and up to a complete stop. They then turn into monkeys, which is to say that they see no evil, hear no evil, and speak no evil. Evidences are deemed hear-says or un-supported, un-documented, politically-motivated, with malice, or just plain wrong grammar and tenses, and so therefore, no crime were committed. These big-time crooks of the so-called regime of the damned come and go as they please through our national port of entries,……and even spend $20,000.00 for a night’s meal in New York at the expense of Juan de la Cruz.

    ‘Sing-bilis ng kidlat nang umaksiyon ang DoJ na mag-issue ng arrest warrant. Inalerto pa ang INTERPOL para hanapin si Ping. Naunahan nga lamang sila ni Ping (nyuk-nyuk-nyuk). I cannot remember these same agencies taking the same initiatives when Garci, Jocjoc, Abalos, et al were the culprit celebrities.
    I am not really a Ping Lacson admirer which is to say I have my doubts about him as well as my positive thoughts about his being.

    As far as I am concerned, he should face his accusers to prove his guilt or innocence. But for the same token, I also agree with him for doing a Houdini, at least for now, because one cannot fight a corrupt machinery full of criminals, especially when such criminals are themselves at the helm of the present so-called government, wherein even the Supreme Court is a stooge of the executive branch.

    The question is, what if the next government is a “replica” of Gloria’s ? Will Ping be another Jose Maria Sison in the making ?

  30. chi chi

    Pag-ipit kay Ping, ‘balato’ kay Villar

    Samantala, hindi rin ina­alis ni Banayo ang posibilidad na ang mismong pang-iipit ngayon kay Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson ay ‘balato’ ng pamahalaang Arroyo kay Villar matapos nitong pasimulan ang pagpapainit sa C-5 road extension project laban sa NP standard bearer.

    Matatandaang ibinaba ng korte ang arrest order laban kay Lacson, ilang araw matapos kamuntikang madisgrasya sa Senate Committee of the Whole report si Villar. (source: http://www.abante.com.ph/issue/feb0810/default.htm

  31. chi chi

    Magkano kaya nabenta ni Mancao si Ping?

  32. hawaiianguy hawaiianguy

    Tama si Anthony Taberna, pag kasapakat ni Arroyo ang kriminal, lusot sa autoridad. Pero kung kontra, atat na atat na timbugin ng mga asong ulol nya.

    Yan ang lagi sinasabi ni Goyang at ng mga bright boys nya na “rule of law.”

  33. MPRivera MPRivera

    Madali lang namang himayin ang butil ng kawing na nag-uugnay sa kasong ito ni Ping dahil dati na rin siyang bahagi ng tutumbuking ng kawing na ito.

    Hindi ba’t ang gobyerno ay isang organisadong sindikato? Bawat mahalal (kahit ito pang nang-agaw at nandaya ay alam ito, gayundin ang kanyang konsorteng baboy) na presidente ay bahagi ng sistemang ito, bilang pinakapuno ng organisasyon.

    Maraming alam dito si Ping, bukod pa mga naunang administrasyong kanyang pinaglingkuran at natural lamang, dahil siya ang walang tigil sa mga pagbubulgar kaya siya ang pinag-iinitan at hinahabol. Dapat lang na magtago muna siya. Lalantad lamang siya kapag nagpalit na ng pamunuan at nalinis na ang kanyang pangalan.

    Alam ko, sa 2016, kakandidato siyang muli’t mananalo at sisimulan na ang tunay na paglilinis sa organisadong sindikatong ito na gagawin niyang isang tunay na gobyerno.

  34. MPRivera MPRivera

    Napakaepektibo ang economic fool-mula nitong pimping bitch dahil she lured all hungry fools from corners of her kingdom. All she has to say is “Come and join me and you’ll become rich and powerful, untouchables” at presto, nagkakandarapa pa ang mga asong ulol kaya kahit alam nilang walang kinalaman at kasalanan ang kanilang mga hinahabol, basta’t alam nilang tinik sa buktot na layunin ng kanilang tagapag-alaga, wala silang pakialam kahit binabaluktot na nila ang tama.

    Kung ano ang iutos sa kanila, ‘yung lang ang kanilang susundin at gagawin.

  35. MPRivera MPRivera

    from all corners of her kingdom.

  36. perl perl

    salamat dito Ellen… mabigat talga loob ko dito sa takbo ng mga pangyayari… kahit papano dito sa thread na to, nakagaan na pakiramdam…

  37. perl perl

    Laking tuwa ng Malacañang
    Hindi lang malacanang ang tuwang-tuwa, pati taga-C5 at taga San Juan…

  38. Magkano kaya nabenta ni Mancao si Ping? – chi

    Mukhang malaki, bukod pa sa dadalhin ang buong pamilya niya para manirahan sa Singapore, burado ang kaso, at may bonus pang kwarta. Aba e tumakbo pa ngang congressman ng Compostela Valley, may perang itatapon, malaking kwarta talaga.

  39. MPRivera MPRivera

    Hindi lang dapat itumba. Baka mabuhay pa. Ibaon na rin patiwarik para siguradong walang ligtas.

  40. perl perl

    Ayon sa aking bolang crytal, Mancao will recant his statement in due time… naka-hostage lang sya… and something wrong will happen to mancao or to his family pag hindi sya sumunod sa kumpas ng mga demo-arroyo….

    i think after election… kahit sino umupo… pwde na magrecant si Mancao… or pag na arrest si Ping

  41. perl perl

    ang talgang nakakalungkot sa ngyari kay Ping… pilay ang opposisyon.. si Ping lang ang tutoo, may kakayahan at may tapang sa opposition na suwagin ang mga demonarroyo!

    kakayanin ba nila Aquino at Mar ang laban? sa eleksyon ngayon, kugn sino pinakamgaling maglabas at mang-imbento ng baho ng kalaban… sya ang panalo!

  42. andres andres

    Talaga Perl, pati tiga San Juan dinamay mo nanaman? Bakit di mo tignan ang San Juan kung bakit masaya sila doon. Kahit na oposisyon, ay maunlad pa rin ang San Juan.

    Ang problema sa mga pa-smart na tulad mo ay makitid ang pag-iisip. So Civil society. Social climber ang dating.

    Diba tama ako Igan Balweg?

  43. andres andres

    At isa pa, si Noynoy at Villar parehong may kasalanan sa pagkakaluklok kay Gloria noong 2001. Si Lacson ay may kasalanan kung bakit nagpatuloy si Gloria noong 2004.

  44. si Ping lang ang tutoo, may kakayahan at may tapang sa opposition na suwagin ang mga demonarroyo! — perl

    Agree!

  45. jpax jpax

    si Ping lang ang tutoo, may kakayahan at may tapang sa opposition na suwagin ang mga demonarroyo! — perl

    Agree..!!!

    Si Lacson ay may kasalanan kung bakit nagpatuloy si Gloria noong 2004.—andres

    First of all im not for Noynoy but do we have any choices, some of erap supporters here said that Noynoy is not qualified or sort of wala siyang experience or kulang pa or wala naman siyang nagawa or some even said he’s abnoy. But way back in 2004 erap camp endorse FPJ over Ping Lacson even though Ping Lacson groomed as the candidate of the opposition, between Ping and FPJ who do you think is most qualified? Now you will said that its Ping Lacson fault dahil nagpatuloy siya to run and it beecame easier for GMA to make daya the election. Ang pandaraya ay pandaraya wag isisi kay Ping

  46. Valdemar Valdemar

    News from Doka! Interpol finally caught up with Ping Ivler Lacxon!

  47. jp jp

    Im Agree to Ellen, Its All ARROYOSS FAULT, Maawa ka sa taong bayan Bb. ARROYY !alam ng lahat ang MAITIM mong pag iisip. What is ur latest plan Hello Garcie 2!

Leave a Reply