Skip to content

Ang mga pagbabayaran ni Atong Ang

Halatang ni-nerbyus si Charlie “Atong” sa kanyang pagbalik sa Pilipinas noong Biyernes. Nakapusas siya, naka bullet-proof vest at guwardiyado ng mga armadong kalakihan.

Sa interview sinabi ni Atong na nagsisi raw siya na nakihalo siya sa pulitika na siyang sinisisi niya sa kanyang kinalalagyan ngayon. Paano yun ay pulitika rin ang paggamit sa kanya nina Gloria Arroyo at Ilocos Sur Governor Chavit Singson para idiin si dating Pangulong Estrada.

Ang away nina Erap, Chavit at Atong ay parang Mafia war o away ng mga gangster.

Kung gagamitin ng Malacañang si Atong laban kay Estrada at sa iba pang gusto nilang sirain katulad ni Sen. Panfilo Lacson, ibig sabihin noon, aayusin nila ang ibang krimen ni Atong.

Katulad ng kanyang pagkasanggot sa kidnapping at sa pawnshop robberies. May record ito sa anti-kidnapping task force noong panahon pa ni Estrada.

Noong bagong upo si Estrada bilang presidente, may mga miyenbro ng anti-kidnapping task force na nagbigay sa kanya ng mga pruweba ng pagkasangkot ni Atong sa tatlong kidnapping ng mga Tsinoy. Ang isa ay kaibigan niya at ang isa naman ay pamangkin pa niya. Ang ransom ng kanyang pamangkin at P39 milyon.

Ayaw maniwala si Estrada. Pati rin daw si Lacson ay hindi kaagad kumagat sa sumbong hanggang nagkaroon sila ng isang operasyon na nasunog dahil nasa payroll pala ni Atong ang isang pulis. Doon naniwala si Lacson. Mga ilang buwan ang nakalipas, pinakita niya kay Estrada ang dokumento ng pagkasangkot ni Atong sa mga nakawan sa pawnshop.

May balita na nagalit si Estrada kay Atong nang gustong pasukin nitong sigang Tsinoy ang smuggling ng asukal. Nang hindi pumayag si Erap, pinaala-ala niya kay Estrada ang kanyang tulong noong kampanya. Pumanting raw ang tenga ni Erap ay sinabing, “Magkano ba ang ginastos mo sa kampanya ko. Bayaran kita.”

Mula noon, ayaw na makita ni Estrada si Atong sa kanyang bahay sa Polk st. sa Greenhills at sa Malacañang. Kaya kay Chavit binigay ang pangungulekta sa jueteng na dati ay gawain ni Atong.

Kaya lang, hindi tumagal nagkabati na naman si Atong at si Estrada. At ipinasok ang bingo-two balls na ikinagalit ni Chavit dahil mawawalan siya ng negosyo. Alam naman natin kung ano ang nangyari pagkatapos noon. Nagka-impeachment. At naging hero kuno si Singson.

Bago dumating dito sa Manila si Atong, ilang beses siyang binisita ni Chavit sa Las Vegas. Mukhang magkaibigan na naman itong dalawa.

Sabi ni Atong marami raw siyang natanggap na death threats. Hindi nakakapagtaka. Mukhang marami siyang dapat pagbabayaran.

Published inWeb Links

101 Comments

  1. npongco npongco

    Atong Ang should not be acting as if he’s a saint. He benefited so much from Erap. When Ang was still so powerful, he had a huge security group. One time, he beat up a congressman inside a cockpick arena. That was played in the media. Ang was a crook like Singson. It’s not true he was just involved in politics and war among the Mafia groups. He was in politics and part of the Mafia. In fact, Erap was the victim because he was caught in between the war between Ang and Singson. Erap could have sided with Ang; hence, Ang says he still loves Erap. Ang should not be worried about the opposition or Erap’s men who would hurt him in Manila. He should be more worried with GMA and Pidal’s gang who may want him silenced and dead; then blame this on Erap or Lacson.

  2. What can you expect, Ellen, especially when you have a police force that connives also with these Mafia gangs calling themselves officials of the Philippine government? I don’t even see Ang being really perturbed while escorted by the NBI, etc. Para lang, “Light, camera, action!” Sinong niloloko ng mga kumag na ito?

  3. Oh yes, thanks for the background info on this Ang, Ellen! Not being in the Philippines, I did not know about this Ang, and I actually wondered why he was being implicated in this case against Estrada.

    Gosh, ang dumi! Parepareho lang magkakasabwat ang mga walanghiya! That’s the problem in fact of having a police force under the management of the Mafia gang the police in fact are supposed to apprehend and have prosecuted.
    Tapalan lang ni Pidal at ni Sabit ng pera, lusot na!

  4. hindinapinoy hindinapinoy

    ellen,
    tama ang sinabi mo, parang mafia. ang nakapanlulumo ay pera ng bayan ang pinag-aawayan at pinag-lalaruan. nag mamadyong sa malacanyang, ang balatuhan ay isang milyon lang. LANG!

    isama mo na sa mga ‘SOPRANOS’ ang grupo ni lacson/aquino/aragoncillo et al na ang isa ay nahuli sa
    amerika ng pag e-espiya.

  5. HNP, kung sina Lacson ang nasunod, hindi sana naka-porma si Atong Ang sa administrasyon ni Estrada. Wala akong alam na krimen sa taumbayan na ginawa nina lacson, aquino at aragoncillo.

    May alam akong serbisyo sa mga Pilipino na ginawa nina Aquino at Aragoncillo. Hindi ko lang masabi dito.

  6. With Chavit practically pinching the Pidals’ noses, I wonder if Atong Ang was intentionally brought back to finally nail Chavit and not Erap. Chavit has been enjoying his life too much to the “detriment and embarrassment of the Pidals”, wouldn’t it be nice if they elimanate their “pinagkakautangan ng loob” in a legal way too just like they did with Erap? Its really a tale of Mafiosis killing each other. Gangster wars!

  7. Your theory, schumey, makes me recall the marcos and crisologo scenario way back in the 60’s.

  8. Bing Bong Crisologo was imprisoned and paid for his sins, Chavit however never did time. Remember, Gonzalez has Atong now and not Chavit. Chavit has abused his “power” so to speak. He is no longer useful to the Pidals. He might have signed his own warrant by mediating for Ang. The Pidals have shown how cunning they are, Ang is the bait and Chavit will surely be snared. Sometimes arrogance kills and this is very evident with Chavit. Remember how he threatened to withdraw his support for the bogus one if Erap is not convicted? I know this was not missed by her and her cabal. The lllegal takeover of the Poro Point and the shooting incident in Pasig also did not sit well with the administration.

    He has overstepped the boundaries accorded him. He had become a loose cannon and could easily bring down the Arroyos with him. He is like a gang lord that has grown bigger than the “godfather”. We all know how the Mafia takes care of the likes of him.

  9. chi chi

    Ellen, please check the last post/entry of Survival at all cost. Nalusutan ka yata! It’s still there as I write this.

  10. bayonic bayonic

    me like your theory too schumey.

    magsama-sama na sana silang bumagsak.

  11. Thanks, Chi.

    Despite the anti-spam mechanism of this blog, there are some persistent ones that are able to get through.The bane of techonology!

  12. Yup, maganda ang conspiracy theory ni Schumey. Sana totoo nga. This Sabit should go. Ang dami din niyang pinapatay and he has to pay in hell.

    Yes, Ellen, I remember that Crisologo crisis. It was the hot news when we left the Philippines. Unlike now, we were not able to follow it up. I thought Marcos was more protective of the Crisologos than the Singsons.

  13. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Charlie “Atong” Ang is back not by accident but by design to put another nail to President Estrada’s coffin. After almost six years of prosecution, illegitimate Gloria’s bought and paid blind followers couldn’t find President Estrada of guilty of the charges against him and now they got the heavy weight to testify against President Estrada, just to make sure he doesn’t get out of detention. It’s a must that illegitimate Gloria to find President Estrada guilty of the charges against him to legitimize her part of coup d’etat, subversion of President Estrada’s legitimate govt.

    Bogus Gloria is doing anything and everything that money can buy. Bogus Gloria is fighting for her legacy and her place in the Philippines history. Probably Atong is the man that can just do it, to find President Estrada guilty. In my opinion, it’s all pre-arranged, and bogus Gloria is at it again trying to buy her way out of prosecution and prison. As I see it President Estrada must be found guilty, so bogus Gloria can remain in power. It’s the rotten politic of the Philippines and bogus Gloria is quite good of the game.

    Bogus Gloria’s game is like an open book, its on your face. Bogus Gloria is doing all she can to keep Atong alive so he can testify to favor fake Gloria’s mob take over. Or, Atong would’ve been dead like Ninoy. We shall sure see!

  14. Toney Cuevas Toney Cuevas

    Chavit Singson is untouchable! Chavit didn’t get to where he’s at present for being stupid and dumb. He got Bogus Gloria peg and bogus still need Chavit pretty bad since Chavit is the only witness that incarcerated President Estrada. Hence, Gloria must not upset Chavit or Gloria and the entire Arroyos will be finished. Chavit alone can put the Arroyos away for good, so it’s a must that bogus Gloria to keep Chavit smiling all the time. Without the testimony of Chavit bogus Gloria doesn’t have a case against President Estrada. Summarily, Atong and Chavit together along with bogus Gloria’s bought and paid dogs Presdent Estrada doesn’t have a chance to vindicate himself.

  15. “Kung gagamitin ng Malacañang si Atong laban kay Estrada at sa iba pang gusto nilang sirain katulad ni Sen. Panfilo Lacson, ibig sabihin noon, aayusin nila ang ibang krimen ni Atong.”

    — splendid analysis ellen. you hit the nail right on its head.

  16. Mrivera Mrivera

    – splendid analysis ellen. you hit the nail right on its head.

    ellen, bs,

    same offer as what they did to sabit sipon, este singson?

    talaga naman, hoho. kelan kaya titigil hang mga halipores ni glutonia sa paggamit sa hibang taho uwag lamang mahalis sa pwesto hang kanilang ninang na lamang lupa? haru, diyos ku!!!

  17. hindinapinoy hindinapinoy

    Ellen Says:

    November 12th, 2006 at 6:10 am

    HNP, kung sina Lacson ang nasunod, hindi sana naka-porma si Atong Ang sa administrasyon ni Estrada. Wala akong alam na krimen sa taumbayan na ginawa nina lacson, aquino at aragoncillo.

    ===================================================
    Chief Supt. Panfilo Lacson, who has been convicted of human rights violations, including torture, arrests without warrants and confiscation of property. In a case filed in February 1993, Lacson and other members of Task Force Makabansa, a composite group of AFP intelligence units, were ordered to pay five victims-former detainees of the Camp Bagong Diwa Detention Center-P350, 000 each in damages.

    SOURCE -PCIJ

  18. hindinapinoy hindinapinoy

    Impunity
    Concerns increased that a climate of impunity reportedly protecting police and other officials from effective prosecution for alleged human rights violations was becoming further entrenched.
    * In March a court dismissed charges against 27 police officers allegedly involved in the extrajudicial execution of 11 bank robbers while in police custody in 1995. Key prosecution witnesses, including former police officers, had withdrawn their affidavits. In November one of the former accused, General Panfilo Lacson, was appointed head of the Philippine National Police (PNP).
    Incidents of alleged extrajudicial executions by police of suspected criminals were reported in Manila, Davao and other provincial towns during 1999.
    * In July PNP Colonel Alfredo Siwa was tried and convicted of killing a suspected criminal in a hospital in Nueva Ecija province in March. The victim had earlier been wounded and four other suspected criminals killed in an operation allegedly led by Colonel Siwa.
    One possible “disappearance”, allegedly carried out by security personnel, was reported during 1999. At least 1,600 “disappearances” reported since the early 1970s remained unresolved. Attempts by relatives of the victims to discover the truth and to seek justice continued to be unsuccessful.
    * In a rare test case the family of Jose Sumapad, who “disappeared” in southwest Mindanao in 1986 and whose remains were exhumed in 1996, filed a case in a local court in January. No hearings had taken place by the end of the year, and there were reports that family members and potential witnesses had been threatened by the alleged perpetrators.

    SOURCE – Amnesty International

  19. vic vic

    Contrary to Toney Cuevas assertions that Chavit Singson is untouchable, I do believe nobody is, at the moment he might be since he is still useful for the people more powerful than he is. But once his usefulness has expired, then he’ll just be like any other rugs, thrown and discarded or maybe just ignored and fade away. Just like Gloria and her Court, they seem untouchable; like Mao during his heyday, like the Shah of Iran, the Ceusescu of Romania, and like Marcos, or even Erap, nobody would even entertain the thoughts that they all will fall down in disgrace, and quick as lighting strikes. Atong Ang maybe used by Gloria, but he could be double edge swords, a con-man he was, a con-man he could still be. Be very wary!!

  20. vic vic

    hindinapinoy,

    would there will come a time that we’ll see the kind of “truth commission”, of the kind that was conducted and chaired by Bishop Tutu of South Africa to eventually dig and uncovered the Truth behind these “impunity”?

  21. hindinapinoy hindinapinoy

    Vic,
    Truth commission? I doubt it.

  22. Vic,

    Right now, Sabit is indeed untouchable. He killed a prominent lawyer in his home province. The case has remained unsolved. The police there would not like to touch the case, and the NBI is not doing anything about it!

    He is subject to a touch of a wand from heaven though.

  23. Mrivera Mrivera

    sa palagay ninyo, saan ba nababagay si sabit singson? di ba dapat lang sa kanya sa pugad ng kanyang mga kauring mababangis na hayop gubat? ano ba ang malaking bahagi ng tirahan niyang ginastusan ng kinurakot niya? di ba’t parang wild life park?

  24. That’s true. Remember tht picture of Arroyo with Chavit Singson and Mark Jimenez during Singson’s birthday?

  25. Mrivera Mrivera

    at kumpleto rin ang zoo ni glutonia. imagine what everyone around her looks like, her husband, children, in-laws, casbinet members and others clinging to her like monkeys. a clear picture of a jungle!!! o baka parang jurassic park!

  26. i’m learning, I am really learning here. Kaya ba meron silang mob mentality, lalong lalo na iyang nasa tuktok. Kaya pala insecure na insecure, mamatay tao, at nakaw ng nakaw parang isang mafia boss.

  27. Chabeli Chabeli

    I agree with Npongco that “Atong Ang should not be acting as if he’s a saint. He benefited so much from Erap…Ang was a crook like Singson…He should be more worried with GMA and Pidal’s gang who may want him silenced and dead; then blame this on Erap or Lacson.”

    In one interview, Atong Ang did say that his regret was getting involved in politics. That statement alone, to me, says a lot about the guy. He actually thought so highly of himself-the power he posessed at that time must have made him so drunk…and in a blink of an eye, he lost it.

  28. npongco npongco

    Merci, Chabeli. I can just imagine the pressure Atong is going on at NBI. Remember that NBI is under DOJ and the one heading DOJ is one of the most cruel guys we ever have at that department.

  29. chi chi

    Glueria and Husband Kleps are so desperate that they make “patol” to Atong Ang. They’re just streching their moments of holding on to powers, already feeling the chills of inevitability.

    I’d like to think that Glue’s camp is frightened by Lacson’s taking over Manila, thus reviving Kuratong B and Betain. If Lacson becomes Manila Mayor, life of the Pidals in their Fantasy Kingdom will be in jeopardy. Kapit-bahay lang ng Manila City hall (the real seat of political powers among all the local governments) ang Fantasy Palace ng mga Pidals. If Lacson will be true to his form, patay na silang bata sila! Kaya mas bagay si L sa Maynila.

  30. npongco npongco

    Manila is the most preferred city by the politicians. The wealthy and influential Tsinoy Community is based in Binondo, Manila. It’s the city where people could express their voices. Long before Edsa, Plaza Miranda was the center of people’s activities for or against the government. Therefore, whoever becomes the next Mayor of Manila is very significant. The Palace wants to make sure that the next Mayor is their man; at least a moderate like QC’s Belmonte. Otherwise, it spells trouble for Malacanang especially if someone like Lacson is the Mayor.

  31. Josephs,

    Re: “Kaya ba meron silang mob mentality, lalong lalo na iyang nasa tuktok. ”

    True and dagdag mo pa sa mob mentality: mga duwag!

  32. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Anti-crime crusader Senator Ping Lacson officially declared to run for Manila mayor in May 2007 midterm elections. Hoy! Atong Ang ano ba ang bagong pakulo ninyo ni SiRaulO sa Kuratong Baleleng case?

  33. npongco npongco

    Good. Congratulation Mayor Ping Lacson. Manila is among one of the most corrupt cities in Metro Manila. It is in this city where you see lots of illegal businesses and gambling mostly run by the cops themselves. The never ending traffic especially along Recto to Divisoria. The illegal vendors. The Kotong Cops. The abusive City Hall officials one of whom closely identified with Atienza who killed someone over some parking quarrel. The guy has not been arrested yet despite strong evidences as witnessed by the victims’ relatives during the incident. The problem is, will these syndicates allow Lacson to win? For one thing, Malacanang will make sure Lacson loses. Imagine if he wins, people would be free to rally against this GMA.

  34. npongco npongco

    And how true is it that if Lacson is elected as Manila Mayor, he would change the name of Lacson underpass to Ping underpass?

  35. Mrivera Mrivera

    raul goonzalez is not the most cruel man in DOJ but a man alienated from his own senses.

  36. Hindi ba parang napakarami pang pag ususapan kung si Atong Ang ay kampi kay Chavit o Kampi kay erap. Pareho pareho naman silang nakinabang sa kalokohang ginawa nila dati diba? Bakit hindi na lang sila ikulong silang tatlo. Dalawa nalang pala (kasi si erap nakakulong na. Upang pare – pareho nilang pagbayaran ang kasalanang ginawa nila. In that way sa kulungan lalo silang magiging close. Yun ang tunay na friendship.

  37. Mrivera Mrivera

    ystakei, hang mga a’as gahano man kadalas magluno (magpalit ng balat) a’as pa rin hang labas! ma’irap pagkatiwalahan hat paniwalahan hang mga ung’ang na ‘yan! talamak sa pagkaga’aman.

  38. Johnmarzan:

    Pagnanalo iyan, dapat nang mag-alsa ang mga taga-Maynila dahil ginagawa silang inutil ng mga ungas na ito. Dito sa amin, hindi puedeng tumakbo ang taong immoral. Kahit rumor lang hindi puede dito. Hindi ba sabi nila naging kabit-kabit iyan ng kahit sino?

    Hindi naman malayo kasi, I know of a lawyer who is a member of an exclusive club in the Philippines where the bunnies are said to be all wannabe Miss Philippines!!! Sila iyong kumakabit sa mga abogado, hustisya, mga politiko, etc.

    Dating minister of defense or minister of education dito natanggal nang mabalitang meron o nagkaroon ng kabit! Ganoon kahigpit! Nakukulong o nagbibigti sa hiya.

  39. Mrivera Mrivera

    johnenmarsha, este johnmarzan pala,

    siya ba ‘yung rosebud ni victor corpuz? di ba tinapon na’yan sa basurahan nung hindi malinis ang tenga ni lacson?

  40. Mrivera:

    Rosebud is the Chinese woman who loves to stalk Lacson! 😛 Kahit daw saan pumunta si Lacson, hahabulin niya!

    I wonder if there is truth that Lacson is actually gay, and why he must have turned down the offer of the Rosebud for a one-night stand!!! Kaya nagalit sa kaniya! Por dies, por singko!

  41. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Si Rosebud ay isang pakawala ni Jose Pidal laban kay Ping. Di bale libre gaw-gaw at pulbos sa Maynila kung siya’y manalo.

  42. chi chi

    ystakei,

    So, crush pala ni Rosebud si Ping? Ay naman! I don’t believe Lacson is gay, only hindi niya masikmura si Rosebud na kalabitin. With all the gaw-gaw (sabi nga ni DKG) na nakapulapol sa kanyang mukha, who would want to kiss her? Hay, election season na nga sa Pinas.

  43. artsee artsee

    Eto si Patong Ang este Atong Ang, laos na iyan. Ikinahihiya ko itong kababayan ko. Huwag siyang magkamali na galawin si Erap at lulusubin ko siya diyan!

  44. Spartan Spartan

    Nuong kakaupo pa lamang ni Erap (para sa mahERAP), meron isang insidente na “nag-walk-out” si Da King sa isang pagtitipon na ginawa ni Erap for “his close friends” which of course include his “original barkadas”, ang “Low Waist Gang”. Nuon pa ay diretshan sinabi ni Ronnie kay Erap na “hindi niya kursunada si Atong”…he even “prophetically told Joseph”…(in his husky voice)”Erap iyan ang magbabagsak sa iyo”. Kaso matigas ulo nitong si “bigote”, ayaw ilaglag si intsik dahil “magaling talagang gumawa ng pera sa sugal” ang lintek. Kaya nga “nag-alburoto” si chavit singson dahil “mas laging pinapaboran” ni Erap si Atong pagdating na sa mga “raketan” nila sa “illegal gambling”. At ang “straw that broke the camels back” ika nga, para “lumundag” at tumulong si chavit sa pagpapabagsak kay Erap ay ang “napipintong” pagsasakatuparan ng “To-bols” nuon…yari nga naman ang jueteng ni chavit. Iyong isyu sa “payola ng jueteng” may katotohanan pa iyon…pero iyong pondo para sa “tobacco projects” para sa Ilocos Sur…”hasiao” iyon, kay “el jugador” chavit lang napunta iyon.

  45. Spartan Spartan

    Iyong “nawalang parang bula” na empleyado ng PAGCOR, dahil “nalathala” ang litrato at video ni Erap na “pumipinta ng baraha” katabi si Atong “balatong”…”solo flight” ni Atong ang “operasyon” sa “paglilinis” nuon. But of course, Erap would “obviously” figure it out (no matter how estupid he really is) that his “shaolin warrior” had something to do with “the magical disappearance” of that PAGCOR man. That’s how “they do it the mafiosi way”…all they need is an empty steel drum, cement, sand, and water, and the Pasig River…presto!…now you see a man, now you don’t!

  46. Spartan Spartan

    Still in connection with Atong “balatong”…we can clearly see the “double standards” the US is doing….Atong “pang-diin” kay Erap…got sent back…Joc-joc “pangpabigat” kay gloria…got “held back”. Though with the recent “power shift” between the Blues and the Reds in Washington, we could just hope that “new foreign policies” of the USA could help “pressure” the present regime of our country to stop all their “shenanigans”. Nakakapagod na ang mga KAWALANGHIYAAN at KABULUKAN ng mga poilitikong ito.

  47. Mrivera Mrivera

    democrats na ang majority sa US congress, kaya malaki na ang tsansang mapauwi si jukjuk bulate kung hihilingin ng senado dahil wala nang haharang pang kakutsaba ni glutonia.

  48. nelbar nelbar

    >In a related news, Rosebud will run for Mayor of manila too

     
    jonmarzan,

    isang pagpapatunay ito na ang politika sa kamaynilaan ay labanan ng sindikatuhan at hind ng prinsipyo at idelohiya!

    may isang kasalan akong dinaluhan noong July 2004 dyan sa Malabon at isa sa mga bisita(gate crasher) ay itong si Rose Bud.
    Nagtataka nga ako kung bakit naka all black sya(she used to wear all red) samantalang kasalan ang pinuntahan nya.

    Matagal nang may koneksyon ang HK Triad dyan sa Maynila, lalo lamang magiging active ito kapag nagsumite na ng certificate of candidacy itong si Rose Bud sa Comelec.

     

  49. nelbar nelbar

    same offer as what they did to sabit sipon, este singson?

    talaga naman, hoho. kelan kaya titigil hang mga halipores ni glutonia sa paggamit sa hibang taho uwag lamang mahalis sa pwesto hang kanilang ninang na lamang lupa? haru, diyos ku!!! 一Mrivera

     
    Kapag bagsak na si Sabit Sipon, sana iyong dyan na “negosyo raw” niya sa Ortigas(Metrowalk) ay gibain at gawin eskwelahan para sa taumbayan.

    Nagtataka ako bakit may mga abogado pa na mga nagtatanggol sa mga sindikato. Sabagay, eh ang mismong DOJ ay sindikato rin!

     

  50. Mrivera Mrivera

    nelbar, bilang na ang maliligayang araw niya. kulangot na lang kapag natuyo ang sipon na ‘yan! he he heh!

  51. chi chi

    Takot ng kumanta si Atong tungkol sa KB & B. Nag-iisip, e kung Manila Mayaor na nga naman si Ping, di walang mangyayari sa kanya. Tameme na ang palasyo ni tianak sa deklarasyon ni Ping, kaya nagkakamot na muna ng ulo si Ang. Umiikot na rin ang tuktok ni siRaulo.

  52. npongco npongco

    I have the feeling that Senator Fred Lim would back out and allow Lacson to run unhindered. Both not only belong to the opposition; but are close to the Tsinoy Community and some powerful religious groups. Let this Rosebud run. She would be declared as nuisance candidate by the Comelec assuming the Comelec is cleaned up before the election. We need to change these Comelec officials now starting from this Abalos!

  53. artsee artsee

    Ang hirap kasi kay Pareng Erap, naniniwala sa tsu-tsu at sipsip ng mga iba. Palibhasa bobo kaya mahirap mag-decision. Mabait kung sa mabait na tao iyan pero napakalambot ng puso. Kailan ka nakakita na pinapatawad ang mga taong naghudas sa kanya; ang mga dumura sa kanya? Ano siya? Si Kristo? Tapos, iyon mga tunay niyang mga kaibigan at nananatiling tapat, etse puwera na ngayon. Isa na ako sa mga iyan. Isa sa mga dahilan sa pagpunta ko dito sa Tsina ay hindi lang sa wala na si Pareng Erap sa Malacanang kundi mas pinaniwalaan niya si Atong Ang kesa ako. Ang alam lang naman ni A-tong magbigay ng tong. Ako, wala akong inaasahang kapalit sa mga kabutihang ginawa ko. Magugulat kayo kung magkano ang donasyon ko sa kanyang kandidatura noon bilang pangulo. $10 Million lang naman.

  54. TonGuE-tWisTeD TonGuE-tWisTeD

    Di totoong bakla si Lacson. Walang ibang maipintas si Berroya kaya ginamit yung nga litrato nila sa PMA na naka damit babae si Ping. Marami akong kilalang Peemayer na dumaan din diyan sa ganyang “treatment”.

    Hinukay na nila ang record ni Lacson noon pa, pero walang maipintas talaga maliban na lang yung pagiging member niya ng notorious na MISG nung tenyente pa siya. Naman! kung yung colonel inuutusan ng heneral para itaob ang kung sinong kalaban, tenyente pa! Mas malala pa nga ngayon si Palparan kesa sa MISG noon.

    Yung Kuratong, patay na kaso na, naareglo na yung mga biktima, para sa akin kung ganun katalamak ang isang sindikato, hindi na dapat talaga binubuhay pag nahuli. Kaya plinano yung Dacer-Corbito dahil two birds with one stone, si Erap na kumakandidatong pangulo, at si Lacson na PNP Chief niya. Walang record si Erap na ipinapatay kahit na hari pa siya ng San Juan at napakalakas ng kapit kay Makoy. Ang suspetsa ko diyan, si Berroya, si Ramos (dahil siya ang huling bisita ni Dacer sa Manila Hotel office), o ang mga pinuno ng mafia sa ilog Pasig.

    Hindi na kailangan ni Erap sirain ang pangalan niya kung kelan siguradong walang talo siyang kakandidato sa pagka-presidente. Lalong walang pakinabang si Lacson kay Dacer dahil wala naman siyang interest na mapapaboran kung sakali.

    Kaya naman natatakot si Ang dahil tuwing pumapapel ang grupo ni Rosebud, violence naman ang ibinabato nito kahit walang pruweba. Pati tuloy ang kawawang ex-boyfriend ginawang sample para ipatong kay Ping pero walang kumagat. Nasayang lang ang buhay ni John na kakilala namin. Baka si Ang naman ang isunod.

    Nung isang araw sinabi ni Rosebud, gagamitin daw si Danny Devnani, yung bumbay na tetestigo sana sa impeachment ni Erap na halata namang pakawala ni Rosebud/Berroya, na tetestigo para ibaon si Ping sa kung anu-anong tinahing kasinungalingan at hulaan ninyo kung sino ang kasama ni Singkit na mukhang espasol, si Atty. Leonard Devera, yung US-practicing lawyer na nasibak ang lisensiya dahil kinokotongan ang mga kliyente niya!

    Tama kayo, sindikato ang kalaban ni Lacson sa Maynila kaya mas maganda ang laban dahil walang inatrasang sindikato iyang si Ping at nasa likod niya ang mga kakilala ko sa Binondo. Kahit pa intsik din si Rosebud, ikinakahiya siya ng mga intsik diyan dahil sabihin ba naman sa Senadong naging clerk siya ng “Binondo Central Bank” na isa lamang figure of speech! Panggap talaga! Ipaalala ninyo kay Rosebud iyan at siguradong mamumula ang mukha kundi maiihi sa pantalon.

    Ngayon pa lang matindi na ang pustahan sa Ongpin, plus 1 million votes pa daw si Rosebud. Ongpin? Teka,…Ong vs. Ping?

  55. chi chi

    KAILANGAN PA TALAGA NILA SI ERAP!

    Basbas ni Erap puntirya ni Ping

    (Rey Marfil)

    Kinumpirma kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang planong paghingi ng suporta kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada kaugnay sa pagtakbong alkalde ng Maynila.

    Ayon kay Lacson, malaking tulong ang basbas ni Estrada para makuha ang solidong boto sa Tondo area na deklaradong balwarte ng dating Pangulo, simula nang pumalaot ito sa pulitika.

    Posibleng mahati ang boto sa Tondo, ayon kay Lacson, kapag tumakbo ang kanyang kaibigan at katabi ng upuan sa Upper House na si Sen. Alfredo Lim, dating alkalde ng Maynila.

    “Makakatulong siya (Erap) dahil alam mo naman sa first district at second district sa Tondo area ang lahat ng hatak ni former President Erap pero hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa plano sa Maynila at saka nasa kanya kasi iyon,” ani Lacson.

    Umaasa si Lacson na kikilalanin ni Estrada ang kanilang pinagsamahan sa mahabang panahon, hindi lamang ang pagiging mag-kumpare kundi ang pagkakaibigan, katulad din ng namamagitan sa kanila ni Lim, dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa panahong nakaupong PNP chief ang senador.

    “Magkakaibigan kami, ako, si Senator Lim at si Erap, magkukumpare nga kami, eh. So kung sinuman ang kanyang tutulungan o kaya kung hindi siya makikialam eh hindi ko ikakasama ng loob iyon kasi kapag papasok ka sa isang larangan dapat pakita mo ang kaya mong gawin at tumayo ka sa sarili mong paa, pero siyempre welcome pa rin kahit sinong makakasuporta,” ani Lacson.

    Anumang araw, handang umakyat ng Tanay, Rizal si Lacson upang bisitahin si Estrada. “Wala pang iskedyul pero kami namang dalawa ay nag-uusap maski noong mga nakaraang buwan, pumasyal naman ako sa kanya sa Tanay, Rizal para makipag-usap,” ani Lacson.

  56. npongco npongco

    Although I support Ping, sometimes I don’t like the way he flip flops. At first, he said he didn’t need Erap’s blessing. Now that he was taken out from Erap’s list, Lacson now admits he needs Erap’s help and blessing even in Manila. Lacson has now become a true politician. But, this should not take away his qualification to be Manila’s Mayor or any public office in the land. If there’s a saying “Only few good men”, we can say there’s “Only few good politicians”. And Lacson is among the few we have today.

  57. chi chi

    Okay sa akin si Ping sa Maynila, npongco. I still think he’s the best to run the city. Lim is old, he had his good old days already.
    I believe that Erap still commands a majority of the pinoys. Huwag na lang magkunwari, aminin na lang, iboboto pa siya ng nakararami.
    Hindi siya ang aking presidente noon, but i’m willing to ask my relatives in Manila to vote for him. As for 2010, i’ll wait and see.

  58. apoy apoy

    erap,atong ang,chavit,arroyo,bolante at marami pang iba..
    parang pelikula!! Honor among thieves.

  59. artsee artsee

    Kapag nanalo si Ping Lacson, libre tayo lahat sa Ping’s Lechon.

  60. Mrivera Mrivera

    npongco, di ba balwarte rin ni asyong salonga ang tondo? ‘yun lang ang makuha ni ping nang solid, panalo na s’ya! kaya nga kailangan at inamin naman ni ping na hihingin din niya ang basbas ni erap.

  61. soleil soleil

    yuk!!!! rosebud is a reject kahit sa p.burgos…sinusuka ng chinoy community yan. a true-blue manggagantso and bata ng mga triad yan kaya if ever this anemic will have an edge in manila, it is bec she will have sponsors and puro tong collection na walang katapusan ang mga takutan sa chinatown pagka nangyari….hindi marunong mahiya at makapal talaga!!! kala nya naman ay natutuwa ang tao sa kanya…ako kahit bayaran ng 50M or even 100M para gumanap sa buhay nya isapelikula di ko tatanggapin…am much much prettier and have brains than her..but not the stomach to be as kapal as her!!!!

  62. npongco npongco

    Yes, Mr. Rivera. Lacson is aware that Tondo is Erap’s bailwick. That’s why he changes his tone from high to low volume and even planning to visit Erap in his Tanay detention to get his blessing. But, there’s already a stain in their relationship caused by Erap’s inner circle. Those around Erap has been Lacson’s main problem ever since. If there’s a neutral party who could make the two reconcile, it would be good for the opposition. But, who would be this neutral party? I personally believe someone like Mike Velarde or Manalo would be able to help.

  63. Soleil:

    Now, alam ko na kung bakit ipinu-push ang candidacy ng contact pala ng Triad sa Manila. Gusto nilang maging capital ng smuggling ng mga illegal drugs ang Pilipinas. Is that it?

    Sa totoo lang mga smuggled drugs dito galing sa Indo-China via Pilipinas at Tsina. Marijuana marami sa Pilipinas. Banig-banig ang hakot ng mga smugglers na nahuhuli via Narita or by mail, kasinglalaki ng cushion sa upuan ang sukat ng isang kilo as a matter of fact gaya noong nakuha ng pulis sa ni-raid nilang pinoy smuggler.

    Gosh, basta pagkakakuwartahan, OK kay Bansot! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  64. Soleil:

    Buti nakapasok ka! Ingat ka lang kasi baka ma-upset ka at masama iyan sa katawan! Tira lang ng tira, dear! PATALSIKIN NA, NOW NA!

  65. From Tribune:

    This is good reading:

    Monopoly of goodness

    HE SAYS
    Aldrin Cardon

    11/22/2006

    The woman accused of being a thief for having stolen the presidency of this country — not once, but twice — is seeing gargoyles on the church’s roof. Her eyes are burning in the presence of evil. They are named Erap, Gringo, Nene, Franklin, Trillanes, Miranda, Nemenzo and go by different colors, mostly red and blue and white and all other hues, but not as green as my mind can get.

    Yet she could be so green with envy after learning how lucky these gargoyles could get.

    What bulging eyes and a permanent scowl could become the most potent endorser of politicians when the death parade for 2007 comes? Erap, as evil as he could be portrayed by Gloria and her ilk, far from the goody two-shoes of a film era gone by, is back with a vengeance written on his face.

    Vengeance can come in the guise of a perpetual smile. Never mind if he is not free. Never mind if he is no longer president. But one raise of a hand, similar to the Cory magic of 1988, could very well transform an obscure man into a powerful politician. All he needs is the blessing of Erap, no longer of Cory and not of the Pope.

    That is why Gloria is set to banish him again into what she hopes would be perpetual doom. It has been six years and counting and they could not prove Erap as having stolen from the country’s coffers.

    Make him evil. Bring in Atong Ang, Erap’s friend from the good, old days. Tie him in with Gringo, the coup plotter who could never get it right. Name him as chief financier of a people’s revolt, a squatters’ revolt they say. But when will he be ever be convicted for plunder? Did he do it, or did you just do him in?

    Erap seems to have gotten good at monopolizing evil. One day he could be Belzeebub, tomorrow he’s the cretin eating your liver while you’re still alive in a hospital bunker. That’s how they, who fear him, see him, and these imagined character of the country’s main political character is being rubbed off on his political peers.

    There are about 50 of them immediately gaining national prominence. Many of them first- timers in national politics. Young, brash, idealists and sure of their faith in fate, they are bunking in on Erap’s side for sure winnability.

    The surveys don’t lie and, at most times, they are plainly correct. That is why Gloria and her allies are scampering for safety, like Hitler’s Nazis fleeing Stalingrad. On their way home, they spread news of the Russians ransacking homes and eating virgin flesh.

    That was how the Nazis made Germans look at the Russians as the Devil’s sons, by making false claims.

    How many false claims have been made by this administration for us to believe? Edsa II happened because of one. “Hello Garci” transpired because of another. Joc-Joc Bolante and the fertilizer funds scam cannot be forgotten because it is one. Then, there are more issues unaddressed, and more money believed missing or gone down the drain.

    Gloria will not speak about them. But she will talk about evil not being her government.

    It’s her words coming out of Gabriel Claudio’s mouth.

    Francis Escudero, not from the very rich Escudero clan of Quezon, but rich anyway, summed it all up when he said: “False prophets are the first to judge their fellow men because they can’t stand looking at themselves in the mirror and, as the saying goes, it takes one to know one.

    But what evil had Escudero done to deserve the tag? He just happened to be passing by when history took a sideturn to correct the mistake of Edsa II, yet Gloria’s allies still want to see history in their own perspective. How the people view it, however, is different and they are expected to speak next year.

    Meanwhile, a lightning showed the face of the gargoyles Gloria claimed to have seen on the church’s roof.

    They turned out to be angels, alright.

    It only depends on whoever is seeing things.

    *****
    As for Escudero, at least, we know, he does not have the dugo ng aso in his veins. Francis’ grandfather I am told was the founder of the guerrilla movement in the Philippines in WWII. This information I heard from some aging guerrillas themselves who would be willing to vote for Francis as president of the Philippines if he would run for that position! It is for this reason I guess why Malacanang is bent on trying to destroy his reputation, this man who has pure hero’s blood in his veins!!!

Leave a Reply