Gumawa na naman ng milagro si Reyna Engkantanda.
Binura niya ang classroom shortage o kakulangan ng silid-aralan sa public school sa pamamagitan ng sarili niyang definition ng classroom shortage.
Nangyari ito sa simula ng presentation ni Acting Education Secretary Fe Hidalgo ng kalagayan ng ating mga paaralang publiko sa pasukan sa susunod na linggo. Sabi ni Hidalgo, kulang pa sila ng 6,832 na classrooms. Nalalaman nila ang kakulangan ng classrooms sa pamamagitan ng pag-divide ng inaashan nilang bilang ng mga estudyante sa 45. Ang average kasi ng dami ng estudyante sa bawat clase ay 45.
Hindi pumayag si Reyna Engkantada. Sabi niya dapat raw ang definition ng classoom shortage ay bilang ng estudyante divided by 100. Ang average raw bawat klase ay 50. Kasi dalawang shift na ang classes, isa sa umaga, isa sa hapon, kaya 100 ang gumamait ng classroom. Kaya dapat walang kulang.
Mali itong formula ni Reyna Engkantada dahil ang karamihan sa double shift ay sa Manila. Sa probinsiya, buong araw sa paaralan ang mga estudyante.
Sa mga kritikal na lugar, hindi double shift ang nangyayari. Multi-class. Mas grabe yun. Ibig sabihin noong iba-ibang klase sa isang classroom. Sa isang sulok, grade I, sa isa namang sulok, grade 2, at sa isang sulok, grade 3. Ang partition lang nila ay bulletin board.Sa ganitong sitwasyon, paano matututo ang estudyante?
Tinarayan ni Reyna Engkantada si Hidalgo sa harap ng mga cabinet members at media: “Nagkasundo na tayo ng definition ng classroom shortage. Ano ngayon ang shortage sa ganoong definition?”
“Kukunti na lang po ang magiging shortage,” ang sagot ni Hidalgo na ninerbyus.
“Kaya nga, kaya nga,” sabi ng mataray na reynang engkantada. “Kailangan natin ipakita ang ating accomplishments. Kasi palagi na lang tayong ina-atake sa shortages. Nare-resolba naman natin ang shortages.”
Pinabalik si Hidalgo sa Deped. Para bang bata na pinarusahan ng teacher. Nang hapon, bumalik siya sa Malacañang at nagbigay ng press briefing sa media habang binabantayan siya ni Presidential chief of staff Mike Defensor.
“Wala ng classroom shortage!” sabi ni Hidalgo sa media.
Akala nila naloloko nila ang taumbayan, ano. Maniniwala ba ang mga estudyante na nagsisiksikan sa isang classroom na walang classroom shortage? Maniniwala ba ang bata na nag-aaral sa ilamin ng punong kahoy na walang classroom shortage?
Pinakita niya na hocus-pocus lang ang solusyon sa problema. Dagdag-bawas formula itong ginagawa niya.
Ang masama pa dito, ginawa niyang tanga si Hidalgo. Masamang ehemplo sa edukasyon.
Ms. Ellen,
Narito na naman ang isa sa pandaraya ni Nano upang mailahad sa mamamayan na isa sa “accomplishments” ang report na walang pagkukulang sa mga silid-aralan sa mga public schools. Maliwanag pa sa sikat ng araw na totoo ang situwasyon pero nais ni Nano na mag-ulat ang Acting Dept of Education Secretary Fe Hidalgo na walang pagkukulang.
Wala na ba talagang sariling paninindigan ang mga empleyado sa pamahalaan? Kaya nagagawa ni Nano ang nais niyang gawin ay dahilan sa puro mga walang paninindigan ang numumuno. Kapag mali ang isang bagay ay ipilit na mali kahit na ang kapalit nito ay ang kasalukuyang pwesto.
Nakita naman natin ang 360 degrees turn around ni Fe Hidalgo kahapon matapos palabasin ang media sa pulong na ginagawa ni Nano sa kanyang mga alipores. Nakakaawa talaga si Fe Hidalgo – ginawa siyang rubber band – urong sulong! Manindigan naman kayo at huwag maging robot ni Nano!
Ellen:
Every time the Midget came to Japan before the election 2004, she would be handed over millions of yen by members of a Philippine Assistance Group, which is a conglomeration of Philippine organizations in Japan numbering over a hundred or more organizations of both legal and illegal Filipino migrants to Japan. She came here six times, and every time she did, she usually would go home with bags full of money, cash and even promisory notes according to a reliable source.
I was told of how the Philippine embassy here would go about holding some bingo session to get the needed dough for what they say was “Gloria’s classroom” and they would have at least 3M yen ready by the time the Midget came over, and this they did not just once but several times.
This is just one of the money-making gimmicks the Midget would do here. Now, she does not visit Japan after being honored with a state visit prior to election 2004, but she sure sends her tongressmen over to do her beck and call as in the case of De Venecia who is ecstatic about the 80M-dollar grant being promised by Japan’s Jun-chan (Koizumi’s nickname).
I bet you, she’s been doing the same in KSA, etc., and reason why she flared up when Hidalgo revealed that despite the bragging of non-existent accomplishments, nothing has been done really to address the problem of providing Filipinos with education especially the poor Filipinos who cannot afford to send their children to school.
Over here, parents can get imprisoned and fined if they don’t send their children to school. Education is compulsory, and parents cannot make poverty a reason for not sending their children to school. Indigent families can get welfare to enable them to send their children to school, and this is why we do not hesitate to pay our taxes here. Those who do get caught anyway.
Itong si Pandak mahilig lang magsinungaling!
If I were Secretary Hidalgo, I’d rather leave the post than become an instrument to another manipulation.
As a secretary, she is supposed to know her department more than anyone else, and to be lashed out by the President, because she doesn’t like the numbers of something she knows nothing about and don’t look good on her-too bad. Resign and let the president run the Department herself.
The solutions to the problem is not doubling the classes or students per class or double shifting the already overworked teaching force, but to build more classrooms and train and hire more teachers.
She’s dreamning of that “enchanted kingdom” for her people in 20 years (getting to the First World class) but she started in the wrong foot. That of the “Proper Education of the Future Occupants of her ‘enchanted kingdom'”.
While, we in the first world are trying hard to further reduce the number of students per class to 20 from an average of 30, doubling hers, instead of reducing and building more schools and training more teachers and paying them decent numerations and making sure that the pupils and students all equally acquire proper educations befit her dream of “enchanted kingdom”, to me what she’s doing is a Reverse March to that DREAM OFHERS…
hah! yan na nga ba ang sinasabi nating lahat. lumalabas kung paano nag-ooperate ang pagiging madyikera ni gloria. so di ba, halos pareho nung phone chats nila ni garci. one million votes, o kita nyo, one million nga lamang.
ito namang sa issue ng classroom shortage, aba okey rin ah! 50 students sa isang classroom pag umaga, 50 rin pag hapon! paano nga talaga matuto ang mga mag aaral kung siksikan sila? unless ang dimension ng classroom para sa 50 students ay kasinglaki ng silid o opisina niya sa malacanang? o sige na nga, baka nga mas malaki pa ang banyo niya. yun ngang 45 sa isang classroom, may kadamihan na yun. saan ilalagay ang desk, ang pisara, at paano magkakaroon ng magandang learning environment ang mga mag-aaral? wala……talagang going to the dogs na kung iisipin ang kahihinatnan ng edukasyon. yan……classroom pa lang pinag-uusapan. paano na yung mga libro, yung teaching/visual aids?
sabagay, sa pagiging saleswoman mode ni gloria, siguro iniisip niya, di bale na mistulang sardinas ang mga estudyante, basta masabi na nasa loob ng classroom. ano ba naman yun, eh, magiging dh lang naman o caregiver sa ibang bansa! ayos na para sa kanya. she does not care about that….only of her accomplishments. punyeta niya talaga!!!!
pambihira naman itong si hidalgo, nakagalitan lang, parang trumpo na biglang ikot!!!! at ano ang ginagawa ni defensor nung si hidalgo ay humarap sa media? para maging moral support, o siguruhin na hindi igigiit ni hidalgo na may classroom shortage nga! takot siguro si defensor na gumaya si hidalgo kay dinky soliman.
kung ako si hidalgo, mag-resign na lang ako. not because nasabon at nilabhan siya, kundi nakita nya na sana kung anong klase “guro” si reyna engkantada. pati ba naman yan, lulunukin niya rin prinsipyo niya?
all for the money!!!!! and power of course….
Ewan ko kung anong klaseng math or economics ang itinuturo sa Georgetown o sa UP School of Econ, pero kailangan may magsabi sa kanila na hindi puede ang pagpapalit lamang ng definition o class size para matugunan ang problema sa kawalan ng silid-aralan. Kahit mag double-shifting ka pa (sa Metro Manila nga, may triple-shifting na), magagawa lang yon kung may sapat na guro at maayos ang management ng time schedule (hindi pa pinag-uusapan dito kung ano ang matututunan ng mga bata sa ganoong paraan). Pero papano makakatulong ang double shifting kung ang kulang ang classroom sa Payatas, Quezon City, at ang sobrang classroom ay nasa Isabela? Kung saan man nanggaling ang ideya na ito, nakaka-awang isipin na ito ang nagiging basehan ng national policy.
Nauunawaan ko kung bakit mas minabuti na lamang ni Dr Hidalgo (isa siyang tunay na dalubhasa sa edukasyon at hindi namumulitika) na tanggapin ang sala kesa sa palakihin ang ingay. Siya na nga lamang ang maasahan sa DepEd kaya hindi niya makuhang iwanan ito nang ganoon na lang. Bilang isang tunay na education professional, alam niyang ang kawawa ay ang mga mag-aaral kung walang leadership ang DepEd sa panahon nag pasukan ng klase. Alam niyang hindi naman ang mga politiko o mga naghahari sa Malacanan ang maaapektuhan.
grabe talaga si Nano, siya talaga ang wizard ng enchanted kingdom nya.. he he he.. ngayon naman ang biglang namadyik ang classrooms.. may shortage ng classrooms, sa isang sabi lang.. poynnk! nawala na ang shortage! yun pala daya lang ang madyik nya! dating ratio na 100 pupils sa isang classroom ngayon 50:1.. galing talaga…. nakakamangha ang panloloko nitong taong ito. tanga lang ang hindi nakakahalata!
nag-aral ang anak ko ng isang taon sa isang public school dahil nakasama ako sa retrenchment, grabe! nasa 98 sila sa klase. 3 sila sa isang mahabang desk. ang teachers walang magawa kundi ituloy ang pagtuturo kung hindi nya man makontrol ang mga nasa likuran.
kung sa maghapon na nga na klase wala nang matutuhan.. hahatiin pa para lamang ma-accomodate ang madyik ni gloria!
PINATUNAYAN LANG NYA NA MADYIK LANG ANG ALAM NYA! 2004 election result madyik nya lang talaga!
tanga na lamang ang hindi makahalata sa pinaggagawa ng taong ito!
Sorry dear friends, walang dual citizenship sa Japan kaya hindi ako makaboto kundi hindi ko iboboto si Pandak. On the other hand, nakakatulong din kahit papaano. Foreign Observer ang labas ko and I did my best to provide the venue for registration of Filipino voters in the last election. Ang sagwa naman ng nangyari, palpak ang mga registration cards, maraming walang litrato, maling pangalan, etc. etc.
In short, talagang walang ginagawang tama itong si Pandak. Oo nga papaanong nakapasa ito sa UP at nabigyan ng PhD? Sino ba ang presidente noong nagkaroon ng Doctorate degree daw ito sa Economics? Si Angara ba o si Abueva?
Kawawa talaga ang bansa at mga pilipino dito kay Reyna Engkangtada! Boy, ang laki ng tupak sa ulo noong Martes! Hindi na nahiya sa ginawa niya doon sa Edusec niya! Parang batang walang isip!
01 June 2006
Tsk, tsk, tsk……. Talaga naman, why do we have to listen to the leprecahun???? If there is shortage in calsrooms, the government should find a way to remedy it, right???instead of scolding the head of DepEd, the leprecahun should add more to the their budget, or better yet, ask her minions and clowns to use use their CDF in buidling more classrooms in the country.
What do you expect from a cabinet secretary when scolded by the president(??????????????), of course he/she will retreat. And then in the afternoon press conference, under the watchful eye of mike “the defender” hidalgo claimed there there’s no more classroom shortage, AMAZING!!!!!!!!!! in the morning there’s classroom shortages and then int he afternoon, they proclaimed no more shortages in classrooms, WOW!!!!!gleng, gleng naman nila, how did they do that????perhaps other agencies should follow the same formula, para mawal na ang utang ng Pilipinas, hehehehehehehehehehe…….
Just like what ermita said, after hearing the testimony of ERAP, saying that the leprecahun has no hand in the conspiracy to unseat erap, tsk, tsk, tsk…………
Are we really living in the enchanted kingdom of the leprechaun?????or are we living in a nightmare with gloria as freddy kruger, hehehehehehehehehe……..
jinx
Another “feather” in GMA’s cap. What’s supposed to be a “good” cabinet meeting turned into a circus instead, when the “Magician” blew her top. Her anger directed at the poor OIC Hidalgo of DepEd. Its good to see the real GMA at work. Hitler’s general during WW II, were so afraid of Hitler’s tantrums that they fed him the wrong info giving him the premise that all is well. GMA on the otherhand wants her cabinet to lie through their teeth to give the nation the premise that she is doing her job.
The reality is, several public schools are in desperate need of additional classrooms that libraries, comfort rooms, stairwells, hallways and even storerooms are being converted into classrooms to accommodate the growing number of students. 1:100 is absurd as some schools have a ratio of 1:317, the lowest is 1: 127. She should replace Hidalgo with Garcillano since Garci is very good at “dagdag-bawas”.
Is this the kind of administration who dreams of making our country first world in 20 years? This can only be achieved with good and sound education. I expect her SONA this year to be a stand-up comedy act worthy of Comedy Central. I also expect her SONA to be a clown convention since “most” of our congressmen are clowns anyway.
bakit wala ang post ko?
well, naunahan na siya ng arroyo admin. tatanggalin na siya sa pwesto niya as soon as napakili na si arroyo ng permanent replacement.
http://www.tribune.net.ph/headlines/20060601hed4.html
Good day Ellen,
Alam po nating lahat na ginagaw na ng presidente ang lahat ng kanyang makakaya para sa edukasyon, kaya nga lang po ay sobrang dami na po talaga ng ating mag aaral alam po naman natin na over population na tayo sanhi nito ay ang pagkukulang ng classroom, anfpresidente po natin ay iisa pero marami po tayong senador at congressman na nagbubutas lang ng bangko sa kongreso at senado gaya nina pimentel, mag inang estrada at kung sino sino pang magagaling lang bumatikos, bakit hindi sila bumalangkas ng mga batas na makakatulong sa shortage ng school room, trabaho nila yan, kaya nga po andyan sila dapat kaagapay ng pangulo sa mga ganyang problema, eh kung lahat po na ito ay isisi nyo sa presidente ay dapat alisin na po natin ang kongreso at senado na wala namang pakinabang, ilagay natin ang ang kanilang magiging sahod sa pagpapatayo ng mga eskelahan at mga kalada at iba pang proyektong kapakipakinabang, o di kaya bakit hindi nila gamitin ang kanilang pork barrel sa kanilang mga distrito, palagay ko po naman ay sapat na ang mga naglalakihan nilang pork barrel para dito, mag isip isip po tayo mga kabayan tsk! tsk!
Ang alam ko sinisira niya ang edukasyon. Ginagamit niya ang pera para sa edukasyon para pambayad sa mga tuta niyang pulitiko. Isa na doon ang post-dated checks para kay Rep. Antonio Diaz noong impeachment noong isang taon.
Ang ginawa niyang pagmanipula ng figures ng classroom shortage ay pandaraya. Tinuturuan niya ang mga guro na mandaraya. Ano ngayon ang ituturo sa mga bata?
Schumey, I visited your blog. There’s no entry yet?
E-mail from Elvira madrid:
Mam Ellen magandang araw po sa inyo.Ako po si Elvin Madrid ng Valenzuela M.M.Isa rin po ako sa mamayan Pilipino na hirap na hirap na makaraos sa sobrang taas ng mga bilihin at tuition fee sa paaralan na wala yatang kakayahan ang ating pamahalaan na mapigilan yan po ay sa kabila na pagmamalaki ni GMA na umuunlad ang ating ekonomya.
Noon pong tinutuligsa po ninyo ng mainit si Erap sa kanyang mga mansyon isa po iyon sa mga nagpainit din ng damdamin ng kaunting pinoy.(konti lang naman talaga sila)Medyo sumama po ang loob ko sa inyo kaya lang naisip ko na trabaho lang ang inyo walang personalan,hangang ngayon po parang kulang ang araw ko pag di ko nabasa ang kolum nyo sa abante.Kahit paano meron pa rin kamukha ninyo na di takot tumuligsa sa nakaupo sa Malacanang na pwede ng masulat sa Guiness Book Of world record sa dami ng kasinungalingan at pandaraya na ginawa sa mamamayang Pilipino.
Meron pa po ba tayong pagasa na mawala sa Malacanang at mapalitan ng tunay na magmamahal sa sambayanang Pilipino na nakalugmok na sa dusa`t pighati.Pag nababasa ko ang kolum nyo nilaKa Dacky Ka Amado Ka lito Banayo ay nagkakaroon ako ng pagasa na sana ay magising na ang mga Heneral at mga pulitiko na ginagamit lang sila nila Pidal para manatili sa pwesto at magpayaman.
Good Day and more power.
Salamat sa iyong pag-unawa. Bilang journalist, ako ay nagre-report ng katotohanan. Kung ano man ang magiging resulta ng pagbulgar ng katotohanan ay hindi ko na hawak.
Elvira’s e-mail is touching!
Magdalo_you,
Palagay ko hindi na kailangan ng anupamang batas para sa pagdadagdag ng mga silid aralan. Nasa ehekutibong sangay ng pamahalaan, iyan ay ang Opisina ng Presidente at mga Gabinete at hindi ng Senado. Iyan ay kung naiintindihan mo! Nasa ehekutibo ang pagpapatupad ng batas. At dyan nakapaloob ang pagpapatakbo ng Kagawaran ng Edukasyon. At ANG PAGRESOLBA SA MGA PROBLEMAAY HINDI MALULUTAS NG MAHIKA NI GLORIA ENGKANTADA!!!! Iyan ay kung NAIINTINDIHAN MO Magdalo_you!!!
Ellen, sorry just figured how to create my own blog. I’ve posted something there. But don’t expect anything fancy yet.
I must admit that I was one of those duped by GMA and joined the call for Erap’s ouster. With the hope for a brighter future, I allowed myself to be used by those who plotted a power-grab. With Nick Joaquin’s interview of Mike Pidal, it suddenly dawned on me how I was manipulated. I would like to apologize to Ms. Madrid, I would like to say that I only did what I believed was moral and just back in 2001.
Good day Ellen,
pakibatukan mo nga muna yang si luzviminda para magising na sya sa katotohanan, para sabihin ko sayo kailangan mo poh ng budget para dyan at kung hindi mo po naisumiti sa konggreso ang budget para dyan ay wala ka pong magagamit, mabuti nga itanong mo nga sa mga senador kung naaprubahan na nila ang national budget , andon pa at inuupuan pa nila habang sila ay natutulog, may sistema tayo na sinusunod , at iyan ang nagpapabagal sa ating pag asenso kasi mali ang sistema hayaan mo pag naaprubhan na ang charter change at magkikita kita tayo sa engkantada !!
Ellen, Luzviminda Budget 2006 approved by Senate according to an Inq7 news flash!
According to http://www.inq7.net/index_network.htm at 12:43am (2ND UPDATE) “Senate approves 2006 budget” or 12 MINUTES before Magdalo_you started spewing digested mustard from his bottom against Luzviminda.
I suggest that we hogtie Magdalo_you and deliver him to taray engkantada coz they are of the same feather!
Ellen, Luzviminda
Budget 2006 approved by Senate according to an Inq7 news flash!
According tohttp://www.inq7.net/index_network.htm at 12:43am (2ND UPDATE) “Senate approves 2006 budget” or 12 MINUTES before Magdalo_you started spewing digested mustard from his bottom against Luzviminda who was simply raising a legitimate issue!
I suggest that we hogtie Magdalo_you and deliver him to the Gloria Maqndaraya a.k.a. Enchanted queenie loca-loca (taray engkantada) coz they are of the same feather! Eithat that or batukan ang tangnang’yan!
The guy can’t even read! All he’s got to do is to read the friggin Inquirer before he spews digested mustard from his silly bottom!
Hi Schumey:
As far as I am concerned, I was never into the Oust Erap Movement. I thought that his signing Mike Velarde’s name though in some bank transaction was illegal, and he should have been duly punished for it. It is not plunder, though. It is falsification of documents! And his dealing with Chavit Singson is bribery!
Nonetheless, between the Midget and him, the Midget is the worse one because at least we know for a fact that Erap did not steal any money for there were not much to steal with countries like Japan not willing to give him any grant.
I know there was some hurdle in fact getting him a state visit that he was supposed to get in November 2000 but that went kaput when the Midget led Oust Erap Movement resulted in the impeachment trial that never was with the Aboitizes making noises there and getting media exposure. It was all a crap really!
Now, let bygones be bygone. Let’s all join hands together to have the criminal suspect kicked out of the palace by the murky river. It’s the best thing that Filipinos can do as a matter of fact.
There is an election in 2007, and pray that Filipinos would be wiser to ask now for the removal of all Comelec Commissioners handpicked by the Midget if they want a clean election, and all the money brokers or those who accept porks from the Midget in Congress removed.
Kawawang Pilipinas! Lalong gumulo!
Thanks ystakei, I am one with your call for Princess Laila to resign. This would be a daunting task though. The Princess is consolidating her forces and is continuously purging our institutions of the moraly upright, decent and principled public servants. Unless the populace wakes up from its misty slumber, we will continue to writhe in agony under the Princess’s rule. Let’s all hope for a rude awakening.
Magdalo_you,
Kung sasabihin ni Gloria Enkantada na walang shortage, eh di lalong hindi bibigyan ng budget sa pagpapatayo ng mga eskwelahan! Iyan nga ang sama ng pagsisinungaling ng amo mo! Pareho kayong hindi nakakaintindi ng tunay na problema. Kayong dalawa ang dapat batukan dahil ANG LALA NG KATANGAHAN NYO!!!
Magdalo_you,
Gusto na naman kasi ni Bruha Gloria Engkantada na amo mo na NAKAWIN ANG PONDO SA PAGPAPATAYO NG MGA ESKWELAHAN! Para may magamit na namn siya sa pagsuhol sa mga WALANG KONSYENSYANG TONGRESSMAN AT MGA AMUYONG! At pati na rin siguro sa pampayad sa mga nabiling katulad mo!!!
Magdalo_you,
Sa susunod na Cabinet meeting ng amo mo eh baka wala ng shortage, at baka sobra pa nga ang classrooms dahil gagawin na nyang 1:200 ang ratio. Pagagawa nyang double-deck ang mga desk at baka 24-hour shift. I-suggest mo sa amo mo para talagang may achievements! Hehehe!!!
ipinaabot ko ang aking taos-pusong paumanhin kay magdalo_you….. kasi sabi niya, ang presidente natin. baka presidente niya lang, kasi ang alam ko, halos lahat ng pilipino naniniwala na si pekeng gloria ay nagnakaw ng boto ng talagang nanalo. kaya paano ko sasabihin na presidente ko si gloria?
presidente para sa kanya, dahil nakikinabang siya siguro pati na pamilya niya sa mga kakurakutan ni gloria at ng mga alipores niya. ang matindi nito, hindi siya masyadong informed, banat lang ng banat.
magbasa ka nga muna! tama si anna, basahin mo muna mga balita bago ka dumiskarte. napapaghalata ka tuloy, ulol!!!
Myrna, Luzviminda:
Tawa ako ng tawa sa mga sulat ninyo. Ito naman si Magdalo-you daw, baka si Madam MacArroyo pa nga iyan e. Someone ones commented that she is always in front of her laptop tinkling her keyboard. I understand she, the daughter and some relatives in her Internet Brigade are posting in all discussion groups for Filipinos and posting the things that the Midget wants propagated on cyberspace under such names as nexmillie, getitright (daw), justsayitright (daw), and many more fancy a.k.a. Iyan ang trabaho niya kaya what she says, I don’t believe!
I’ll probably have faith in the Philippine system once the Philippines starts paying back its debts to its debtors and stops borrowing money to be paid to yes-men like those ungentlemen of the Philippine Tongress!!!
On the other hand, is this just wishful thinking? Kawawang Pilipinas!
BTW, the problem of providing education should have been pursued long time ago by the Philippine government.
The only one who did as far as I can remember was ex-Manila Mayor Arsenio Lacson, an Ilonggo. I was in grade school when Lacson was Mayor of Manila, and he had all public schools in Manila free of charge and available to all children who reside in the city.
Now what happened was children from nearby suburbs were enrolled in Manila schools with altered documents to prove that they resided in Manila, because Mayors there were more corrupt and did not do anything to improve education in their spheres. But Lacson did not say anything against it because he believed in the children being the future and hope of the Motherland.
Unfortunately, he died before he could see those kids doing something for their country. I guess they have gone overseas where they are earning better monetarily and otherwise.
As for the present Mayor of Manila, shame on him for being such a sipsip to the criminal suspect over-squatting at the palace by the murky river!
Lacson, the fearless Mayor who was courageous enough to challenge all the presidents of the Philippines then, was nothing like the Mayordomo of the Midget that Atienza acts like one today. Kakahiya naman ang bubuling ito!
Ah, those were the days!
in makati, jojo binay’s administration, i understand, gives free education for poor residents of makati.
magshare ka na lang dito magdalo_you , para may matutunan ka pa kesa sa mag ilusyon ka sa pamamagitan ng batukan.
siguradong may matututunan ka sa tuwing maglalathala ka ng iyong mga opinyon at kurokuro
Pasensiya na kayo kay MAGDALO_YOU alam naman ninyo na LAHAT ng naniniwala kay Reynang Enkatarantada ay nagiging “BOPOL”. Kaya kung ano ano na lang ang lumalabas sa kanilang mga mabahong bunganga at hindi alam kung ano ang pinag sasabi.
KAYA PAG PASENSIYAAN NA NINYO SI MAGDALO_YOU. TANGA LANG IYAN (HE,HE) HUWAG KANG MAGAGALIT DAHIL TOTOO NAMAN DIBA..
BATUKAN MO ANG SARILI MO BAKA MAGISING KAPA…. MEDYO LAKASAN MO AT DAMIHAN MO ANG BATOK DAHIL KATULAD KA NG IDOL MO NA MAKAPAL NA ANG PAG MUMUKHA AT MANHID NA.
NAKAKAHIYA KA ….
HI!Mam Ellen
I just want to say something about MAGDALO_YOU.
Si MAGDALO_YOU ay hindi tanga,hindi bobo,hindirin mang mang.Ang masama mo ngalang kay MAGDALO_YOU walan laman ang ulo niyan o menron pala abo…
mabuti na lamang at malawag ang pananaw at pandinig ko, kaya’t nalulungkot ako sa tunay na kalagayan ng ating bayan.
kung sino man ang nakaupo, kung may mga anomalya, dapat lang batikusin ng maituwid ang pagkakamali at maparusahan ang mga kasangkot. sino sino rin ba ang makikinabang kungdi ang ating bayan, kung wasto lamang ang pamamalakad ng pamahalaan.
Totoo yan, penoyko. Welcome!
hik hik hik.. magsama-sama nga kayo magdalo_you at ni leprechaun sa engkantadia nyo. pinoy kawawa pinoy! ibang-iba ang pinoy. madyik dito madyik roon, nayari na pati edukasyon. dapat sa mga APO NI GLUE-RIA SA PUBLIC SCHOOLS PAG-ARALIN para magising sya sa katotohanan at puro pantasya na lang ang laman ng ulo nito.
tama ang mga articles na ito.
[url]http://news.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=78085&col=111[/url]
[url] http://news.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=78080&col=75 [/url]
dapat sa MGA APO NI Glue-ria SA PUBLIC SCHOOLS PAG-ARALIN para malaman niya ang katotohanan at hindi para pantasya na lang ang nasa isip.
http://news.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=78085&col=111
http://news.inq7.net/opinion/index.php?index=2&story_id=78080&col=75
dapat kay glueria sa public schools pag-aralin ang kanyang mga minamahal na mga apo para magising siya sa katotohanan kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng edukasyon sa pilipinas! bobo!
I agree fully kay Octavian. At huwag lang sana sa edukasyon, at huwag lang ang nasa Malacanan. Sana lahat ng opisyal. Paano kasi mararamdaman nang mga nasa kapangyarihan ang hirap ng karamihan sa mamamayan kung malayo sa kanila ito. walang classroom shortage sa exclusive schools, walang hirap sa medical care kung nasa mamahaling hospital (o hospital abroad) at walang problems sa security kung nasa exclusive na subdivision. Subukan nila dapat makipag-agawan nang bus sa EDSA, makotongan sa kalye o pagpawisan sa traffic habang yung mga may wang-wang ay mabilis na pinadadaan.
Alisin nila ang VIP room sa airport at pumila at magpasigaw sa mga tao sa immigration at customs. Gumala sa ilang na lugar at maholdap o ma-snatch ang gamit. Seguro pag naranasan nila yon, malalaman nila ng kulang ang serbisyong binibigay nila para sa isinisueldo sa kanila ng taxpayer.
What can we do to help the childrens’ education, because the govt. is short of classrooms, books, teachers and instead of facing up the crisis and finding solution, it is denying the existence of such. Click my NAME and you can see how we, in a Small way are trying to help them through are CARE (concerned alimodiananon resource for education) and DEAR (drop everything and read) programs. Being one of the organizers of this associations back in l986, am very proud of what the current young membership are doing for the benifits of our Children. Thank you all..
It’s an admirable thing that you are doing, Vic.