Skip to content

Bawal na

Bawal na pala ngayon maglakad sa Baywalk na nakasuot na itim at may pangalan na akala ni Arroyo ay patukoy sa kanya.

Tingnan nyo ang nangyari kay Dinky Soliman, dating social services secretary at kay Enteng Romano, isa sa nag-buo ng Black and White Movement na naghahanap ng katotohanan sa dayaan noong 2004 elections base sa narinig sa Hello Garci tapes.

Kasama ang mga 20 pang mga kaibigan, nagkita-kita sila sa Baywalk noong Biyernes ng hapon. Kasama rin doon ang singer na si Leah Navarro at si JB Baylon, kolumnista ng Malaya. Nakasuot sila ng T-shirt na itim na may pangalan “Patalsikin na. Now na.” Aba, hinuli sila habang tumatawid ng Roxas Boulevard.

Wala raw silang permit mag-rally.

Rally ba yun?

Paano yun kung magsuot ako ng T-shirt na may salitang “Sinungaling” o kaya “Mandaraya” o kaya “Magnanakaw”, bawal rin?

Ang nangyari noong Biyernes ay nagpapakita lang kung gaano na ka praning si Arroyo at ang kanyang mga alagad. Kawawa naman itong mga pulis na wala ring magawa kungdi sumunod sa kanilang mga ano. Napipilitan silang magiging instrumento ng kasamaan dahil kung hindi sila sumunod, mawawalan sila ng trabaho.

Sa totoo lang ang palpak ng mga alagad ni Arroyo ay nakakatulong sa mga nagpu-protesta. Pangatlong linggo na ginagawa ng Black and White Movement ang kanilang kakaiba na protesta laban kay Arroyo. Pumupunta sila sa mga restaurant na nakasuot ng itim na T-shirt, mag-order ng kunti, magu-usap at aalis. Bago umalis, magsenyas sila ng “thumbs down”.

Noong isang linggo, sumakay sila sa MRT mula Ayala hanggang Ortigas at doon sila nagkape. Noong Biyernes, ang plano nila ay mamasyal sa Baywalk.

Itong Black and White ay kinabibilangan ng mga maykaya. Natatawa na nga ang ibang sanay sa pakikibaka dahil, ano ba yun? Paano mo naman mayanig si Arroyo sa painom-inom ng kape at thumbs down?

Ngunit kahit pala ganun nayayanig si Arroyo. Talagang sobra na ang pagka-praning. Na-headline tuloy ang kanilang pamamasyal sa Baywalk.

Akala ni Arroyo kapang nanghuli siya ng ganyan titigil ang mga tao sa pagbatikos sa kanya. Kapag pinagbawal niya ang rally at pagpakita sa publiko ng pagka-inis sa kanya, baka akala niya magiging mahal siya ng taumbayan.

Dapat ipa-alaala sa kanya na ang damdamin ng tao ay dapat hayaan ipahayag. Kapag sinupil, lalo iigting yun. Isang araw, sasambulat yun.

Published inWeb Links

64 Comments

  1. anna de brux anna de brux

    Meanwhile, an Inquirer March 19 report quoted Sen Rodolfo Biazon, former CS AFP: “Do you know why Gloria is fighting tooth and nail? When she steps down, she loses her immunity.”
    http://news.inq7.net/nation/index.php?index=1&story_id=69871

    Biazon also said it was time to remind soldiers that “anyone who violates the Constitution is your enemy.”

    He added that there “will be a day of reckoning. That is what she is afraid of. Like what she did to [Estrada]. What will be filed against her? You can think of many things,” he said.

    The Inquirer report further stated that Biazon said the possible charges against Ms Arroyo included cheating in the 2004 election and probably plunder for the P728-million fertilizer fund scam, the NorthRail project and the illegal use of at least P100 million in recovered Marcos wealth.

    I do believe that Sen Pong Biazon is one of the very, very few honorable people in Congress (Upper and Lower Houses) with a distinguish and stirling military record who could actually throw the right military legaleses/questions without mincing his words in the direction of the commander in chief illegitimus and be absolutely be credible.

  2. Mike Mike

    quote: “Bawal na pala ngayon maglakad sa Baywalk na nakasuot na itim at may pangalan na akala ni Arroyo ay patukoy sa kanya.”

    Hindi ba siya talaga ang tinutukoy? 🙂 Sana sa susunod naman ang mga black shirt na susuutin naman nila ang naka print yung pa cute ang message para di sila kasuhan ng sedition or libel.
    Example lang po: Pandak, I’m Small But Terrible And My Husband Is Big and Horrible, Tiyanak, Dwarf, Unano, Midget, Kutong Lupa, Lilliputian, etc… hehehe

  3. luzviminda luzviminda

    Ellen,
    Maganda yung idea mo na ang ilagay sa T-shirt eh…’IBAGSAK at IKULONG ang MANDARAYA, SINUNGALING AT MAGNANAKAW! Siguro naman di na huhulihin ng mga pulis ang mga may suot nun kahit ma marami sila dahil maganda ang adhikain…meaning these people are against these CRIMES! Hehehe! Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit!

  4. mattdls mattdls

    dAPAT TALAGANG IKULONG ANG LAHAT NG LABAN SA GOBYERNO aNG pANGINOON NGA NAGDIDISIPLINA EH. tHIS IS TOO MUCH FREEDOM DAPAT SIGURO MAG MARTIAL LAW NA PARA MABIGYAN NG LEKSIYON ANG MGA GUSTONG MAGBAGSAK SA GOBYERNO. fILIP[INOI MENTALITY TALAGA OH KUNYARI FREEDOM FREEDOM PERO DAPAT BIGYAN NG LEKSIYON ANG MGA. i SALUTE YOU mRS pRESIDENT SIYEMPRE MAY CONVICTION NAMAN SIYA DI BA.

  5. peacer051 peacer051

    mattdls,

    Ang how do you define ‘freedom’? Do you think gma is not curbing freedom (of expression/assembly)? Wake up! As you can see the development of events, gma’s destroying all the state’s institutions just to keep her in power. If u are keen enough(& if you’re not gma’s mouthpiece), you can see how bias gma’s administration is. She’s soooo power greedy, despite the fact that more than half of the people don’t like & trust her anymore. GMA is the destabilizer!!! Wish ko: Sana ay kunin na lang siya ni lord!!!!

  6. Sampip Sampip

    Peacer051, hayaan mo na yang si pare/mareng “mttdls”. Forgive him/her for he/she must be delusional. Just like his/her master; ang pinakamamahal na si Pangulong GMA. Pweh! Yuck! Kadiri!
    It just makes me puke just saying the word “pangulo.” So undeserving…
    Just saying her name already makes me feel like I violated the 8th and 9th commandment. Although, she also qualifies to violate the 2nd commandment for claiming she’s God-sent.
    Aba’y ma’am naman? Garapalan na iyan.

  7. Ferdinand Ferdinand

    Bakit ikukulong ang laban sa isang HUWAD na Gobyerno?
    ANg unang dapat ikulong ang nagnakaw ng pinakamataas na position ng pamahalaan at iyan at ay si Arroyo…
    Isunod na ang kanyang mga bayarang alipores at gamitang Heneral…

    puwede rin siguro isama na si mattdls…

  8. florry florry

    mattdls,
    Wowowie! ang galing mong dumila ng puwet ng amo mo. Sigurado malaki na naman ang commission mo, galing sa kaban ng bayan. Nakakahiya kayo!

  9. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    With your permission, plugging: SOME SOLUTIONS TO SOME PROBLEMS OF REGISTERING BIRTHS (Speech of Philippine Senator Aquilino Pimentel Jr., in the 4th Asia and Pacific Regional Conference on Universal Birth Registration, Bangkok, March 16, 2006)

    Definition
    ‘Birth registration’ is the official recording of the birth of a child by an administrative process of the state and is coordinated by a particular branch of government. It is a permanent and official record of a child’s existence.

    Convention on the Rights of the Child
    Article 7(1): “The child shall be registered immediately after birth and shall have the right from birth to a name, the right to acquire a nationality and, as far as possible, the right to know and be cared for by his or her parents.”

    You can access this file at the URL:
    http://groups.yahoo.com/group/friends-of-nenepimentel/files/birth%20bangkok%2031606.doc

  10. anna de brux anna de brux

    dAPAT TALAGANG IKULONG si mattdls

  11. ystakei ystakei

    Sino ba ang gunggong na iyan na hindi nakakakilala ng kriminal? Pihado anak iyan ni Tiyanak na may alias na naman.
    IPAKULONG ANG MAGNANAKAW AT SINUNGALING NA MGA NAKATIRA NGAYON SA MALACANANG! Kung sakali, gawing witness si Manny Pacquiao na runner boy ni Tababoy sa mga pasugal nila ranging from sabong, karera, boxing, jueteng, bingo at iba pang masasamang sugal. Protection fee binabayad nila kay Tababoy according to a gambling lord I met in Tokyo. Ayaw lang bumalandra ngayon kasi daw baka masara ang gambling den niya!

    BTW, guys, maraming nagha-hack sa mga gustong ipakulong si Unano, kaya ingat kayo sa mga computer ninyo.

  12. ystakei ystakei

    Ellen:

    Dito nag-rally kami laban kay Pandak. Sigaw namin “Arroyo Dorobo!” Tawa ng tawa ang mga hapon na nakakita sa amin. Palakpakan pa nang kantahin namin ang Glori, Gloria Mandaraya to the tune of the “Battle Hymn of the Republic.” Dini-distribute namin ang kanta para kantahin ng mga hapon gaya ng “Anak!” Imagine kung matutunan ng lahat ng mga hapon ang kantang ito sabay sigay ng “Arroyo Dorobo!” May Japanese version pa kami.

    Ito ang kanta:

    Bayan kong sawi
    ay labis na ang hirap mo
    Walang malasakit ang pekeng nasa puwesto
    Nakaw walang humpay’t kurakot walang puknat
    Makapal ang lambat

    (Refrain)

    Gloria Gloria umalis ka na
    Taong bayan sa iyo’y ayaw na
    Sinungaling na’t magnanakaw pa
    Walang iba kundi ikaw.

    Gloria, Gloria Mandaraya
    Gloria, Gloria Mandaraya
    Gloria, Gloria Mandaraya
    Mandaraya si Gloria.

    Japanese:

    Kuroshiteru kokumin no seimei wa
    Nise daitoryo no jinin wo suru koto
    Aisuru firipin no tame ni
    Ikkoku mo hayaku
    Sassa to dete ike

    (Refrain)
    Gloria, Gloria Mandaraya
    Gloria, Gloria Mandaraya
    Gloria, Gloria Mandaraya
    Ikkoku mo hayaku
    Sassa to dete ike

  13. HUWAG NA NINYO PANSININ SI MATTDLS DAHIL KUNG ANONG URI ANG SINASAMBA NIYA AY GANOON RIN SIYA. SIYEMPRE KAKAMPIHAN NIYA ANG KAPWA MAGNANAKAW AT HINDI NIYA (MATTDLS) ALAM ANG TAMA AT MALI. LALONG NAGIGING BOPOL DAHIL ANG MALI AY AKALA NIYA NA MABUTI. UTAK ANAY TALAGA ANG MGA KAPANALIG NI GLU-RIA MAKAPAL ARROVO PIDAL.

  14. ELLEN,
    SAAN BA NAG ARAL SI BUNYETA AT SI MIKE “BADING” DEFENSOR. LAHAT NG LUMALABAS SA MABAHONG BUNGANGA NILA AY PURO MALI EH. TUNGKOL SA KASO NI KA BELTRAN NA PINADALA SA INT’L HUMAN RIGHT SA UN. MINALIIT NI BUNYETA ANG UNITED NATION AT SABI RIN NIYA NA IPANALO MUNA NILA ANG KASO SA LOKAL NA KORTE SA ATIN. TANGA BA SIYA AT WALA NG NANINIWALA SA KORTE NATIN NGAYON DAHIL ANG LAHAT NG LAWS AY NABALIKTAD NA NILA AT HALOS LAHAT NG JUDGES AY HAWAK AT NABAYARAN NA NILA. LALONG LALO NA SI CHEAT SUPREME COURT PANGANIBAN. SINO PA ANG MANINIWALA SA KANILA AT KUNG AKO KAY HONASAN AY HINDI RIN AKO PAHUHULI NG BUHAY DAHIL ALAM KO NA WALANG MANGYAYARI SA AKIN KASO KAPAG LUMABAS AKO. MAS TATAMISIN KO PANG MAG TAGO AT LUMABAN SA HUHULI SA AKIN KESA MAPA KULONG AKO NA WALA NAMAN EBIDENSIYA NA MATIBAY. SA ATIN LANG NANGYAYARI ITO NA LAHAT NG NASA GOBYERNO AY PURO MUKHANG KUWARTA. SANA SA SUSUNOD NA ELECTION SA MGA TATAKBONG KOTONGRESS AY MAS MANALIG SANA ANG TUNAY NA BOTO NG TAONG BAYAN AT HUWAG NILA IBENTA ANG BOTO OR KUNG BIBILHIN NAMAN AY TANGAPIN ANG PERA AT IBOTO NINYO ANG NARARAPAT (HUWAG IYUN BUMIBILI NG BOTO, KUNIN NINYO ANG PERA HINDI NAMAN NILA ALAM KUNG SINO ANG BINOTO NINYO EH). SANA MAWALA NA ANG MGA KOTONGRESS NA NAG PAPAHIRAP LALO SA KANILANG LUGAR. BUNYETA AT MIKE “BADING” DEFENSOR MAG SIPILYO KAYO LAGI PARA MAY LUMABAS NA MAGANDANG SALITA SA BUNGANGA NINYO. MABAHO PA SA IMBURNAL ANG BIBIG NINYO EH. NI ISANG SALITA AY WALA PA KAYONG NASABING MAGANDA. DI BALE MAY ARAW RIN KAYO AT MAS MASAKIT ANG MAKAKAMIT NINYO NA GANTI NAMIN.

  15. Mike Mike

    ASK KO LANG PO SA INYO, SINO SA PALAGAY NYO ANG DAPAT NA KAPALIT NI GLUE-RIYA MAKAPAL AYOKO (MAG RESIGN)? SANA ANG PUMALIT KAY BULILIT YUNG OPPOSITE NYA. DAPAT SANA YUNG:

    MATANGKAD (KASI KUNG SINO PA YUNG MALIIT SYA PA YUNG ABUSADO KATULAD NI MAKOY).

    DI MASYADONG MATALINO AT DI PHD KUNO(SAME REASON AS ABOVE)

    WALANG NUNAL SA MUKHA (WALA LANG, NAKAKAINIS LANG TIGNAN)

    SINGLE (PARA WALANG PARTNER IN CRIME, IE… IMELDIFIC/ FG)

    MAAYOS ANG BOSES (NAKAKA BINGI AT NAKAKA ASAR BOSES NI PANDAK EH)

  16. KAY $ENGA, E$PERON, $IRAULO GON$ALE$, WONDERBOY DEFEN$OR MAGKANO BA MGA DANGAL NINYO? MERON PA BA? YARI NA PALA MAGIGING KULUNGAN NINYO KASAMA IBA PANG $IP$IP.$$$$$$$$

    KAY ALING GLO HINDI YATA GLUE O EPOXY KUNDI LOCTITE MERON SA WETPU NIYA. BANSOT NA BANSOT NA TALAGA ANG POPULARITY RATING NYA.

  17. anna de brux anna de brux

    To Velentin,

    To me, Honasan’s saving grace is the “dream” aspect of his influence on many.

    I am an avowed “militarist” and would support honorable officers of the military. But they would have to meet certain standards: they must be honorable, they must have a distinguished and stirling military and personal record and above all, they must have the moral and physical courage of their convictions.

    I have a bit of reservation about Honasan.

  18. anna de brux anna de brux

    Ellen,

    Here’s an interesting interpretation of the law, patterned surely after Goebbel’s and the Nazi party propaganda law…
    http://news.inq7.net/nation/index.php?index=1&story_id=69872

    The Inquirer reported on March 19 that Raul Gonzalez, Gloria Mandaraya’s Dept of Justice ass-licking chief pronounced recently that Dinky Soliman’s after dinner walk, stroll, prominading with a group of friends in the park violated 3 laws, one of which could get her 12 years of jail term.

    How extraordinary that this man is allowed to circulate at all within the halls of justice is beyond me!

    Now we do realize that Gonzales is mad, barking mad, bugger all kind of ass-licking friggin frogshit of a pseudo-justice secretary. However, when he’s finally put on trial for the ultimate inanities that he’s been pronouncing, etc., there mustn’t be any misunderstanding: HIS INSANITY PLEA MUST NOT BE CONSIDERED WHATSOEVER to save him from capital punishment.

    Gonzales, the pseudo justice secretary who likes to dress up like the ultimate mafioso that he is and who is usually seen wearing a gold bangle, a couple of huge rings (gold and diamond), a huge obnoxious golden watch and a necklace must not be pardoned.

    When the time comes, Gonzales should be sentenced to the electric chair.

  19. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Acting Justice Secretary Raul Gonzalez aggressive stance against political dissenters is like BARKING DOGS SELDOM BITES. Malacanang Palace loyal dog Raul is doing a fishing expedition. There will be more mercenary “Makapli” traitors in the witness stand.

  20. batong•buhay batong•buhay

    Buti na lang nang magpunta si Helen Clark sa ‘Pinas hindi niya kasama ang rugby team ng NZ na “All Blacks”, baka pati ang mga ito hulihin din lalo na pag ginawa nila ang kanilang “haka.”

  21. myrna myrna

    Ellen, nakakatawa naman itong ginawang pag aresto kay Dinky, dahil lang sa nakasuot daw ng black t-shirt, at medyo marami silang nakasuot ng ganun.

    Paano pala kung uuwi ako diyan, kasama ang malaking grupo o sabihin na natin na mga rugby players na nakaitim na tshirt- na may naka imprentang: “Go” (for Go Kiwis!) so aarestuhin ba kami at bawal? Anong masama sa black na tshirt?

    Pundido kasi ang utak nina Gloria kasi guilty, so siempre, masasaktan.

    Talaga nga namang mga utak-biya na yang mga yan, especially yang Siraulo Gonzales.

    Tama ang sinabi mo Batong-Buhay, palagi kaming naka all black dito dahil sa All Blacks Rugby Team! Salamat sa comment mo.

    Pero di kaya nasaktan si GMA nun na naka cap ng New Zealand si Helen Clark eh black yung cap nya? 🙂

  22. Para sa Kanto Mama Para sa Kanto Mama

    We should never forget the bloody coups staged by Honasan and company. We should never forget the many lives lost in these ambitious exercises. Honasan was pardoned and even became a senator. Now he’s making another comeback. Let the fools wage wars against each other. Let’s concentrate on our own struggle.

  23. ystakei ystakei

    Kanto Mama, mali ang information mo about the bloody coup ni Honasan. According to a report I read provided by the CIA to the authorities here, there was no casualty during the exchange of guns between the rebel groups headed by Honasan and his men, and the military loyal to Cory.

    You bet, we should stick to facts and not rely on propaganda.

    As for Honasan, I don’t see any of our movements being close to him. I suspect his name is being used by the Midget more to discredit the movements against her because of Honasan’s tarnished past just like what you say now about him and his group. It’s a demolition tactic as a matter of fact that we should not lap up.

    If Gringo is up to something, let’s leave him to do his thing as long as he does not hurt our movement.

    On the other hand, I won’t try to solicit the help of this man because of the bad publicity on him although I would be willing to give him the benefit of the doubt considering the fact that I have been subjected to similar black smearing that post-Marcos administrations have excelled in to the detriment of Filipinos and the Philippines, where the presidents are conceived to be robbers and thieves because of my taking leadership of a group of Filipinos, who tried to save Philippine patrimonies in Japan from being sold and squandered by those who covet them! I also lead a group of concerned Filipinos opposed to the deployment of the Japayukis being pimped by the Philippine government to Japan!!!

    Beat me why there are still a lot many of them who want to be lumped up with these robbers and thieves! Gosh, you should hear about the tongs in million pesos being paid to Jose Pidal weekly by gambling lords (jueteng, sabong, bingo, etc.) You name it, he controls it according to a gambling lord I have talked to. Kaya ayaw bumaba noong Pandak!

  24. Para sa Kanto Mama Para sa Kanto Mama

    Ystakei, I actually monitored the coups then and I know there were casualties. The PCIJ report in 1999 of Glenda Gloria has the stats.

    I also do suspect palace hands in linking Honasan’s name to all protest movements. This is a Marcosian technique of undermining dissent and resistance. For sure, Malacanang has it’s own brainstorming machine, but it’s propagandas are quite unrefined. Halatang-halata at madaling basahin.

    We’re glad you’re keeping the fight overseas alive and burning. Mabuhay kayo!

  25. goldenlion goldenlion

    Ha, ha, ha, ha,!!! Ipagbawal baga ang black t-shirt. Mga hunghang!!! “Mula ngayon, ako bilang presidente ng bansa (kung may tutol, bring it to proper court and produce evidence) ay ipinagbabawal ko ang maging pandak (kailangan ang height ng lahat ay hindi bababa sa 5 ft), bawal ang may nunal sa mukha, (please lang Ate Charo, ipaalis mo na ang nunal mo), bawal ang hindi maganda ang boses na para bang nakapunit ng eardrums, bawal ang sobrang matanda at ulyanin na sa cabinet, bawal din ang bakla, lalong bawal ang masyadong matataas na lalaki na malalaki ang tiyan, bawal na rin ang naka-uniform na sundalo at lalong bawal ang pilipit ang dila kung nagsasalita sapagkat ayaw kong marinig ang mga sumusunod: “Murang prisyo ng gamut handug ni prisidinti gluria para sa masang pilipinu”.

  26. ystakei ystakei

    Goldenlion:

    Try listening to the Tiyanak’s speech in the reverse, parang boses ng demonyo sa mga Exorcist movies. I accidentally discovered this when I was translating a video clip transmitted from Manila for a news flash on Japanese TV (I do the super-imposing), and I needed to go back for the time when I played it in the reverse. Akala ko may demonyo sa tabi ko boses pala ni Tiyanak. I bet you this woman is possessed and need an exorcist to even have the nerve to make claims of divine appointment and false glory!

    Ang ingles, nakakatakot ang accent! Kahit tagalog, pangit magsalita! Halatang-halatang hindi siya ang gumagawa ng speech niya kasi kapg impromptu, puro kabakyaan ang sinasabi. Walang sense! Bobo! Balita ko binayaran lang ang mga nag-approve the PhD niya sa Economics. Kabisoteng pulpol ang ungas!

  27. bfronquillo bfronquillo

    Yung ale sa Malacanang ay nagtangkang maging labandera nguni’t hindi nakapasa sapagkat ang puting damit ay umitim at ang de kolor ay pumuti. Kaya’t galit siya sa mga nagsusuot ng itim kasi alam niyang puti talaga ito. Katulad ng maputing budhi at malinis na puso.

    Ipinahuli ni Gloria sina Dinky kasi naiinsulto siya. Pinipintasan kasi ang kaniyang labada. Itim ba o puti ang 2004 Presidential election? Itim ba o puti ang hello Garci? Itim ba o puti ang CPR? Itim ba o puti ang EO464? Itim ba o puti ang pagsikil sa media? Itim ba o puti ang withdrawal of support? Itim ba o puti ang coup d’tat? Itim ba o puti ang pinili ng Dios upang maging Pangulo ng bansa?

    Huwag na kayong sumagot sapagkat ayon ke Gloria labandera ay tapos na ang paglalaba. Ang maitim na budhi ay maputi na. Ang maitim na mga pakana ay nalinis na at wala na silang pananagutan sa mga ginawa nila dahil nagwagi sila. ANG PAGKUKUNYARI AY NAMAMAYANI NA. PABAYAAN NA LANG SILA UPANG ANG BANSA AY UMUNLAD NA. ANO SILA, MASAYA!

    ANG KADILIMAN AY MANANATILI SA ATING BANSA HANGGANG ANG BAWA’T ISA SA ATIN AY MAGSINDI NG KANDILANG PUPUNIT SA PUSIKIT AT MAITIM NA KADILIMAN UPANG ANG MAPUTING BUDHI AY MAGWAGI LABAN SA MAITIM NA KALOOBAN. At sumigaw: Ang Itim ay Itim at ang Puti ay Puti at walang Pangulong labandera na maaring magbago niyan.

  28. myrna myrna

    ang phd ni ginang gloria ay panglapida lang naman ah! di kaya naiinsulto yung iba diyan na may doctorate degrees din sa economics at masyado niya nang pinagkakanulo ang integridad ng doctorate degree.

    ang masasabi ko lang, mapapatunayan na magaling ang isang may phd kung di lang theories ang alam, kundi sa realidad o sa application man lang. ano ba ang nagawa ng degree niya? ang lalong masira ang economy ng pilipinas? how ironic talaga. sana naman tumigil na sina bunyeta sa pagdidiin na maganda ang economy ng bansa dahil sa dollar exchange ng peso. di lang yan ang basehan ng economy ah! ang alam ko, kahit di mag-aral ng economics (o magka phd), maiintindihan ang hirap ng buhay ng karamihan ng mamamayan sa bansa. siempre, pwera na lang yung first gentle(???)man kuno, dahil naniguro na ang mga yan eh.

Leave a Reply