May moro-moro na naman na ipalabas ang Malacañang sa Jan. 24 – ang Council of State meeting.
Ito ay panghikayat ni Arroyo kay dating Pangulong Ramos na nagtatampo dahil sa kanyang pambabastos sa pamamagitan ng No-Election sa 2007 na ni-rekomenda ng mga tuta ni Gloria Arroyo sa binuo niyang Constitutional Commission.
Si Ramos naman, basta bigyan mo lang yan ng importansya, okay na yan.
Sabi nga ni Parañaque Rep. Roilo Golez, wala namang nangyayari sa Council of State meeting dahil ang nagsasalita lang naman ay si Arroyo at kung sino ang i-assign niya mag-presenta. At kung ang pag-usapan ang sitwasyon ngayon ng bayan, siyempre hindi naman nila tutumbukin ang katotohanan na ang ugat ng problema ay ang kawalan ng tiwala ng taumbayan kay Arroyo.
At bakit ba walang tiwala ang taumbayan sa kanya? Siyempre bistado siyang sinungaling, mandaraya at magnanakaw.
“Pagsasayang lang ng oras,” sabi ni Golez.
Ang State of Council ay binuo noong 1987 ni Cory Aquino , na kakabilangan ng mg naunang pangulo, bise presidente and ilang pang matatas na opisyal. Ang Council of State ay magbibigay ng mapagkatiwalaang impormasyon at payo sa mga isyu ng hinaharap ng bansa.
Noong Enero 2003, dinagdagan ni Arroyo ang miyembro ng Council of State: ang presidente bilang chairman at ang mga miyembro ay mga dating presidente, ang bise-presidente, ang Senate President, speaker ng House of Representatives, Senate President Protempore, mga deputy Speakers para sa Luzon, Visayas at Mindanao, Senate minority floor leader, House majority floor leader, Senate minority floor leader, House minority floor leader, executive secretary at mga miyembro ng cabinet na i-assign ng Presidente, ibang miyembro ng Kongreso na imbitahin ng Presidente, mga president ng League of provinces, League of Cities, League of Municipalities, mga representative ng private sector at kung sino-sino pa na imbitahin ng Presidente.
Sa ganoong kalaki na miting, na ang karamihan ay palakpak gang ni Arroyo, ano nga naman ang mapapala ng bayan dyan?
Sinabi na ni Ramos na siya ay dadalo. Siyempre naman. Walang sinasabi ni Cory Aquino. Kaya malamang hindi siya dadalo. Hindi naman inimbita si Joseph Estrada.
Hindi excited ang mga nasa oposisyon na sina Sen. Aquilino Pimentel at Rep. Francis Escudero. Mukhang magbu-boykot sila . Dapat lang at gagawin lang siilang props doon. Nagdadalawang isip rin daw si Senate President Franklin Drilon.
Akala siguro ng Malacañang kung magpapalabas sila ng moro-moro, kakagatin ng taumbayan. Ay naku, kung sa sinehan yan ipalabas, lalangawin yan.
Kawawa naman itong si FVR. Sinampal na siya ni GMA sa No-el. Bingiyan niya si GMA ng deadline, hindi naman siya pinansin dahil alam naman ng Malacañang na puro porma lang naman si Ramos. Ginagamit lang nila para rin sa kanilang interes.
Ngayon sabi ni FVR bigyan pa raw niya si GMA ng isang taon. Tuwang-tuwa naman siya na ini-imbita pa siya sa Malacañang. Ang babaw talaga ng kaligayahan.
Dito sa riyadh. isa ako sa mga taga basa ng inyong mga ibina balita. Natutuwa ako at nariyan kayo at may lakas ng luob na sumalungat sa maling gawa ng mga nasa gobyernong walang ginagawakung hindi mangurakot. Hindi ini isip ang kapa kanan ng bayang pilipinas. Saludo po ako sa inyong lahat dyan,. Mabuhay po kayong lahat jan….!
Dear Ellen.
Hi ! First of all, I wish you a Happy New Year.
Gustong ipaabot sa ating mga kapulisan at military na alam nating lahat na kaya kapit tuko si GMA sa kaniyang illegal na trono ay dahil sobra-sobra ang pag bubusog nito sa mga matataas na opisyal at alam niyang lagi siyang ipagtatanggol para hindi sila matitigil sa pangungurakot sa kaban ng mahal nating bayan.
Sobra-sobra na ang kanilang kabusugan na hindi naman galing sa bulsa ni GMA.. Sana naman magkaisip itong mga military at mga pulis na ito na totoong ginagamit lang sila ni GMA at isipin naman nila ang paghihirap ng bayan.
Thanks and please take care !
Florry
Text from Ishko Lopez:
Sino ba si FVR para magsabi kay GMA na putulin ang kanyang termino? Ano ba ang tingin niya kay GMA, walang mandate, illegitimate at mandaraya?
Let’s not allow this to happen to our dear president! Let’s support her decision to resign ASAP! She needs all the moral support to do it.
Ms. Rossana
baka hindi nyo alam si FVR po ay
boy scout, bihira sa mga 4 star
generals ay boy scout. FVR is just
doing the fake president a good
turn daily. with apologies po
sa mga boy scout na nalampasan
na nila ang batang isip.
nagtataka lang ako kung bakit etong si sen. mirriam defensor-santiago ay biglang tumahimik at di ko ata naririnig ngayon na nagkokomento laban kay tabako… ate ellen may balita po ba kay sen. mirriam “aning” defensor-santiago?
kasi pagkakaalam ko etong si senadora aning ay numero unong galit na galit kay tabako… nagtatanong lang po…
ang galing talaga ni gma mag isip kung paano mamulitika. kelan pa kaya kayo magbabago ng pag iisip upang madama ng nagugutom na bayan ang ginhawa?
Text from Ishko Lopez:
Sino ba si FVR para magsabi kay GMA na putulin ang kanyang termino? Ano ba ang tingin niya kay GMA, walang mandate, illegitimate at mandaraya?
Let’s not allow this to happen to our dear president! Let’s support her decision to resign ASAP! She needs all the moral support to do it.
– HOY ISHKONG BALIKO !!! WAG MAGBULAGBULAGAN !!!
MAG ISA KANG SUMUPORTA DYAN SA MANDARAYA MONG PRESIDENTE
IKAW NA LANG ATA ANG NANINIWALANG SA KASINUNGALINGAN
NYA !!! SORRY I JUST CANT SUPPORT EVIL-DOINGS
LIARS GO TO HELL !!! SINO BA GUSTONG PUMUNTA SA
HELL KASAMA NI GLORIA ? EDI YUNG MGA TAONG TULAD MO
NA SA TINGIN KO AY NAKIKINABANG SA KANYANG
PANGUNGURAKOT SA KABAN NG BAYAN !!!!
GMA RESIGN !!! GMA RESIGN !!! GMA RESIGN !!!
OUST GMA !!! OUST GMA !!! OUST GMA !!! OUST GMA !!!
ANNIHILATE GMA !!! ANNIHILATE GMA !!! ANNIHILATE GMA !!!
THESE ARE JUST WISH AND PRAYERS …
i believe aatras si GMA sa No El, but she will insist on staying till 2010. It is our duty then to convince her to do the honorable thing and resign.
Or she will be forced out and be bodily removed out of malacanang if she clings to her stolen post.
On why she may back down from No El
http://politicaljunkie.blogspot.com/2005/12/fake-president-fake-reforms-fake.html
The circus is on town!!
This council of state is a wash. My read on this is that it’s a total waste of time, money, and effort. Until i get a good grasp of what this council do, this is how i will always feel.
O by the way, i feel better having Ms. Santiago sidelined by circumstances. Don’t you guys feel the same?
Ang isang magnanakaw ay talagang gumagawa na kahit ano mapagtakpan lamang ang kanyang gawain. Pero nakakahawa yan, tignan niyo na lang sa MMFF, pumunta lang si Aling Gloria, O di ba, may dayaan na agad. Sarsuela lang ang mga yan, pati yong hindi pagsasalita ni Santiago, moro moro lang lahat yan. Alam nila na ang ginagawa ni Ramos ay pabor lahat sa kanila. Kita niyo naman ang ginawa ni Tabako sa mga taga oposisyon, nagmukha silang engot. Nasaan na nga pala ang banta nila kay GMA, nagbigay pa sila ng deadline, wala rin naman pala. Hanngang kailan ba talaga ang mga paghihirap ng mga taong bayan? Lord, sana kunin mo na siya para matapos na lahat ang mga palabas na ito.
“Moro-moro in Malacanang” co-starring: Mur Misuari of the Moro Rebels Front
Jhun, hindi maka-GMA si Ishko Lopez. sarcastic ang kanyang text.
Gloria Arroyo is just using the Council of Elders’ meeting for political mileage. She will not listen to any suggestions or proposals. Saling pusa lang sila. Tapos na po ang mga agenda, Charter Change at walang eleksyon sa 2007. Ang mga LOKO-LOKO at SIP-SIP BUTO lang ang maniniwala kay Aling Gloria. Pati ang kanyang mga tuta sa kongreso kasali rin sa Moro-Moro. Sila FVR, JDV, at GMA ay isang lahi. Lahing mga kawatan at manloloko. Hoy! Senador Juan Flavier tapos na ang boksing. Huwag ka nang humirit.
Nagulat naman ako ke Jhun, pasensiya ka na Ishko, hindi ka na-gets ni Jhun. For Jhun, huwag kang magagalit……pakibasa mo ulit message ni Ishko…anyway, i understand you…sobra na kasi ang galit natin ke GMA, kaya ganun……Okey?.. Tuloy ang laban pare!!!
nabweltahan din ako ni Jhun,
kaya binago ko ang estilo
ng pagtuligsa, ayun tila
naunawaan na niya. yun hataw
sa kalabaw – mas masakit pag
sa kabayo ang latay.
tulad ng dating sa akin ng
“peace for all the families”
ni FVR, hindi “hollywoodish”
ang bato ko, kundi parang
sumpa sa masasama.
I wish Senate President Franklin Drilon will boycott the meeting of the Council of State, likewise former Pres. Aquino. Please do not let the litle cheater, liar, and thief use you for her personal gain. Attending it will only give her the feeling of being a legitimate president. Whatever she plans to do to cover-up her mess will no longer help regain her dignity. GMA is past, history. We need competent, moral, legal leader. I pray that the Iglesia ni Cristo who gave their votes to Gloria in the last presidential election will now withdraw their support to correct the mistake.
KIKOY,
RE: “nagtataka lang ako kung bakit etong si sen. mirriam defensor-santiago ay biglang tumahimik ”
Si Miriam at iyong kapatid niyang si Benjie Viagra, este General pala nasa tabi-tabi muna dahil negotiate pa nila with GMA iyong kanilang support kaya tahimik iyang si Miriam La Loca.
Don’t worry – lalabas iyan in two days or so para atakihin si FVR especially pag dating ng Council of Elders este, State pala.
Iyong brother ni Mad Miriam ay busy na namumulot ng feedback para ipakain kay Mad Miriam bago finalize nitong Senator Loca ang kanyang attack kay FVR.
Sigurado ako na si Benjie (aka as General Viagra) nasa tabi ni Gloria ngayon at nag-uusap sila kung pano baluktutin si Tabako.
Kaya patience ka lang. Di pa tapos ang Moro-Moro. Cameo role si Miriam diyan pero million dollar fee cameo role iyan.
thanks ate anna… 🙂
naaaliw kasi ako kay senadora la loca pag nagsasalita… hehehe! napansin ko lang kasi na hindi kompleto ang casting ng moro moro ng “Ang Pandak”… directed by and lead role by GMA… 😀
Ellen, John,
Of course aatras si GMA sa NoEl because gimmick lang iyan. Kung lumbas OK, kung hindi, tuloy ang ligaya, este iyong time o term niya sa Malacanang.
Tapos ipaplabas niya na news na “TULOY ANG ELECTIONS 2007” parang siya pa ang nag regalo sa taong bayan (di bida pa siya):
She is just using the time element very very shrewdly…lahat ng gimmick gagawin niya so that she can use uthe time so very cunningly and then when all is said and done 2010 na pala eh, di panalo siya – tama siya! She will stick to her “term”.
Alam ni Bansot at kilala niya ng mabuti ang mindset ng Pinoys!
Tapos ang dami pa ng pera ng kanyang warchest (imagine from her latest caper iyong UK bridges from a UK soft loan of 20 years!!!!! = 117 million British Pounds or US$220 million!!! ilagay mo na lang sa 10% iyong lagay kay Mike Arroyo doon, di malaking pera, times pesos iyon!) Kaya sigurado si Bansot na hanggang 2010 resident siya ng Malacanang.
Kaya ni Bansot ang Pinoy sa daldalan ng daldalan.
Hawak niya ang military (through the top brass) at mga tulisan este Police pala at ang NBI (lahat pati ng para-military institutions), hanggang ngayon. Pero kung matapang lang ang military natin (tapang nila ay hindi moral courage) at iyong mga pulis-pulisan natin, puwede pang ma endanger iyong puwesto ni Bansot.
FVR, Hoy TANDA, dapat mag-retiro ka na. Tapos na ang panahon mo sa Pagka-presidente na nakuwa mo naman sa Pangdaraya. ANo pa ba ang Gusto mo. AT noon panahon mo, dumami ang mga OFW workers na nagpawis at kumita at pinadala sa pinas , dapat noon NAPAGANDA mo ang Buhay ng Pinoy. Pero di rin, Tulad ka at mas masahol ka pa sa Pintalsik na si MARCOS. ISA ka rin BUWAYA. Pinataba mo lang ang inyong SARILING BULSA. OO Tumaas ang Economy index natin pero di dahil sa pamamalakad mo , ito ay dahil sa LAKI at DAMI at LAKAS ng kita ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo. Hoy tanda, alam din namin ang mga KINURAKOT mong pera at ariarian ng Pinas na pinasok mo sa negosyo mo na PABRIKA ng mga BARIL at BALA para sa mga MILITAR na binebenta ninyo sa mga Miltar ng EUROPE, USA at sa China. PLEASE tama na ang PAGBABAYANI mo. sa totoo lang isang kang TRAYDOR sa masang Pilipino na nagpatalsik sa Malagim na Diktadura ni Marcos.
Alam mo bang malapit na kayong magkita nito….
sa taong ito ang schedule ng inyong Meeting.
Kaya magpakabait ka na … may konting panahon ka pa.
I am impressed with this page…setup really nice. Doesn’t take forever to load pics, like mine… Very impressive.. http://buy-cheap-hydrocodone.phent.info/buy_hydrocodone_where/
Good site!!! I found your site in the google. http://adipex-cheap.adyxx.info/adipex_loss_weight/
Nice site. Hope yoy visit http://buy-protonix-online.gottaoh.com soon. You are welcom!!!