Skip to content

Mahina ang ebidensya ng DOJ-Comelec laban kay Arroyo

Right charge, wrong election
Sorry ha,hindi ako excited sa niluluto nina Justice Secretary Leila de Lima at Comelec Chairman Sixto Brillantes na kasong electoral sabotage laban kay Gloria Arroyo at iba pang kasabwat niya sa pandaraya nong 2007 na eleksyun.

Bago lahat, gusto kong klaruhin: katulad ng maraming Pilipino, gusto ko mapanagot si Gloria Arroyo sa pambabastos niya ng sambayanang Pilipino at mga institusyon pang-demokrasya para lamang manatili siya sa kanyang ninakaw na kapangyarihan.

Ngunit gusto ko sa paraang tama at legal. Ayaw ko mangyari na gagawin ng mga nasa-puwesto ngayon ang pagbaluktot ng hustisya katulad ng ginawa ni Arroyo para lang mapakulong ang lumaban sa kanya katulad nina Sen. Antonio Trillanes IV at ang iba pang sundalong Magdalo.

Halos mag-isang taon at kalahati na ang administrasyun Aquino at marami ang nagtatanong kung bakit walang kasong isinasampa sa kanya samantalang ang haba-haba ang listahan ng mga anomalya na sangkot siya at ang kanyang asawang si Mike Arroyo.

Noong nagsalita si Aquino sa Foreign Correspondents Association of the Philippines mga dalawang linggo na ang nakaraan, sinabi niya na magsasampa na raw ng kaso laban kay Arroyo sa buwan ng Nobyembre.

Isang linggo na lang Nobyembre na kaya siguradong napi-pressure na rin ang mga ahensya na dapat magkalap ng ebidensya para ang kasong isasampa ay malakas.

De Lima announcing electoral sabotage suit vs GMA. Thanks to Manila Times for photo.
Noong isang linggo pinalabas nina De Lima at Brillantes ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa 2007 na eleksyun at base doon sabi nila magsasampa sila ng kasong electoral sabotage kay Gloria Arroyo.

Sasampahan din ng kaso sina dating Comelec chairman Benjamin Abalos, dating Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer, dating Maguindanao governor Datu Andal Ampatuan Sr., ang dating provincial administrator ng Maguindanao na si Norie Unas, dating provincial election supervisor Lintang Bedol, at 19 pang mga election officers and assistants. Ito ay kaugnay sa dayaan sa Maguindanao kung saan 12-0 pabor sa Team Unity na kandidato para senador ng adminsitrasyong Arroyo.

Hindi kasama si Mike Arroyo dahil wala daw talaga silang makuhang ebidensya laban sa asawa ni Gloria.
Kaya naman sa 2007 na eleksyun sila nakatutuk dahil ang kasong electoral sabotage, na walang piyansa, ay naging batas noong Enero ng 2007 lang. Hindi ito maaring gamitin sa pandaraya na ginawa nina Arroyo, na mas garapal talaga, noong 2004.

Ang pwede lang isasampa kay Arroyo sa 2004 na eleksyun ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na pwede naman siyang magpyansa.

Gusto nila electoral sabotage para nakakulong daw si Arroyo habang nililitis ang kaso. Yan ang pinagyayabang ni Brillantes na baka sa kulungan sa magpapasko si Arroyo sa taong ito.

Ewan lang. Ano ba ang hawak nilang ebidensya laban kay Arroyo? Sinabi ni de Lima at Brillantes ang testimonya ni Unas na narinig daw niya sinabi ni Arroyo kay Ampatuan Sr nang dumalo sila ng hapunan sa Malacanang na “Dapat 12-0 sa Maguindanao, kahit pa ayusin o palitan niyo ang resulta.”

Sagot naman daw ni Ampatuan Sr, “‘Opo Ma’am’.”

Kung maayos ang hustisya, kayo ba akala nyo makukulong si Arroyo sa ebidensya na ito?

Bakit hindi inasikaso nina de Lima ang kasong plunder kaugnay ng fertilizer scam at NBN-ZTE?

Published inAbanteElection 2007

21 Comments

  1. chi chi

    Bakit hindi inasikaso nina de Lima ang kasong plunder kaugnay ng fertilizer scam at NBN-ZTE? -Ellen

    Kasi sa kasong ito ay swak sa preso si Gloria at Mike Arroyo! Makinaw ang mga evidence, at sipain lang nila ng konti ang yagbols ni tita Romela at tiyak na pipiyok at babawiin ang sinabing dadalhin nya sa hukay ang secret nila ni putot!

    Ayaw siempre ni de Lima na makulong ang tunay nyang amo. Si Brillantes naman ay sumusunod lang sa kumpas ng nag-appoint, para rin hindi ma-offend si AlanC kasi nagbitiw sya dito ng promise na electoral change within a year. Hehehe sila lahat!

  2. olan olan

    basta masamang elemento laging binibigyan ng lusot bakit kaya? si brilliantes ba naman paniwalaan ninyo..yeah right!!!

  3. jawo jawo

    “Kaya naman sa 2007 na eleksyun sila nakatutuk dahil ang kasong electoral sabotage, na walang piyansa, ay naging batas noong Enero ng 2007 lang. Hindi ito maaring gamitin sa pandaraya na ginawa nina Arroyo, na mas garapal talaga, noong 2004.Ang pwede lang isasampa kay Arroyo sa 2004 na eleksyun ay paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na pwede naman siyang magpyansa”.—–>Ellen

    Ang ibig bang sabihin nito, legal na presidente si Gloria from 2004 at graft and corruption lang ang kaso niya just like those legitimate elected officials gone bad ?
    Aba eh, bakit tayo kahol nang kahol na nandaya siya noong 2004 ? Paano na ngayon ang mga kaso nina Ebdane, Garci, etc. na sinasabing malaki ang itinulong nila sa pandaraya ni Gloria noong eleksiyon ng 2004? Kung hindi kakasuhan ng pandaraya sa eleksiyon si Gloria noong 2004, walang kaso sila sina Ebdane, Garcilliano, Ampatuan, etc.
    Atty. Sax, your input, please.

  4. chi chi

    #3. jawo, walang makuhang evidence si de Lima kasi ayaw nyang imbistigahan ng malalim ang 2004 eleksyon, ayaw nyang busisiin ang Hello Garci tape ni Gloria, ayaw nyang tanungin si Garci, Ebdane et al.

    Para tuloy akong may kutob na ang 2004 electoral fraud ay bahagi ng ‘kasunduan’.

  5. Tedanz Tedanz

    Bilib pa rin kayo kay DeLima ha ….. dapat talagang sipain na . Aso ni Arroyo yan. Kaya gusto niyang kasuhan dito sa 2007 para mas madaling umiwas si Glorya o puwedeng mapa-walangsala pa ito. Sa 2004 walang lusot.

  6. Mike Mike

    Bakit? Isa lang naman ang kanilang pinanggalingan. Lahat sila’y produkto ng EDSA DOS. Magtataka pa ba tayo kung sakaling sila’y magtatakipan ng baho?

  7. parasabayan parasabayan

    Until I see pandak, her family and her cronies in jail or kill themselves like Angie Reyes, I doubt if these election cheating and sabotage will ever be resolved. Babayaran lang nila ang mga kumakanta ngayon, ayos na! Fatso is a master of all kinds of crime. Siyempre he used other people and cleaned up all tracks. They will not be caught!

  8. MPRivera MPRivera

    hohuuuuummmmnnn! iiiiiiiiiiihhhhhhhhh!

    (hikab sabay tanggal ng muta.)

    nagpalit na nga ba ng administrasyon?

  9. chi chi

    Kaya I depend on Divine intervention na lang, walang maaasahan kay de Lima when it comes to election frauds committed by Gloria and Mike Pidal. Batas ng Karma, bahala sa kanila. Hindi nila yun mababali!

  10. perl perl

    _http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/24/11/gma-seeks-treatment-abroad-2-months
    GMA seeks treatment abroad for 2 months
    The amended TA reads, “Respectfully referred to the Honorable Secretary of Foreign Affairs, Manila, hereby amending the travel authority dated September 16, 2011, copy attached of Honorable Gloria Macapagal-Arroyo to the United states of America and Germany to include Singapore, Spain and Italy to seek medical consultation with specialists for the period of October 22 to December 5, 2011 instead of September 18 to October 11, 2011. “

    sira ang pangako ni brillantes… na ano daw? magpapasko si gloria sa kulungan? until dec 5 at kasama pa si FIG, hehe… syempre kapag hindi maganda hangin sa pinas, mageextend yan…

    grabe, 5 countries in 4 different continents? gayan ba ka rare ang sakit nyan para lumibot pa sa buong mundo.. at teka diba sabi ng doctor nya bumubuti na yan? kung sabagay mas magaling nga palang adviser ang mga abugado nya at spokesperson kesa sa doktor.. ay sus!

  11. chi chi

    No doctor in PH can treat Gloria’s illness – Mike

    Katarantaduhan nitong si Gloria at Mike, hanggang sa ngayon pinagloloko ang pinoy na binilbili naman ni de Lima et al.

    Ganun pala at puro bobo ang doktor nila, bakit pumayag sya na palitan ng titanium ang gulugod ng asawa sa St. Lukes?!

    Ang sakit daw ni Gloria ay rare …hypoparathyroidism. Mag-research nga sila, bagaman at lifelong treatment yan, calcium at phosphorous at exercise ng leeg ay kuha yan.

    Aba e sa dami ng oras sa biahe at pagod, kahit walang sakit na ganyan ay mamatay sa gagawin nyang paglilibot sa mundo para magpagamot! Bakit papayagan lumabas ng bansa ang demonyang yan, e mas malakas pa sa kabayo pala!

  12. chi chi

    Lumamon sya ng saging at ng gumaling, taragis na babae yan!

    Hay naku, bakit ba nagpapaloko ang mga opisyal ng pinas sa kaartehan ni Gloria, tatakas lang yan!

  13. MPRivera MPRivera

    Mahina pala ang ebidensiya ng DOJ, bakit sasampahan pa ng kaso?

    Wala bang maaaring bayaran upang pagpapatayin na lamang ang pesteng pamilyang ‘yan? Isama na ‘yang sina de Lima, Brillantes at iba pang natitirang aso ng mga Pidal!

    Wala palang magiging pagbabago sa gobyerno. Naloko lamang tayo!

  14. chi chi

    Right charge, wrong election! – Ellen

    Tumpak! Bakit ginawa yan ni de Lima at Brillantes?!

  15. pranning pranning

    27 October

    My question is, if gloria is really sick, why does she has to travel to so many countries? why not single out one or two countries and proceed immediately in those identified countries.

    They say her condition is bad, so why travel abroad, why not do an erap when he asked the foreign doctor to do the surgery in the Philippines? if she is traveling to more then three countries, your guess is as good as mine, tsk, tsk, tsk….

    I cannot fathom that she has to travel to different countries. Is she really sick? or the government is crazy enough to accept that she has to travel to those different countries?

    it’s your call….

    prans

  16. prans,
    you might want to add the phrase “…where the Philippines has no extradition treaty” after “…three different countries…”

  17. pranning pranning

    27 Oct.

    Thanks for the addition tonGue, nearly missed those additions, hehehehe….

    prans

  18. MPRivera MPRivera

    Sabi ng kampo ni goyang ay kailangan daw magamot sa ibang bansa ang kanyang very rare na sakit na cervical spondiolosis at ang nadiskubreng hypoparathyroidism dahil hindi daw kaya ng mga dalubhasa sa Pilipinas.

    Nakakaawa naman ang mga doctor nila sa St Loots Medical Center. Dahil lang sa ganitong kasimpleng sakit na ginawang mahirap bigkasin sa inggles ay pinagmukha silang mga engot gayung simple lang naman ang gamut diyan, eh.

    Upang gumaling ang spondiolosis ay dalawa ang puwedeng gawin upang magamot. Una ay ang pagpapainom sa kanya ng tubig gamit ang sponge at ang pangalawa ay paliligo ng hinaluan ng tubig na pinagbanlawan ng pundilyo ng pantalon ni Pidal.

    Ito namang hypoparathyroidism ay simpleng simple ang gamutan. Kumain lamang siya ng karne ng hippopotamus na pinatay ng patraydor habang siya ay nagpaparachute at presto, tanggal na ‘yung pananakit at paninigas ng kanyang leeg.

    Subalit kung gusto niya ng pinakaepektibong solusyon upang tuluyang wala na siyang maramdamang kirot sa sakit na kanyang pinagdadaanan ngayon ay uminom na lamang siya ng formalin.

    Letse, gagaguhin na namang muli ang buong sangkapinuyan sa pagpunta niya sa mga bansang walang extradition treaty ang Pilipinas. Tangnang’yang wala ng ginawa kundi magsakitsakitan para lamang makaiwas sa mga kasong patong patong na isinasampa sa kanilang pamilya. ‘Yan ang napapala ng mga taong nagtataglay ng kasibaang kahit sa buwaya ay hindi natin makikita.

Leave a Reply