Skip to content

Dapat may panagutan si De Castro sa anomalya sa Pag-ibig

Not accountable?
Tama naman si Sen. Serge Osmeña na imposible naman na mangyari ang multi-bilyon na anomaly sa Pag-ibig na walang pananagutan si dating Bise-presidente Noli de Castro , ang hepe ng Home Development Mutual Fund nang administrasyon ni Gloria Arroyo.

Vice president and concurrent chair of the Housing Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Jejomar Binay said there’s no evidence that would link his predecessor former vice president Noli de Castro to the multibillion-peso anomalies at the Home Development Mutual Fund, also known as Pag-Ibig Fund, involving a housing firm.
http://newsinfo.inquirer.net/50625/binay-no-evidence-vs-de-castro

Sabi ni Osmeña, “Totoo, walang nagsabi na binayaran niya si Noli ngunit hindi naman siguro mangyari ang ganung anomalya na walang kalokohan sa itaas. Siya ang chairman ay may responsibilidad siya.”

Ito ang kaso ng Globe Asiatique na pag-aari ni Delfin Lee na ayon sa imbestigasyon ay umutang sa HDMF (Pag-ibig) ng P6.6 bilyon para daw ipatayo ng 9,000 na mga bahay para sa mga miyembro ng Pag-ibig. Ang kanilang proyekto na ang pangalan ay Xevera ay nasa Bacolor at Mabalacat, Pampanga.

Lumabas sa imbestigasyon na peke pala ang loan dahil dini-deny ng mga Pag-ibig members na umutang sila sa Pag-ibig sa ilalim ng proyekto ni Delfin Lee.

Inutos noong isang linggo ng Department of Justice na sampahan ng kaso si Lee and ang kanyang anak na opisyal rin ng Globe Asiatique. Sabit din ang ibang opisyal ng Globe Asiatique at ang opisyal.

Ang isinama na empleyado ng Pag-ibig ay isang Alex Alvarez na umamin na tumatanggap daw siya mula Globe Asiatique ng P30,000 buwan-buwan para i-notarize ang mga dokumento para sa loan kahit wala ang mga nag-uutang.”

Mahirap para kay Osmeña na tanggapin ang palusot ni De castro na nangyari itong anomaly na hindi niya alam kasi ang board daw ay ang-aapruba lang ng mga polisiya na siyang pinapatupad ng management.

“Baka absent siya,” pasaring na sabi ni Osmeña.

Mukhang ang mabilis na palusot ng mga hepe ng mga ahensya na nasasangkot sa mga anomalya ngayon ay “hindi ko alam yun.”

Yan din ang palusot ng dating hepe ng Philippine National Police na si Jesus Versoza sa anomalya ng lumang helicopters ni Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo, na binili ng PNP sa presyo ng bago.

Si Verzosa ang pumirma ng tseke na ibinayad para sa mga helicopters ngunit hindi raw niya alam na may anomaly dahil sinabi raw sa kanya ng kanyang mga tauhan na okay daw.

Sa prinsipyo ng command responsibility,may pananagutan ang hepe sa mga kasalanan na ginawa nang nakakababa sa kanya.

Sinuswelduhan ng malaki ang mga hepe ng mg ahensya at malaki ang kanilang kapangyarihan dahil may responsibilidad sila sa taumbayan na siyang nangsu-sweldo sa kanila.

Katungkulan niyang protektahan ang interes ng taumbayan.

Hindi sila siniswelduhan para magpahangin lang sa kanilang opisina.

Sa nangyari sa kaso ng Globe Asiatique, hindi naprutektahan ni De Castro ang interes ng mga miyembro ng Pag-ibig.

Published inAbante

85 Comments

  1. Lurker Lurker

    Well, VP Binay has already exonerated Noli de Castro. Bakit kaya ganoon kabilis?

  2. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Oo nga, bakit naman ang bilis nang pagabswelto ni Binay si Noli. Baka naman may usapan yung dalawa?

    Hindi ba ang chief of staff ni ES Jojo Ochoa ay nanggaling kay Noli? Eh hindi ba si Binay at si Ochoa parehong Samar group? At yang chief of staff
    ni Ochoa na nanggaling kay Noli, yan din ba yung nachismis na binili ni Noli ng bahay sa Dasmarinas Village?

    Paano naman walang alam si Noli tungkol diyan sa Globe Asiatique, hindi ba ang usap-usapan sa chinese community ay talagang close sila ni Delfin Lee nung nangyayari ang mga milagro ng GA at Pag-Ibig?. Ngayon na lang na sumabit si Delfin na biglang dumistansya si Noli sa kanya.

    Dapat kalkalin ang lahat ng mga transaksyon ng Pag-Ibig nung panahon ni Noli. Ang problema lang ay si Binay ang nakaupo sa Pag-Ibig ngayon at mukhang may understanding na sila ni Noli.

    Sana maimbestigahan ng Vera Files si Noli kasi walang mangyayari kung aasa lang tayo kay Binay at kay Ochoa.

  3. Puro Lee. Sa sinundang thread, si Domingo Lee. Dito naman si Delfin Lee.

    Sakit na sa tenga. Puno na yata ng Toto Lee.

  4. Mabilis na kwarta itong raket na ito. P6.6B para sa 9,000 na bahay. Kulang sa isang milyong pisong limit ng Pag-Ibig para sa low interest rate na 6% p.a. ang bawat isang bahay. Hmmm.

    Saan ka naman makakauha ng loan sa bangko na halagang mahigit anim na bilyon at ang interes ay flat 6% lang? Uulitin ko, bilyunan yan. Walang gagong bangko ang magpapautang ng ganoon kalaki na walang garantiya ng gobyerno.

    Sa madaling salita, na-finance ang bigtime development project ni Globe Asiatique gamit ang impluwensiya ng gobyerno na nakapikit na inaprubahan ang mga pekeng housing loan na iprinisinta sa bangko. Hindi maglalabas ng pera ang isang bangko kung walang pinanghahawakang garantiya. Basic yan sa banking.

    Si Globe Asiatique ay negosyanteng naghahanap ng magandang kita kaya kung merong mabigat ang kasalanan dito, hindi si Delfin Lee kundi ang Pag-Ibig mismo. Mismo!

  5. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Imbestigahan mo na please. Sawang-sawa na ako sa mukha ni Noli sa TV Patrol. Mas gusto kong makita siya na nakasuot ng orange jumper kaysa suit and tie.

  6. Ay naku, MB, kung pwede lang hindi manood ng TV Patrol.I don’t understand how ABS-CBN could close its eyes to the ethical violations of De Castro’s presence in their news department.

  7. Hindi ba ang chief of staff ni ES Jojo Ochoa ay nanggaling kay Noli? Eh hindi ba si Binay at si Ochoa parehong Samar group? At yang chief of staff
    ni Ochoa na nanggaling kay Noli, yan din ba yung nachismis na binili ni Noli ng bahay sa Dasmarinas Village? – MB

    Korek ka dyan. Lucille Ortile, the chief of staff of Ochoa now was De Castro’s undersecretary. Ochoa said it was Binay who recommended Ortile to him. But I was also told it was his brother-in-law, Jerry Acuzar, the real estate businessman who is close with De Castro. (siempre sa real estate business).

    Here’s the article I did earlier on Lucile Ortile: http://www.ellentordesillas.com/?p=12357

  8. chi chi

    Hay naku, simpleng logic lang naman a. Si Kabayad and in-charge ng Pag-ibig. Sa laki ng transaksyunes ni Delfin Lee sa opisina kung hindi nya alam ay super tanga sya!

    Binay disappointed me to the max with his clearance of Kabayad on this mess. Magkapatid sila, anak ng Samar!

    MB and Ellen, thank you for the konek-konek, ‘daang matuwid’ nga tungo sa Malacanang.

  9. Al Al

    Dapat ang text survey question sa TV Patrol: Naniwala ba kayong sangkot si Noli de Castro sa anomalya sa Pag-ibig Fund?

  10. chi,
    Sige ka, panay trabaho na si Binay para sa pagkakandidato niya for president, matindi rin ang mechanism niya kung via the local government (mayor’s league), APO, isama mo na ang boy scouts! Baka mabigla ka na lang president Binay na yan?
    Tapos vice yung misis niya, speaker of the house si junjun. Pagkatapos ng term niya, misis na naman niya, tapos dun anak na naman. Baka tumanda na lang tayo at may mga apo na eh Binay pa rin ang nakaupo? 🙁

  11. chi chi

    jug, si Kris ay magiging daughter-in-law nya bago mag-presidential election. 🙂

    Pero ang lakas talaga ni Rambotito sa LGU. Grabe, bago sya lumatad as vp candidate si Kuya Mar walang talo sa probinsya namin. Tapos ng ayan na si Binay, sa mismong town ko lang nanalo ang asawa ni ate Koring, 100 lang yata ang lamang na puro relatives ko lang yata. 🙂

    I am really dismayed with Binay right now, trapong-trapo ang dating sa akin!

  12. Parang hindi ko naramdaman na naging vice president siya ng bansa. Kasi noon ay GMA talaga ang pumapapel sa lahat. Parang tuta lang siya ni GMA. Sunod sa kung ano ang gusto ni GMA. Tikom nga ang bibig niyan sa mga anomaliya na kinasangkutan. Kapag may issue tungkol kay GMA parang no comment lang siya. Iwan ko ba bakit siya pa pa ang nanalo. Dito sa Pilipinas kulang pa rin talaga ang intelligent voters. Pero kahit yata maging intelligent voters na lahat na botante nariyan pa rin ang pandadaya.

  13. vonjovi2 vonjovi2

    Noon ko pa sinusulat d2 na si Noli ay maraming alam na anomalya sa gobyerno. bakit di siya nasisita. Ang pag ka Bise niya ay galing rin kay Garci. Marami pang lalabas na baho kay Noli. Kaso sa dami ng nakikita nilang nag nanawakaw sa gobyerno ay hanggang ngayon ay wala pa silang napapakulong.

  14. Phil Cruz Phil Cruz

    It’s about time this Noli de Castro be called to task.

    First, congratulations to Senator Serge Osmena for bringing this issue out in the open. It is impossible not to have known that the anomaly was going on. De Castro knew it. And was part of it, that’s 99.99% for certain. Those amounts were huge and Lee of GA was all over the print and broadcast media tooting his horn off about his projects.

    Can you imagine if he became President and multi-billion anomalies started erupting in his administration? And all he can answer if asked is “Hindi ko alam ‘yun a.”

    Gloria continued to stay in power longer than expected inspite of great efforts to unseat her. Why? Because De Castro was the successor. The opposition and even those in Gloria’s camp were scared what would happen to the country with him as President. In effect, he saved Gloria by just being a silent fixture, a reminder to one and all..”Hoy, you oust Gloria, you get me as President.”

    And yes, Ellen. De Castro should not even be there being a newsreader on TV Patrol. How can he read a news item about his anomalies? Nor can Korina and Ted Failon read it. And while we are on the subject, how can Korina be neutral if and when a negative item about DOTC has to be aired which concerns her husband Mar?

    And ABS should should not allow newsreaders to air their own personal opinions regarding certain issues of the day. A news program is not an opinion program. It was and is a bad idea putting De Castro into that news slot.. or even an opinion slot. It’s stomach turning. I’ve seen his snide remarks and his efforts at influencing the public when it comes to negative news about the past administration of which he was a big part.

  15. pranning pranning

    01 September 2011

    As I have told and posted in this blog site before, it is impossible for de castro not to know what is happening. For instance, during de castro’s tenure at the OVP, every wednesday they have a meeting at the OVP, even this one bagatsing a former members of one of the housing agency is included in that mess.

    Lucille ortile, who hails from pampanga and now chief of staff of ochoa should be investigated. she was so powerful during de castro’s incumbency and nobody could touch her.

    prans

  16. jawo jawo

    It was a big joke when Noli de Castro became Vice President. Walang silbi……inutil…..walang alam. As head honcho of HDMF, he was not even discreet in telling a lie the way perrenial liars do, like her patroness, for example. Involving billions of pesos in anomalies, how could you even say na “hindi mo alam iyan” point blank kung hindi ka talaga TANGA ?
    Pero may silbi din naman si Noli kay Gloria kahit papaano. Noli was Gloria’s “footstool” kasi kapag naka-upo si GLoria, hindi sumasayad ang mga paa niya.

  17. Nakapagtataka, ang dami ng naluklok sa matataas na puwesto na ulyanin, ma general, general manager, vice president, etc. Mga walang alam sa mga nangyayari sa mga opisina nila, kung ganito sila kabobo, paano kaya pumasa sa college and mga to? Bakit pa binigyan ng ganitong mga posisyon sa gobyerno eh mga wala naman palang alam?

  18. MPRivera MPRivera

    naging senador lamang noon ‘yang si de cashtro sapagkat sinamantala ang pagkahumaling sa kanya ng mga tangang botanteng nadala nu’ng kanyang alyas na “kabayan”.

    naging bise presidenteng inutil, walang silbi sapagkat busog din sa salapi mula sa kanyang presidenteng hindi hinalal ng tao. nagmukmok sa isang sulok noong kasagsagan ng pagtutungayaw ng taong bayan sa kapalpakan ng pamumuno ni goyang at hinayaang mamatay nang kusa ang mga kaso ng pamilyang imposibleng wala siyang nalalaman.

    simulation lang ‘yang pagbalik niya sa telebisyon upang mapagtakpan ang limpak na salaping kinita niya mula sa pakikipagkutsaba sa masibang nunal!

  19. dan dan

    Si Kabayad este kabayan palaging play safe yan. Noong panahaon ni GMA favorite nyang sabihin “bow” or yes mam kaya noong bago matapos ang administrasyon kailangan may maibulsa din sya kaya aprub lang kay goyang yon kasi pare pareho naman silang magnanakaw. Disqualified ang tapat at matino sa panahon ni GMA dapat makapal ang mukha, sinungaling, at higit sa lahat ganid….. ganyan ang karakas para ma qualify.

  20. MPRivera MPRivera

    babalik na naman tayo sa nota, este NOTED ni kiki panghilinan nito, eh.

    kaya nagkaletse letse ang pilipinas sa loob ng isang dekada ay dahil sa mga “matatalinong pulitiko” katulad niyang sina de cashtro, ben tumbling, anak ni nardong putik na naging kakutsaba’ng tulugtulog ng malditang nunal. idagdag pa ‘yung mga anak na adik at molang kabayo. samahan pa natin ng mapag-ako ng kasalanang hikaing kapatid ni pidal, ano sa palagay natin ang magandang kahihinatnan ng ating bayan?

    para kumpleto rekado, samahan natin ng CSAFP na supot na’y iyakin pa. ng PCSO chief at health secretary’ng bading. ng PNP chief na mahilig sa lagay. ombadsmang klasmeyt ni IPDyeng matigas ang mukha. ng DOJ secretary’ng tagapagtanggol ng mga kriminal. ng nagpapalipatlipat sa puwestong dating CSAFP na naging DILG secretary, na naging defense secretary, na napunta sa DOE at nang masawa ay lumipat sa DENR?

    kah. kah. kah. kah. kah. ‘kakahapo, ah!

  21. manuelbuencamino manuelbuencamino

    #22

    Ang galing magkunwari ni Binay na isa sa mga nagpasok kay Ms Lucille Ortile sa opisina ni ES Ochoa.

    Sabi ni Binay dyan sa link mo,

    “Ang sabi ko, ang ebidensya namin ay doon lang sa inihabla namin. Mahirap mag-speculate ng kaso. Pero hindi pa naman tapos ang imbestigasyon. There’s an ongoing investigation.”

    At dagdag pa niya,

    “Nag-aapila kami sa mga may nalalaman sa mga ilegal na transaksyong ito. Please come forward and help us gather direct evidence.”

    Ano? Eh ang lahat ng dokumento sa kaso ng Globe Asiatique at lahat ng iba pang poryektong dumaan kay Noli ay nasa kamay na ni Binay tapos taong bayan pa ang hihikayatin niyang magtapos ng imbestigasyon?

    At saka eto mula sa http://www.gmanews.tv/story/218714/nation/complainants-in-globe-asiatique-case-getting-threats-binay

    “The homeowners in Pampanga who had filed syndicated estafa charges against developer Globe Asiatique (GA) have been receiving threats and are being harrassed by unknown individuals, Vice President Jejomar Binay said Tuesday.

    “Binay, who is also chair of the Pag-IBIG board of trustees, said he has ordered the Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) to provide security for the complainants who are residents of GA’s Xevera Homes in Mabalacat, Pampanga.

    “He said that he will also ask assistance from the municipality of Mabalacat to ensure the safety of the homeowners.

    “Sana wala namang takutan. Sinasabi ko sa inyo, pag nahuli namin kayo, kasama kayo sa mga ihahabla namin (I hope that you will stop with these threats. If we catch you, we will also file cases against you in court),” Binay said in a statement released Tuesday.”

    Eh sana siya na lang ang nagprovide ng security para sa mga complainants. Ang laki-laki naman ng budget sa office nang vice president at pati na rin ang budget ng housing czar.

    Suklayin niya ang mga dokumento, bigay nya sa kinauukulan at sila ang susunod sa leads.

    Mananawagan pa siya ng whistle blowers eh kung yung mismong complainants na nga di niya kayang bigyan ng proteksyon. Ipagkakaloob pa niya kung kani-kanino. Eh pano kung sangkot yun mga yun sa mismong anomalyang kunwari pinaiimbestigahan niya?

    Tawagan niya si Lucille Ortile at doon siya magtanong. Maraming alam yun!

  22. MPRivera MPRivera

    mb,

    kung ano man ang nais palabasin ni binay, problema niya ‘yun.

    ipinost ko lang ‘yung link upang mabasa din natin ang kanyang panig – kasinungalingan man o katotohanan.

    ako’y naniniwalang mabibilang sa mga daliring putol ang lima ang mga pulitikong malilinis ang rekord sapagkat walang humawak sa kawaling mauling ang hindi naulingan depende na lamang kung paano niya lilinisin ang uling na kumapit sa kanyang mga kamay.

  23. chi chi

    Sanay din kasi sa trabahong ganyan si Binay e! Nagdudumilat ang mga documents about Globe Asiatic irregularities pero pinipikitan lang ni Binay dahil sangkot si Kabayad!

    Ano ang masasabi kaya dito ni Pnoy na si Lucille Ortille mismo na nasa tanggapan nya ay pinagmumukha syang inutil?!

  24. Mike Mike

    @Jug, #11:

    Hindi ko naman nilalahat pero ninenyerbyos ako kapag may mga maliliit na gustong maging pangulo ng bansa. Parang kasi sila mga tuko kung kumapit sa pwesto. Halimbawa nalang, si Marcos at Gloria nung naka pwesto kulang nalang pahiran nila ng epoxy ang kanilang wetpu sa kanilang presidential chair.

    Inuulit ko, di ko nilalalahat ang mga pandak at ako’y hindi rin matangkad. Lamang lang ako kay Binay ng isang dangkal. 😛

  25. Mike Mike

    Maayos naman ang pamamalakad ni Binay sa Makati kumpara sa ibang mga mayors ng bansa ngunit, subalit, datapwat… sila din ay nasasangkot sa mga isyu ng korapsyon at anomalya. Lintek na…… ayaw nilang umalis sa pwesto sa Makati. Matindi ang nakakabit na suction cup sa kanilang puwitan. Grrr…..!!!!!

  26. vonjovi2 vonjovi2

    Marami ang nag sasabi na kapag pupunta ka sa mga SANTO ay.

    Ang gustong magkaanak pumupunta kay STA CLARA.

    Ang hopeless kay ST JUDE.

    Ang gusto lumusot sa kaso sa gobyerno sa ST LUKES!

  27. Rudolfo Rudolfo

    Bwesit na pamunuan ng Bansa, sa nakaraang na 9 1/2 na taon.VP o namumuno ng mga ahensya y opisina nila walang “ALAM” ?..bakit pa sila naging VP o Heneral kung walang-(ulo-utak)-ALAM…kasi mga botante yata, ganoon din, di alam ang sinusulat sa balota, ” Hello-Garci” na pala !. Enough is enough !. Tama si Senador Serge Osmena, halungkatin ang “kabayad” !..maraming baho na sisingaw dyan, dahil tahimik kung gumalaw. Huwag sanang mag-ala-kabayad si Binayad, masisira dyan si PNoy ?..

  28. FLASH! FLASH!
    Mike Arroyo, Gen. Versoza, mga PNP generals at iba pang pulis na sabit sa 2nd-hand choppers sale, kinasuhan ng CIDG ng plunder.
    ********

    Good job, Sammy Pagdilao. Yan ang pulis, snappy. Isampa na yan, Ms. Brand-new Ombudsman, at ibalik na sa Hold Departure Order ang mayabang na bulugan. Kulong agad yan, plunder e.

    ********

    Kasama ba diyan Ellen si Luizo Ticman – yung best friend ninyo sa Manila Pen?

  29. Bantay agad sa airport, siguradong tatakas na naman yang baboy na yan. I-hold kahit wala pang HDO, sabihin merong bird flu.

    O di kaya, SWINE FLU!

  30. MPRivera MPRivera

    Ihanda na ‘yung isang kulungan sa Manila Zoo upang doon i-quarantine ang baboy na ‘yan.

    Siguradong alumpihit na si Jose Pidal at hindi malaman ang gagawin kung paano tatakas nang walang makakaalam.

    Kung sa St. Lukes tatakbo upang magpagamot kunyari, pabantayang mabuti sa mga mangangaso o kaya’y mga taga La Loma. Huwag hayaang makawala.

  31. Magno, Mamamatay yan sa sakit sa puso, lalo na’t sikat ngayon sa La Loma yung litsunan na Ping-Ping’s. Laking ngis ni Lacson siguro kung yun ang magbabantay, lol.

    Seriously, wala nang magagawa kahit pa mag St. Luke’s siya kung isampa na yung plunder sa korte. House arrest o hospital arrest man, kulong pa rin yon. Pag magaling na siya, diretso na sa preso.

    Sana sa Pasay i-file ang kaso kasi yung hangar ay nasa Pasay. Aaraw-arawin ko siya ng bisita sa Pasay City Jail. Pababantayan ko pa siya sa mga bataan ko sa loob. Hehehe.

  32. Pasensiya ni Lacson kay De Lima, ubos na.

    “Do they expect evidence to come before them? They should take initiatives. It’s been 14 months (since the Aquino administration came to power). What she has been doing is to go after me and continue questioning my travel documents instead of going after the big things. The sense of priorities is misplaced,” he said.

    “You know, I have a continuing objection to her confirmation. And this much I can tell you. The moment she causes the issuance of arrest warrant against any of the Arroyos, then I will withdraw my objection, I might even be the one to move for her (De Lima) confirmation,” Lacson said, appearing before the weekly news forum in the Senate .

    “But it’s been 14 months and yet what she’s been doing daily is to (conduct) press conference. She seems to be doing a lot of things but the more important matters, she fails to attend to. Don’t you think we should all take her to task on this matter? Nothing seems to be done. The problem will not be resolved through a press release,” he added.

    Lacson said he is inclined to join the cause of colleague, Sen. Antonio Trillanes IV who earlier called for the resignation of De Lima, in the light of the apparent lack of any formal charges in courts against the Arroyos or their purported cohorts.

    Complete article here.

  33. Kabi-kabilang kaso ang isasampa ni Pagdilao ng CIDG. Matapos itong kay FG at Versoza, yun namang kay Avelino Razon kung saan ire-repair ang mga V150 ng PNP sa halos kalahating bilyong piso. Pineke ang mga dokumento at niyari ang bidding.

    Tapos, meron pang isang bilyong pisong pension ng mga pekeng PNP pensioners.

    Segunda-manong helicopters, niyaring bidding, pekeng pensioners! May Euro Generals pa.

    Ano pa? Meron pa ba? Utang na loob, hindi ba ninyo tatantanan ang taumbayan? Tapos ng bilyunang pabaon ng AFP, PNP naman.

    Tongue in, anew!

  34. MPRivera MPRivera

    Hindi nakapagtataka sapagkat lahat silang sangkot ay kakabit ng pangalan ni Gloria kung kanino sila yumaman at nagtamasa ng ibayong kasaganaan kapalit ng pagpipikit ng mga mata sa anumang kabalbalang harap-harapang humamon sa kanilang dignidad at prinsipyo subalit hinayaan nilang lupigin ng kinang ng salapi ang.

    Sasabihin na namang intriga at ‘yung nagsasampa ng kaso ay nagmamalinis gayung “sumahod” din habang nagpapaulan ng “grasyang hindi kanya” ang peke na’y hindi pa ibinoto ng taong mang-aagaw ng kapangyarihang tinawag ang sarili niyang presidente daw ng Pilipinas.

    Kunsabagay, sino ba namang heneral na kabilang sa mga nakapaligid noon kay Gloria ang hindi “naabutan”?

    Uso naman kahit kailan ang “hudasan”, di ba? Lalo’t tapos na ang “maliligayang araw na pinagsamahan”?

  35. MPRivera MPRivera

    ……subalit hinayaan nilang lupigin ng kinang ng salapi.”

  36. perl perl

    #37, tongue, ano kaya background ni Pagdilao? astig ah. dati ba syang tao ni Lacson? medyo unbelievable, CIDG kakasuhan si FG at sangkatutak na high ranking PNP/DILG officials. sana hindi lutong macao ang kaso at baka sa bandang huli eh mabasura lang dahil sa teknikalidad o pinahinang ebidensya. kapag may nakulong sa mga DILG/PNP officials na yan, kahit temporary lang… patunay na to na magaling at maasahan ang kasalukuyang pamunuan ng DILG at PNP.

  37. MPRivera MPRivera

    Ilalaban ko ng pitpitan ng betlog si Tongue, pumupuntiryang maging PNP director general ‘yang si Pagdilao at malaking puntos ang paghahain niya ng kaso sa mga sangkot sa anomalya sa pambansang katulisan.

  38. perl perl

    _http://www.gmanews.tv/story/231257/nation/mike-arroyo-charged-with-plunder-over-choppers-deal
    kala ko hindi pasok sa plunder case kasi less than 50M yung involved sa dugasan. at bakit sa ombudsman, hindi ba’t private citizen yan si baboy?

  39. MPRivera MPRivera

    Wala na ba tayong pag-asang makasumpong ng isang administrasyong mangangalaga sa mga ari-arian ng estado?

    Bakit lahat na ‘ata ng pamunuan ay pawang pagbebenta ng assets ang pinag-iisipan at hindi ‘yung pagpapatupad ng tama at mahigpit na pangungulekta ng buwis na pagkukunan ng karagdagang pondo ng pamahalaan?

    Hindi magtatagal at busabos na pulubing palaboy na ang bawat karaniwang Pinoy kapag hindi masasawata ang masisibang pulitiko sa kanilang walang patumanggang pagwawalambahala sa kapakanan ng taong bayan at tanging mga bulsa lamang nila ang aatupaging lumobo sa nakaw na yaman!

  40. saxnviolins saxnviolins

    Akala ko rin less than 50 million. But that the amount may be bigger. Anyway, simple arithmetic lang yan.

    About the Ombudsman, kahit na private ang Baboy, he had to bribe or connive with some government official. So the ball is in Carpio-Morales’ park.

    Yung kay Delfin Lee, ang hina naman ni De Lima. Kung pinademanda niya sa Pampanga prosecutor si Lee, hindi na sakop ng TRO ni Mislang yan. The TRO would have been rendered moot.

    Of course, ang problema naman, kung Pampanga, baka tropa ng nunal.

    Pero may malinis diyan, one year ahead of Gibo – Si Judge Divina Luz Aquino-Simbulan.

  41. chi chi

    “Lacson said he is inclined to join the cause of colleague, Sen. Antonio Trillanes IV who earlier called for the resignation of De Lima, in the light of the apparent lack of any formal charges in courts against the Arroyos or their purported cohorts.”

    Join na! Bakit nga ba at ano pa ang hinihintay?!

  42. Re perl (#45) and sax (#48)
    The sale of 3 choppers was for P104.9M or about P35M each. The two used choppers alone would therefore cost P70M. (Osmeña claims each five-year old chopper would cost only about P4M in the open market.)

    BTW, na-Lee-Toh na si sax. Si Delfin Lee yung kinasuhan hindi si Domingo Lee.

  43. re chi (#46)
    Ano nga bang hinihintay? Senatorial campaign funds for 2013? Isponsor sa kampanya? O parte sa pinagnakawan?

    Uunahan na siya nung matandang ale sa kabila (Ombudsman). Ilang buwan pa lang si Carpio-Morales baka maunahan pa siyang magfile laban sa mga Arroyo.

    Walang silbi kung matuwid nga ang daan, wala namang gumagalaw dahil barado.

    Tanggalin ang bara. Tawagin uli si Malabanan! Peborit ko na talaga si Malabanan!

  44. saxnviolins saxnviolins

    I was referring to Delfin Lee.

    OT lang kasi, so I posted it at the most current thread, the news, also being current.

    Hangga’t di gumagalaw yang Carpio-Morales na yan, duda pa rin ako. Baka parehong trojan yan. Queen’s gambit accepted ang naging laban nung Penoy.

    Nawala ang saber rattling sa Spratlys. Talagang presyo lang ang katapat, at upang ipahiwatig na siya ang kausap, hindi ang nunal.

    So move over Abalos, here comes Eldon Cruz.

  45. saxnviolins saxnviolins

    The elements of the offense happened in Pampanga (xevera), so the charge should be in Pampanga.

    I don’t know why the TRO was sought in Pasig, considering that the DOJ HQ is in Manila. That renders credible the belief that Mislang was stroked (with a thick wad of cash). Of course, an NCR TRO is valid in Manila.

    Pero hindi na valid ang NCR TRO sa Pampanga. Kung ang Pampanga fiscal ang mag-file, De Lima can do an MILF, re Umbra Kato. She can say, hindi po ako lumabag, but the Pampanga fiscal is a renegade. He filed without my clearance.

  46. Tedanz Tedanz

    #36 TonGue,
    Dalawa lang ibig sabihin nito …. si DeLima ay tuta ng mga Arroyo at yong pangalawa ayaw talaga ng Gobyerno niyo na kasuhan ng mga Arroyo. Kita mo nga ngayon gusto pang ituloy yong mga proyekto ni Glorya gaya ng NBN at North Railway. Hay naku tama nga yong kasabihan na weder weder lang. Walang originality ang administrasyon nitong si Pagong Aquino. Kahit sino pa ang iupo niyong Pangulo walan manyayari … pareparehas lang yan … wak na lang angal … sundan na lang yong agos ng tubig.

  47. Tedanz Tedanz

    “All the DoJ and the Ombudsman should do is to coordinate with the Senate blue ribbon and the House to get all these reports and documents that can help in the filing of cases,” Lacson said.”
    Ano kaya ang sagot nitong si Delima at Carpio tungkol dito.

  48. chi chi

    Police Director Samuel Pagdilao Jr., head of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), said the charges were lodged before Ombudsman Conchita Carpio Morales. – news

    Tongue, sino ba si Pagdilao (background nga o)…at mukha ngang astig? I will monitor the galaw of this man, naiiba yata sa karamihan dahil kinalaban pati si Verzosa na peborit ni Noy. 🙂

  49. chi chi

    Tongue, ipalinis mo na rin kay Malabanan si Kabayad at Rambotito. Umaalingasaw na todo ang baho…!

  50. Tedanz Tedanz

    “Additionally, Lacson made a statement to the effect that he would block the confirmation of Secretary De Lima if a warrant is not issued against us. This public threat and coercion on Sec. De Lima is the height of arrogance and pure blackmail,” Mike Arroyo said” … ABS-CBN

    “Arroyo cited newspaper reports that Senator Lacson was charged in 2010 with double murder in the Dacer-Corbito case, and the senator’s subsequent move to go into hiding.” … ABS-CBN ….. Assignment ito ni Delima sa mga Arroyo para sirain ang credibility nitong si Lacson.

    chi, Umaalingasaw na talaga ang baho nitong si DeLima. Ano kaya ang masasabi ng mga taga-administrasyon dito sa kanilang kasama na talaga namang tuta ng mga Arroyo?

  51. vonjovi2 vonjovi2

    umpisa na ang Moro Moro at sana Di para sa ranggo at papogi si Pandilao at totoong kaso or malakas ang kaso sa mga ito. Nag hahanda na ang ST. LUKE sa kanila.

  52. Mike Mike

    Sana lang ang kasong isinampa laban kay FG et al ay solido at hindi ampaw. Baka makalusot nanaman due to technicality. 🙁

  53. chi chi

    #56. Tedanz, balita ko ay tunay na tuta sya ni tabako, pero kuting sya nina putot. Kaya medyo naniniwala ako sa link nya dun sa isang nagtraydor kay Ping.

  54. chi chi

    Mike, si de Lima ang tiyak na may sala kapag yan ay nangyari (muli). Sinadya kapag ganyan nga.

  55. jawo jawo

    O, sinampahan na ng charges si Porky, si Versoza, at 16 pang (ka)-tulisan, este, ka-pulisan pala.
    Mrs. Morales,….Mrs. de Lima……….what are your next moves ? Aba eh kumilos naman kayo !! Naghahanap ba kayo ng mga “technicalities” o mga loopholes para makalusot na naman itong mga kriminal na ito ? Aba eh bilisan niyo naman !! Magpa-kulong naman kayo ng maski na isa lang para hindi naman masyadong halata na mga TROJAN nga kayo ng mga Arroyo (sabi nga ni sax) !!

  56. perl perl

    #45, #47 sax/tongue, kinakabahan talga ko sa plunder case na yan ng CIDG sa chopper scandal. kahit nga yung mga senador sa blue riboon committee, ni minsan hindi ko narinig na sinabi nilang pasok sa plunder case yan kundi violation sa anti-graft case lang… haay… kailan makakamit ang hustisya? anong petsa na!

  57. perl perl

    ganyan ba talga ka walang kwenta batas satin? multi-million o bilyon ang pinaguusapang nakawan pero sa mga lumalabas sa imbestigasyon, bandang huli sasabihin walang sapat na ebidensya? tama, gamitin ang principle of command responsibility, hahawak ng pinakamataas na posisyon sa ahensya tapos kapag nagkaron ng anomalya sasabihin walang alam.. anak ng tyanak, hindi pwde tatanga-tanga opisyal ng gobyerno! ano ganon na lang?!

  58. Tedanz Tedanz

    #chi,
    Hmmmmm … kaya pala dinidikdik itong si Lacson dito sa isyu ni Dacer …. dahil si Ramos ay suspek o di kaya siya ang nag-utos dito sa krimen na pilit ibinibintang sa iba.
    Sabi ko nga ba hindi puwedeng pagkatiwalaan itong DeLima’ng ito.

  59. chi, wala akong mahukay na derogatory diyan kay Pagdilao. Alam ko dating Chief ng Caloocan Police, tapos NPD chief, CIDG-NCR chief, bago naging PNP spokesman, Calabarzon RD at Eastern Visayas RD hanggang mapunta sa CIDG.

    Maganda nito e abugado ito. Nagsimulang makilala ito nung panahon na sumisikat si Lacson sa PAOCTF nung Ramos era.

    ************

    Very apt yung binyag ni vonjovi na “Pandilaw” hahaha.

  60. Actually, nakakagulat nga itong si Pagdilao. Akala ko sa American movies lang makikita yung pulis e hinuhuli yung mga matataas na opisyal. Walang sinasanto. Sa dinami-dami ng iskandalo sa panahon ni Gloria, may naaalala ba kayong kinasuhan ang pulis na bata ng gobyerno?

    Yan yung matagal na nating hinahanap sa Pinas. Yung tigasin at independent yung pulisya. Di gaya nung dati na hihintayin muna ang senyas sa TAAS bago kumilos. Natatakot baka may masagasaan na malakas sa munisipyo, kapitolyo o Malakanyang.

  61. MPRivera MPRivera

    Kapag ganyang may kinakaharap na kaso ay maraming kiyaw kiyaw itong si Mike Arroyo. Ngakngak dito, ngakngak doon sa halip na harapin at patunayang malinis ang kanyang pangalan at wala siyang kinalaman o nalalaman. Natural na reaksiyon ng isang sinungaling na mandurugas.

    Siguro, pakiramdam niya ay sobrang lakas ng kanyang impluwensiya upang ang bawat pagde-deny niya ay pakinggan at paniwalaan. Sa isip siguro niya ay wala ng katapusan ang kanyang pagsikil sa katotohanan at mapipigilan ang pagsingaw ng kanyang mga baho.

    Kung talagang walang sala, bakit hindi niya personal na harapin ang mga akusasyon at hindi ‘yung marami pa siyang dahilan at sinasangkalan?

  62. MPRivera MPRivera

    Noong panahong sila ang nasa Malakanyang ay sobrang aroganteng akala mo’y napakatapang ng Mike Arroyo’ng ito pati na rin ang kanyang mga anak na nag-aasal sanggano.

    Bakit hindi niya ngayon gawin ang paghahamon ng suntukan? Hamunin niya si Pagdilao sa paghahain ng kaso laban sa kanya sa kabila ng sinasabi niyang wala siyang kinalaman sa bentahan ng segunda manong choppers sa PNP.

    ‘Anlaking lalaking nagtatago sa ilalim ng palda ng asawa?

    Ano ba ‘toh?

  63. MPRivera MPRivera

    Mike Arroyo, ngayon ka magmura. Kayong dalawa ng anak mong mukhang kabayong mola.

    Matatapang kayo, di ba?

  64. MPRivera MPRivera

    ‘Yung mga “mapagkalingang doktor” diyan sa St. Loots Hospital, humanda na kayo’t baka atakihin na naman ang paborito ninyong pasyente. Sayang ‘yung ibabayad niya. Kunsabagay ay hindi naman niya pinaghirapan ang perang ‘yun dahil galing sa mga pinagbentahan ng helikapter at komisyon sa mga overpriced projects noong panahon ng kanyang sinungaling na magnanakaw na asawa.

  65. perl perl

    Maganda nito e abugado ito. Nagsimulang makilala ito nung panahon na sumisikat si Lacson sa PAOCTF nung Ramos era.
    tao ni Lacson sa PAOCTF si Pagdilao? if so, kaya pala astig at matapang, siguradong may order yan galing kay Lacson. Pansin nyo din ba yung mga PNP officials na iniimbestigihan sa chopper scandal? walang pulis na maglakas ng loob magsinungaling.. hehe… halatang takot kay Lacson! Excellent job Sen. Lacson!

  66. perl perl

    Pagdilao? kung sabagay pangalan pa lang close na kay PNoy… 🙂

  67. chi chi

    Tongue, salamat at mukhang mayrunn tayong tinatanaw kay Pagdilaw. 🙂

  68. koko koko

    Could we really trust this Pagdilao? The filing of charges against FG et al could be another diversionary tactics just to pre-empt the ongoing senate inquiry.Sen Drilon seems to be suspicious of the move since PNP after all was very quiet about this mess all this time. I hope that CIDG have their own evidence aside from what they heard from the senate hearings.

  69. There’s something not right.

    ———————————————
    When politicians play the role of prosecutors and judges, they make the law unstable. They make justice the tool of the powerful, and assign to the political system more functions than it can realistically handle. The crafting and review of laws, along with the formulation of collectively-binding decisions, are difficult and demanding enough as political functions. It would be disastrous to compound them with the judicial role.

    http://opinion.inquirer.net/11249/failed-institutions-and-the-chopper-scam

  70. parasabayan parasabayan

    Si kabayad and topic, napunta naman kay Lacson at Pagdilao.

    Kabayad should also be held liable for the Pag-ibig mess. Siya nga ang house czar ng panahon ni pandak di ba?

    Was there any truth na binahayan daw nya yung GF niya ng over 50 million? If this is so, saan niya kinuha ang pera? I-lifestyle check and isang ito, please.

  71. perl perl

    #76, hindi natin masisi yung mga politician na nagsasaga ng congressional hearing dahil hindi nagtatrabho yung mga ahensya ng gobyerno na dapat gumawa nyan. Kauupo lang ng bagong ombudsman, matagal pa yan bago makakikilos at yung itinalagang DOJ Sec hindi pa tayo sigurado sa kulay. 14 months na, wala pang nangyayari.

  72. MPRivera MPRivera

    alam naman natin ‘yang karamihan sa mga pulitiko ay kumakandidato lamang upang maging sandalan nila’t kalasag sa pangangalaga ng pansarili nilang interest. karamihan din sa karamihang ‘yan ay sumusunod sa code of ethics ng public service. ‘yun nga lamang, ang pagsunod nila sa cose ay sa pamamagitan ng bad ethics.

    sinong pulitiko sa ilang nakaraang administrasyon ang bumaba sa puwesto na hindi lumobo ang kayamanan?

    meron ba?

  73. MPRivera MPRivera

    ……ang pagsunod nila sa CODE….”

    sori. hindi ko alam kung ano’ng naging mali. parang pinaikling comatose ‘ata ‘yun, eh. dedicated sa mga mahilig magtago sa st. loots hospital.

  74. saxnviolins saxnviolins

    # 78

    Perl: Your point is precisely the point of the author. The succeeding paragraph in that article says:

    Yet we all know why congressional hearings, particularly during the Arroyo presidency, preoccupied the Senate and began to take the form of criminal investigations. Nearly all the standing institutions of government – the police, the military, the courts, the administrative bureaucracy, the government corporations, and the local government units – had been corrupted by Gloria Macapagal-Arroyo. The internal controls of government in every agency and across departments were systematically undermined by the persistent abuse of executive prerogative. It came to a point when only the Senate could muster the nerve to question public officials. Still, it was repeatedly trumped by a powerful presidency with the blessings of a compliant Supreme Court.

  75. MPRivera MPRivera

    kapag nanonood kami ng TV Patrol dine sa Saudi ay hindi namin marinig kay de cashtro ang pagtalakay ng balita tungkol sa mga kinasasangkutan ng kanyang presidente maging ng pamilya nito ganu’n din ang kanilang mga naging kaalyado.

    nakakapagtakang iniisip ng ABS-CBN management na marami pang bilib sa kredibilidad ni baby face cash.

  76. From Benjamin Suarez:

    When Xevera Mabalacat opened for business in 2007, De Castro was there with GMA along with the mayor of Mabalacat.

    They were all in glee, because the funds of Pa-ibig would be flowing like wine in their direction. The Xevera development was never approved to be subdivided, there’s no conversion approval from approving authorities, yet the mayor issued business permit and Pag-ibig during the time of De Castro did not investigate or did their due diligence if all the subdivision laws were met or followed by the developer.

    This violation should be added to their present charge of syndicated estafa. It was really a conspiracy to lower underwriting guidelines so Globe Asiatique will be given a preferential status in loan processing.

    SSS and GSIS did not lower their housing loans underwriting guidelines so that a developer will have undue advantage over another developer, that’s against the equal protection clause of our constitution.

    Everybody must be treated equally under the law.

  77. MPRivera MPRivera

    “…….yet the mayor issued business permit and Pag-ibig during the time of De Castro did not investigate or did their due diligence if all the subdivision laws were met or followed by the developer.”

    grabe namang pagsasabwatan ‘yan! masasabi na rin nating sinadyang pagtatangatangahan ng mga kinuukulan kapalit ng salaping maliwanag na babahang tila alak.

    ang maliliit na miyembro ng Pag-IBIG ay nangangarap magkaroon ng sariling tahanan kaya nga kahit malaking kabawasan sa kinikita ay inilalaan sa paghuhulog ng obligasyon sa ahensiya subalit ‘yun pala’y dinudugas lamang ng mga gahamang walang alam gawin kundi gatasan ang mga nagpapawis ng dugong walang kamalay malay.

    marahil, kaya ginawang forced membership kasama kaming mga OFW’s ay huthot na ang pondo ng Pag-IBIG at magagawa nilang paikutin o pagulungin ang pondong makakalap upang hindi maging kapunapuna ang pagkabangkarote ng nabanggit na ahensiya.

    tsk. tsk. tsk. tsk.

    nakakapanginig ng laman ang ganitong uri ng kawalanghiyaan ng mga nagkukunwaring lingkod bayan!

  78. MPRivera MPRivera

    bilyon na ang usapan sa alinmang transaksiyon, makakatanggi pa ba ang mga katulad ni de cashtro sa maliwanag na malaking por siento sa pag-approve ng mga fictitious loan noon sa Pag-IBIG?

Leave a Reply