Skip to content

It’s the process, stupid

Juana Change as Cecile Alvarez:

Carlo Caparas and Cecile Alvarez just don’t get it.

There is a process in the nomination for the National Artist Award. A series of eliminations is conducted until the best of the best are chosen for the prestigious award given every three years.

In a radio interview, Caparas, Gloria Arroyo’s choice as national artist for film and visual arts, said his name was in the original list. “As long as you are in the original list, you are now qualified to be a national artist.”

No, no, no. That is not right. In anything that requires an elimination process, whether it’s for a job or for a scholarship, or for an award, once you are eliminated in the preliminary rounds, you are out. That means you are not at par with those who have moved on to the final rounds.

Worse is the case of Alvarez, who was never in the list. Making the award more scandalous is the fact that Alvarez runs as executive director the National Commission on Culture and Arts, which together with the Cultural Center of the Philippines, does the screening of applicants.

It’s basic in any contest to disqualify any official of the agency that conducts the elimination. That’s fair play.

The brazenness of Arroyo’s choices must be because they know that they have no chance of getting the award in a fair competition. The next National Artist Award would be in 2012. There would be no more Arroyo, the bogus president who gives bogus awards.

In the protest assembly by the artists community at the CCP last Friday, singer Celeste Legazpi, daughter of National Artist Cesar Legazpi, read the following adaptation from the poem “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan,” by National Artist for Literature Amado V. Hernandez:

Lumuha ka, aking Sining; buong lungkot mong iluha

ang kawawang kapalaran ng alagad mong kawawa;

Ang ordeng iginagawad dapat sa mga dakila,

ay order na lamang ngayon mula sa pangulong daya.

Sa tatlumpo’t pitong taon, tila bahay itong sira

Na noong nagdaang buwan ay tuluyan nang nagiba.

Lumuha ka, habang sila sa palasyo’y nagdiriwang

Sa libingan ng matuwid, baluktot ay may libangan

Katulad mo’y Inang Bayan na nagmukhang si Bakekang

Katulad mo’y si Juana Change, binaliw ng kahirapan.

Kung ang bumuhay kay Panday at ang pumatay kay Panday

ay kasabwat nina Pandak, baka mabuhay ang patay!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop

Na sa kultura’y pahirap, sa buwitre’y pampalusog;

Ang lahat mong kalinisa’y kamal-kamal na nauubos,

Ang lahat mong katapata’y sabay-sabay na natapos;

Masdan mo ang iyong dila, dayong wika’y nakatanod

Masdan Mo ang iyong diwa, pagkabansa’y nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon

Kung ang araw sa langit mo’y The True, The Good, The Beautiful;

Kung ang alon sa dagat mo ay mayroong I am Ninoy

Kung ang bulkan sa dibdib mo’y umusok ng New Millennium;

Kung wala nang maglalamay pati ang Erap for the Poor,

Lumuha sa I am sorry pagkat tuta kang inulol!

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,

May araw ding ang mata mo’y tuluyan nang manlalabong

tulad ng katotohanang umiiyak na ng dugo,

samantalang ang sikmura’y aserong kumukulo.

Sisigaw kaming artista—sa liyab ng libong sulo;

ang bungang hinog sa pilit ay tansong tubog sa ginto!arlo

Published inArts and Culture

32 Comments

  1. Here’s the satirical Open Letter circulated performed by Juana Change at the Necrological Services for the National Artist Award at the CPP last Friday.

    National Artist na Ako!

    Para Aking Mga Kaibigan at Kaaway sa Sining at Kultura,

    Hindi pa man ako nanunungkulan bilang Executive Director ng Pambansang Komisyon ng mga Nakakaawang mga Artista or NCCA, naka plano na ang aking masidhing layunin na maging Pambansang Alagad ng Sining.

    Bago pa man ipinagkaloob ng board of commissioners ang bakanteng posisyon sa akin noong 2004, alam kong hindi nila matatanggihan ang liham ng ating mahal na pangulong Gloria na ilukluk ako sa puwesto. Alam ko sa umpisa pa lang, magagamit ko ang posisyong ito para maitaguyud ang aking personal na mga layunin at ambisyon, ang laki ba naman ng ating NEFCA.

    Kung minsan, nasasambit ko nga sa NCCA board of commissioners sa kainitan ng aming mga diskusyon na kailangan ko ng lakarin ang aking national artist award dahil ako po ay tumatanda na at nabibisto na ang drama ko na ako’y mamamatay na sa aking sakit na cancer.

    Sa totoo lang, kapag ako ay iniipit ng mga kaaway ko sa board, sila ay tumitigil sa pagtutuligsa sa akin kapag umiinom na ako ng sangkatutak na gamot, ang hindi alam ng marami, ito’y puro mga garlic at herbal supplements lamang. Outstanding ang drama ko di ba? kaya karapat dapat lang na akoy magantimpalaan ng national artist award sa larangan ng teatro.

    Nang mapalitan ang NCCA Chairman na taga NHI mas lalong naging maka pangyarihan ko dahil ang pumalit na Chair ay halos kapareho ko rin ngunit walang galing sa pagarte at lagi daw may sakit sa puso. Sa totoo lang, syay walang alam sa larangang ito kanya wala laging maisagot na maayos.

    Nang matapos rebalidahin ang IRR ng komisyon, akin ng inumpisahang mani-ubrahin ang aking layunin na maging national artist. alam ko na kailanman, walang mag nonominate sa akin ngunit sino ba kayo para ako ay pigilan? Hanggang nasa puwesto ang Pangulong Gloria, magagawa ko ang gusto ko! kung ang eroplanong ngang nakalipad na ay kaya kong pabalikin, ito pa kaya?

    Alam ko na maraming magtutuligsa sa akin dahil ako ang adviser ng pangulo sa kultura and concurrently the NCCA Executive Director, pero ano ba’t sila na ang maging ako, ano?

    Isa pa, I head all the NCCA based secretariat ng NAAW (National Artist Award), kaya alam ko, may magagawa ako kahit kailanman walang pipili sa akin. Hanggat kaalyado ko ang ating mahal na Pangulo, ako’y magiging National Artist.

    Ginawa kong divide and conquer ang sistema sa pagpisingit ko sa aking pangalan ng mga napili. Isiningit ko rin ang pangalan ni Pitoy Moreno at ni Carlo J. Caparas na mayrun ding nominasyon sa una pa lang ng selection process. Alam ko na kapag isama ko ang dalawang taga showbiz na ito, mas magiging matinik ako sa aking laban sa mga magtutuligsa sa akin.

    Hindi lang iyan, kailangan ko ring isingit si Architect Bobby Mañosa dahil ang kanyang mga kaalyado ay mga makakapangyarihan din sa kanyang larangan sa arkitektura. Kung kaming apat ay idadagdag ng Presidente, mahihirapan na ang mga artista sa sining na magreklamo, ito ang tinatawag na divide and conquer.

    Syempre, maraming mga taga showbiz ang kakampi kay Pitoy at Carlo. Makapangyarihan ang mga taga showbiz. Sa pamamagitan ng media arts, magkakaroon ako ng maraming kakampi at tagapagtanggol. Sino ba naman ang kokontra kay Bobby aber? ang gagaling ng kanyang mga obra maestra? Hindi lamang ito nabigyan ng akmang atensyon at tamang paghusga.

    Napaka epektibo ang ganitong sistema, kung noon nga sa NCCA, bagong upu ko pa lamang, niyanig ko na ang secretariat ng binigyan ko sila ng tag 40,000 pesos na bonus na inaprubahan naman ng mga nakaupong board of commissioners, pero siempre, ako ang may pakana noon at dahil doon, lahat silang mga secretariat ay nagkaroon ng utang na loob sa akin. Thats how I gained most of my allies, by giving them bonuses and benefits. For my friends, of course, employment opportunities through the NCCA Speakers Bureau program.

    Malapit ng magtapos ang panunungkulan ni Pangulong Gloria, yan kung hindi magkakaroon ng martial law. Pero ngayong ako ay national artist na, I am more than qualified to remain as NCCA Executive Director for Life. Siempre sa ngayon ang aking layunin ay iyong tinatawag na security of tenure na para may magtutustus sa aking cellphone bills na umaabot ng 40,000 pesos kada buwan. Sayang din naman ang sueldo ng aking anak, na 20,000 pesos kahit hindi sya nagpapakita sa NCCA building. Talagang maraming benepisyo kung ikaw ay NCCA Executive Director. Isa lang ito sa mga ayaw kong mawala sa akin kahit kada taon, mayroon akong 1M for new works bilang National Artist.

    Sige nga? Ngayong National Artist na ako, sino pa kaya sa Civil Service ang magsasabi na ako ay hindi qualified to remain as Executive Director kahit ako ay walang CESO?

    Paki pasa na lamang po ang liham na ito sa aking mga kaaway para sila ay mamatay na sa galit at pagkasuklam sa akin kasi wala naman silang magagawa dahil National Artist na Ako!

    Cecile Guidote-Alvarez
    National Artist 2009
    Presidential Adviser for Culture
    Concurrent NCCA Executive Director

  2. taga-ilog taga-ilog

    Ang kapal ng mukha nila guidote-alvarez at caparas! Walang class talaga. Isinusuka na ng mga miyembro banat pa rin…..TAPANG NG HIYA!

  3. sanamagan sanamagan

    Dang,

    Ito talaga si GMA napaka-killjoy e alam ng
    wowowee ang sigaw ng bayan 😀

    Willie Revillame for National Artist – the artist who satisfies the intellectual craving of
    pinoys-in-da-pinas 😀

  4. Johnny Johnny

    kasing tapang lang ng hiya at kapal ng mukha ng nagbigay ng award na yan sa kanila.

  5. patria adorada patria adorada

    grabe…grabe na talaga…only in the pinoy islands

  6. kabkab kabkab

    Dito mo lang makikita na si Glorya Arroyo ay ipinanganak na isang MANDARAYA. At ang MANDARAYA ay kapatid ng MAGNANAKAW!!!!!!!
    Si Glorya ay isang Houdini na magaling sa HOKUS POKUS.

  7. paul paul

    me magagawa ba tayo..!! ang tagal ng nag hahari harian ang mga demonyong ito pero andiyan pa din.. si cecile guidote alvarez, panahon ni cory mayabang na iyan, ang lagi niya pinagmamalaki ay iyong kanyang balat o nunal sa palad niya( di ko lang matandaan kung kaliwa o kanan koteng bituin daw ) na senyales daw ng suwerte sa mga lider pag kinuha siyang adviser, me pakana pa iyan noong panahon ni cory, na ang asawa daw niyang si heherson alvarez ay magiging pangulo ng pilipinas bulong daw sa kanya ng isang boses sa itaas, sobra na ang pag engkantada niya at iyan ang kanyang ikinakalat na balita dito sa filipino community sa LA noong mga panahon ni cory.. sugo daw siya, ewan ko lang kung sino.. sobra na, tama na, patalsikin na lahat sila..!!

  8. onli in da pilipins.. ha ha ha ha

  9. idolNIGLORIA idolNIGLORIA

    ERRATUM po Maam Ellen – It’s CARLO Caparas, not CELSO. 💡 😉

  10. Parehong makapal ang mukha talaga ng mag-asawang Alvarez. Si babae, yung pinakamataas na parangal na naaayon sa kanyang industriya ang sinungkit ng walang delikadesa. Parang pinagbantay mo lang ng isang puno, pero ninakaw ang bunga. Yung lalaki naman, kinotongan ang mga negosyanteng nagpuputol ng punongkahoy kapalit ang lisensiya sa pagto-troso.

    Sariwa pa ang mga isyu kay babae kaya ang babalatan ko muna ay si lalaki.

    Diba’t kaya natanggal sa DENR si Heherson ay dahil sa isakandalong ibinulgar ng PICOP ang pangongotong na nauwi sa legal na bakbakan sa pagitan ng PICOP at DENR at Marcopper laban sa DENR na parehong pinaboran ng mga sipsip na tuta ni Gloria sa Supreme Court para sa gobyerno? Kaya naman pala ay dahil ang gusto ni Gloria ay ang Malakanyang na ang magkokontrol ng mga minahan sa Mt. Diwalwal.

    Ang resulta? Isang malaking kontrata kung saan ang kumpanyang muntik nang gatasan ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng nabukong NBN project, ay pinaboran ng mga mangongotong sa gobyerno kapalit ang maayos na pamamalakad ng PICOP sa mga trosohan sa Mt. Diwalwal, at 8,000 hanap buhay ng pinakamalaking Paper Mills sa buong Asya.

    Kung hindi ako nagkakamali ay merong report ang Vera files na si Ellen mismo ang sumulat tungkol dito. Sa kumpanyang Intsik na ZTE na naman sana napunta ang isang napakalaking bahagi ng bundok upang pagkukunan ng ginto, kapalit ang interes ng mga lehitimong magto-troso, maliliit na minahan, at malalakinglokal na kumpanyang nagmimina gaya ng Marcopper.

    Si Heherson Alvarez ay tinanggal dahil sa sapantaha ko ay “umareglo” ang PICOP ng malaking halaga, kapalit ang ulo niya. At dahil hindi makapasa sa Commission on Appointments ay tuluyan nang hindi inire-appoint ni Gloria at pinalitan ni Angelo Reyes.

    Pero hindi pa tapos ang papel ni Alvarez, malakas pa rin, isipin ninyong tinanggal si Gibo Teodoro sa meeting nila ni Obama at ang kapalit ay si Alvarez nga ang opisyal na papel ay bilang pinuno ng Anti-Global Warming efforts ng Pilipinas.

    Global Warming kapalit ng Anti-terrorism? Siyempre naman, wala namang mahuthot ang Pilipinas sa military aid ng US na kapiranggot, dito sa Global Warming malamang ay mas malaki!

    Sabi nga ni Juana Change, “KAPALMUKS”!

  11. Idol ni Gloria, thank you very much for the correction. I was rushing this piece yesterday.

  12. Tongue, korek ka dyan sa Picop with Alvarez.

    The horror story that they have of Alvarez!

  13. florry florry

    “As long as you are in the original list, you are now qualified to be a national artist.”- Caparas.

    May katangahan at pagkabobo pala itong national artist awardee ni Gloria. Hindi niya alam siguro yong mga salitang “qualified, more qualified, and best or most qualified”. Magaling nga siya siguro, pero may mas magaling at may pinakamagaling kaysa kaniya.

    OK, so, qualified siya kaya nga siya na-nominate at nakasama sa original list na nominate, pero hindi ibig sabihin bibigyan na siya ng award as national artist dahil sa elimination process doon makikita na mayroong ibang mas karapatdapat kaysa sa kaniya kaya hindi siya nakasama sa final selection. So ang defense niyang kasama siya sa original list ay sapat na yon para mabigyan siya ng award ay katwirang B-O-B-O at T-A-N-G-A.

    OK lang naman kung pakapalan ng mukha tulad ni Gloria kaya lang lalabas siya ar makikilalang isang pekeng national artist awardee galing sa pekeng presidente na may pekeng boobs.

  14. I love this Juana Change. Truth is we’re planning to invite her to Japan one of these days. Pihadong hit iyan sa mga pinoy dito.

    She deserves to get an artist award more than the sipsip Alvarez na muntik-muntikan nang mamatay di pa rin nagbago. Siguro akala nila they can bribe the gatekeeper in heaven to gain entry there.

    Heavens! Kung puede ang bribery sa langit, Diyos mahabagin!

  15. What you do not know guys was an involvement of Alvarez with the Yakuza in Japan sometime in the late 80’s. In fact, I was asked by the police to give information on this Alvarez whose name was sounded out by some Japanese caught at Japanese ports smuggling guns into Japan.

    I did not know him, then. I had heard of the wife long, long time ago when I was still a Catholic as she was active in all Catholic actions, but I had to ask my cousin who was in some gun business then about the husband. Ang dami kong narinig na kabalbalang ginagawa ng mga ungas kasi malakas sila kay Cory.

    I was told the police even asked the Philippine Embassy to cooperate in the investigation of that smuggling case pero dahil malakas nga kay Cory ang unggoy kaya walang nangyari.

    Retired na iyong in charge na detective sa kaso but I can still ask him for information on what happened on that case para ma-share dito sa blog ni Ellen. But I guess, mas maraming alam si Tongue sa kasong ito ni Alvarez na di naman malinis as a matter of fact.

  16. Napupulitika na ba ang paghirang ng ating mga National
    Artists? May dagdag-bawas na rin ba sa pagpili o botohan? Hindi sa dami ng nilikha mo ang maglulukluk sa iyo sa karangalang ibinibigay bilang national artist. The quality of your work. Ano ba ang ibig sabihin ng “significant contribution to the Filipino arts,” quality o quantity;O baka naman political connection?

  17. myrna myrna

    ang pagkaintindi nga kasi siguro ni caparas, basta na nominate, automatic panalo na!! hahahha

    isip komiks nga ang damuho, kahiya-hiyang ihanay sa mga tunay na alagad ng sining.

    pero meron akong suggestion: ganun na rin lang pagkaunawa ni caparas at ng asawa niyang si donna villa (pati na ng kanyang biggest supporter na si angie ferro), bakit hindi maglagay ng isang category pa sa sining: carlo caparas-uliran ng komiks…

    hehheheh. talo niya pa si pablo gomez at mars ravelo niyan. ganun din lang, ibinenta niya na ang sarili niya as qualified, sige, hale, pagbigyan ang damuho!

  18. Phil Cruz Phil Cruz

    The response of Alvarez and Caparas is breathtaking. Like I can’t believe it.

    When a nominee’s name is being objected to, the nominee would be expected to just keep his or peace and let the ones who nominated him/her do the defending. This is normal expected behavior.

    But no, these two nominees themselves went to town screaming and thundering that they deserve to be National Artists. Incredible.

    Where is grace, good manners and right conduct here?

  19. myrna myrna

    hindi naman kasi normal si alvarez at caparas, kaya let us not expect them to do the normal thing!

    until now, they still cannot comprehend that the real issue is: the process by which they were named by somebody who not even in my wildest dreams can be identified as an artist. (unless if artistry means having a simple dinner at le cirque!!!)

  20. taga-ilog taga-ilog

    Kapansin-pansin na sa ngayon ay tila pikit-mata na ang ginagawang kawalanghiyaan ni pandak at walang habas.

    Kasabihan ng matatanda, ganyan daw ang taong MALAPIT NG MAMATAY! Bigay-todo na at taya-bato pa ang paggawa ng kasamaan

    YEHEEEEEEEEY! Isama na rin sana si sanamagan…….

  21. Bukang Liwayway Bukang Liwayway

    Mali nga ‘yung pagkabasa at pagkasulat ng award, eh.

    Hindi ‘yun tunay na National Artist Award kundi NUNAL’s Artist Award. They being recommended, chosen and approved by THEIR president.

  22. Balweg Balweg

    Kapansin-pansin na sa ngayon ay tila pikit-mata na ang ginagawang kawalanghiyaan ni pandak at walang habas?

    Igan Taga-Ilog, sinasamantala na ni gloria ang pagkakataon kasi nga nalalapit na ang kanyang maliligayang araw…hangad nating lahat after 2010 e makita natin silang lahat e naghihimas ng rehas na bakal.

    Dapat magsipagbayad sila sa mga kawalanghiyaan na pinaggagagawa nila sa taong-bayan at dinusta nila ang Bayan.

    Opppsss…di pa ko tapos, kailangan bawiin lahat yong mga ninakaw nila at yong washing machine nila e kumpiskahin lahat.

    May problema pa tayo, ang mga abugago sa bansa natin e karamihan miyembro ng hodlums in uniform…pagtatakpan lang nila ang kabulukan ng mga kurap na yan.

    Kanino tayo ngayon lalapit upang arestuhin ang mga kurap na yan, kita mo after ng 2010 sila naman itong magiging oposisyon…kaya wala na sa pagtino ang bansa natin.

    Ano sa palagay mo?

  23. Kaya tayo walang matinong artist sa society is because we export our best people who can be our national artist…nakakasuka.

  24. Balweg Balweg

    Mali nga ‘yung pagkabasa at pagkasulat ng award, eh?

    Ang galing mo naman Igan LG sa abstract, natumbo mo…!

  25. Balweg Balweg

    Ay mali…LG, kinulang ng k ang natumbo_? Sori ha, pag si gloria kasi ang topic e nasisira ang aking vocabulary.

  26. Balweg Balweg

    Kaya tayo walang matinong artist sa society is because we export our best people who can be our national artist…nakakasuka?

    Igan Mumbaki, mostly ang IN sa ating society e miyembro ng alta sociedad ng mga elitista… i mean, sino ba ang laging nasa headline ng mga balita…di ba yaong mga naghaharing-uri sa ating lipunan.

    Galing din naman ang karamihan diyan sa mahirap na buhay, ok granted na nagsiyaman sila pero wag silang magsiastang akala mo kung sino na?

    Si Villar nga na isang bilyonaryo sa ngayon e aminado na galing din ang pamilya nila sa buhay mahirap eh, e yang si gloria paka-sipiin natin ang WWW e galing din sa hirap ang epa niya.

    Paano titino ang ating mga institusyon kung hahaluan ng pulitika at sasalahulain pa ng akala kung gasinong magaling pero ka ek-ekan lang ang alam sa pamumuno.

  27. Gabriela Gabriela

    I was told aside from Manoling Morato, Manny Pacquiao also lobbied with Arroyo to give Carlo Caparas the National Artist Award.

    Caparas is the director of Pacquiao’s movie.

  28. norpil norpil

    arroyo’s touch is the opposite of the midas touch, instead of becoming gold, it becomes mud.

  29. @balweg
    Yes,It is true that our best artists and graphic designers work for foreign companies,while the quality of our literature and arts rots…what a sad reality,someone should really make a difference…

  30. mbw mbw

    these stories are all nightmarish…parang nasa loob ng Caparas movies tayo!

  31. This is not the first time a Philippine president has conferred the high title of National Artist to someone who has not been nominated by the joint CCP and NCCA committee. Since the conception of the Order of the National Artists in 1972, it’s only President Aquino who strictly followed the process. So it just begs the question, why are we seeing this much furor and controversy this time around?

    While I agree that there’s an explicit abuse of presidential prerogative, and it should be corrected, there is nothing more abusive than these two being inducted into the Order of the National Artists. To which I say, like the appendages in Caparas’ massacre flicks, “Lord Have Mercy”.

    http://i-am-alexisjay.blogspot.com/2009/08/national-art-play.html

Comments are closed.